Connect with us

Uncategorized

Jaclyn Jose admits longing for her children, says she’s feeling sad and lonely

Published

on

Veteran actress Jaclyn Jose, who recently announced but later on retracted her post about retiring from showbiz, opened up on her struggles as a single mom who is living far away from her children.

Her daughter Andi Eigenmann is now based in Siargao with her family while Gwen Guck is studying in the US.

“Every day, you feel sad and lonely, wala kang kasama. Iniisip mo na madalas, dumarating sa sarili mo na, ‘Bakit ko ba ginagawa ang lahat ng ‘to? Aalis ako mag-isa, babalik akong mag-isa. Kung wala akong trabaho, mag-isa lang din ako sa bahay,” Jaclyn told PEP.

She admitted that she did not expect that she would one day be alone because her children will go on with their own lives.

“Hindi mo na-anticipate na someday, mawawala sila, matitira ka lang palang mag-isa. So, parang hindi ko alam kung tama ba ang mga ginawa ko at the end of the road,” she said; talking about her absence when her children were younger in order to work for their needs.

“Kung hindi ako magtatrabaho, paano sila mag-aaral? Paano sila makakakain? Paano sila titira sa good environment na tinatawag? Hindi naman ako mayaman, pero kahit papaano, nasa maayos kaming lugar na hindi nagbabayad ng renta.”

This made her think that Andi’s decision to quit showbiz and focus on her family is right.

“At the end of the road, you will feel all alone. Mahirap pala. Kaya ako, tingin ko, tama ang ginagawa ni Andi sa pamilya niya.”

This is not the first time that Jaclyn opened up about her longing for her children.

 

[RELATED: Jaclyn Jose aminadong nangungulila sa mga anak]

Last year, she said that while she is lonely that her children are not with her, she does not want to hold them back from doing what they want.

“Ayokong pigilan ‘yong mga anak ko sa mga gusto nilang gawin kasi ako, nahawakan, napigilan. Kung anuman yung gusto nilang tahakin, gusto ko silang hayaan. I want them to enjoy life kasi life is short.”

Uncategorized

Sunshine Cruz may appreciation post para sa partner ni Cesar Montano

Published

on

By

Muling nagpahayag ng kanilang paghanga ang netizens sa maayos na relasyon ni Sunshine Cruz sa bagong partner ng dating asawang si Cesar Montano.

Naglaan si Sunshine ng isang post upang pasalamatan si Kath Angeles na kabilang sa mga dumalo sa intimate birthday celebration ng anak na si Chesca.

“Happy to see you last night @maarriiaaa05 & Kristen. Chesca, as well as Sam and Angelina, are truly blessed to gain a Tita Kath. Thank you for loving the three girls. They are grateful to you and they love you, their dad and their siblings,” sabi ni Sunshine sa kaniyang post.

Marami ang humanga sa pagiging bukas ni Sunshine sa pagkakaroon ng blended family. “The good heart of Sunshine really shines here…. Isa kang napakabuti na tao. You deserve all the respect and love in this world,” sabi ng isang netizen.

“Very nice to see family like this.. love is in the air..love of family..no matter what,” tugon pa ng isang Instagram user.

Sabi naman ng isa pang netizen, tila hindi niya napigilan ang luha nang mabasa ang post. “Parang ako ang naiyak hahahaa You have a good heart Ms. Shine. You will be blessed more!”

Ang ilan naman, sinabing masaya silang lumaking ma-respeto ang mga anak ni Sunshine. “Mababait at ma respeto ang mga anak ni Ms Sunshine. Maganda ang pagpapalaki ni Ms Sunshine.”

Noong Agosto ay muling nagkasama sa isang larawan sina Sunshine at Cesar nang magdiwang ng 18th birthday ang anak nilang si Sam.

[RELATED: Hugot ni Sunshine Cruz: When you forgive, you in no way change the past but you sure do change the future]

“Who would’ve thought that after 10 years mabubuo ulit in one frame! In God’s perfect time talaga. Kahit ano pa ang nangyari noon, one thing na hindi mawawala ay ang pagiging magulang namin sa mga bata,” paliwanag ng aktres,” aniya.

Continue Reading

celebrities

‘Isang gin bilog please’ ni Heart Evangelista sa IG, kinaaliwan sa social media

Published

on

By

Sa unang araw ng Disyembre pa lamang ay naghatid na ng kaaliwan sa Instagram ang aktres-socialite-model na si Heart Evangelista o Love Marie Ongpauco sa tunay na buhay.

Aniya sa isang IG post, “Isang gin bilog please.” Kalakip ng kanyang ‘order’ ang dalawang larawan kung saan ay makikita siyang nakaupo sa isang bar na sosyalin. Sa quilted chairs pa lang ay alam mo nang hindi ito basta bastang bar. Hindi naman niya tinukoy kung saan ito.

Bumuhos naman ang heart reactions sa post niyang ito; sumasakay sa pakwela niyang pagbubukas sa Disyembre.

Maraming naaliw sa kanyang ‘amoy mayamang’ mga larawan.

Baka wala there order mo haha,” sabi ng isa niyang follower na nakatanggap naman ng tugon mula sa isa pang netizen. “World’s #1 selling gin ang GIN BILOG, I bet meron dyan!” 

May payo naman ang iba. “Red horse na lang Miss heart”

“Gin bilog with a side of pomelo juice, mars! No to whistle chaser!”

“Hahahaha kulang ung gin bilog ate, ung kwadrado, gin 4×4 hahahaha”

Ilan din naman ang nag-virtual tagay sa kanya. “Shot puno, sizt!”

“Hahaha love your humor my dear!”

“U will pass as a teenager. With that body and looks.”

Basahin: Heart Evangelista nakatanggap ng maagang Christmas gift mula sa kaniyang Daddy

Isang maagang pamasko ang natanggap ni Kapuso actress Heart Evangelista mula sa kaniyang amang si Reynaldo Ongpauco. Ibinahagi ni Heart ang naging pag-uusap nila ni Daddy Rey. Ayon sa huli, nais niyang mapasaya ang anak kaya binigyan niya ito ng regalo. Sana all may Daddy Rey. hahaha

Noong Agosto ay umugong ang usap-usapan na hiwalay na si Heart sa kaniyang mister na si dating Sorsogon Governor at ngayon ay Senador Francis ‘Chiz’ Escudero.

Ito ay matapos tanggalin ni Heart ang ‘Escudero’ sa kaniyang pangalan sa Instagram bio. Ito rin umano ang dahilan kung bakit bigla na lang siyang lumipad patungong Paris para mapawi ang sakit ng loob.

Continue Reading

Uncategorized

Paolo Contis sa mga natatanggap na banta: ‘Sino ngayon sa amin ang mas nagkakasala?’

Published

on

By

Muling pinutakte ng bashers sina Paolo Contis at ang rumored girlfriend nito na si Yen Santos na nanalo kamakailan ng Best Actress award sa Gawad Urian.

Sa panayam kay Gorgy Rula ay sinabi ng aktor na bagama’t sanay na siya sa natatanggap na bashing ay nagulat siya dahil may kasama nang pagbabanta ang komento ng iba. Mayroon ding mga humihiling ng hindi maganda para sa kanila.

“Sino ngayon sa amin ang mas nagkakasala? Ever since naman never ko pinapansin ang mga bashers,” sabi umano ni Paolo sa ipinadalang mensahe kay Gorgy.

Matatandaang sa talumpati ni Yen ay nabanggit at pinasalamatan niya si Paolo na nakatambal niya sa “A Faraway Land.”

Si Paolo naman ay binati si Yen at sinabing proud siya sa natanggap nitong parangal. “Congratulations, Lilieyen Santos. I’m sooooooo proud of you! Very well deserved! See you in a while,” sabi ni Paolo.

Namataan din ang dalawa na magkasama sa isang hotel pero paliwanag ni Paolo sa parehong panayam, kasama ni Yen na nag-check in doon ang bestfriend niya at sumunod lang siya doon matapos ang kaniyang shooting kinabukasan.

Samantala, lalo pang lumakas ang hinala ng mga netizen na may namamagitan nga sa kanila ni Yen nang magbahagi si Paolo ng birthday greeting para sa kaarawan nito kamakailan. “Happy Birthday My Best Actress!” caption niya sa mga larawan nila.

Matatandaang iniugnay si Yen sa hiwalayan ni Paolo at dating partner nitong si LJ Reyes.

Sa isang Instagram post ay itinanggi naman ng aktor noon na si Yen ang dahilan ng hiwalayan nila ni LJ.

“She was never the reason of our break up. I was. Kung matagal na kaming hindi okay ni LJ, it was mainly because of me. Masyado niyo siyang diniin sa issue na to. Pati pag promote namin ng movie nabahiran na ng kung anu ano,” sabi niya noon.

Continue Reading

Trending