Connect with us

celebrities

Fans delighted to see former 90s child stars Serena, Carlo reunite

Published

on

serena carlo

Fans of former 1990s child stars Serena Dalrymple and Carlo Aquino could not be more delighted to see their idols again in one photo.

On Instagram, Serena shared a few throwback photos and a recent picture with Carlo, who played as her older brother in the 1998 film Bata Bata Paano ka Ginawa?

serena carlo

In the caption of the photos, Serena used Carlo’s iconic line in the caption, “Akala mo lang wala, pero meron! Meron!” Then, added the hashtags #batabatapaanokaginawa and #familyreunion.

The kids who used to watch them back then could not help but feel nostalgic seeing them together anew, while some mentioned how they miss watching the former child wonders on screen, especially Serena who left the country for good at the peak of her career.

“‘Pag napapanood ko siya sa mga old movie, hinahanap ko kung nasaan na siya ngayon kasi ang galing niya, promise! Sayang lang kasi hindi na natuloy career niya rito sa Pinas,” Instagram user @_memayyyy commented.

“Awww, one of my fave young child stars of all time talaga and fave movie din,” @jazziemarieshows said.

“Okay talaga mga actor at actress noon,” @ao_jem wrote. “‘Yong tipong tumatatak ang talent nila sa pag aarte. Mga mahuhusay.”

While @sugar.cvsales tagged their mom in the movie, veteran actress Vilma Santos Recto, saying, “Mga bagets n’yo po all grown up.”

serena carlo

Staying away from the limelight since she left the country, Serena has been living life to the fullest with an excellent career and a happy heart. Earlier, she shared her engagement with her fiancé Thomas Bredillet; disclosing that they met four years ago through a dating app called “Bumble” and none of them guessed that they would be spending the rest of their lives together.

[RELATED: Serena on finding love through dating app: ‘Who knew I’ll end up marrying this dude?’]

“Four years ago today, I went out on a date to meet this French dude I matched on Bumble. Who knew that I’ll end up marrying this handsome, smart, sweet (now) American dude this year?” read the caption of her post.

serena carlo

celebrities

Nade-develop na ba? Francine nilinaw ang totoong ugnayan nila ng FranSeth other half na si Seth

Published

on

francine seth

Ngayong opisyal nang ni-launch sa pamamagitan ng series na Dirty Linen ang tambalan nina Francine Diaz at Seth Fedelin o FranSeth, marami ang kinikilig at marami rin ang nagtatanong kung nade-develop na ba sa isa’t isa ang dalawa.

francine seth

 

Sa ulat ng PEP, nilinaw ni Francine na kasalukuyan pa nilang kinikilala ni Seth ang isa’t isa at wala pang anumang ugnayan.

“Okay naman, parang we’re still at that stage na getting to know each other. I think yun yung special sa aming dalawa. We’re getting to know each other,” aniya.

“Manligaw? As of now talagang work and we’re professionals. Work is work and that’s it.” wika pa ng aktres.

Nauna nang sinabi ni Francine sa isang interview sa Magandang Buhay na hindi siya nagmamadaling magkaroon ng kasintahan, lalo na at prayoridad niya ang kanyang pamilya.

“Saka na po siguro [ang pag-ibig] kapag naibigay ko na po ang lahat kina mama,” aniya.

[RELATED – Francine: Saka na ang pag-ibig kapag naibigay ko na lahat kina Mama]

Nilinaw niya rin sa beteranang broadcast journalist na si Karen Davila na sa kabila ng pagkaka-link niya sa Kadenang Ginto love team na si Kyle Echarri at kay Seth, hindi pa siya nagkakaroon kailanman ng boyfriend.

“Wala, NBSB po. No boyfriend since birth,” saad niya.

francine seth

Hinahangaan din ang dedikasyon niya sa pagpapaunlad ng sarili at hindi pagsasantabi ng kanyang pag-aaral sa kabila ng pagiging abala bilang isang artista.

“Palagi rin sinasabi ni Mama na sa showbiz, ’yong fame mo, hindi siya pang-forever. Parang anytime, p’wede kang mawala,” aniya. “So, maganda ’yung may fall back ka. ’Yon din ang sabi sa akin ni Miss Charo [Santos-Concio], kasi, nag-one-on-one kami before. Parang, ‘Nag-aaral ka pa ba? Kasi, mahalaga ’yan. Ang pag-aartista, hindi ’yan tumatagal. Suwertehan lang. Kung magtatagal ka, e, ’di good. Kung hindi, dapat meron kang fall back.”

francine seth

Panoorin sina Francine at Seth bilang Chiara at Nico sa Dirty Linen video na ito:

Continue Reading

celebrities

McCoy De Leon, Elisse Joson nagkabalikan na nga ba?

Published

on

By

Ilang linggo matapos umugong ang balitang hiwalay na sina McCoy De Leon at Elisse Joson, naintrigang muli ang mga netizens dahil naispatang magkasama ang dating mag-partner.

Hindi lamang isang beses kung hindi dalawang pagkakataon na umano’y nakitang magkasama sina McCoy at Elisse kaya maraming netizens ang umaasang sana’y inaayos na nila ang gusot sa kanilang relasyon at magkabalikan na nang tuluyan.

Noong isang araw kasi ay may ibinahagi ang isang restaurant kung saan makikitang magkasamang kumakain sa isang mesa sina McCoy at Elisse.

“Stunning couple @elissejosonn and @mccoydeleon at @farmerydeli on a nice Thursday night. Thank you so much, and may God bless you both more! Cute baby, btw,” ayon sa caption ng larawan.

Kasunod nito ay nag-upload din ng larawan ang isang Tiktok user na muling magkasama sina Elisse at McCoy pati na ang kanilang anak na si Felize.

Kuha raw ito sa isang theme park sa Tagaytay City subalit hindi nabanggit kung kailan.

Dahil dito, maraming ‘Marites’ ang natuwa dahil tila raw sinusubakan ng dalawa na ayusin kung anuman ang namagitan sa kanila.

Magugunitang sumabog ang balitang hiwalay na sina McCoy at Elisse noong Disyembre matapos lumabas ang screenshot ng diumano’y naging usapan ng dating Hashtag member at isang babaeng influencer sa Tiktok na iniuugnay sa kaniya.

Lalo pang umigting ang usap-usapan nang maglabas ng public apology ang Kapamilya hunk kasabay ng isang madamdaming mensahe para sa kanilang anak na nagmistulang indikasyon ng kanilang hiwalayan ni Elisse.

Bagama’t hindi na idinetalye ni McCoy kung ano ang naging ugat ng kanilang sigalot, itinanggi naman nitong may babae siya o may third party na sangkot.

Nananatili namang tahimik ang magkabilang kampo para kumpirmahin o itanggi na nagkabalikan na nga sila sa gitna ng mga haka-haka ng mga umaasang netizens.

Continue Reading

celebrities

James Reid nag-sorry dahil sa ‘unforeseen issues’ sa Wavy Baby Music Festival sa Cebu

Published

on

By

Humingi ng paumanhin at pnag-unawa si James Reid dahil sa hindi inaasahang pangyayari na nakaapekto sa kanilang performance sa ginanap na Wavy Baby Music Festival sa Cebu noong nakaraang linggo.

Nagkaroon ng problema sa pagtatanghal ng mga artists na kinabibilangan nina James, Ben & Ben at Lisa Soberano dahil na rin sa malakas na pagbuhos ng ulan doon.

Naging isyu rin ang pagkansela sa performances ng mga Cebu-based local artist gaya ng Sepia Times, The Sundown, Mandaue Nights, Three Legged Men, at Wonggoys at ang ginawang free admission na lamang sa unang araw ng concert dahil sa sama ng panahon.

Sa Instagram video na ibinahagi ng Wavy Baby Music Festival, nag-sorry si James sa mga nanood dahil na nga sa nangyari.

“Man, what a crazy, amazing, hectic, wet, and wild weekend we had together at the first ever Wavy Baby Music Festival. I just wanted to take this time to say thank you to all the amazing people who came out to experience Wavy Baby with us,” panimula ng actor-singer.

Ayon pa kay James, sa unang araw pa lamang ay nahirapan na sila subalit itinuloy pa rin ang concert dahil pinaghirapan ito ng kaniyang team at para na rin sa kaniyang mga fans sa Cebu.

“I do want to apologize to you guys, as well. I did everything in my power to give everyone the very experience despite the rain and technical difficulties. I promise to make it up to you, guys, and all grievances will be answered by the team to the upcoming days,” wika niya.

Humingi rin ng paumanhin ang aktor sa mga local at international artists na hindi na nakaakyat ng entablado para makapagtanghal.

Aniya, “I would like to sincerely apologize to our Cebu artists … for not being able to share the stage with you this time but thank you for allowing us to come and through this amazing experience. I promise we’ll make it up to you, you guys are all legends, thank you.”

Sa hiwalay na pahayag na inilabas ng organizer na EventEscape Manila, humingi rin ito ng paumanhin at nagbigay ng paliwanag.

“The 2-day event had its share of logistical challenges due to unforeseen circumstances, and for this, we sincerely apologize. Our event venue, staging, and programming were significantly impacted due to the poor weather conditions all over Cebu. Given the extreme condition of the event venue that we had to remedy, our team and local partners were stretched as we prioritized the safety and security of everyone,” bahagi ng kanilang pahayag.

“We hear you and we appreciate your feedback. We would like to assure you that our team is working on resolving these issues. We take this opportunity to learn and improve. We hope for your patience and understanding,” dagdag pa nito.

Continue Reading

Trending