Connect with us

celebrity

Dimples Romana masayang naaabot na ng anak ang kanyang pangarap

Published

on

Nararamdaman ng aktres na si Dimples Romana na ang lahat ng kanyang pagsisikap ay nagbubunga na nang makita niya ang kanyang anak na si Callie na patungo sa pagkamit ng kanyang mga pangarap na maging isang piloto.

Ipinahayag ito ni Romana matapos makita ang mga larawan ni Callie na nagpapalipad ng eroplano; pagkauwi niya noong nakaraang gabi nang mag-shoot siya ng mabibigat na eksena kasama sina Jake Cuenca at direktor na si Joel Lamangan.

“Kaya pag pagod ka at ganito makikita mo sa umaga, Aba namaaaan! Sisipagin ka talaga magtrabaho eh,” aniya sa pamamagitan ng kanyang Instagram account nitong Agosto 4.

Napansin din ni Romana kung gaano kaganda ang kanyang anak sa mga larawan; gayundin kung paanong si Callie ay 18 taong gulang pa lamang habang tinutupad ang kanyang mga pangarap bilang piloto.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dimples Romana (@dimplesromana)

Ibinahagi din ng aktres na noong 10 years old si Callie, tinanong niya si Romana kung bakit nagsusumikap pa rin silang mag-asawang si Boyet sa kabila na mayroon na silang sapat na pera.

“I told her, time will come and you’ll realize that no matter how prepared you think you are for the future, we must still strive to work hard to make sure that all our kids will be provided for – not just with what they need but also with what they’ll CHOOSE to be when they get to college,” sabi ng aktres. “[Boyet, that] our kids won’t ever be pressured to ever put their other siblings to school, that’s on us as parents.”

Ganyan talaga ang mga magulang; iba ang saya kapag ang mga pangarap ng kanilang mga anak ay naaabot!

“All the many days and nights I had to be apart from them meant [my eldest daughter] gets to freely choose what she wants to be, and the many times I miss her from not being there because of shoots and tapings meant, [she] will get to do what she loves and that is -FLYING and BECOMING A PILOT,” dagdag pa niya.

“[And] thanks to [Boyet] and our home angels for making sure the kids ARE alright.”

Basahin: Dimples Romana flies to Australia to witness daughter’s 1st flight training

celebrity

Rewind: Lydia De Vega’s ‘Medalyang Ginto’ 1982 Movie, ‘Dedicated to my Countrymen’

Published

on

By

The Philippine track and field legend Lydia de Vega, ‘Asia’s fastest woman in the 80’s,  has returned to our Creator at the age of 57.

This piece of very heartbeaking news was announced by De Vega’s daughter, Stephanie Mercado de Koenigswarter, through a Facebook post on the evening of August 10.

Eleven days after  Lydia’s tracheotomy and paracentesis, the ‘Sprint Queen’ bade her last farewell. It was the Lord’s will to free her from pain and  suffering after battling beast cancer for four years.

 

The legendary Lydia De Vega was a native of Meycauayan City, Bulacan. She earned the tagline as Asia’s fastest woman and became more popular as she was a budding beauty.

She became even more popular as she wins gold after gold throughout her career in the 1980s and early ’90s. She won 15 gold medals, including the 100-meter race in the 1982 and 1986 Asian Games and the 100- and 200-meter sprint double in the Asian Athletics Championship in 1983 and 1987.

She won a total of nine golds and a silver in the 100- and 200-meter races, along with the 400-meter and the long jump in five Southeast Asian Games. Certainly a sports icon and truly deserving of a spot in ou Philippine History.

 

 

On July 28, Video 48 posted a REWIND post about the sports icon’s one and only movie.

“REWIND: Did you know that in 1982, sports hero and Asia’s sprint queen Lydia de Vega starred in a movie, “Medalyang Ginto” portraying herself, as the blurb says “the film about her controversial life— her sacrifices, her triumph against odds, her emergence as an international champion!” “This picture will make you proud that you are a Filipino,” it says.

“Ms. de Vega is back in the news again, this time in a sad note, as she is battling cancer and she needs our help, our prayer!”

“Medalyang Ginto”

Millennials probably aren’t aware that our ‘Sprint Queen’ starred in her own life story movie.

Yes, Lydia de Vega portrayed herself in this 1982  film “Medalyang Ginto”  which was produced under All-Star Films and directied by Romy Suzara. The film tackled her controversial life, her sacrifices, her triumph against challenges, as well as her emergence as an international champion; a true inspiration to the Filipinos.

Together with Lydia in the film are (late) Tony Santos, Sr., Perla Bautista, Joseph Sytangco, and Dave Brodett.

Lydia’s father was the late Francisco’ Tatang’ De Vega (portrayed by the late Tony Santos, Sr), a policeman whose rigid coaching turned her into becoming our country’s most successful and most popular female track and field athlete.

Lydia, who was among a brood of ten, first found her talent for sprinting when she was only 12. Her career spanned 17 years and to date, she remains the ‘Sprint Queen’ as no one has ever reached her track records.

Meanwhile, the Facebook page Ang Tubong Meycauayan shared this tribute post to the Hall of Famer Lydia De Vega:

(Photos courtesy of Simon Santos, Video 48)

Continue Reading

celebrity

Julie Anne San Jose nagwagi ng Silver Award sa New York Film Fest 2022

Published

on

By

Ang singer-actress na si Julie Anne San Jose ay nakakuha ng silver award sa 2022 New York Festivals for TV and Film para sa kanyang musical special na “Limitless.”

Masaya ang mang-aawit sa pagkuha ng parangal para sa kanyang “passion project” habang ipinapakita ang kanyang tropeo sa kanyang Instagram page noong Martes, Agosto 9.

“Hanggang ngayon, still surreal. A silver award from New York Film Festivals 2022 for our passion project, #LimitlessMusicalTrilogy. This is truly a milestone!” sabi niya. “Limitless love and dedication, Limitless fam. To God be the glory.”

Natanggap ng “Limitless” ang parangal sa ilalim ng “Variety Special Category” batay sa isang release ng New York Festivals.

Unang inihayag ni San Jose sa pamamagitan ng pag-post sa Instagram noong Abril na siya nga ay nominado sa New York Festivals.

“When the pandemic hit, the whole world stopped. But like every other artist, it takes a step forward to find purpose, to feel alive again. So, I embarked on this journey with my team from Mindanao, to Visayas and to Luzon – it has reignited the fire within me. I have found myself, I am whole again,” saad ng aktres noong naging nominado siya.

Kabilang sa mga celebrity na bumati kay San Jose sa pagkapanalo ng silver award ay sina Ogie Alcasid, Carla Abellana, Garrett Bolden at Rayver Cruz, pati na rin ang mga tagahanga ng singer.

“Deserve mo yan. Swerte lang ni Mariah Carey na binigay sa kanya ang gold. Very tight deliberation!”

“Very proud of our ‘Limitless Star’! 🇵🇭 Excited for our next major project”

“Congrats my love .,, you deserve it!! Always proud of you @myjaps”

“Sana more concert like this. Well deserve, ganda ng #LimitlessMusicalTrilogy mo”

Samantala, kamakailan ay nakipag-collaborate si San Jose sa kapwa mang-aawit na si Gary Valenciano para sa kantang “Di Ka Akin.” Ang kanta, na sinulat ni San Jose noong nakaraang taon, ay inilabas noong Agosto 5.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JULIE ANNE SAN JOSE (@myjaps)

Basahin: Rayver sa kaarawan ni Julie Anne, ‘Maghihintay ako kahit gaano katagal, mahal kita’

Basahin: Geneva sa nililigawan ng pinsang si Rayver: ‘Julie, we cannot wait na magkaroon ng pamangkin’

Continue Reading

celebrity

Iza Calzado sa ika-40 kaarawan ibinunyag na nagdadalantao na; ‘Life does begin at 40’

Published

on

By

“Life begins at 40 nga ba?”

Ibinunyag ni Iza Calzado na inaasam na nila at ng kanyang businessman husband na si Ben Wintle ang kanilang unang baby, sa pagdiriwang niya ng kanyang ika-40 na kaarawan nitong Agosto 12.

Inanunsyo ng aktres na malapit na siyang maging isang ina habang ipinapakita ang kanyang baby bump sa kanyang Instagram page.

Binanggit niya ang kasabihang “Life begins at 40” at inamin na marami ang nakapila na ilang “exciting projects” bago nila nalaman ang tungkol sa kanyang pagdadalantao.

“I was ready to usher in this new chapter in my life. Then you came along. Unexpectedly. You may not have been in my immediate plans but I instinctively knew that this was THE plan,” masayang pagbabahagi ng aktres.

Nagpahayag ng pasasalamat si Calzado at sinabing may magandang plano sa kanya at bagong chapter ng kanyang buhay ang Diyos.

“Something deep inside me knows that you will propel me to greater heights to soar higher than ever before in ways I cannot even begin to imagine. You will give me THE WHY, THE PURPOSE, THE DIRECTION in life, and I embrace you in my life as we build, along with Ben — your dad, a FAMILY!” aniya.

“To know that life is growing inside me is great miracle. You are my miracle. You are my guiding light,” aniya sa kanyang baby. “Thank You, Lord, for the most beautiful birthday gift. Our ABUNDANCE.”

Nagpaabot ng pagbati ang mga kapwa celebrities kay Calzado, kabilang sina Dingdong Dantes, Julie Anne San Jose, Janine Gutierrez, Dawn Zulueta at Jake Cuenca.

“Congratulations, and what a happy birthday indeed!” sinabi ni Dantes kay Calzado.

“Congratulations dear Iza, I’m so thrilled for you. I had my Ayisha when I was 40 also. You are so blessed,” ani Zulueta.

“Oh my gosh love team I’m so happy for you. Congratulations to you and Ben,” bati ni Cuenca sa mag-asawa.

Tatlong taon nang kasal sina Calzado at Wintle. Nagpakasal sila sa Palawan noong December 2018.

Continue Reading

Trending