Connect with us

celebrity

Angelica Panganiban ibinida ang kanyang newborn, ‘Been waiting for you all my life’

Published

on

Si Angelica Panganiban ay isa nang ganap na ina at masaya niyang ibinahagi ang miletsone na ito sa social media!

Ang aktres ay nagsilang ng isang sanggol na babae, ang kanyang unang anak sa partner na si Gregg Homan. noong Martes, Setyembre 20.

Inanunsyo niya ito sa kanyang Instagram post nitong Biyernes, Setyembre 23; kalakip ang larawan ng mga mata ng kanyang bagong silang na anak.

“Been waiting for you all my life,” sabi niya, at ibinahagi ang pangalan ng sanggol — si Amila Sabine.

Bumuhos ang pagbati mula sa kanyang followers, kaibigan at kapwa celebrities at humakot na ng mahigit 348K likes sa IG as of writing.

“Congratulations Ms. Angelica.”

“Beautiful eyes. Congrats po!”

“Gandang bata.”

Basahin: Angelica Panganiban shares glimpse of their baby’s room

Bago pa man lumabas ang baby nina Angelica at Greg ay ipinasilip niya ang magiging kuwarto ng kanilang baby.

Basahin: Angelica Panganiban ipinagbubuntis ang unang anak

Matatandaang una niyang inihayag sa publiko na siya ay nagdadalantao noong Marso, at sinabing hahantong siya sa kanyang pinakamahalaga at pinakahihintay na tungkulin – ang pagiging isang ina.

“Ay, na-post! Sa wakas!!! Magagampanan ko na rin ang pinakahihintay at pinakaimportanteng papel ng buhay ko. Magiging ganap na INA na ako,” aniya, kalakip ang larawan ng kaniyang sonogram.

Sa parehong post ay nagbahagi rin siya ng video ng kaniyang ultrasound na kuha noong February 18.

“Opo, may matres ako, mga baklaaah!” biro pa niya.

“Ipagpapasalamat ko na rin ang mga kapamilya, kaibigan, at mga marites na sumuporta, nagdiwang, nagdasal at patuloy na nagdadasal para sa pamilya namin. Waaaaaah! Huhuhu. May pamilya na ko. Kaiyaq pramis,” aniya.

January 2021 nang kumpirmahin ni Angelica ang relasyon nila ni Greg sa pamamagitan ng isang larawan. “Kung isa kang pelikula, sana wala kang ending,” caption niya rito.

Noong July 2021 ay ipinagdiwang nila ang kanilang unang anibersaryo.

“I don’t ever want to be madly in love ever again. I want to be healthy in love, sanely in love, peacefully in love. Happy first year my love. I wuv yew,” pagbati noon ni Angelica.

celebrity

Karla Estrada nagbabalik-eskuwela, ‘Education has no borders!’

Published

on

By

‘Education has no borders!’ — Ito ang pinaniniwalaan ng 47-anyos na aktres at mang-aawit na si Carla Elago Ford, na mas kilala bilang si Karla Estrada.

Masayang ibinahagi ng dating host ng “Magandang Buhay” na si Momshie Karla Estrada ang pagbabalik-eskuwela niya, ayon sa isa niyang Instagram post nitong Setyembre 21, 2022.

Sa ilang larawan na malugod niyang ibinahagi ay mababanaag ang kanyang kasiyahan sa bagong landas niyang tinatahak.

“And the Journey begins. (emojis),” saad sa caption ni Karla, na sinundan ng pabirong “Where’s the canteeeeen????” 

Sinamahan pa niya ito ng hashtags kaugnay sa kanyang pagbabalik-aral. “#[email protected]”, “#educationhasnoborders”, at “#restartourdream”.

Ipinakita rin niya ang kaniyang school ID na may mababasang Philippine Christian University kung saan nag-enrol ang butihing ina ni Daniel Padilla o DJ. Ipinasilip din niya ang ilang bahagi ng pamantasan sa kanyang IG post.

Matatandaan na sa nasabing unibersidad din nagtapos ng kanilang Master’s degree program ang ilan sa mga kilalang celebrity tulad nina Ronnie Liang at dating senador na si Manny Pacquiao.

Bumuhos naman ang pagbati sa kanya mula sa celebrity friends at IG followers.

Mula kay @eriksantos – “All the best Ate.”

Si @iamkarendavila naman ay nagpaabot ng “Awwww congrats dear!”  <3

Bukod kina Erik Santos at Karen Davila ay bumati rin sina Marjorie Barretto, Jackie Foster, DJ Chacha, KaladKaren Davila, at iba pa.

Wala namang nabanggit si Karla kaugnay sa kung anong kurso ang kukunin niya. Basta’t ang tiyak ay patungo ito sa kanyang paglago bilang isang mamamayan.

Basahin: Karla Estrada pens appreciation for co-hosts as she leaves ‘Magandang Buhay’

“Mamimiss ko ang mga masasaya at madramang samahan na walang katulad at tanging tayong tatlo lang ang nakakaalam!” saad ni Karla sa kanyang Instagram post noong Hulyo.

“Pero gaya ng after graduation ng high school ay naiba ako ng kurso sa college kaya mahihiwalay ako ng lugar, oras at panahon. Ngunit ang pagkakaibigan na ilang beses sinubok ng panahon ay hindi kailanman makakalimutan.”

Idinagdag pa ni Karla na babaunin nito ang masaya nilang pinagsamahan sa programa.

“Babaunin ko sa aking puso ang masasaya nating samahan at matututo sa lungkot na hamon ng pagkakaibigan,” aniya.

Continue Reading

celebrity

‘Abot Kamay na Pangarap’ star Jillian Ward, masayang ibinida ang ikalimang luxury car

Published

on

By

Wala nang makapipigil pa. Dalaga na talaga ang dating child actress na si Jillian Ward na unang nakilala sa pagganap sa 2010 drama-comedy TV series ng GMA Network na “Trudis Liit.”

Sa isa niyang post sa Instagram Story  ay ipinakita niya sa mga followers ang bago niyang sasakyan na handog umano sa kaniya ng kaniyang mga magulang.

Base sa mga nakaraan niyang post, tila nagkakahilig na siya sa mga mamamahaling sasakyan at sinasabing panglima na ito. Good investment din naman.

At kamakailan nga, finlex ng bida ng bagong teleserye ang bagong “taping car” na puti kung saan ay mababasa ang “Thank you Mama and Papa for my new taping car!”

Aba, isang BMW M-Sport lang naman ang panibagong sasakyan ng 17-taong gulang na beauty na nakasuot pa ng kanyang doctor outfit sa karakter na ginagampanan niya sa Kapuso serye.

Basahin: Jillian Ward @17: Matapos bumili ng BMW, Porsche naman

Nobyembre 2021 nang ipinakita ni Jillian ang kaniyang unang BMW na katas umano ng kaniyang pagsusumikap sa showbiz. Aniya, “My new baby car.”

Pagkatapos bumili ng sarili niyang sasakyan na BMW, noong Marso ng taong kasalukuyan ay ibinida naman ng young actress na isa na rin siyang proud owner ng Porsche sports car.

Ibinahagi ng teen actress ang update sa pamamagitan ng matinding pagpo-pose sa harap ng kanyang bagong black ride habang nakasuot ng fit na jumpsuit na may parehong kulay.

“My first sports car,” isinulat niya sa caption, na tinag pa ang German automobile manufacturer.

Naibida na rin dati ni Jillian na may dalawa pa siyang naipundar na sasakyan; isang Ford pick-up truck at black taping van na pina-customize pa niya ng Hello-Kitty-themed interiors.

Nagpapatutoy ang pagsibat ng career ni Jillian at kasalukuyan niyang proyekto ang “Abot Kamay na Pangarap” sa Afternoon Prime sa GMA kasama sina Carmina Villaroel, Richard Yap, Dominic Ochoa, Heart Ramos, Pinky Amador, Andre Paras at iba pa.

Para kay Jillian, super challenging ang role niya dito at masaya siya na nakasama ang mga beteranong aktor.

Continue Reading

celebrity

Zeinab Harake, ayaw nang magkaroon ng ugnayan ang anak sa ama nito

Published

on

By

Ayaw na umano ng social media star na si Zeinab Harake na magkaroon pa ng ugnayan ang dati niyang karelasyon—ang sikat na rapper at singer-songwriter na si Skusta Clee, sa anak nitong si Bia.

Ibinahagi niya ito sa entertainment presscon sa launching niya bilang bagong ambassador ng oral-care products ng beauty brand na BeauteDerm.

Tinanong siya sa presscon kung may communication pa sila ng dati niyang partner matapos ang kontrobersyal na hiwalayan dahil sa third party.

“Wala po, wala po. Cut off na po,” panimula niya.

Dahil dito ay natanong pa siya kung paano ang setup nila ni Skusta para sa baby girl nilang si Bia.

Aniya, solo niyang pinalalaki ang anak at wala umanong kusa si Skusta na magpadala ng suporta. Pero ayon sa social media influencer, kaya naman daw niyang palakihin ang anak niya nang hindi umaasa sa iba.

Para kay Zeinab, hindi na kailangan ng anak niyang si Bia na magkaroon pa ng ugnayan kay Skusta Clee.

Kaya naman niya umanong gampanan ang pagiging ina at pagiging ama sa kanyang mga anak. “Kaya ko naman po. Hindi naman po ako nangangailangan. ‘Yung baby ko po, baby ko lang po ’yon. Akin lang po ’yon.”

“Alam ko dadating ’yong time, anak ko na ang mag-e-explain na ‘Mommy ko lang lahat.’ Hindi ko siya sinusumbat na ginagawa ko. Mommy-Daddy niya ako. Okay na ako doon. Happy and proud akong sinasabi ’yon palagi. Ma-Pa nga ang tawag niya.”

Pagdating naman sa lovelife, ayon kay Zeinab ay tuluyan na siyang natauhan at happy naman siya ngayon at pinaka-priority daw niya ang kanyang sarili.

Opo, wala na daw akong helmet. Hindi na po tayo magkakabit uli. Hahaha! Hindi na po. Talagang self-love ang pinaka-number one,” ani Zeinab.

“Sabi ko nga du’n sa mga something new, mas pinipili kong  pag tingin mong hindi na worth it or enough na masasaktan ka diyan puwede ka namang mag-step back para hindi lumala. Natuto na ako, ang lala nu’ng nangyari. So, sana bago gawin ng partner mo ’yong ganu’n, magsabi ka lang nang totoo,” pagtatapos niya.

Panoorin ang video na ibnahagi ng Pikapika Showbiz via YouTube:

Continue Reading

Trending