Connect with us

celebrity

Janella Salvador nagbigay ng saloobin sa pagiging single mom, ‘Regina at Valentina’

Published

on

Nagsimulang kumalat noong Hunyo ang mga haka-haka na hiwalay na sina Janella Salvador at Markus Paterson.

Tila kinumpirma ng aktres na naghiwalay na nga sila ni Markus, matapos niyang tawagin ang sarili niyang single mom sa anak nilang si Jude.

Sa isang vlog na inilabas ni Bernadette Sembrano noong Sabado, Setyembre 3, sinabi ni Janella kung paano siya naka-relate kay Regina, ang alter-ego ng karakter niyang si Valentina sa teleseryeng Darna: The TV series ni Mars Ravelo.

“Si Regina, she’s a lawyer and vlogger. She’s very intelligent and her heart is in the right place. She fights for justice… Kapag meron siyang ipinaglalaban, as long as alam niyang nasa tama siya, ilalaban niya talaga,” aniya.

Inilarawan din niya ang kanyang role bilang Valentina. “She’s a monster, she’s fierce, she’s scary.”

Tinanong siya ni Bernadette kung ano ang ipinaglalaban ngayon ng aktres at mabilis naman niya itong tinugunan.

“Being a single mom — talagang nilalaban ko ‘yon,” sagot ni Janella.

“At the end of the day, alam kong kaya ko naman siya. As much as I love the people around me who are always there to help me, I always want to know na kaya kong gawin,” dagdag niya. “I can rely on myself na hindi ko kailangang humingi ng tulong sa iba.”

Nabanggit din ni Janella na ang pagiging independent ay isang bagay na maaaring kinuha niya mula sa kanyang ina, ang singer-actress na si Jenine Desiderio, na siya ring nagpalaki sa kanya nang mag-isa.

“Siguro kasi I saw my mom growing up, kung paano siya , she was able to raise us on her own. So siguro na-embody ko rin kung paano siya. I wanted to be independent as well,” matapang niyang sinabi.

Basahin: Ogie Diaz, ‘Totoo ba? Janella Salvador at Markus Peterson hiwalay na nga ba?’

Matatandaan kinumpirma nina Markus at Janella na naging magkasintahan noong Setyembre 2020. Noong Enero 2021, ipinakilala nila sa publiko ang kanilang anak na si Jude Trevor, na ipinanganak noong Oktubre 2020.

Star Patroller Janella, panoorin!

celebrity

Angelica Panganiban ibinida ang kanyang newborn, ‘Been waiting for you all my life’

Published

on

By

Si Angelica Panganiban ay isa nang ganap na ina at masaya niyang ibinahagi ang miletsone na ito sa social media!

Ang aktres ay nagsilang ng isang sanggol na babae, ang kanyang unang anak sa partner na si Gregg Homan. noong Martes, Setyembre 20.

Inanunsyo niya ito sa kanyang Instagram post nitong Biyernes, Setyembre 23; kalakip ang larawan ng mga mata ng kanyang bagong silang na anak.

“Been waiting for you all my life,” sabi niya, at ibinahagi ang pangalan ng sanggol — si Amila Sabine.

Bumuhos ang pagbati mula sa kanyang followers, kaibigan at kapwa celebrities at humakot na ng mahigit 348K likes sa IG as of writing.

“Congratulations Ms. Angelica.”

“Beautiful eyes. Congrats po!”

“Gandang bata.”

Basahin: Angelica Panganiban shares glimpse of their baby’s room

Bago pa man lumabas ang baby nina Angelica at Greg ay ipinasilip niya ang magiging kuwarto ng kanilang baby.

Basahin: Angelica Panganiban ipinagbubuntis ang unang anak

Matatandaang una niyang inihayag sa publiko na siya ay nagdadalantao noong Marso, at sinabing hahantong siya sa kanyang pinakamahalaga at pinakahihintay na tungkulin – ang pagiging isang ina.

“Ay, na-post! Sa wakas!!! Magagampanan ko na rin ang pinakahihintay at pinakaimportanteng papel ng buhay ko. Magiging ganap na INA na ako,” aniya, kalakip ang larawan ng kaniyang sonogram.

Sa parehong post ay nagbahagi rin siya ng video ng kaniyang ultrasound na kuha noong February 18.

“Opo, may matres ako, mga baklaaah!” biro pa niya.

“Ipagpapasalamat ko na rin ang mga kapamilya, kaibigan, at mga marites na sumuporta, nagdiwang, nagdasal at patuloy na nagdadasal para sa pamilya namin. Waaaaaah! Huhuhu. May pamilya na ko. Kaiyaq pramis,” aniya.

January 2021 nang kumpirmahin ni Angelica ang relasyon nila ni Greg sa pamamagitan ng isang larawan. “Kung isa kang pelikula, sana wala kang ending,” caption niya rito.

Noong July 2021 ay ipinagdiwang nila ang kanilang unang anibersaryo.

“I don’t ever want to be madly in love ever again. I want to be healthy in love, sanely in love, peacefully in love. Happy first year my love. I wuv yew,” pagbati noon ni Angelica.

Continue Reading

celebrity

Karla Estrada nagbabalik-eskuwela, ‘Education has no borders!’

Published

on

By

‘Education has no borders!’ — Ito ang pinaniniwalaan ng 47-anyos na aktres at mang-aawit na si Carla Elago Ford, na mas kilala bilang si Karla Estrada.

Masayang ibinahagi ng dating host ng “Magandang Buhay” na si Momshie Karla Estrada ang pagbabalik-eskuwela niya, ayon sa isa niyang Instagram post nitong Setyembre 21, 2022.

Sa ilang larawan na malugod niyang ibinahagi ay mababanaag ang kanyang kasiyahan sa bagong landas niyang tinatahak.

“And the Journey begins. (emojis),” saad sa caption ni Karla, na sinundan ng pabirong “Where’s the canteeeeen????” 

Sinamahan pa niya ito ng hashtags kaugnay sa kanyang pagbabalik-aral. “#[email protected]”, “#educationhasnoborders”, at “#restartourdream”.

Ipinakita rin niya ang kaniyang school ID na may mababasang Philippine Christian University kung saan nag-enrol ang butihing ina ni Daniel Padilla o DJ. Ipinasilip din niya ang ilang bahagi ng pamantasan sa kanyang IG post.

Matatandaan na sa nasabing unibersidad din nagtapos ng kanilang Master’s degree program ang ilan sa mga kilalang celebrity tulad nina Ronnie Liang at dating senador na si Manny Pacquiao.

Bumuhos naman ang pagbati sa kanya mula sa celebrity friends at IG followers.

Mula kay @eriksantos – “All the best Ate.”

Si @iamkarendavila naman ay nagpaabot ng “Awwww congrats dear!”  <3

Bukod kina Erik Santos at Karen Davila ay bumati rin sina Marjorie Barretto, Jackie Foster, DJ Chacha, KaladKaren Davila, at iba pa.

Wala namang nabanggit si Karla kaugnay sa kung anong kurso ang kukunin niya. Basta’t ang tiyak ay patungo ito sa kanyang paglago bilang isang mamamayan.

Basahin: Karla Estrada pens appreciation for co-hosts as she leaves ‘Magandang Buhay’

“Mamimiss ko ang mga masasaya at madramang samahan na walang katulad at tanging tayong tatlo lang ang nakakaalam!” saad ni Karla sa kanyang Instagram post noong Hulyo.

“Pero gaya ng after graduation ng high school ay naiba ako ng kurso sa college kaya mahihiwalay ako ng lugar, oras at panahon. Ngunit ang pagkakaibigan na ilang beses sinubok ng panahon ay hindi kailanman makakalimutan.”

Idinagdag pa ni Karla na babaunin nito ang masaya nilang pinagsamahan sa programa.

“Babaunin ko sa aking puso ang masasaya nating samahan at matututo sa lungkot na hamon ng pagkakaibigan,” aniya.

Continue Reading

celebrity

‘Abot Kamay na Pangarap’ star Jillian Ward, masayang ibinida ang ikalimang luxury car

Published

on

By

Wala nang makapipigil pa. Dalaga na talaga ang dating child actress na si Jillian Ward na unang nakilala sa pagganap sa 2010 drama-comedy TV series ng GMA Network na “Trudis Liit.”

Sa isa niyang post sa Instagram Story  ay ipinakita niya sa mga followers ang bago niyang sasakyan na handog umano sa kaniya ng kaniyang mga magulang.

Base sa mga nakaraan niyang post, tila nagkakahilig na siya sa mga mamamahaling sasakyan at sinasabing panglima na ito. Good investment din naman.

At kamakailan nga, finlex ng bida ng bagong teleserye ang bagong “taping car” na puti kung saan ay mababasa ang “Thank you Mama and Papa for my new taping car!”

Aba, isang BMW M-Sport lang naman ang panibagong sasakyan ng 17-taong gulang na beauty na nakasuot pa ng kanyang doctor outfit sa karakter na ginagampanan niya sa Kapuso serye.

Basahin: Jillian Ward @17: Matapos bumili ng BMW, Porsche naman

Nobyembre 2021 nang ipinakita ni Jillian ang kaniyang unang BMW na katas umano ng kaniyang pagsusumikap sa showbiz. Aniya, “My new baby car.”

Pagkatapos bumili ng sarili niyang sasakyan na BMW, noong Marso ng taong kasalukuyan ay ibinida naman ng young actress na isa na rin siyang proud owner ng Porsche sports car.

Ibinahagi ng teen actress ang update sa pamamagitan ng matinding pagpo-pose sa harap ng kanyang bagong black ride habang nakasuot ng fit na jumpsuit na may parehong kulay.

“My first sports car,” isinulat niya sa caption, na tinag pa ang German automobile manufacturer.

Naibida na rin dati ni Jillian na may dalawa pa siyang naipundar na sasakyan; isang Ford pick-up truck at black taping van na pina-customize pa niya ng Hello-Kitty-themed interiors.

Nagpapatutoy ang pagsibat ng career ni Jillian at kasalukuyan niyang proyekto ang “Abot Kamay na Pangarap” sa Afternoon Prime sa GMA kasama sina Carmina Villaroel, Richard Yap, Dominic Ochoa, Heart Ramos, Pinky Amador, Andre Paras at iba pa.

Para kay Jillian, super challenging ang role niya dito at masaya siya na nakasama ang mga beteranong aktor.

Continue Reading

Trending