Connect with us

Inspiring

45-anyos na guro nakapasa sa Licensure exam sa kanyang ika-18 pagsubok

Published

on

Ano mang hirap ng mga hamon sa buhay ang ating kaharapin ay makakaya natin ito sa pamamagitan ng ating pagtitiyaga.

Katulad na lamang ni Teacher Mary Grace Millama na bumagsak nang 17 beses sa LET board exam ngunit sa ika-18 try niya, sa wakas ay nakapasa rin siya at nasungkit ang ‘Licensed Professional Teacher’ status.

Ayon sa ‘Philippine Star’ kailangang i-manage ni Teacher Mary ang lahat ng responsibilidad niya sa pagiging Teacher, pagre-review at pagiging isang ina.

Tuwing weekdays ay karaniwang inilalaan ng Teacher ang kanyang tungkulin sa pagtuturo sa Bulacan Standard Academy.

Sa weekends ay nakatutok siya sa pagre-review para sa June 2022 LET.

Nakadidismaya man, inamin ni Teacher Mary na may mga pagkakataong naisipan niyang talikuran na ang kanyang mga pangarap ngunit pinili niyang hindi siya sumuko.

Nang sa wakas ay lumabas na ang resulta matapos siyang mag-take ng board exam, nag-aalinlangan siya na makita ang listahan ng mga pumasa at tanging asawa niya ang nagsabi sa kanya na nakapasa siya sa board exam. Kaya naman laking pasasalamat ng Teacher dahil nagbunga na ang kanyang paghihirap.

Tiniyak naman niya na huling take na niya ang recent board exam kung saan naging inspirasyon niya ang kanyang pamilya kasama na ang kanyang dating colleagues.

Matapos makamit ang ‘Licensed professional teacher’ status, nanatili si Teacher Mary sa pagtuturo sa Bulacan Standard Academy.

Dito siya nagtatrabaho bilang isang junior high school instructor sa loob ng 23 taon mula noong siya ay nagtapos ng kolehiyo.

Umaasa si Teacher Mary na ang kanyang mapait na paglalakbay ay magbibigay inspirasyon sa mga indibidwal na huwag sumuko sa kanilang mga pangarap sa kabila ng mga pagkabigo.

“Sa mga katulad ko na nangangarap, sumubok, at nabigo sa dalawang beses o higit pa, ang masasabi ko po sa inyo, sana ‘wag po kayo mawalan ng pag-asa. Ilagay ninyo po sa inyong puso’t isipan na kung hindi man tayo or ‘di man tayo magtagumpay ngayon baka may balak si Lord, may plano si Lord para sa atin na mas higit na mas maganda.”

Inspiring

Pinay dumpster diver sa Finland, nakatutulong rin sa iba sa ginagawang ‘pamamasura’

Published

on

By

Kung may Inday Roning tayo sa Amerika, mayroon din palang ‘katropa’ niya sa Finland. Si Thai-Finnish Pero Pusong Pinay!

Ayon sa panayam ng GMA Public Affairs na makikita sa kanilang YouTube channel, sinasabing dalawang taon nang naninirahan sa Finland ang OFW na bisdak na si Julie Belleza.

Umaabot umano sa katumbas na halagang P100,000 kada buwan ang natitipid ni Julie sa gastusin sa bahay at nakatutulong pa siya sa iba dahil sa ginagawa niyang “pamamasura” o dumpster diving sa Finland.

Si Julie ay isang Thai-Finnish subalit siya ay lumaki sa Pilipinas kaya’t siya ay Pinay na Pinay umano sa puso, kilos at pananalita.

Aniya, hindi siya pinagbabawalan ng may-ari ng K-market sa Finland na mag-dumpster diving, o maghalungkat sa mga basurahan upang kunin ang puwede pang pakinabangan.

Ipinakita niya rin ang ginagawa niyang ‘pamamasura’ sa naturang tindahan, na kapag umalis na ang truck ay saka naman siya magsisimula sa kanyang pakay.

iba’t-ibang pagkain ang nakukuha ng Pinay sa basurahan. Halimbawa, may cauliflower, grillitassu, grapes, at maging litsong manok na mainit-init pa.

Inaabot siya ng dalawa hanggang apat na oras sa pagda-dumpster diving dahil marami-rami din ang kanyang nakukuha doon.

Kinukuha ni Julie ang mga well-sealed at packed na mga produkto, kaya naman parang namalengke na rin siya sa mga nakukuha niyang kilo-kilong karne ng baboy, baka, chicken, at groceries tulad ng toyo, patis, mga prutas at gulay.

Ligtas din ang mga nakukuha niya dahil maayos ang waste disposal sa naturang bansa at mga naka-seal pa ang mga pagkain dito.

“So ito na nakauwi na tayo after our panghaharbat of the day. So parang namalengke lang kami ni Mr. Bin,” saad niya sa isang video.

Dagdag pa niya, malaking bagay ito hindi lang sa kaniyang pamilya kundi maging sa iba pa na natutulungan nila, tulad ng mga taong nagsisimula pa lang doon. Binibigyan niya ang ilang kakilala ng mga bagay na nakukuha niya rin sa basurahan.

“Thankful ako kay Lord kasi I was given the opportunity na thru dumpster diving maraming tao, especially yung nagsisimula pa lang ng kanilang buhay rito sa Finland ang natutulungan natin,” pahayag niya.

‘Ika nga nila sa buhay, “basta’t may diskarte, walang imposible”.

Samantala, silipin natin ang ilang videos na ibinahagi niya sa YouTube channel niyang Thai-Finnish Pero Pusong Pinay.

Ayon sa kanyang back story, “I was born in Thailand to a Thai mother and Finnish father who happend to grow up in the Philippines. I am here to tell you about my own story on what it was like growing up with a stepmother in the Philippines and how I was treated. I am here using my own story to empower and inspire everyone. God bless.”

Dito ay ibinabahagi niya ang ilang videos kung paano niya ginagawa ang pamamasura sa bansang itinuturing na niyang homebase.

Continue Reading

Inspiring

Lalaking nagbebenta lang dati ng plastic, dyaryo at bakal, natupad na ang pangarap na magkabahay

Published

on

By

Para sa isang lalaking nagbenta ng plastic, dyaryo at bakal, hindi naging hadlang ang kahirapan para makamit ang mga pangarap sa buhay.

Ibinahagi ng netizen na si Robin Paz Jr. sa ‘Home Buddies’ FB page ang kanyang kuwentong buhay at kung paanong hindi naging hadlang ang kahirapan upang magkaroon siya ng magandang bahay at buhay ngayon.

Aniya ay nanggaling umano siya sa simpleng pamilya at sa kanyang murang edad ay nagbebenta na raw siya ng plastic, dyaryo at bakal.

 

Upang makatulong sa pamilya ay naglako rin siya ng ukay-ukay.

Nagsikap makapagtapos si Robin upang maiparanas sa kanyang pamilya, lalo na sa kanyang mga magulang ang sarap ng buhay.

“Sumubok ako ng maraming trabaho hanggang sa nahanap ko ang trabahong aahon sa amin sa kahirapan. ‘Di madali ang pagiging Financial Advisor,” aniya.

“Ngunit sa kagustuhan kong makatulong sa ibang tao, nagsikap at nagtiyaga ako para ako’y maging instrumento sa pagbago ng buhay ng iba. Maliban sa trabaho, nabiyayaan din ako ng isang mapagmahal at maarugang asawa. ‘Di ko naisip na ang babaeng nakilala ko nung Kolehiyo ang makakasama at makakatulong ko sa pag-abot ng aking pangarap. Parehas kaming nagsumikap mapa-araw o gabi,” dagdag pa niya.

Isa sa mga pangarap na natupad ni Robin ay ang kanilang bahay sa Cavite. Nabiyayaan rin sila ng isang supling na si Candace.

“Itong bahay namin sa Cavite ay isa sa mga marami naming pangarap na natupad na. At sa taong ito, ibinigay rin sa amin ni Lord si Candace Grace, ang pinakamahalaga at pinakamagandang pangarap naming mag-asawa. Pupunuin natin ng saya, magagandang alaala at higit sa lahat pagmamahal ang ating munting tahanan.”

“I think God blesses me so much because he wants me to be a channel of blessings to people and to be an instrument to inspire others to work hard in order to achieve their goals.” Pagkat sa totoo lang, kasama sa pagpapabuti ng buhay ang pagkakaroon ng insurance; isang bagay na hindi pa lubos na nauunawaan ng marami nating kababayan.

Kahit ano pa ang estado sa buhay ay hindi dapat ito maging hadlang; bagkus, maging inspirasyon upang makamit ang mga pangarap.

Continue Reading

Inspiring

Engineering grad makes career shift; proves she can be successful in baking business

Published

on

By

Even though she has no background in baking, this engineering graduate proved that she can be successful in her new business which was a far cry from her course.

After changing careers, Danica Lynne Casta, 24 years old, now has an online cake business called ‘Amberlyns Cake’ that earns a six-digit income every month.

“I graduated from MAPUA University, Bachelor of Science in Construction Engineering & Management and I’m now a full time baker. I’m earning six digits a month,” Danica said in a feature video shared by ‘Philippine Star.’

Due to the financial problems faced by her family in the middle of the pandemic, Danica was forced to put aside her profession as an engineer and look for a temporary online job.

“Lockdown tapos kaka-graduate ko. Hindi ko alam kung pa’no ako mag-i-start. ‘Yung naipon ko do’n sa last kong salary, pinangbili ko siya ng oven na maliit. Ginawan ko ng cake ‘yung pamangkin ko and then do’n na nag-start,” she shared.

Even though she is a beginner, her cake business quickly became popular due to her affordable bento cakes.

With her dedication to learning and improving her craft, her struggles eventually paid off.

From basic designs, Danica can now make different styles of cakes.

From just one order, now she receives more than 1,000 orders per month. She also has eight employees helping to run her business.

She further said that media features and free endorsements from artists who order cakes from her are a big help.

Despite the success of her cake business, however, she still dreams of continuing her interrupted dream as an engineering graduate.

“Hopefully, ‘pag talagang super stable na ‘yung business ko, gusto ko rin talagang maging engineer someday. Currently now, nagma-masters din ako, sa MAPUA din.”

Danica also dreams of having a physical store and branches all over Metro Manila.

“For all na gustong mag-pursue ng dreams nila na malayo sa course nila, kung passion mo talaga ‘yung ginagawa mo, kung gusto mo talaga, push mo lang ‘yon. Mas prefer ko talaga passion, kung hindi mo love ‘yung ginagawa mo, ilulugmok mo lang ‘yung sarili mo do’n sa work mo na ‘di ka naman masaya.”

Watch the feature by Philippine Star:

Take note also, in a recent episode of Kapuso Mo Jessica Soho, she made a special cake for the twins Jericho and Reinner!

Continue Reading

Trending