Connect with us

Philippine Showbiz

Michelle Madrigal happy in her new relationship: ‘It’s so freeing to feel like a lady again’

Published

on

Actress Michelle Madrigal is happy in her new relationship; saying that although she wanted to stay single after her divorce, she is happy to have found love again.

“God answers prayer according to His perfect will, in His perfect timing. This was definitely not in my plan. I wanted to be single for as long as I could,” she said in an Instagram post.

“But boyyyyy I’m so glad it happened. It’s so freeing to feel like a lady again. Not having to be in a fight or flight mode all the time. It feels like home,” she shared.

Michelle opened up last month about her new relationship and said that she is happy to be with someone who is on the same page as her.

[RELATED: Michelle Madrigal dating again after divorce with husband]

“We have an understanding. I think we’re pretty much on the same page. He’s also divorced. He’s got kids. So I think it was just good, I would say match sa lifestyle ko and sa lifestyle niya,” Michelle said in a vlog.

In an Instagram post last week, she told her followers to stop chasing the wrong guys.

“To all my ladies, you will never have to convince what God sends to stay. Ever. Stop chasing the wrong guys. Instead, focus on yourself and seek the Lord. If a man isn’t following God, he isn’t fit to lead. If he doesn’t have a relationship with God, he won’t know how to have a relationship with you. If he doesn’t know God, he doesn’t know real love,” she said.

Michelle and Troy Woolfolk divorced earlier this year.

“An ending to this chapter… Yesterday was supposedly the day we celebrate our union a few years back… Fast forward to 2022, it’s a completely different story because this marriage is at the end of divorce (took some time but have been legally separated),” she said.

Philippine Showbiz

Vice Ganda inaming gustong magkaanak

Published

on

By

Inamin ng ‘It’s Showtime’ host na si Vice Ganda na nais niyang magkaroon ng sariling anak balang araw.

Sa isang panayam sa vlog ng batikang aktres na si Maricel Soriano, sinabi niyang bagama’t hindi niya pa sigurado kung kailan ito mangyayari ay nais niyang maging isang magulang.

“Kung gusto kong magkaanak, yes. Gusto kong magkaanak. Hindi ko lang alam kung kailan ko siya magagawa,” aniya.

Sinabi rin ni Vice na kung minsan ay napapaisip siya kung may lakas pa siya sa mga darating na milestone ng kaniyang anak.

“Actually nagko-compute din ako. Maaalagaan ko pa ba ‘to pag ganitong edad? Pag nag-debut siya, ilang taon ako nun? Makaka-attend pa ba ko ng big party niya? Maisasayaw ko pa ba siya? Iniisip ko rin ‘yung mga ganun,” sabi ng 46-anyos na komedyante.

Nang tanungin ni Maricel kung lalaki o babae ang anak na gusto niya, tugon ni Vice Ganda: ”Gusto ko girl para maaayusan ko, pero lalaki bongga na rin. Basta gusto kong magkaroon ng anak.”

Inusisa rin si Vice kung pipiliin niya bang ikasal kay Ion kung hindi siya nito niyaya. “Kung ‘di niya ko inaya, aayain ko rin naman siya. So mangyayari’t mangyayari talaga siya by hook or by crook.”

Dagdag niya pa, matagal niyang hinintay ang moment nang ikasal sila sa Las Vegas noong 2021.

“It was a moment that I have long waited for. It was a moment na gusto ko nang mangyari nung oras din na yun. Nung na-meet ko si Ion, na-share ko ‘to sa Showtime, I realized that I was so blessed because I finally found that one person that I both want and need. I want him to be in my life and I need him to be in my life.”

Tatlong taon nang magkarelasyon sina Vice Ganda at Ion na kapwa mga host ng “It’s Showtime.”

Panoorin ang buong panayam ni Maricel kay Vice Ganda.

Continue Reading

Philippine Showbiz

Donita Rose ikinasal na kay Felson Palad

Published

on

By

Ikinasal na ang actress-turned-chef na si Donita Rose sa kaniyang boyfriend na si Felson Palad.

Ibinahagi ni Donita sa Facebook ang ilang mga larawan mula sa kanilang pag-iisang dibdib.

“Surely your goodness and unfailing love will follow me all the days of my life and I will dwell in the house of the LORD forever,” caption niya sa ibinahaging wedding photos.

Samantala, si Felson din ay nag-post ng pasilip mula sa kanilang kasal.

“Finally I’m no longer a virgin. It took 37 years,” makulit na caption nito sa kaniyang Instagram post.

Kamakailan lamang ay ibinahagi ng dalawa ang kanilang love story sa isang panayam sa PEP. Pag-amin ni Felson, sa unang pagkikita pa lamang nila ay interesado na siya kay Donita dahil humanga siya sa pagiging simple at wala nitong arte sa katawan.

“This girl is very cool kasi parang alam mo yon? Kahit artista siya, walang arte. Kung ano siya sa TV, ‘yun siya sa personal,” ani Felson.

[RELATED: Donita Rose, Felson Palad share their love story]

Kinuha niya ang number ng aktres at matapos ang isang araw ay sinubukan niya itong i-text ngunit wala siyang natatanggap na sagot.

“For those three days na di siya nagre-reply, nagsusumbong ako kay Lord. Sabi ko kay Lord, ‘Lord, I don’t know, pero gusto ko itong taong ito. Pero hindi naman siya nagre-reply. I was just pronouncing blessings to her life. ‘I-bless mo siya kung anong ginagawa niya. Kung nagluluto siya, sana huwag siya mapaso, hindi siya mahiwa,’” pagsasalaysay niya.

Kalaunan ay napag-alaman niyang sumasagot pala si Donita at may mali lamang sa settings ng kaniyang cellphone.

Aminado rin si Donita na masaya siya sa relasyon nila ni Felson. “I’m enjoying this person. I like everything about him. Sabihin ko nga sana ‘love,’ pero magpapakipot ako,” aniya.

Taong 2016 nang aminin ni Donita na hiwalay na sila ng dating asawang si Eric Villarama.

Continue Reading

Philippine Showbiz

Sunshine Cruz muling hinangaan nang magbahagi ng larawan kasama ang mga anak ni Cesar Montano

Published

on

By

Muling hinangaan ng netizens ang aktres na si Sunshine Cruz matapos niyang magbahagi ng larawan kasama ang mga anak ni Cesar Montano sa partner nitong si Socorro Angeles.

“So happy to meet these cuties!!!” ani Sunshine sa isang Instagram post kalakip ang mga larawan na kuha mula sa 21st birthday party ng anak nila ni Cesar na si Angelina.

“The Heart of a Mother…. @sunshinecruz718 Boundless Blessings to all!” komento rito ni Teresa Loyzaga.

Sabi naman ng ibang netizens, proud sila dahil hindi siya nagtanim ng galit kahit hindi naging maganda ang nakaraan nila ni Cesar.

“When you are happy, [there is] no room for bitterness. Sana ito yung pamarisan ng ibang mga kababaihan,” sabi ng isang Instagram user.

“Miss @sunshinecruz718 Ang saya lang po. Ung pangalan mo swak na swak sa pagkatao mo. Kaya mahal Kita at idol Kita eh. Kumbaga, heart of a mother. Mabuhay ka miss Sunshine. Hugs po,” sabi naman ng isa pa.

Kamakailan lamang ay nagbahagi si Sunshine ng larawan kung saan nagkasamang muli sila ni Cesar at ng kanilang mga anak. Aniya, bagama’t hindi na mababago ang nakaraan, maaaring mapalitan ang hinaharap kung magpapatawad ka.

[RELATED: Hugot ni Sunshine Cruz: When you forgive, you in no way change the past but you sure do change the future]

“Who would’ve thought that after almost 10 years mabubuo ulit in one frame! In God’s perfect time talaga. Kahit ano pa ang nangyari noon, one thing na hindi mawawala ay ang pagiging magulang namin sa mga bata. The girls are genuinely happy to have their dad back in their lives,” aniya.

“Thank you Kath for being a wonderful Tita to my girls, I/we appreciate you! My girls love your kids so much. To my Macky for accepting and loving me and my kids, we love you, Roan, Cole and Charlie too!”

Continue Reading

Trending