Nostalgia
Soft drink ng mga Pinoy, mas masarap nga ba kapag nasa stainless na baso?
Published
7 months agoon
By
Cha Echaluce
Bago nauso ang milk tea at iba pang mga patok na inumin, sapat na bilang meryenda ng mga Pilipino noon ang soft drink na may kapares na tinapay o biskwit. Pero bukod sa inuming ito na kumukumpleto sa kanilang “merienda combo”, mas napapasarap daw ang kanilang simpleng “food trip” kapag ang soft drink na ito ay nakalagay sa minsa’y nauso na stainless na baso.
Sa Facebook, binalikan ng marami ang mga panahon kung kailan para bang mas sumasarap ang soft drink na kanilang iniinom kapag nakalagay ito sa “espesyal” nitong baso.
“Aminin n’yo, mas masarap ang Coca-Cola kapag nasa ‘stainless’ na baso. Hahaha!” natatawang sabi ng social media user na si Efraime Mallari matapos mag-upload ng litrato ng soft drink na nasa stainless na baso.
Sa comments section ng litrato, nagbahagi ng kanya-kanya nilang alaala ang mga Facebook user na ang mas gusto rin daw iniinom ang soft drink kapag nakalagay sa nasabing baso.
Mayroon din nang-“mention” ng kanilang mga kapamilya at kakilala upang ipaalala ang mga panahong usong-uso pa at halos lahat ng bahay ay mayroong ganitong uri ng lalagyan ng inumin.
Samantala, may mga gumagamit pa rin daw ng basong ito hanggang sa kasalukuyan.
As of posting, bukod sa daan-daang kumento ay nakakuha na ng lampas 22,000 reactions at mahigit 44,000 shares ang larawan ng Coke na nakalagay sa “stainless” na baso.
Kung ikaw ang tatanungin, mas masarap nga ba talaga ang soft drink kapag nakalagay sa stainless na baso? Ano ang mga hindi mo makalilimutang alaala na maikakabit sa basong ginagamit mo sa pag-inom ng soft drink sa meryenda noon? Ibahagi sa amin ang iyong mga kuwento!
You may like
-
Krayolang pinangarap ng marami noon pero bihira lang ang mayroon, nagpabalik sa nakaraan
-
Ice Seguerra inalala ang ama: ‘2 taon mula noong nauna ka na para makipag-mahjong at bidyoke sa langit’
-
Balikan: Ang ‘best meryenda combo’ na Coke at tinapay noong dekada ’80, ’90
-
Balisongsong: Popular na kakanin sa Bicol, gustong-gusto rin ng mga nasa ibang rehiyon
-
‘Tara, akyat!’ Sampalok, isa sa mga punong paboritong akyatin ng mga batang Pinoy noon
-
Balik-tanaw: Ang popular at paboritong softdrink noon na Lem-O-Lime
Nostalgia
Krayolang pinangarap ng marami noon pero bihira lang ang mayroon, nagpabalik sa nakaraan
Published
2 months agoon
January 20, 2023By
Joyce
Coloring books ang isa sa mga nagpasaya sa mga bata noong araw; mga panahong wala pang gadgets. Kung wala kang coloring book, maaari kang gumuhit ng mga larawan at saka mo ito kukulayan.
Siyempre, para malagyan ng kulay at mabigyan ng buhay ang mga larawan, kailangan mo ng pangkulay gaya ng krayola. At kung marami kang krayola (crayons), aba, masayang-masaya ka na at kinaiinggitan pa ng mga kaklase kaya’t hinihiraman ka tuwing may project.
Kaya naman isang Facebook post ang pumukaw sa netizens tungkol sa pinangarap nilang krayola o pangkulay noong kanilang kabataan.
Pagbabahagi ni ka-NP Ben Totanes sa Nostalgia Philippines, “16 colors lang sa akin noon… lol”
Sinegundahan naman siya ng mga miyembro ng FB group na nagsiaming pinangarap din nila ang krayolang 64 piraso ang laman na may pantasa pang kasama sa likod ng sisidlan.
Karamihan ay walong kulay lamang ang naabot at 16 naman sa iba. Isa talagang malaking pangarap para sa mga bata noon ang magkaroon ng “64 different brilliant colors’ na iyan! At kung may coloring books ka rin noon, maaalala mo rin siguro ang mga kaklaseng sabik na makikulay sa iyong CB. “Pa-color naman!”
“8 colors lng yung sa akin dati. Rich kid lng ang may ganyan.”
“Rich kid ka kapag crayon mo ay ganito noon, Sa akin nga eh hanggang 8 colors lang, taz tipid na tipid pa sa pag gamit.”
“Pag ganito crayola mo pwede ka na tumakbong president sa klase.”
“Pangarap ko yan noong bata pa ako. Isa yan sa mga palatandaan ng rich kid.”
“Haha nagkaroon ako iyan ng elementary dhil gusto ng parents ko kumpleto ako sa gamit ko dhil lalo na teacher ang mother ko kya alam nya ang bagay na wala sa gmit. Kaso ang ang aking pinapaboritong crayola napaginteresan Kya ayon na wala o ninakaw my pantasa ksi sya sa likod.”
“Gang 16 lang kmi nun happy na.”
“Pang RK (rich kid) 🤣🤣 classmate ko nung grade 3 may ganyan siyaa kasi nasa abroad father niya at siyaa lang may ganyan samin nun.”
“Hanggang 48 colors lang ako noon hehe. Pero one time, noong nagtuturo na ako, bumili ako ng 64 colors na Crayola 🤣 Wala lang, trip ko lang. Nakaka-high ang amoy sa akin 🤣
“Rich kid ang may ganyan!”
Sa totoo lang, hanggang ngayon naman ay marami pa rin ang hindi nakakayang makabili ng krayola gaya ng estudyanteng nag-viral kamakailan na binigyan ng guro ng 16 colors na Crayola para sa kaniyang pag-aaral.
Nostalgia
Balikan: Ang ‘best meryenda combo’ na Coke at tinapay noong dekada ’80, ’90
Published
7 months agoon
August 10, 2022By
Cha Echaluce
Bago nauso ang food delivery services na nagbibigay sa atin ng maraming pagpipilian sa meryenda nang hindi umaalis sa ating mga kinaroroonan, isa sa mga tinaguriang “best meryenda combo” noong dekada 80 hanggang dekada 90 ang Coke at tinapay.
Sa Facebook page na Batang Pinoy-Ngayon at Noon, binalikan ng mga “young once” ang mga panahon na “solved” na sila sa “tandem” ng Coke at tinapay bilang pagkain sa hapon.
Anila, kapag ito ang pagkain mo noon ay “rich kid” ka nang maituturing ng iyong mga kalaro at kaibigan. Ang iba nga raw ay nakatitikim lamang ng softdrink na ito kapag mayroong bisita, kaya naman masayang-masaya sila sa tuwing magiging kapares ito ng meryenda nilang tinapay.
“Noon, kapag ganiyan ang meryenda mo, yayamanin ka na niyan!” pag-aalaala ng Facebook user na si R. R. Cinco.
“Noong 1980s, 1990s, kapag nakabili ka ng Coke litro noon at makabili ka ng pineapple pie or egg pie, rich kid ka na noon. Ang siste kasi sa amin, nakakatikim lang kami ng Coke litro or Pepsi kapag may mahalagang okasyon sa bahay,” pagbabalik-tanaw ni H. Nichole. “Mas uunahin pa ang bisita kaysa sa amin.”
“Dati nakakatikim lang kami niyan kapag may bisita at kung may tira ang bisita,” kumento ni M. R. Gray.
Kuwento naman ni Red, “Nakakainom lang kapag may bisita. Noong high school kami, hati-hati kami sa isang litro at pinapantay pa iyong laman ng plastik para walang lamangan. Tapos lalagyan ng maraming cracked ice, tipong umaapaw at lasang tubig na!”
Ikaw, naging paborito mo rin ba ang meryenda combo na ito? Ano-ano ang mga alaalang kakabit nito na hindi mo pa rin nakalilimutan hanggang sa ngayon? Ibahagi sa comments section ang iyong mga kuwento!
Nostalgia
Mga ‘bolpen’ ng nakaraan, naghatid ng nostalgia sa netizens
Published
8 months agoon
August 3, 2022By
Joyce
Test your memory ba?
Halos lahat naman tayo ay naging mag-aaral kaya’t paniguradong alam ng lahat sa atin ang kahalagahan ng panulat sa ating buhay estudyante. Kumbaga sa karakter sa isang laro, ang naging sandata natin ay ang “bolpen” hanggang makatuntong ng high school at kolehiyo.
Isang netizen, si Zeus Menor, ang nagbahagi ng isang larawan ng pinagsama-samang panulat o ‘bolpen’ na ginamit ng mga ‘young ones’ noon. Hindi naiwasang mapa-throwback ng netizens sa mga alaalang nakakabit sa mga ‘bolpen.’
Aniya sa kanyang post sa Facebook page na ‘Nostalgia Philippines, “Alin ang madalas mong gamitin o hiramin sa katabi mo.. B o l p e n.”
Mabilis namang tumugon ang mahigit tatlong daang ka-Nostalgia at inihayag pa ang kani-kaniyang naging paborito noon.
“Hahaha nakakamiss nmn nung mga panahon na gamit ko yung mga bolpen sa pag-aaral.”
“Lahat yan nagkaron ako noon.”
Mayroong sumagot ng ‘Lotus at Panda’. Mayroong ibinida ang ‘Scribbler’, o kaya’y ang ‘Bic at Kilometrico’. Mayroon ding Reynolds ang tatak na itinaas.
“Reynolds, komportable sa kamay, ganda ipangsulat, regardless na sa ink na ginamit or kung maganda ka sumulat., Pero dyan comportable ang kamay ko. Pero Yung Bic at Kilometrico inabot ko yan.”
“Scribbler, bic at kilometrico magagandang ipang-sulat, reynolds naman pan-drawing.”
“‘Crown’ (imitation na Bic) 25c lang nung elementary ako. Sa ngayon ‘Panda’ favorite ko (emoji)”
Mayoon din namang nagbahagi ng mga nakatutuwa at nakatatawa nilang karanasan sa mga panulat na ginamit noon.
“Apache na sumasabog sa bibig hehehe”
“Yung Lotus ballpen ang nagpapa feel saken na maganda akong sumulat.”
“May kulang ung mabango ang ink ballpen na madalas kung bilhin sa merriam webster sa mendiola .. (emoji)Â 80’s ballpen”
“Panda..pagkatapos hiramin dina isasauli hehe,” pagbabalik-tanaw ng isang netizen sa panahong usong-uso ang hiraman at kalimutan sa usapang solian. hahaha
“Bic, pag pinamulsa mo sigurado magtatae, mantsa sa uniform.” Ito ang pinakaayaw ng mga nanay na nahihirapang magtanggal ng mantsa na hatid ng tinta.
“Mayroon pa Yung may perfume Galit Magalit Yung teacher ko dahil nakakahilo daw Yung amoy.”
“Apache ang pinaka walang kwentang ballpen. Madaling masira at madalas may LBM.”
” Made in France pa ang Bic nung elementary ako.”
“Kapag Apache gamit ko e ang bango ng notebook ko noon. Then yung Lotus nakakaganda ng sulat, feeling ko lang.”
“Louie Marquez -Apache de luxe. Nasipsip ko yang tinta nung grade 3 (laugh emoji)”
“Reynolds my favorite sarap pang sulat nyan saka yung scribblers na mahabang parang tungkod.”
“My favorite Reynolds black,” saad naman ng ilan.
“Yung makunat (scribbler) kasi kapag sinuksuk mo sa back pocket ng denim pants, hindi nababali.” Ito umano ‘yung brand na nababaluktot kaya hindi ito madaling masira kahit ipinamulsa ng mag-aaral.
“Yung panda na may glitters at mabango,” saad naman ng ilang netizens na pati ang amoy at kagandahan ay kasama sa criteria ng pagpili.
May nagpahayag din na may bolpen na pang-mahirap at may pang-mayaman.
“Picache gamit noon pang mahirap at pangmatagalan.”
“Isama mo na rin Sheaffer rollerball para sosyal dating.”
“Where is Pilot..pang mayaman lol kasi mas mahal sa panda pero pag nabagsak need muna bumili ulit”
“Di ako nakapanghiram noon. Ako lagi nahihiraman. (emoji) and wala po jan yun pen ko, pilot gtec .03 saka dong-a gel pens.”
“Ball pen ko nuon lage parker padala lng pg kkaubos tinatapon ko e nirerefill lng pla un tanga ko. (laugh emoji)”
Ikaw? Tanda mo pa ba ang mga bolpen na pumasa sa iyong panlasa at nakasama mo sa panahon ng iyong pag-aaral?

#SosBolz House coming together! Solenn, Nico Bolzico ibinahagi ang kanilang dream home

Panoorin: Mahusay na rendisyon ni Maegan Aguilar ng ‘Anak’ nag-trending, hinangaan

Liza inaming may tampo nga kay Tito Ogie, ‘I feel like he’s trying to tarnish my name’

Direk Lauren sa bagong direksyon ni Liza: ‘It’s her life’

Inang ibinalik ang unang suweldo ng anak, kinaantigan

Direk Lauren sa bagong direksyon ni Liza: ‘It’s her life’

Liza inaming may tampo nga kay Tito Ogie, ‘I feel like he’s trying to tarnish my name’

Liza Soberano nagsalita na, ‘I’ve earned the right to finally be me’

Vicki Belo, Hayden Kho emosyonal sa 8th birthday post para kay Scarlet
