Connect with us

entertainment

Romnick Sarmenta, may patutsada sa isang pelikula? ‘Kasing sayang ng oras na binuo ninyo yung pinagkaperahan ninyo’

Published

on

Wala mang binabanggit na mga pangalan o anupaman, ang long-time actor na si Romnick Sarmenta ay tila may pinapatutsadahan sa kanyang tweet kamakailan kaugnay sa isang sining na inilarawan niya sa kabuuan bilang pagsasayang ng oras at pagbali sa kaotohanan habang pinagkakaperahan.

Pagbabahagi niya sa Twitter, magkokomento sana siya tungkol dito ngunit nanghinayang siya sa oras, letra at mga salitang gagamitin niya.

“Magko-comment sana ako, pero sayang ang oras, titik at pananalita sa mga taong ginagawang excuse ang art, at binabago ang katotohanan sa pamamagitan ng sining,” panimula niya.

“Kasing sayang ng oras na binuo ninyo yung pinagkaperahan ninyo,” dagdag pa niya. “E di magalit kayo. Nagsasabi lang ako ng totoo.”

Ang sikat na historyador na si Xiao Chua ay napakomento sa tweet na ito ni Sarmenta.

Aniya, “Sobra-sobra nang taas ng respeto ko kay Romnick Sarmenta. Naku ngayon abot na hanggang bubong!”

Hindi man nagbanggit kung sino o ano ang pinatutungkulan dito, tila awtomatiko nang ikinabit ng mga social media users ang tweet na ito sa kasalukyang ipinalalabas na “Maid in Malacañang” ni Darryl Yap na ayon dito ay hindi isang biopic kundi ‘a story of a family.’

May mga sumunod pang tweet ang dating child actor na mahihinuha mong kakabit ng kanyang naunang sentimyento ngunit idinaan niya sa pamamagitan ng mga larawan ng kanyang sulat-kamay na mga mensahe na ang iba ay ginawa niyang patula.

May pahiwatig siya sa kanyang mga saloobin tungkol sa pagbaluktot sa kasaysayan, mga kasinungalingan at nagpapaalala ng paggising bago makalimot sa kasaysayan.

“Gumising ka bago malimot ang kasaysayan, tumindig kahit mag-isa, sa gitna ng mga kasinungalingan. Maaaring sa iyong paningin ay wala namang nagbago, di ka naman apektado; peo ang tutoo, binali nito ang iyong pagkatao.”

“Kasaysayang pilit mang baluktutin, sa mga palabas, at salita’y sadyang baguhin. Gumising ka, bago ka bangungutin!”

Basahin: Romnick Sarmenta, gumawa ng tula kaugnay sa pagpili ng lider ng bansa sa darating na Halalan 2022

Si Sarmenta ay isa lamang sa mga celebrity na nagpahayag ng pagsuporta sa tandem nina dating VP Robredo at Sen. Pangilinan noong nakalipas na halalan.

Inilahad ng aktor ang kanyang damdamin sa pamamagitan ng tula na kanyang in-upload sa IG post noong Marso 19.

“Huwag na tayong magsugal at makipagsapalaran, mahirap yung para tayong niloloko. Hindi lang para sa isang araw ito. Ilang taon din tayong papasailalim ng kung sino mang mananalo.

Sa araw ng halalan, sa gitna ng gulo, sa harap ng tukso… Bago ka magpadala sa ayuda at pangako, alalahanin mo… ang mga anak mong wala pang boto, ang mga taong hindi makaboto, at lahat tayong mga Pilipino.”

entertainment

Karla Estrada senti sa throwback photo ng unang TV appearance ni Daniel Padilla

Published

on

By

Senti ang aktres na si Karla Estrada nang magbahagi siya ng throwback picture nila ng anak na si Daniel Padilla noong unang beses nitong lumabas sa telebisyon.

Ani Karla, marami ang nag-tag sa kaniya sa larawan ng isa sa pinakamasayang araw sa buhay niya. Bukod kasi sa iyon ang araw na ipinakilala niya si Daniel sa publiko ay iyon din ang araw na ipinagmalaki niyang isa na siyang ganap na ina.

“A lot of people [are] tagging me some pictures… Me as a 20yr old momshie and 1yr old @supremo_dp. Walang malalim na dahilan sa kanila masyado ang eksena na ito.. Pero sa akin napaka-importante ng guesting na ito dahil dito unang nakita si Daniel sa telebisyon,” pagsisimula ni Karla.

“Isa ito sa pinakamaligayang araw ng buhay ko dahil sa araw na ito buong pagkatao kong ipinagmalaki na ako ay isang batang ina at May anak na nag bigay sakin ng pangalawang pagkakataon na mag sipag pa sa buhay! MABUHAY ANG MGA NANAY NA MATIBAY!” dagdag niya pa.

Nagpakita naman ng suporta ang mga kaibigan ni Karla sa show business at sinabing proud sila sa aktres dahil saksi sila kung paano napalaki nang maayos ni Karla si Daniel.

“Salute syo mare napalaki mo ng maayos si Dj. Isa sa napakabait na bata yan at lagi ko pinagmamalaki,” sabi ni Aiko Melendez sa comment section.

Samantala, proud ninang naman si Vina Morales kay Daniel. “Agree mare. Napaka mabuting anak at thankful ako na isang ninang. You are an amazing mom and I love you for that. Love from sfo mars,” sabi ni Vina.

“Right side middle photo. Lam na! You are an awesome warrior mama. I love you @karlaestrada1121,” ani Jackie Forster.

Maging mga netizen ay sinabing na-inspire din sa kuwento ni Karla. “Ay wow!!! Very inspiring ka mamsh.. apakanda mo naman talaga eversince,” sabi ng isa.

“Salute sayo momshie @karlaestrada1121. sobrang bait ni kuya DJ,” sabi naman ng isa pa.

Continue Reading

celebrity

Julie Anne San Jose nagwagi ng Silver Award sa New York Film Fest 2022

Published

on

By

Ang singer-actress na si Julie Anne San Jose ay nakakuha ng silver award sa 2022 New York Festivals for TV and Film para sa kanyang musical special na “Limitless.”

Masaya ang mang-aawit sa pagkuha ng parangal para sa kanyang “passion project” habang ipinapakita ang kanyang tropeo sa kanyang Instagram page noong Martes, Agosto 9.

“Hanggang ngayon, still surreal. A silver award from New York Film Festivals 2022 for our passion project, #LimitlessMusicalTrilogy. This is truly a milestone!” sabi niya. “Limitless love and dedication, Limitless fam. To God be the glory.”

Natanggap ng “Limitless” ang parangal sa ilalim ng “Variety Special Category” batay sa isang release ng New York Festivals.

Unang inihayag ni San Jose sa pamamagitan ng pag-post sa Instagram noong Abril na siya nga ay nominado sa New York Festivals.

“When the pandemic hit, the whole world stopped. But like every other artist, it takes a step forward to find purpose, to feel alive again. So, I embarked on this journey with my team from Mindanao, to Visayas and to Luzon – it has reignited the fire within me. I have found myself, I am whole again,” saad ng aktres noong naging nominado siya.

Kabilang sa mga celebrity na bumati kay San Jose sa pagkapanalo ng silver award ay sina Ogie Alcasid, Carla Abellana, Garrett Bolden at Rayver Cruz, pati na rin ang mga tagahanga ng singer.

“Deserve mo yan. Swerte lang ni Mariah Carey na binigay sa kanya ang gold. Very tight deliberation!”

“Very proud of our ‘Limitless Star’! 🇵🇭 Excited for our next major project”

“Congrats my love .,, you deserve it!! Always proud of you @myjaps”

“Sana more concert like this. Well deserve, ganda ng #LimitlessMusicalTrilogy mo”

Samantala, kamakailan ay nakipag-collaborate si San Jose sa kapwa mang-aawit na si Gary Valenciano para sa kantang “Di Ka Akin.” Ang kanta, na sinulat ni San Jose noong nakaraang taon, ay inilabas noong Agosto 5.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JULIE ANNE SAN JOSE (@myjaps)

Basahin: Rayver sa kaarawan ni Julie Anne, ‘Maghihintay ako kahit gaano katagal, mahal kita’

Basahin: Geneva sa nililigawan ng pinsang si Rayver: ‘Julie, we cannot wait na magkaroon ng pamangkin’

Continue Reading

celebrity

Iza Calzado sa ika-40 kaarawan ibinunyag na nagdadalantao na; ‘Life does begin at 40’

Published

on

By

“Life begins at 40 nga ba?”

Ibinunyag ni Iza Calzado na inaasam na nila at ng kanyang businessman husband na si Ben Wintle ang kanilang unang baby, sa pagdiriwang niya ng kanyang ika-40 na kaarawan nitong Agosto 12.

Inanunsyo ng aktres na malapit na siyang maging isang ina habang ipinapakita ang kanyang baby bump sa kanyang Instagram page.

Binanggit niya ang kasabihang “Life begins at 40” at inamin na marami ang nakapila na ilang “exciting projects” bago nila nalaman ang tungkol sa kanyang pagdadalantao.

“I was ready to usher in this new chapter in my life. Then you came along. Unexpectedly. You may not have been in my immediate plans but I instinctively knew that this was THE plan,” masayang pagbabahagi ng aktres.

Nagpahayag ng pasasalamat si Calzado at sinabing may magandang plano sa kanya at bagong chapter ng kanyang buhay ang Diyos.

“Something deep inside me knows that you will propel me to greater heights to soar higher than ever before in ways I cannot even begin to imagine. You will give me THE WHY, THE PURPOSE, THE DIRECTION in life, and I embrace you in my life as we build, along with Ben — your dad, a FAMILY!” aniya.

“To know that life is growing inside me is great miracle. You are my miracle. You are my guiding light,” aniya sa kanyang baby. “Thank You, Lord, for the most beautiful birthday gift. Our ABUNDANCE.”

Nagpaabot ng pagbati ang mga kapwa celebrities kay Calzado, kabilang sina Dingdong Dantes, Julie Anne San Jose, Janine Gutierrez, Dawn Zulueta at Jake Cuenca.

“Congratulations, and what a happy birthday indeed!” sinabi ni Dantes kay Calzado.

“Congratulations dear Iza, I’m so thrilled for you. I had my Ayisha when I was 40 also. You are so blessed,” ani Zulueta.

“Oh my gosh love team I’m so happy for you. Congratulations to you and Ben,” bati ni Cuenca sa mag-asawa.

Tatlong taon nang kasal sina Calzado at Wintle. Nagpakasal sila sa Palawan noong December 2018.

Continue Reading

Trending