Connect with us

celebrity

Seth Fedelin, hinangaan sa maturity, lubos na pagmamahal sa pamilya

Published

on

Malaki ang pasasalamat ni Seth Fedelin sa kaniyang ama dahil ito ang naging daan upang siya’y makapasok sa industriya ng showbiz. Ang ama niya rin ang nagkumbinsi sa kaniya na mag-audition para masubukaN ang kanyang kapalaran.

Ito umano ang nagbigay sa kaniya ng pera para siya’y makapag-audition sa Star Hunt ng ABS-CBN. At wala namang pinagsisihan ang pamilya ni Seth ngayon; bagkus sila pa ay lalong sumuporta sa kaniya.

Napag-alaman na 500 pesos lang ang kaniyang pera noon at ito ay pinagkasya niya upang makapag-audition sa Star Hunt sa Araneta Colliseum.

Makalipas ang mahigit 24 oras na paghihintay, sulit na sulit naman ang kaniyang pagtitiyaga sapagkat siya ay napansin ni Direk Lauren Dyogi.

Si Seth ay galing sa reality show na Pinoy Big Brother. Mas nakilala pa siya ng mga tao nang maging bahagi ng isang afternoon serye na ‘Kadenang Ginto’ kung saan kasama niya ang mga kilalang artista na sina Andrea Brillantes bilang ‘Marga Bartolome’, Francine Diaz bilang ‘Cassie Mondragon’, Kyle Echarri bilang ‘tope’ at binansagan sila sa pangalan na ‘Gold Squad’.

Marami na sa mga pangarap niya ang natupad kaya laking pasasalamat ni Seth sa pamilya niya at sa mga patuloy na sumusuporta sa kaniya. Patuloy pa rin ang kaniyang showbiz career.

Bagama’t maraming netizens ang mga nagsasabi sa kaniya na ginagaya niya si Daniel Padilla, hindi siya nagpaapekto sa mga ito. Bagkus pinasalamatan pa niya.

“Happy po ako na nako-compliment ako ng maganda. Pero yung iba, sinasabi na ginagaya ko daw. Na pati ‘yung sapatos ni Seth, mahilig siya sa ganu’ng sapatos lang ‘e si DJ mahilig din sa sapatos na ganu’n,” ani Seth.

“Hindi ako nahu-hurt. Naiinis… Ang dami nilang sinasabi. Kasalanan ko po ba na nakikita niyo siya sa akin? Siguro po hindi ko po kasalanan. Maraming salamat po sa ibang nakaka-appreciate. Maraming salamat po sa nagko-compliment.”

“Yung limang daan mo pa, napalitan ng milyon. Magiging mayabang na ako rito… Pa, ilan na ang kotse natin? Tatlo. Nabilhan kita ng farm, nabilhan kita ng motor mo, dalawa,” ani Seth patungkol sa mga dating pinapangarap lang ng kanyang ama na ngayo’y natupad na niya.

Ipinahayag din niya ang labis na paggalang at pagmamahal niya sa kanyang mga magulang. Aniya, mataas ang respeto niya sa kanilang magulang at handa siyang mawala ang lahat huwag lang ang mga ito.

Marami ang humanga sa pagmamahal ni Seth sa kanyang pamilya at sa lawak ng kanyang mga binitawang salita.

“Grabe ang wisdom ni Seth, isang magandang ehemplo para sa mga kabataan lalo sa mga anak na lalake, o jowang lalaki. Nakakaiyak. God bless you more Seth at sa buong family mo, isa kang mabuting tao (emojis) ️ congratulations sa mga magulang mo!!!

“His heart is truly genuine. His love for his parents is truly admirable. Definitely, he will be blessed a thousand fold! God bless you more!”

Narito ang kabuuan ng panayam kay Seth mula sa YouTube channel ni Ogie Diaz. Isang malaking revelation ang panayam na ito para mas makilala ang isang Seth Fedelin.

celebrity

Angelica Panganiban ibinida ang kanyang newborn, ‘Been waiting for you all my life’

Published

on

By

Si Angelica Panganiban ay isa nang ganap na ina at masaya niyang ibinahagi ang miletsone na ito sa social media!

Ang aktres ay nagsilang ng isang sanggol na babae, ang kanyang unang anak sa partner na si Gregg Homan. noong Martes, Setyembre 20.

Inanunsyo niya ito sa kanyang Instagram post nitong Biyernes, Setyembre 23; kalakip ang larawan ng mga mata ng kanyang bagong silang na anak.

“Been waiting for you all my life,” sabi niya, at ibinahagi ang pangalan ng sanggol — si Amila Sabine.

Bumuhos ang pagbati mula sa kanyang followers, kaibigan at kapwa celebrities at humakot na ng mahigit 348K likes sa IG as of writing.

“Congratulations Ms. Angelica.”

“Beautiful eyes. Congrats po!”

“Gandang bata.”

Basahin: Angelica Panganiban shares glimpse of their baby’s room

Bago pa man lumabas ang baby nina Angelica at Greg ay ipinasilip niya ang magiging kuwarto ng kanilang baby.

Basahin: Angelica Panganiban ipinagbubuntis ang unang anak

Matatandaang una niyang inihayag sa publiko na siya ay nagdadalantao noong Marso, at sinabing hahantong siya sa kanyang pinakamahalaga at pinakahihintay na tungkulin – ang pagiging isang ina.

“Ay, na-post! Sa wakas!!! Magagampanan ko na rin ang pinakahihintay at pinakaimportanteng papel ng buhay ko. Magiging ganap na INA na ako,” aniya, kalakip ang larawan ng kaniyang sonogram.

Sa parehong post ay nagbahagi rin siya ng video ng kaniyang ultrasound na kuha noong February 18.

“Opo, may matres ako, mga baklaaah!” biro pa niya.

“Ipagpapasalamat ko na rin ang mga kapamilya, kaibigan, at mga marites na sumuporta, nagdiwang, nagdasal at patuloy na nagdadasal para sa pamilya namin. Waaaaaah! Huhuhu. May pamilya na ko. Kaiyaq pramis,” aniya.

January 2021 nang kumpirmahin ni Angelica ang relasyon nila ni Greg sa pamamagitan ng isang larawan. “Kung isa kang pelikula, sana wala kang ending,” caption niya rito.

Noong July 2021 ay ipinagdiwang nila ang kanilang unang anibersaryo.

“I don’t ever want to be madly in love ever again. I want to be healthy in love, sanely in love, peacefully in love. Happy first year my love. I wuv yew,” pagbati noon ni Angelica.

Continue Reading

celebrity

Karla Estrada nagbabalik-eskuwela, ‘Education has no borders!’

Published

on

By

‘Education has no borders!’ — Ito ang pinaniniwalaan ng 47-anyos na aktres at mang-aawit na si Carla Elago Ford, na mas kilala bilang si Karla Estrada.

Masayang ibinahagi ng dating host ng “Magandang Buhay” na si Momshie Karla Estrada ang pagbabalik-eskuwela niya, ayon sa isa niyang Instagram post nitong Setyembre 21, 2022.

Sa ilang larawan na malugod niyang ibinahagi ay mababanaag ang kanyang kasiyahan sa bagong landas niyang tinatahak.

“And the Journey begins. (emojis),” saad sa caption ni Karla, na sinundan ng pabirong “Where’s the canteeeeen????” 

Sinamahan pa niya ito ng hashtags kaugnay sa kanyang pagbabalik-aral. “#[email protected]”, “#educationhasnoborders”, at “#restartourdream”.

Ipinakita rin niya ang kaniyang school ID na may mababasang Philippine Christian University kung saan nag-enrol ang butihing ina ni Daniel Padilla o DJ. Ipinasilip din niya ang ilang bahagi ng pamantasan sa kanyang IG post.

Matatandaan na sa nasabing unibersidad din nagtapos ng kanilang Master’s degree program ang ilan sa mga kilalang celebrity tulad nina Ronnie Liang at dating senador na si Manny Pacquiao.

Bumuhos naman ang pagbati sa kanya mula sa celebrity friends at IG followers.

Mula kay @eriksantos – “All the best Ate.”

Si @iamkarendavila naman ay nagpaabot ng “Awwww congrats dear!”  <3

Bukod kina Erik Santos at Karen Davila ay bumati rin sina Marjorie Barretto, Jackie Foster, DJ Chacha, KaladKaren Davila, at iba pa.

Wala namang nabanggit si Karla kaugnay sa kung anong kurso ang kukunin niya. Basta’t ang tiyak ay patungo ito sa kanyang paglago bilang isang mamamayan.

Basahin: Karla Estrada pens appreciation for co-hosts as she leaves ‘Magandang Buhay’

“Mamimiss ko ang mga masasaya at madramang samahan na walang katulad at tanging tayong tatlo lang ang nakakaalam!” saad ni Karla sa kanyang Instagram post noong Hulyo.

“Pero gaya ng after graduation ng high school ay naiba ako ng kurso sa college kaya mahihiwalay ako ng lugar, oras at panahon. Ngunit ang pagkakaibigan na ilang beses sinubok ng panahon ay hindi kailanman makakalimutan.”

Idinagdag pa ni Karla na babaunin nito ang masaya nilang pinagsamahan sa programa.

“Babaunin ko sa aking puso ang masasaya nating samahan at matututo sa lungkot na hamon ng pagkakaibigan,” aniya.

Continue Reading

celebrity

‘Abot Kamay na Pangarap’ star Jillian Ward, masayang ibinida ang ikalimang luxury car

Published

on

By

Wala nang makapipigil pa. Dalaga na talaga ang dating child actress na si Jillian Ward na unang nakilala sa pagganap sa 2010 drama-comedy TV series ng GMA Network na “Trudis Liit.”

Sa isa niyang post sa Instagram Story  ay ipinakita niya sa mga followers ang bago niyang sasakyan na handog umano sa kaniya ng kaniyang mga magulang.

Base sa mga nakaraan niyang post, tila nagkakahilig na siya sa mga mamamahaling sasakyan at sinasabing panglima na ito. Good investment din naman.

At kamakailan nga, finlex ng bida ng bagong teleserye ang bagong “taping car” na puti kung saan ay mababasa ang “Thank you Mama and Papa for my new taping car!”

Aba, isang BMW M-Sport lang naman ang panibagong sasakyan ng 17-taong gulang na beauty na nakasuot pa ng kanyang doctor outfit sa karakter na ginagampanan niya sa Kapuso serye.

Basahin: Jillian Ward @17: Matapos bumili ng BMW, Porsche naman

Nobyembre 2021 nang ipinakita ni Jillian ang kaniyang unang BMW na katas umano ng kaniyang pagsusumikap sa showbiz. Aniya, “My new baby car.”

Pagkatapos bumili ng sarili niyang sasakyan na BMW, noong Marso ng taong kasalukuyan ay ibinida naman ng young actress na isa na rin siyang proud owner ng Porsche sports car.

Ibinahagi ng teen actress ang update sa pamamagitan ng matinding pagpo-pose sa harap ng kanyang bagong black ride habang nakasuot ng fit na jumpsuit na may parehong kulay.

“My first sports car,” isinulat niya sa caption, na tinag pa ang German automobile manufacturer.

Naibida na rin dati ni Jillian na may dalawa pa siyang naipundar na sasakyan; isang Ford pick-up truck at black taping van na pina-customize pa niya ng Hello-Kitty-themed interiors.

Nagpapatutoy ang pagsibat ng career ni Jillian at kasalukuyan niyang proyekto ang “Abot Kamay na Pangarap” sa Afternoon Prime sa GMA kasama sina Carmina Villaroel, Richard Yap, Dominic Ochoa, Heart Ramos, Pinky Amador, Andre Paras at iba pa.

Para kay Jillian, super challenging ang role niya dito at masaya siya na nakasama ang mga beteranong aktor.

Continue Reading

Trending