Social News
Baguio City mall employees commended for returning P600k they found
Published
7 months agoon
By
Jam
The City of Baguio Public Information Office (PIO) commended two mall employees for returning a bag containing P600k to its owner.
In a Facebook post, Baguio City PIO initially commended security guard Rodney Visperas of Sapher Security Agency. He, “without second thought turned it over to be returned to the owner.”
But they later updated their post and said that aside from Visperas, store merchandiser Amani Sarip is also to be commended for calling the attention of Visperas.
“SM City Baguio clarified that it was not only security guard Rodney Visperas who manifested an act of honesty that resulted to the safe return of the lost P600,000 to its owner last Aug. 27, 2022,” Baguio PIO also said.
“The company also commended store merchandiser Amani Sarip who first spotted the lost bag and pointed it to Visperas. Visperas then turned over the find to their superior. Salute to both of you, sir and ma’am!”
Meanwhile, netizens expressed their admiration for the two.
“Sana po ay tularan kayo ng marami. Malaki o maliit man na bagay na dapat isaulo sa nagmamay-ari. God will bless you more than what you did. Saludo po ako sa inyo mam and sir,” Charity T. commented.
“Job well done for being honest and being kind. Sana tularan kayo ng marami…. May you be bless more than anything else… God bless you both,” another commented.
Meanwhile, another netizen said that she is happy that they were not blinded by “easy money,” especially since someone else worked hard for that money.
“Minsan hindi solution ang easy money para umangat ang buhay. Ang pagiging honest at pagpapahalaga sa alam natin na pinagpaguran ng iba at pagsauli ng bagay na hindi natin pinagpaguruan, hindi man sa ngayon, but God is always watching those people with a good heart ang purity of conscience. I salute u sir n mam.”
Philippine Showbiz
Madam Inutz ipinasilip ang muling pagkikita ng kanyang Ex at anak nila
Published
2 weeks agoon
March 8, 2023By
Jam
Labis ang saya ng online personality na si Madam Inutz matapos muling magkita ang anak at ang kaniyang ex-partner matapos ang dalawang taon.
Paliwanag ni Madam Inutz, ngayon na lang ulit nagkaroon ng pagkakataon ang ex na bumisita sa Pilipinas kaya naman masaya siya para sa anak na si Jade.
“Nagbabalik yung ex ko, hindi para sa akin. Siyempre para makita ang nag-iisa naming anak,” pagbibiro ni Madam Inutz sa panimula ng ibinahaging vlog.
“Ngayon pwede na ulit mag-travel, open na ulit lumabas ng bansa. So ang daddy niya, nagka-chance na uli na makauwi dito sa Pilipinas.”
Paliwanag niya, wala siyang nararamdamang galit o bitterness sa kaniyang ex dahil pinili na niyang patawarin ito.
“No bitterness, no hate, just love for my daughter lang talaga. Mas maigi na piliin natin na maging open tayo sa mga ex natin. Yun bang wala tayong hinanakit, wala tayong bitterness, wala tayong hate para sa ating mga anak. At saka mas nakakaluwag sa mga damdamin natin yung wala tayong galit. ‘Ika nga, patawarin mo ang mga taong nagkasala sa’yo,” aniya.
Payo niya sa mga kagaya niyang hiwalay sa partner o asawa, huwag idamay ang bata sa hidwaan nila.
“Pag may hindi magandang nangyari sa inyong dalawa, ‘wag n’yo nang idamay sa hidwaan n’yo yung anak nyo. Mas maganda yung maging friends kayo para yung anak nyo, kahit hiwalay kayo, nagagabayan pa rin natin siya. Hindi napuputol yung communication nila kahit sa phone lang, video call.”
Nang makita ni Jade ang kaniyang daddy ay agad niya itong sinalubong ng yakap. Nakausap din ni Madam Inutz ang bagong karelasyon ng ex at sinabing may tiwala siya rito.
“Napakasaya ko kasi masaya yung anak ko. Yun naman yung importante. Kaligayahan ng ating mga anak. Katulad niyan, nakita ko masaya yung anak ko, ang sarap sa pakiramdam. Ganun dapat,” sabi pa niya.
Inspiring
Zoe Gabriel brand ambassador na ng Charles & Keith
Published
2 weeks agoon
March 6, 2023By
Jam
Bumuhos ang suporta para kay Zoe Gabriel, ang Pinay na na-bash noon nang ibahagi sa TikTok ang “luxury bag” na natanggap mula sa kaniyang ama. Ngayon kasi ay brand ambassador na siya ng Charles & Keith.
Kabilang si Zoe sa International Women’s Day campaign ng brand.
“Zoe Gabriel, Content Creator and CHARLES &KEITH’S Brand Community Ambassador, with the purple Alia bag. The launch of this special iteration of the Alia bag is in support of UN Women’s ‘Storytelling for Gender Equality’ programme,” sabi ng Charles & Keith sa kanilang Instagram post.
Samantala, ibinahagi rin ni Zoe sa kaniyang Instagram account ang kaniyang larawan, kabilang na ang kaniyang mensahe para sa International Women’s Day.
“Women are like flowers: our time and needs to grow may not always align, but that is okay. We are like fields of poppy and lakes of lotus – diverse and bold in our differences, beautiful in our own ways,” pahayag niya.
“This International Women’s Day, let us celebrate with compassion. Let us celebrate with equality through equity, the way flowers do.”
Matatandaang matapos mag-viral ang kaniyang video noon ay sinabi ni Zoe na bagama’t hindi “luxury” para sa iba ang bag na ibinigay ng kaniyang ama ay malaki ang pasasalamat niya dahil alam niyang galing ‘yon sa pagtatrabaho niya.
“To you, an $80 bag may not be a luxury, but for me and my family, it is a lot. And I’m so grateful that my dad was able to get me one. He worked so hard for that money. I can’t believe I got hate over a bag I was so excited to have,” sabi niya sa isang TikTok video.
Naimbitahan na rin si Zoe sa headquarters ng Charles & Keith at laking pasasalamat niya sa pagkakataong ibinigay sa kaniya.
“We had the chance to sit down with Keith and get to know their company a little better. Thank you to everybody who has shown their support!!! Without you, we would never be here,” pagpapasalamat niya.
Samantala, marami naman ang nagpaabot ng pagbati kay Zoe. “Woooww just wowww the first brand ambassador I’ve heard not because she was famous for looks or lifestyle. But a brand ambassador who got famous for spreading positivity and good manners. Turning negative critics to a life lesson for everyone,” sabi ng isang netizen.
Inspiring
Viral na estudyanteng naiyak sa accounting problem noon, unti-unti nang naaabot ang pangarap ngayon
Published
2 weeks agoon
March 5, 2023By
Jam
Naaalala mo pa ba ang estudyanteng nag-viral noon matapos umiyak dahil sa accounting problem na hindi niya masagutan?
Kamakailan lang ay nag-post siya upang ibahagi ang mahalagang milestone sa kaniyang buhay – nakapagpa-renovate na siya ng bahay at nakabili na rin ng sariling sasakyan.
Kuwento ng content creator na si Banessa Raya, nang mag-viral ang kaniyang video ay may matinding karamdaman ang kaniyang ina kaya naman ganoon na lamang ang paghahangad niyang bigyan ito ng magandang marka.
“Sobrang grade conscious ko para makakuha ng mataas na grade para mabigyan ko siya ng medal. Minsan hirap na hirap na ako kasi di naman ako matalino, masipag lang. Nakagraduate naman ako kaso nga lang hindi na naabutan ni mama since she passed away last 2019,” pagbabahagi niya.
Nang mawala ang kaniyang ina ay pinag-aral siya ng naging boss nito. Bukod dito ay ginamit din nila ang natatanggap na pension ng kaniyang ina at ang noo’y maliit pa lang na sweldo sa pagiging content creator.
“Nakagraduate ako ng college sa FEU pero at the same time nag freelance ako mag-TikTok. Nabuhay kaming tatlo ng lolo at lola ko na ginamit namin ung SSS ng mama ko plus income ko sa TikTok na maliit lang nuon. Nag-boom mga videos ko, hindi naman ako maganda. Makulit lang. siguro talagang binigay ni Lord ‘to sakin,” dagdag niya pa.
Nagkasakit din ang kaniyang lola at kalaunan ay pumanaw ito kaya naman bagama’t masaya sa mga nararating ay may kirot din siyang nararamdaman dahil wala na ang dalawa sa mga taong gusto niyang pag-alayan ng tagumpay.
“Ang medyo makirot lang ay wala na yung mga pinaglalaanan ko ng meron ako neto. Pero naisip ko they are watching from above. Yung hirap na dinanas ko bilang ulila lahat ng yun may balak pala si Lord sa akin. Basta magtiwala at maniwala ka sa Kanya,” sabi pa ni Banessa.
Ngayon ay kuntento na raw siya sa kung anong meron siya at wala na siyang ibang hiling kundi ang masayang buhay.
“Wala na akong hihilingin pa kundi maayos na buhay at masayang buhay, hindi ko na need ng sobrang laking bahay sobrang mamahaling gamit. Masaya na ako kung ano ang meron ako ngayon. Salamat Panginoon!”
Wow! Rainbow after the storm. Truly grateful siya.

#SosBolz House coming together! Solenn, Nico Bolzico ibinahagi ang kanilang dream home

Panoorin: Mahusay na rendisyon ni Maegan Aguilar ng ‘Anak’ nag-trending, hinangaan

Liza inaming may tampo nga kay Tito Ogie, ‘I feel like he’s trying to tarnish my name’

Direk Lauren sa bagong direksyon ni Liza: ‘It’s her life’

Inang ibinalik ang unang suweldo ng anak, kinaantigan

Direk Lauren sa bagong direksyon ni Liza: ‘It’s her life’

Liza inaming may tampo nga kay Tito Ogie, ‘I feel like he’s trying to tarnish my name’

Liza Soberano nagsalita na, ‘I’ve earned the right to finally be me’

Vicki Belo, Hayden Kho emosyonal sa 8th birthday post para kay Scarlet
