Connect with us

celebrity

To the Rescue? Jelai Andres emosyonal sa inampong aspin, ‘Hindi nila alam ikaw ang nag-save sa akin’

Published

on

Masuwerte ang mga rescued dogs na nagkakaoon na kalaunan ng sarili nilang fur home, gaya ng aspin na si Popoy.

Kamakailan ay ipinagdiwang ang kauna-unahang “National Aspin Day”.

Isa itong espesyal na araw para sa mga Filipino dog lovers, lalo na yaong mayroong mga aspin fur babies. Idineklara ng Philippine Animal Welfare Society (PAWS) ang August 18 bilang National Aspin Day. Taong 2007 nang ginawang ‘aspin; ang termino para sa mga asong Pinoy. Hindi kasi mainam na tawaging ‘askal’ o asong kalye ang Pinoy dogs na labis din naman nating pinahahalagahan.

Kaugnay dito, sa isang Facebook post ay ibinuhos ni Jelai Andres ang katotohanan sa likod ng kuwento ng pag-ampon niya sa isang aspin (asong pinoy) na tila nakatadhana. Isang aspin kasi ang bumihag sa puso ng aktres-vlogger — si Popoy.

Sa serye ng mga larawang ibinahagi niya ay makikita ang kanilang unang pagkikita ni Popoy sa isang gawain na idinaos nila sa PAWSsion Project; isang Philippine-based non-profit organization na nagre-rescue, rehabilitate at nagrerehoming ng mga hayop na nangangailangan ng kalinga.

Pagbabahagi ni Jelai, “Si Popoy ngayon at si Popoy dati! Andito sa pic nung 1st time kita mameet napakaganda ng ngiti mo saakin at hangang ngayon mas lalong gumaganda ang ngiti mo. Isa ka sa pinakamagandang desisyon na ginawa ko! We are both finally happy!”

Naiuwi na niya si Popoy matapos nilang ayusin ang mga requirements sa pag-ampon. Kasunod nito ay ang pangako ni Jelai kay Popoy.

“I promise laging puno ang tiyan mo ng masasarap na pagkain na hndi mo nararanasan noon at di ka na matutulog sa malamig na kalye at di na magkakalkal ng basura para makakain. Di ka na matatakot dahil yayakapin kita gabi gabi sa malambot na kama! Di ka na mababasa sa ulan at matatakot sa kulog! Mamahalin kita forever anak.”

Marami ang natuwa sa pag-ampon niya ng aspin dahil kadalasan ay mga may breed ang pinag-aagawan ng mga nais umampon ng rescues. Ngunit ang katotohanan, ayon kay Jelai, hindi siya ang nagligtas kay Popoy, kundi ito ang nagligtas umano sa kanya.

“Naiiyak ako tama na! Salamat sa pagpapatigil ng luha ko nang mga panahong hindi ko na kaya at pinaglalaruan ako ng mundo. Salamat sa loyalty at happiness na walang katumbas. Sabi nila, salamat dw sa akin at nai save kita but hindi nila alam ikaw ang nag save sa akin anak ko (emoji)  Naiiyak n talaga ko tama na. Happy National Aspin day! #Popoythegoodboy #Aspin #Rescuedog #Pawssionproject “

Makikita sa mga larawan ang napasyalan nila ni Popoy at ang araw-araw halos nilang magkasama maging sa pagtulog. Ang ganda na ng pangangatawan ni Popoy. Pansinin din ang blooming na si Jelai. Happy together sila!

Basahin: Jelai Andres emosyonal sa sinapit ng kanyang mga fur babies

Matatandaan na noong Hunyo ay ibinahagi ng aktres-vlogger sa YouTube ang nakababagbag-damdaming balita kaugnay sa kanyang mga fur babies na sina Kitty at Neko na binawian ng buhay dahil umano sa tila may nanglason sa mga ito.

Pagsusumamo niya, parte ng pamilya ‘yung mga alaga, ‘wag gawaan ng masama. Wala umanong kalaban-laban ‘yung mga aso.

Iba talaga kapag mga alagang aso o pusa ang nawala dahil hindi maipaliliwanag ang sakit ng iyong mararamdaman kapag napamahal na sa iyo ang mga hayop lalo pa’t naging emotional support mo.

celebrity

PGT winner at hit singer na si Jovit Baldivino namaalam na sa edad na 29

Published

on

jovit baldivino

Tuluyan nang namaalam ang 29-anyos na singer at unang Pilipinas Got Talent (PGT) winner na si Jovit Baldivino matapos ang ilang araw na pagkaka-confine sa intensive care unit ng Jesus of Nazareth Hospital sa Batangas City.

jovit baldivino

Sa ulat ng ABS-CBN, ang network kung saan unang nadiskubre ang talento ni Jovit, kinumpirma umano ng mismong ama ni Jovit sa isang panayam na namaalam na ang aktor na unang nagkaroon ng mild stroke noong Nobyembre 2022.

“He passed away around 4 a.m. after six days of confinement due to stroke complications,” ani Hilario Baldivino.

“Masakit sa loob namin pero kailangang ipasa-Diyos namin ito,” pagpapatuloy ng ama. “Mahal na mahal ko anak ko pero mayroon din tayong Panginoon kaya kailangan tanggapin natin.”

Naimbitahan umano si Jovit sa isang Christmas party sa Batangas City, kung saan ito muling nakaranas ng stroke.

[RELATED – Jovit Baldivino nag-collapse sa isang party, kasalukuyang nasa ICU]

“Three songs lang kanta niya. Pagkatapos nakita na siya nakaupo, nakangiwi ang nguso. Nadala agad siya sa ospital, nakalakad mula ambulansya,” kuwento ni Hilario. “Nasabi pa niya na lalaban siya dahil gusto niyang mabuhay. Pero na-comatose na siya pagkatapos ng operasyon.”

jovit baldivino

Nakilala si Jovit matapos ideklarang grand winner sa PGT noong 2010. Naging matagumpay din ang kaniyang singing career at nakapaglabas ng ilang album kabilang na ang Faithfully na nag-triple platinum, I’d Do Anything For Love (Platinum), OPM Greatest Hits Volume One (triple platinum), at Jukebox na lahat ay sa ilalim ng Star Records.

Sa isang Facebook post, ibinahagi ng maybahay ng singer na si Camille Ann Miguel ang larawan nilang mag-asawa kalakip ang caption na, “Asawa ko.” Dito ay bumuhos ang mga mensahe ng pagmamahal, pakikiramay, at mga panalangin para sa hit singer.

jovit baldivino

Kaka-29 lamang ni Jovit noong October 16.

“Marami siyang pinasaya, at alam din namin mahal siya at kami ng mga tao kaya masakit man, nagpapasalamat pa rin kami sa Diyos dahil ‘yan ang tinadhana niya sa aming pamilya,” wika ng ama ni Jovit.

Continue Reading

celebrity

‘Hinagpis ng pangalawang anak?’ Alex Gonzaga tinanong kay Mommy Pinty kung bakit mukha siyang yagit noon

Published

on

By

Muling pinatawa ni Alex Gonzaga ang mga netizens sa kanyang bagong post sa Instagram feed.

Ibinahagi niya ang throwback photo nila ng kapatid niyang si Toni Gonzaga. Ang larawan ay kuha noong mga batang paslit pa sila.

Binuksan ni Alex ang kanyang nakakatawang mga saloobin tungkol dito. Pabiro niyang ikinumpara ang hitsura at suot niya sa kapatid.

Hinikayat din ni Alex ang lahat na makinig sa kanyang bagong podcast kaugnay sa karapatan bilang pangalawang anak.

“In my new podcast pag uusapan natin ang mga hinagpis ng pangalawang anak!!! Kitang kita nyo naman sa litrato kung gaano ako kayagit kumpara sa ate ko,” isinulat niya.

“Ang ate ko may yaya pa ako ni salawal at medyas wala. Ano to! You can watch and listen on Spotify! Basta pangalawang anak ka makakarelate ka dito Hahaha,” dagdag pa ng aktres.

Sa kaniyang Tiktok ay nag-upload siya ng video kalakip ang mga lumang larawan habang pinagpapaliwanag niya si Mommy Pinty kung bakit mukhang yagit siya kumpara sa kanyang ate sa mga larawan.

“Babasagin na ang katahimikan Mga hinagpis ng Pangalawang anak,” saad sa caption ng aktres sa kanyang TikTok.

Aliw na aliw naman ang mga netizen sa kanyang ibinahaging larawan at mayroong mga naka-relate sa post niya.

“Good vibes ka talaga Alex hehehehe I l0ve you palagi”

“Alex normal talaga yan sa amin din magkakaptid may bukod tangi talaga.

“Yes sis relate much! Kung baga sa juice na tinimpla ni mudra sayo ‘yung buo buo pang juice na hindi na nahalo sa tubig.”

“Pati sa sapatos na suot alam na alam kung sinong paborito.”

Napansin rin ng kanyang mga follower ang usong sapatos noon, “The Signature Shoes” ng baby noon.”

“hahahhaha…kaya love kita eh, hahahha ipaglaban ang karapatan.”

“Ganyan kasi pag panganay alagang alaga pag second child na, wala.”

Ganoon nga ba ang nagiging normal na takbo o kadalasang nagaganap sa pamilya?  hahaha  Ikuwento mo kung pangalawang anak ka rin.

Continue Reading

celebrity

Jovit Baldivino nag-collapse sa isang party, kasalukuyang nasa ICU

Published

on

By

Nag-collapse diumano ang Kapamilya singer na si Jovit Baldivino habang dumadalo sa isang party sa Batangas City gabi nitong nakaraang Linggo, Disyembre 4.

Ayon sa Facebook page na TBST (Totoong Balitang sa Southern Tagalog), isinugod sa Jesus of Nazareth Hospital si Jovit matapos bigla na lamang itong bumagsak habang nasa party.

Kinumpirma rin umano ito ng source ni Abante correspondent Ronilo Dagos na nagsabing may pumutok na ugat sa ulo ng kauna-unahang Pilipinas Got Talent (PGT) champion at posibleng aneurysm ang sanhi nito.

Naoperahan na naman daw sa naturang ospital si Jovit at nailipat na ito sa ICU kung saan nananatiling nakaratay ang singer.

Tumanggi naman munang magsalita ang pamilya ni Jovit at humihiling sila ng privacy para sa kaanak na maysakit.

Sumikat si Jovit matapos ideklarang grand winner sa PGT noong 2010. Naging matagumpay din ang kaniyang singing career at nakapaglabas ng ilang album kabilang na ang ‘Faithfully’ na nag-triple platinum, ‘I’d Do Anything For Love’ (Platinum), ‘OPM Greatest Hits Volume One’ (triple platinum) at ‘Jukebox’ na lahat ay sa ilalim ng Star Records.

Bahagyang lumamlam ang kaniyang career matapos masangkot sa kontrobersiya sa kaniyang personal na buhay nong 2021.

May kinalaman ito sa akusasyon ng kaniyang dating kasintahan na inakusahan siya ng pambababae kaya nauwi sa hiwalayan ang dalawang taon nilang relasyon na nagbunga pa ng dalawang supling.

Continue Reading

Trending