Connect with us

News

Sen. Sonny Angara sa kanyang birthday celeb, nakalikom ng P3M para sa PGH Foundation

Published

on

Sa pagdiriwang ng ika-50 kaarawan ni Senador Sonny Angara, na dinaluhan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ay nakalikom siya ng P3-milyon para sa Philippine General Hospital (PGH) Foundation.

Ang birthday celebration ni Angara ay tinawag na isang party na may layunin dahil ang mga dumalo ay hinimok na mag-donate sa kanyang napiling kawanggawa sa halip na magdala ng mga regalo, ayon sa kanyang Communications Director na si Dennis Legaspi.

Nag-post naman si Angara sa kanyang Instagram account noong Linggo Agosto 7 kaugnay dito. “Best part of the night is that we raised over P3 million for the PGHFoundation — our chosen beneficiary in lieu of gifts,” aniya.

“God bless all of you for giving generously, madami po kayong matutulungang mahihirap na pasyente,” dagdag pa niya.

Ipinaliwanag ni Legaspi sa mga mamamahayag sa isang mensahe na taon-taon, sa tuwing kaarawan umano ng senador, ay nagdo-donate talaga siya.

“In lieu of gifts po kasi, we exhorted the guests to instead donate to the Philippine General Hospital Medical Foundation, Inc. Yearly po tuwing birthday ni Sen (Angara), nagdo-donate talaga siya dyan,” pagbabahagi ni Legaspi.

Bukod sa Pangulo at sa First Lady na si Liza Araneta-Marcos, dumalo rin sa pagdiriwang ng kaarawan ni Angara ang iba pang opisyal ng gobyerno.

Kumalat online ang isang video ni Pang. Marcos na kumakanta kasama ang iba pang mga senador na umani ng papuri at batikos mula sa mga netizens.

Ang video ay ipinost sa Facebook ni Cavite Representative Lani Mercado-Revilla, asawa ni Senator Ramon “Bong” Revilla Jr, “Happy 50th Bday Sen. Sonny Angara! What a treat! All Senators sang together with Pres. Bongbong Marcos on your special day.”

Ikinatwiran ng mga kritiko na habang ang mga opisyal ng gobyerno ay nagpa-party, ang mga Pilipino ay dumaranas ng epekto ng mataas na inflation at iba pang mga isyung sosyo-ekonomiko.

Samantala, higit na mas marami naman ang nagpahayag ng kasiyahan na makitang magkakasamang nagse-celebrate ang mga government officials; tila isang senyales umano ng unity.

“First time ko makakita ng ganito kasaya mga senators magandang pangitain kung magkasundo lahat mga senators at bumabanat ang pangulo natin hehehe ang saya saya. God bless to all.”

“Happy bday Sen Angara what a nice bonding with .our govt officials and with our beloved pres PBBM. Ang sayang tingnan di ba.. ganyan dpat eh united Ang mga govt officials natin.”

business

P500 sapat na para sa simpleng Noche Buena, ayon sa DTI; netizens umalma, natawa

Published

on

By

Sapat na umano ang halagang 500 pesos upang makabili ng mga pagkaing ihahanda sa Noche Buena para sa pamilyang Pilipino na may apat hanggang limang miyembro; ito ay ayon sa Department of Trade and Industry (DTI).

Sa panayam ng GMA News, sinabi DTI Undersecretary Ruth Castelo na posibleng pagkasyahin ang nabanggit na halaga basta maghanap lang ng mga bundled items para makatipid.

“Kailangan talagang maging wais ang consumer. Sa price guide, we encourage na konsultahin nila. Tumingin ng bundled products kasi makikita mo ang savings,” paliwanag ni Castelo.

Batay sa kuwentada ng DTI, maaari umanong makabili ngayon ng Noche Buena items ang P500 gaya ng mga sumusunod: spaghetti bundle (P112), salad bundle (P116.50), Pinoy pandesal (23.50), keso (P41.75), ground pork (P31.25) at hamon (P163).

Ang kabuuang gastos sa kuwenta nito ay umabot lamang sa P488 kaya mayroon pang sukling barya ang limandaang piso ng mamimili.

Inamin din ni Castelo sa hiwalay na panayam na ‘makatarungan’ naman at hindi rin nila mapipigilan ang pagtaas ng presyo ng panghanda sa Noche Buena dahil ‘monitoring’ lamang ang maaari nilang gawin.

“Justified naman talaga yung pag-increase nila ng presyo, hindi natin mapipigilan,” wika ng opisyal. “Ang Noche Buena products, hindi po natin nireregulate. Binabantayan lang natin to check price movement, pero hindi po tayo nag i-impose ng penalty sa kanya. We do not even issue notices of violation.”

Mayroon pang ibinahagi ang DTI sa kanilang Facebook page na suhestiyon para sa Noche Buena bundles. Ang isa rito ay nagkakahalaga lamang ng P631.95 habang ang isa naman ay P1,000.

Kaugnay nito may agam-agam naman ang maraming netizens at konsyumer sa mga suhestiyong ito ng DTI.

Marami sa kanila ay natawa na lamang at naniniwalang hindi sapat ang mga naturang halaga lalo pa’t hindi naman dito kasama ang mga sahog sa spaghetti tulad ng sibuyas,bawang, bell pepper, mantika, hotdog, ketchup at keso na pawang nagmahal na ang presyo.

Dismayado rin ang karamihan dahil tila raw napakababa ng tingin ng gobyerno sa mga karaniwang pamilyang Pilipino para sa ganitong uri ng pagsasalo-salo gaya ng Noche Buena.

Continue Reading

News

Marcoleta sa DOST: ‘Astronaut pill’ para sa mahihirap p’wede kayang maimbento?

Published

on

By

Napag-usapan sa confirmation hearing ni Department of Science and Technology (DOST) Secretary Renato Umali Solidum Jr. ang posibilidad na makagawa ng ‘food pill’ na tatagal ng mahabang panahon para sa mahihirap nating kababayan.

Nabanggit kasi ni Sagip Partylist Representative Rodante Marcoleta sa nasabing pagdinig ang ideya matapos pumasok umano sa isip niya na ang mga astronaut ay nabubuhay nang matagal sa kalawakan kahit hindi naman sila nagluluto ng pagkain doon.

“I’m thinking aloud na kung sakali pong makaimbento tayo nung kinakain nila, ibibigay ko po sa mga mahihirap na kababayan natin. Even for months hindi sila kakain, hindi sila mamatay,” saad ng mambabatass.

“Meron pa ba tayong ganun? Makakagawa pa ba tayo ng ganun?” tanong pa ni Marcoleta.

Sagot naman ni Solidum ay walang ganung pagkain at ang meron lamang sa kasalukuyan ay ang mga ready to eat food packs na ipinamamahagi tuwing may kalamidad at tumatagal ng hanggang anim na buwan ang shelf life.

Patuloy ni Marcoleta, sana daw ay makaimbento ng ganung pildoras na isang beses lamang kakainin subalit tatagal nang ilang linggo o buwan bago magutom ang isang tao.

“Kasi po yung astronauts, ‘pag kinain niya ‘yun, it will last for several days, if not months. Kasi yung mahirap na mahirap talaga, wala po silang makakain,” wika pa ng kongresista.

Paliwanag pa niya, ang ganitong pagkain ay ‘palliative’ lamang na ang ibig sabihin ay upang mapunan ang ‘gap’ subalit makatutulong umano ito nang malaki sa mahihirap na Pinoy.

“Pag ininom po ng mahirap, in two weeks lang, Mr. Secretary, na hindi siya bumili ng pagkain, hindi siya nagluto, ang laking bagay na po ‘yun. Makagagawa kaya tayo ng ganun?” ayon pa kay Marcoleta.

Tugon naman ni Solidum, pag-iisipan nila ang ganitong ideya habang tinitiyak na ang seguridad sa pagkain ng ating mga kababayan ang isa sa kanilang pangunahing tinitingnan.

Continue Reading

celebrity

Vhong Navarro pinayagan ng korte na makapagpiyansa ng P1-M

Published

on

By

Makaraan ang halos tatlong buwang pagkakapiit, posible na pansamantalang makalaya si Vhong Navarro matapos siyang payagan ng korte na makapagpiyansa ng halagang P1-M.

Batay sa court order na may petsang Disyembre 5, 2022 at nilagdaan ni Presiding Judge Loralie Cruz Dataman ng Taguig Regional Trial Court Branch 69, itinakda ang piyansa sa halagang isang milyong piso para sa pansamantalang kalayaan ng aktor.

“Viewed in light of all the foregoing, and taking the evidence presented in the bail hearings as a whole, this court is not convinced at this point, that there exists a presumption great leading to the inference of the accused’s guilt,” ayon sa nasabing court order.

“It must be emphasized, however, that a grant of bail does not prevent the Court, as trier of facts, from making a final assessment of the evidence after full trial on the merits,” dagdag pa nito.

Noong Agosto, pinaunlakan ng Court of Appeals (CA) ang kahilingan ni Deniece Cornejo na dinggin ang kaniyang salaysay hinggil sa reklamong isinampa niya laban sa ‘It’s Showtime’ host.

Sumuko naman sa National Bureau of investigation (NBI) si Navarro noong Setyembre matapos muling magsampa ng kaso ang Office of the City Prosecutor ng Taguig laban sa kaniya.

Nanatili ang komedyante sa kustodiya ng NBI hanggang noong Nobyembre 21 kung kailan inilipat siya sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Taguig City.

Nito lamang Lunes inilabas ng korte ang desisyon nito sa matagal nang kahilingan ni Navarro na makapaglagak ng piyansa.

“Wherefore, premises considered, the petition for bail is hereby GRANTED. The bail of the accused for his provisional liberty is hereby fixed at One Million Pesos (Php 1,000,000.00),” ayon pa sa court order.

Samantala, hindi pa naglalabas ng pahayag ang magkabilang kampo nina Cornejo at Navarro tungkol sa naturang utos na inilabas ng korte.

Continue Reading

Trending