Connect with us

Philippine Showbiz

Jeric Raval ibinahagi ang bilin kay Aljur Abrenica sa usapang lalaki nila

Published

on

Inamin ng dating action star na si Jeric Raval na nagkaroon na sila ng usapang lalaki sa lalaki ni Aljur Abrenica, ang boyfriend ng anak niyang si Aj Raval.

Sa isang panayam sa entertainment reporter na si Ogie Diaz, sinabi ni Jeric na nakilatis na niya si Aljur at palagay niya ay mabuting tao naman daw ito.

Tinanong ni Ogie si Jeric kung nagmano na raw ba si Aljur sa kaniya at sinabi naman ni Jeric na nagkita na sila nito.

“Mabait naman si Aljur. Nagkausap na kami nang lalaki sa lalaki. Sabi ko, tatlong bagay lang ang hihilingin ko sa’yo, anak. Kung talagang mahal mo yung anak ko, iayos mo muna ‘yung buhay mo. Iayos mo muna ‘yung sarili mo. Lahat nasa ayos at lahat nasa lugar. So whatever happens, hindi naman lumitaw na disgrasyada ‘yung anak ko,” kuwento ni Jeric.

Pinaalala rin daw ni Jeric kay Aljur na may mga anak din siya.

“[Sabi ko,] ‘Babae yung anak ko, tol. May anak ka rin.’ Yun nga lang, lalaki yata. Na-evaluate ko naman siya, mabait naman. He’s a good person.”

Si Aljur ay hiwalay sa asawang si Kylie Padilla at may dalawang anak na lalaki sila.

Samantala, diretsahan ding tinanong ni Ogie si Jeric tungkol sa mga usap-usapang diumano ay nagdadalantao si Aj at tahasan niya naman itong itinanggi.

Payo nga raw niya kay Aj, magsalita na para matuldukan na ang mga tsismis ngunit napagod na raw ito sa paulit-ulit na intriga.

Dagdag pa ni Jeric, walang problema sa kaniya kung totoo ngang buntis si Aj.

“Saka kung buntis, e ‘di mabuti. E ‘di hindi pala siya baog. Saka ewan ko bakit ginagawa nilang problema yun kapag yung tao buntis. Pag buntis e ‘di manganak. Ang masama, ‘yung buntis na, kabuwanan mo na, hindi ka pa makapanganak. Problema yun,” biro niya pa.

Panoorin ang kabuuan ng panayam ni Ogie kay Jeric dito.

Philippine Showbiz

Arjo Atayde says proposal to Maine Mendoza more than a year in the making

Published

on

By

Actor and Quezon City 1st District Rep. Arjo Atayde admitted that his wedding proposal to fiancée Maine Mendoza was more than a year in the making.

In an interview with Kapamilya entertainment reporter MJ Felipe, Arjo said he is happy that the proposal happened at the right time.

“I have been planning [for] more than a year but I’m grateful it happened at the right time so I just waited for everything kasi may mga nangyari and everything,” Arjo said.

However, he did not give more details about how it happened, but they will share the story with everyone later.

Asked if they will get married soon or if it will be a long engagement for them, Arjo said he will let Maine decide. “You know for me that’s for her to answer. That’s Maine’s decision for now. For me, I’m just here. Whatever she wants, I’m ready,” Arjo said.

“To be honest, I’ve decided even before asking her. Anytime. So it’s just a matter of us talking and this is a big step in our life. It’s another milestone.”

Arjo added that he is grateful to Maine’s parents for being supportive from the very start of their relationship. “The parents of Maine are very loving, very understanding, very giving to me ever since and I’m very thankful.”

Arjo’s mom Sylvia Sanchez also has nothing but kind words for Maine. “Thankful ako kay Arjo kasi sa totoo lang, inakyatan niya ako ng mahal niya, mapapangasawa niya na mabuti, magalang, ma-respeto, at mabuting bata talaga.”

Sylvia’s congratulatory post for the couple touched the hearts of netizens as she told Maine that she will take care and love her like her own daughter.

[RELATED: Sylvia Sanchez tells Maine Mendoza: ‘I will take care and love you as my own daughter’]

Maine and Arjo have been in a relationship for almost four years.

Continue Reading

Philippine Showbiz

Julia Montes proud na proud kay Coco Martin: ‘Congratulations, aming Cardo Dalisay’

Published

on

By

Nagbahagi ng appreciation post ang aktres na si Julia Montes para kay Coco Martin kaugnay ng pagtatapos ng teleseryeng ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ matapos ang pitong taon.

Bukod kasi sa pagganap sa lead role ng serye, ang rumored boyfriend din ni Julia na si Coco ang nagsilbing direktor nito.

“Sa 7 taon na itinakbo ng Probinsyano … isa at Ikaw ang napakalaking parte ng Success ng buong show…,” pagsisimula ni Julia sa isang Instagram post. “Sa dedikasyon , pagmamahal at sipag na binigay mo sa show, isang karangalan na mapanuod kang magtrabaho sa FPJAP… saludo ako sa puso na binibigay mo sa lahat ng ginagawa mo…”

Dagdag pa ni Julia, pangarap lang noon ni Coco ang maging direktor ngunit ngayon ay matagumpay niya nang naisakatuparan ito kaya naman proud na proud umano siya rito.

“Mula sa pangarap lang noon , ngaun naisakatuparan mo na ang pagdidirek at ang totoo ay higit pa ang binibigay at pinapakita mo … proud na proud ako sayo! Congratulations aming Cardo Dalisay,” dagdag niya.

Ilang mga celebrity rin ang nag-iwan ng clapping emoji sa post ni Julia kagaya na lang nina Teresa Loyzaga, Isabel Oli, Cherry Pie Picache, at Rosanna Roces.

Samantala, marami ang kinilig sa eksena nina Julia at Coco na gumanap bilang Mara at Cardo sa pagtatapos ng Ang Probinsyano. Anila, kahit walang linya at nagtitigan lang ang dalawa ay damang-dama nila ang eksena.

“Ang sweet nila. The way they looked at each other. Madadali ka talaga,” komento ng isang netizen.

“Kilig to the bones naman ang ending. Yun ka. kelan kaya mauulit sa amin ganito maganda teleserye.. Nakaka miss mga ganito. sobra ganda ending,” sabi naman ni L. Pascual.

Hirit naman ng isa pang netizen, “Iba yung kilig pag alam mong real at hindi reel.”

Hiling nila, sana ay magkaroon pa ng Part 2 ang teleserye.

Continue Reading

Philippine Showbiz

Sunshine Cruz to netizens commenting on her outfits: ‘You can’t change the way I am’

Published

on

By

Actress Sunshine Cruz once again answered netizens asking her to “dress her age.”

Sunshine shared screenshots of some comments on her Facebook post. “What happened to you? Wala ka na sa edad para magpopost ng ganyan,” one said.

“Kasawa rin yung puro ganyan itsura niya. Wala ba sya damit?” another netizen commented.

But for Sunshine, it is not wrong to wear clothes that make her feel pretty, confident, and happy.

“Sa mga kababaihan at kalalakihan who still believe na may category ayon sa edad ang pananamit, pasensya na po, I will not let any of you control or change the way I am,” aniya.

“I love dressing up, I love wearing my own creations na crochet tops, I enjoy going to the beach with my children so expect to see more of me dito sa aking sariling facebook page.”

She also told those who do not like to see her posting her outfits of the day (OOTDs) to just unfollow her.

“If my posts of my/our clothes bother you, kindly unfollow po for your own peace of mind.”

This is not the first time that Sunshine replied to a netizen commenting about her clothes. Sunshine also calmly answered a netizen months back and said that she does not believe that there is a chart of attire according to age.

[RELATED: Sunshine Cruz kalmadong sinagot ang basher kaugnay sa kanyang ‘teenager attire’]

“Kailangan po ba ang attire ko like yours para masabing tama ang suot? I don’t think may chart ang attire according to age. Basta happy at confident go lang po! Walang bawal at masama,” she said.

Meanwhile, netizens also backed Sunshine and told her to just keep on doing whatever makes her happy.

“Continue to spread body positivity Ms. Shine! Palaging may masasabi sa atin ang mga tao, kahit ano pa ang gawin mo. Piliin nating lagi kung anong magpapasaya sa atin,” C. Mariz said.

Continue Reading

Trending