OFW
Libangang may pakinabang: Pinoy ‘Farmville’ sa Italy kumikita ng higit €2,000 tuwing summer season
Published
5 months agoon
By
Joyce
Muling naghahatid ng inspirasyon ang isa nating kababayan sa bansang Italya.
Sa isang feature ng Kapamilya Network via TFC News ay ibinida muli ang Pinoy na madiskarte at ubod ng sipag na si Lino Gutierrez Mandigma. Sipag at tiyaga umano ang puhunan ng isang overeseas Filipino worker (OFW) sa Italy upang magkaroon ng extra income para sa pamilya.
Siya ay nagtrabaho sa Parma, Italy bilang isang household service worker simula pa noong 1999. Dati siyang guro sa elementarya sa Pilipinas.
Libangan na may kita
Ang pangarap niyang magkaroon ng sariling farm ay nanatili umano sa kanyang isip at puso kaya kahit ang maliit na espasyo sa kanilang tinitirhan ay tinaniman niya ng mga gulay.
Nang makabisado na niya ang klima at mahusay na pag-aalaga ng tanim doon ay nagrenta na siya kalaunan ng bakanteng lote mula sa pamahalaan ng Italian. May sukat itong 150 square meters at binabayaran niya ng 90 euros kada taon o katumbas ng humigit-kumulang limang libong piso.
Mahigit dalawang dekada (23 taon) na siyang nagtatanim ng mga gulay bukod sa kanyang pagiging household service worker at barbero.
Paglalahad pa niya, naging malaking tulong ang kanyang pagtatanim lalo na nitong pandemya. Hindi ito madali dahil kailangan ng masinop na pag-aalaga, ngunit para kay Lino, kapag may passion tayo sa isang bagay o gawain, nagagawaan ito ng paraan.
Pinakamainam umanong magtanim sa Italy tuwing summer – mula Hunyo hanggang Agosto – dahil ang araw ay lumulubog halos alas-nuwebe na ng gabi. Kahit daw galing sa trabaho ay marami pa siyang oras para sa kanyang hardin.
Tuwing summer ay umaabot umano sa 2000 euros o P100,000 ang benta niya sa mga gulay na inani.
Ang klima doon kapag summer ay kahalintulad umano ng klima sa Pilipinas, Ang maganda raw sa Italy ay sagana ang water supply kaya walang problema sa pagdidilig.
Halos lahat na yata ng gulay na nababanggit sa kantang “Bahay Kubo” ay mayroon sa kanyang hardin. Ang amplaya raw ang pangunahing gulay na pananim niya dahil iyon ang pinakamabili sa mga kapwa Pinoy na nasa Italy. Kasunod ay ang bawang at sibuyas.
Kapag malamig ang panahon ay nagiging mas maganda ang mga bunga ng tanim niya dahil kakaunti lang ang mga insekto.
Nito lamang Agosto 22 ay nagbahagi siya ng isang Facebook video ng kanyang ani. Aniya, “Another bountiful harvest in the month of August in my garden here in Italy.”
Aba, huwag isnabin. Ang gaganda ng kanyang mga ani ha. Masuwerte ang mga Pinoy doon at hindi nila mami-miss ang dininding at pinakbet.
Isa pang pinagkakaabalahan niya ay ang kanyang YouTube channel na Lino Mandigma TV na may 3,600 subscribers. Dito niya ibinabahagi ang kanyang ‘farmville’ activities at mga tips. Ang iyong pagtangkilik ay kanyang pasasalamatan!
Para kay Lino, nag-eenjoy ka na, may dagdag kita ka pa!
Panoorin ang Kapamilya video niya:
OFW
OFW sa Kuwait pinasalamatan ang mabubuti niyang amo; nakapagpatayo na ng sariling bahay
Published
4 months agoon
September 21, 2022By
Nami
Isang OFW sa Kuwait ang nagpapasalamat sa kanyang mabubuting amo sa palaging pagsuporta sa kanya at sa kanyang pamilya sa nakalipas na pitong taon na kasama niya ang mga ito.
Ibinahagi ni Analyn Barrameda Basila sa Kami ang mga paghihirap niya na malayo sa kanyang pamilya – at iyon ay isang bagay na madaling makaka-relate ang karamihan ng mga OFW.
Pitong taon na umanong naninilbihan si Analyn sa Kuwait. Bagama’t hindi siya nakauwi sa nakalipas na apat na taon dahil sa pandemya, suwerte pa rin siya na mayroon siyang magandang trabaho kasama ang mabubuting amo sa Middle East na itinuturing siyang pamilya.
“Ang pagiging ofw ay napakahirap sa katulad naming may mga anak na iniwan sa pinas. Subalit ang hirap na ‘yun ay napapalitan ng saya kapag nakikita kong nasa maayos sila at naibibigay ko ang mga pangangailangan nila,” aniya.
Nagpapasalamat din siya na binibilhan sila ng kanyang amo ng pagkaing Pinoy at binibigyan umano ng day off at nababayaran sa tamang oras.
Binibilhan pa nga ng ‘pasabulong’ ang kanyang mga anak at nanay tuwing uuwi umano siya sa Pilipinas.
“Sobrang mababait! Napaka suwerte ko po dahil sila ang naging amo ko for almost 7 years dahil parang kapamilya ang turing samin. Like sa food, binibilhan kami ng pagkaing pinoy, may day off kami, on time magpa sahod, laging kinakamusta ang mga anak at magulang ko, kapag nagbabakasyon pati mga anak at nanay ko may pasalubong sila, nagbibigay ng kung ano-ano para sa pamilya ko sa pinas, at higit sa lahat open po kaming makipag usap sa pamilya namin. Pa swertehan sa amo talaga. Ang sarap bumalik balik kapag nakatagpo ka ng mabubuting amo,” dagdag pa niya.
Salamat sa kanyang mga amo at sa kanyang trabaho sa Kuwait dahil nakapagpatayo na si Analyn ng bahay para sa kanyang pamilya at nasusuportahan din niya ang mga pangangailangan ng kanyang mga anak na nasa grade 11 at 3.
Marami rin daw natulungan si Analyn na mga kapwa OFW na ibinalik sa agency na napunta ngayon sa mga pamilya ng sarili niyang amo
Napuri naman si Analyn ng netizens dahil hindi niya hinayaang masayang ang kanyang pagsasakripisyo para sa kanyang pamilya. Tugon niya rito, dahil unang una iniisip niya umano kung ano yung dahilan kung bakit siya lumayo sa pamilya, at pangalawa nakakahiya kung magloloko siya dahil mayroon na siyang binatang anak. Para sa kanila ang kanyang pagsisikap.
Inspiring
OFW in Italy shares he earns extra by growing vegetables on his ‘Bahay Kubo’
Published
7 months agoon
July 9, 2022By
Joyce
Having “sipag at tiyaga” – these are the traits that an overeseas Filipino worker (OFW) in Italy is continuing to practice to have a healthier life while earning extra for his family back in the Philippines.
Lino Gutierrez Mandigma has been working in Parma, Italy as a domestic helper since 1999, after he left his job as an elementay teacher in his home country.
He brought with him his dream to have his own farm; hence, he converted some small space into a small garden to plant some vegetables where they stay. Later on he decided to rent a vacant lot from the Italian government; the size of which was reportedly around 150 square meters which cost him 90 euros every year (more or less P5,200).
Almost all the vegetables mentioned in the local song ‘Bahay Kubo’ could be found in his garden, including ” talong, kamatis, sitaw, patola, upo, kalabasa, mustasa ampalaya and luya”. He also ha “petsay, gabi, kangkong, sili, saluyot, okra, kamote, malunggay, alugbati, letsugas and pipino”.
His bestseller, however, is ampalaya or bitter gourd. Fellow Filipinos in Italy seek out his bitter gourd! Coming next in his top sellers are onions and garlic.
He said he is able to sell his ampalaya and kangkong for 5 euros per kilo (around P290) while , the bottle gourd or ‘upo’ sells at 3 euros per piece.
Lino shared the best time to plant in Italy is every summer – from June to August. The sun usually sets at 9 in the evening so after work he still finds the time to work on his ‘farm’.
Summer time there, he shared, is similar to the climate in the Philippines. The good thing about having a farm in Italy is there’s an abundant supply of water so he has no concerns on that aspect.
He happily disclosed that in the summer of 2020 he was able to earn 2200 euros (P128,000 more or less) from his harvest. Amazing!
When the climate is cool he has better harvest, he said, as there are less insects.
Aside from earning extra from his farm, planting keeps him preoccupied and lessens his homesickness.
He shares videos of his garden’s harvest through his YouTube channel, Lino Mandigma TV. It would make him happy to get your support via likes and subscription. Enjoy his vlogs!
In a recent video he shared, “Paganda na nang paganda ang ating bahay kubo dito sa Parma Italy.”
Inspiring
Pinoy na nagtatrabaho sa isang royal family sa Saudi Arabia, nalibot na ang iba’t-ibang bansa
Published
7 months agoon
June 18, 2022By
Nami
Isa sa mga pangarap ng maraming Pinoy ay ang kagaya ng sa isang OFW na si Salvador Palma Esguerra Jr. –makapaglakbay sa iba’t-ibang bansa.
Si Salvador, 40-anyos, ay isang private nurse ng isang royal family sa Saudi Arabia. Dahil sa trabaho niya ay nakakapaglakbay siya sa iba’t-ibang bansa.
Ayon sa panayam ng Philippine Star kay Salvador, nagpapasalamat ito dahil nakatagpo siya ng mabait na employer.
“Nagpapasalamat ako sa Panginoon na binigyan ako ng ganitong employer na mabait. Sinasama ako sa iba’t-ibang lugar gaya ng Germany, London, Egypt, Dubai, Monaco, Barcelona, Rome at nakapag-cruise sa ibang lugar.”
Umalis si Salvador sa Pilipinas noong 2017 at umaasang makapagbibigay ng magandang kinabukasan para sa kanyang pamilya.
Sa kabila ng pagkakaroon ng trabahong kinaiinggitan ng marami, sinabi ni Salvador na hindi madaling magtrabaho nang milya-milya ang layo sa kanyang pamilya.
Kinailangan niyang tiisin ang mapalayo muna sa pamilya dahil sabik siyang magbigay ng komportableng buhay para sa mga ito.
Kasalukuyang naninirahan sa Binmaley, Pangasinan ang asawa ni Salvador at ang kanyang dalawang anak.
“12 hours ang working hours ko pero kahit papano kaya naman. ‘Di gaano kalakihan ang sweldo ko dito pero bawi naman sa travel allowance. Kaya nakapag pundar ako ng two-storey house. Hopefully matapos na next year in God’s time,” pagbabahagi niya.
Bukod sa paglalakbay sa iba’t-ibang bansa, nasubukan na rin ni Salvador ang ilang mga luxury food items at mga high-end na karanasan.
Pero gaya ng ibang OFW, nag-iipon si Salvador para makasama na niya ang kanyang pamilya.
“Napakahirap ang isang OFW na malayo sa pamilya pero gagawin ko hangga’t makakaya ko para sa pamilya ko. Nand’yan ang homesickness pero need mag-ipon at mag-invest, dahil hindi habang buhay ang pag-a-abroad.”
Kahit sino namang OFW ay gagawin ang lahat para sa ikagaganda ng buhay ng kanyang pamilya, para may makain sa araw-araw at para hindi maranasan ang kahirapan. Iba rin kasi ang may naipundar at naitabi para sa kinabukasan.

Nade-develop na ba? Francine nilinaw ang totoong ugnayan nila ng FranSeth other half na si Seth

‘Forever favorite?’ Netizens relate sa butas na damit pambahay ni Marvin Agustin

‘My forever love’: Gladys, Christopher ipinagdiwang ang kanilang ika-30 anibersaryo

Otin G ido-donate sa charity ang kaniyang kinita sa TikTok Live

Ryssi Avila, ipinakilala ang kaniyang ‘Anghel’

Tickets para sa Araneta concert ni Toni Gonzaga mahina ang bentahan?

Ama ni McCoy de Leon sa hiwalayang McLisse: ‘Hiyang-hiya ako sa nangyari’

Bag ni Heart Evangelista na nagkakahalaga ng P20-M usap-usapan sa socmed

KMJS video ng love story nina Boy Tapang at Fil-am GF naka-10M views na sa loob lamang ng isang araw

Kyle Echarri pens heartfelt message for sister battling serious condition
Trending
-
Philippine Showbiz3 days ago
‘Sorry to all the Marites’: Maureen Wroblewitz clarifies she has no ‘tea’ about her ex
-
celebrities2 days ago
McCoy De Leon, Elisse Joson nagkabalikan na nga ba?
-
entertainment3 days ago
’20 years of friendship’! Erik Santos! Sarah Geronimo at Rachelle Ann Go muling nagkasama-sama
-
entertainment1 day ago
‘My forever love’: Gladys, Christopher ipinagdiwang ang kanilang ika-30 anibersaryo
-
Philippine Showbiz2 days ago
Ryssi Avila, ipinakilala ang kaniyang ‘Anghel’
-
Uncategorized4 days ago
Maureen Wroblewitz opens up on past relationship, says she’s still working on herself
-
Philippine Showbiz5 days ago
Jennica Garcia inaming binalak mag-OFW matapos mahirapang makakuha ng project
-
celebrity1 day ago
Otin G ido-donate sa charity ang kaniyang kinita sa TikTok Live