Connect with us

News

P50k cash incentive ibibigay sa magdiriwang ng 50th wedding anniversary sa Malaybalay City

Published

on

May forever na, may P50k cash incentive pa ang mga mag-asawang magdiriwang ng kanilang ika-50 anibersaryo sa Malaybalay City, Bukidnon matapos ang inilabas ditong “Golden Wedding Anniversary Ordinance.”

Ayon sa co-author ng ordinansa na si Councilor Niko Aldeguer, layunin nitong bigyan ng pagkilala ang mga mag-asawang may matatag na samahan lalo na at ang pamilya ang itinuturing na pundasyon ng lipunan.

Imahe mula sa Unsplash | Joshua Hoehne

Ayon sa inilabas na ordinansa, nais nitong hikayatin ang mga mag-asawa na panatilihing matatag ang kanilang pagsasama.

“To encourage the continuity of faithful union of married couples and respect the sacrament of marriage vows… in order to promote and save family solidarity and our long Filipino tradition, an incentive will be given to those who will celebrate their golden wedding anniversary,” saad sa ordinansa.

Ani Councilor Aldeguer, bihira na lang ngayon ang mga mag-asawang umaabot ng ika-50 anibersaryo kaya marapat lang na kilalanin sila.

“In these times, it is seldom we get to see marriages reaching 50 years. This is a way of recognizing their contribution to the community because of their strong family and foundation to our society,” aniya, ayon sa PNA.

Maaari itong matanggap ng mga permanenteng residente ng Malaybalay sa loob ng anim na taon.

Sakop din ng ordinansang ito ang mga Muslim at iba pang tribal polygamous weddings ngunit tanging ang unang kasal lamang ang makatatanggap ng incentive.

Imahe mula sa Unsplash | Nina Hill

Upang makatanggap ng P50k incentive, dapat ay valid ang kasal at naka-register sa City Civil Registry ng Malaybalay City. Hindi na makatatanggap nito ang mga mag-asawang hiwalay, kahit hindi pa ito dumadaan sa legal na proseso.

Nagpasalamat din si Councilor Aldeguer sa kaniyang co-author na si Louel Tortola at sa mga miyembro ng city council sa pagsuporta nito sa ordinansa.

Samantala, sa comment section ng kaniyang anunsyo sa Facebook ay nilinaw niyang iyong mga magdiriwang lang ng kanilang ika-50 anibersaryo matapos ilabas ang ordinansa ang makatatanggap ng pabuya.

News

‘Liter of Light’, nagbigay ng ideya at liwanag sa mga Pinoy para makatipid sa kuryente

Published

on

By

Tuwing katapusan ng bawat buwan, pinoproblema ng marami si “Judith” o ang kanilang due date sa mga bayarin gaya ng kuryente, tubig at iba pa.

Kabilang sa pinoproblema ng marami ay ang gastos sa pagkonsumo ng kuryente. Mayroon din namang mga lugar na may kakulangan sa kuryente. Kung puwede lang sana ay magkaroon ng kuryente na hindi naman mabigat sa bulsa. Kaya naman may isang organisasyon na bumubuo ng solar lights na tipid sa kuryente at nagbibigay ng liwanag sa mga tahanan.

Ayon sa panayam ng “iJuander”, sinasabing base sa datos ng Department of Energy noong 2021, nasa 1.62 milyong kabahayan sa bansa ang hindi naaabot ng kuryente.

Nariyan ang Nursery Compound sa Barangay Talon Dos sa Las Piñas City na diumano ay limang taon nang wala pa ring kuryente kahit nasa siyudad lamang sila.

Nasa 100 pamilya ang naninirahan sa compound, at ang iba ay nagbabayad ng P70 kada gabi para makigamit ng generator at mailawan ang kanilang tahanan pagsapit ng dilim.

Ang ilang komunidad naman ay gumagawa ng paraan sa paglikha at paggamit ng solar lights na ibinabahagi ng Liter of Light Foundation.

Liter of Light Foundation

Ayon sa kanilang website, ang Liter of Light ay isang ” global, grassroots movement commited to providing affordable, sustainable solar light to people with limited or no access to electricity.”

Sa pamamagitan ng network of partnerships sa buong mundo, ang mga volunteers ng Liter of Light ay nagtuturo sa mga marginalized na komunidad kung paano magagamit ang mga recycled plastic bottles at locally sourced na materyales para mapaliwanag ang kanilang mga tirahan, negosyo at mga kalsada.

Ang isang solar light nila ay binubuo ng LED, switch, jack na isasaksak sa pagkukuhaan ng solar power, at recycled bottle na magsisilbing diffuser. Malaking tulong ito sa isang komunidad lalo na’t sila ay hindi naaabot ng kuryente.

Hindi na ito mangangailangan pa ng kuryente dahil ito ay ibinilad sa araw para makahigop ng energy para makapagbigay ito ng liwanag. Hindi lang sa Pilipinas nagagamit ang naturang proyekto. Mayroon na rin nito sa 32 na bansa.

“Yung importante kasi sa amin is makita ng mundo na ang mga Pilipino ay hindi lang siya nangangailangan palagi at humihingi ng tulong, pero ‘yung mga ideas niya ay nakatutulong rin sa iba,” paliwanag ni Illac Diaz, founder ng Liter of Light Organization.

Ang Liter of Light technology ay kinilala na ng UN at ginagamit na sa ilang UNHCR camps. Kabilang sa mga pagkilalang natanggap na nito ay ang 2016 St. Andrews Prize for the Environment, ang 2015 Zayed Future Energy Prize, at nagwagi na rin sa 2014-2015 World Habitat Award.

Samantala, alamin natin kung paano nga ba ginagawa ang isang solar light na kaya nang buuin ng sinumang nais gumamit nito. Panoorin ang video na ibinahagi ng iJuander.

Continue Reading

entertainment

Vina sa Musa billboard, pagrampa sa ‘NY Fashion Week’: ‘I am happy that I did the runway for a good cause’

Published

on

By

Ipinakita ni Vina Morales ang paglabas niya sa Musa billboard at pagrampa sa New York Fashion Week para sa isang advocacy event na naglalayong tulungan ang mga bilanggo at mga katutubong grupo sa Davao del Norte noong Sept 14.

“Musa Billboard was up at Time Square New York for the New York Fashion Week for Musa Fashion Event held yesterday @hoteledison . I would like to congratulate my dear friend designer @musafabric_by_joysoo (emoji) I am happy that i did the runway for a good cause (heart) Didnt have a 2nd thought doing it coz i support Musa Advocacy  <3  Will be posting more Photos and Videos soon!!!” caption niya sa kanyang IG post noong Sept 13


Rumampa ang mang-aawit na nakasuot ng berdeng Joy Soo dress na may makulay na corset at John Cloma beadwork, na itinerno sa isang makulay na floral na headpiece. Makikita ito sa kanyang Instagram post, Setyembre 14.

“Such an honor to do the grand finale walk at the New York Fashion Week of Musa event for a good cause. The Musa Advocacy that I am supporting helps the prisoners and indigenous tribes in Davao del Norte to have better lives,” aniya.

Nagbahagi din siya ng trivia patungkol sa kanyang lola sa tuhod na nagpakasal sa isang amerikanong sundalo.

“A little trivia is that my great great grandmother who married an American soldier during the war is from a Tagakaulo tribe which originates from Davao del Sur.”

Pinasalamatan din niya ang kanyang kaibigang designer para sa kanyang tagumpay at sa adbokasya.

Aniya, “I congratulate my co Bisaya friend designer @musafabric_by_joysoo for the success and for this advocacy, I will continue to support in any way I can.”

Kasalukuyang nasa Estados Unidos si Morales para magdaos ng mga solo show sa ilang lungsod doon. Nagtanghal din siya kasama ang American musician na si Jim Brickman sa ilang mga sinehan sa California noong Hulyo at Agosto.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Vina Morales (@vina_morales)

Continue Reading

News

Municipality of Tanza, Cavite implements ‘1 kilo of rice in exchange of 1 plate of mosquitoes’ program

Published

on

By

One kilo of rice will be given to those who catch a plate of mosquitoes in Barangay Sanja Mayor in Tanza, Cavite.

That’s what was shared in a Facebook post by someone named “Jade Blancaflor”, admin of Borland Health Center in Barangay Sanja.

“1 Platong Lamok= 1 Kilong Bigas…”

“Marami pong salamat sa mga nakiisa sa programa ng ating Brgy. sa Pangunguna po ng ating Brgy. Captain Pedro Aricayos at sa Buong Sangguniang Brgy.”

“Kapalit ng 1 platong lamok ay ang 1 kilong bigas..Makiisa, Makibagahi upang masugpo ang sakit ng Dengue. Maraming Salamat.” according to her caption.


This is one of the barangay’s programs to address the increasing cases of dengue in the town which is now under a state of calamity due to the outbreak of the disease.

“Siguro po ay natatandaan n’yo pa rin ‘yung kabataan ninyo na ang ang ating mga magulang ay may ganyang style: isang plato na lalagyan ng oil, iwawasiwas sa may maraming lamok at talaga naman pong nakakahuli,” sabi ni Peter Aricayos, kapitan ng Barangay Sanja Mayor, ayon sa panayam ng ABS-CBN News.

The resident must use a plastic plate that will be rubbed with lard or oil and then used to catch mosquitoes whre it abounds..

There is no set number as to how many mosquitoes need to stick to the plate.

“Kailangan po naman na kahit papaano ay makitang marami [ang dumikit na lamok], pero napakahirap po namang punuin iyon,” ani Aricayos.

Those who can bring a platful to the barangay until September 30 will receive a kilo of rice.

The barangay allocated arround 10 cavans of rice for this program.

Apart from this, the widespread cleaning in the town is also in full swing to eradicate the possible mosquito-infested areas.

The local government is meeting residents for proper methods to prevent dengue.

They also distribute anti-dengue supplies to schools and areas with high cases of the disease.

Around P8 million has been released from the quick response program of the Municipal Disaster Risk Reduction and Management Fund of Tanza to address the dengue outbreak there.

Meanwhile, let’s all help keep our surroundings clean.

Continue Reading

Trending