Connect with us

Philippine Showbiz

Mona Alawi declines grand 18th birthday party, prefers intimate celebration with family

Published

on

Mona Alawi could have had a grand birthday party on her 18th birthday but she opted for a simple and intimate celebration with her family.

In a YouTube vlog, her sister, actress Ivana Alawi, shared her original plans for Mona’s birthday – she wanted Mona to travel abroad or have a grand debut party.

“Sabi ko sa kaniya, mag-birthday siya tapos pwede silang magpunta sa Korea…tapos hindi ako kasama kasi hindi ko talaga kaya. Ayaw niya bumiyahe. Binu-book ko na sila eh. Sabi ko para ma-enjoy,” she said.

“Ako mag-eenjoy tapos ikaw wala. Masama pakiramdam mo. Gusto ko pagaling ka muna,” Mona replied.

Ivana went on to say that she was also ready to book a hotel’s ballroom but Mona declined. Asked to explain, Mona said she wanted to put the money for that to better use.

Mona, who was diagnosed with diabetes, knows the struggles of children with illness.

“To help kids, yung mga sick kids, I’ve been there. I’m still there. I’m still getting better and since we have the means to do so, I really wanna help yung other sick kids,” Mona said.

While she has nothing against big parties, Mona said that it is not what she wants at the moment.

“Nanghihinayang nga lang ako kasi we could use the money to help other people… I have nothing against big parties. That’s nice pero ako kasi, okay na ako sa tayo tayo lang kahit small party. As long as we’re together, masaya na ako. Masaya naman ako kahit hindi big party,” Mona said.

“Ngayon, hindi ganoon ‘yung gusto ko sa life. As long as magkakasama tayo and makatulong.”

Mona got exactly what she wanted and celebrated her birthday with her family in a resort in Batangas. She even surprised them with matching pajamas to wear during dinner.

Watch Ivana’s full vlog here.

Philippine Showbiz

Anne Curtis surprises street workers with cash gift from ‘It’s Showtime’

Published

on

By

Actress Anne Curtis expressed her gratitude to her “It’s Showtime” family for letting her experience helping other people through the pot money they collected in the show’s “Vest in Spelling” segment.

Anne was tasked to do random acts of kindness and share the P32,400 pot money from the program, which she gave away to four street workers – two junk collectors, a balloon vendor, and a fish vendor – in Mandaluyong and Makati. Each received P8,100.

“I was really looking for people who are really striving hard for a living. Tingin ko kasi, silang yung talagang deserving, ‘yung nakikita mong nagtatrabaho,” she said.

She added that she was touched to hear that these people are working hard in order to provide for their family.

“Tapos ang nag-ano pa sa akin, ‘yung aalamin mo ‘yung kwento nila kung bakit magdamag sila sa arawan… Talagang ang sarap sa feeling na malaman mong makakatulong ka sa kapwa mong Pilipino tapos makakauwi na sila sa pamilya pagkatapos. [Sabi nga nila,] ‘Ay salamat makakauwi na kami,’” she said; adding that the fish vendor was still waiting to sell two pieces of fish at noon time.

“Dalawang isda na lang ‘yung hinihintay niyang mabenta tapos tanghali na. Usually, ‘di ba pag palengke ang alam ko, tanghali dapat tapos na.”

Vice Ganda added that being exposed to other people’s lives is an eye opener for them. “At saka yung minumulat ‘yung mata mo sa nangyayari sa pangkaraniwang Pilipino sa labas ng bahay mo,” Vice said.

Anne said this is why she is thankful to be given the opportunity to share their blessings.

“Sobra akong happy. All of them were telling me na ‘yung kinikita nila was for their family, mga apo, mga anak kaya nakakatuwa na maka-experience ng ganito. Kaya maraming salamat, ‘Showtime’ family, for giving me this opportunity.”

Watch the full video here.

Continue Reading

Philippine Showbiz

Vice Ganda inaming gustong magkaanak

Published

on

By

Inamin ng ‘It’s Showtime’ host na si Vice Ganda na nais niyang magkaroon ng sariling anak balang araw.

Sa isang panayam sa vlog ng batikang aktres na si Maricel Soriano, sinabi niyang bagama’t hindi niya pa sigurado kung kailan ito mangyayari ay nais niyang maging isang magulang.

“Kung gusto kong magkaanak, yes. Gusto kong magkaanak. Hindi ko lang alam kung kailan ko siya magagawa,” aniya.

Sinabi rin ni Vice na kung minsan ay napapaisip siya kung may lakas pa siya sa mga darating na milestone ng kaniyang anak.

“Actually nagko-compute din ako. Maaalagaan ko pa ba ‘to pag ganitong edad? Pag nag-debut siya, ilang taon ako nun? Makaka-attend pa ba ko ng big party niya? Maisasayaw ko pa ba siya? Iniisip ko rin ‘yung mga ganun,” sabi ng 46-anyos na komedyante.

Nang tanungin ni Maricel kung lalaki o babae ang anak na gusto niya, tugon ni Vice Ganda: ”Gusto ko girl para maaayusan ko, pero lalaki bongga na rin. Basta gusto kong magkaroon ng anak.”

Inusisa rin si Vice kung pipiliin niya bang ikasal kay Ion kung hindi siya nito niyaya. “Kung ‘di niya ko inaya, aayain ko rin naman siya. So mangyayari’t mangyayari talaga siya by hook or by crook.”

Dagdag niya pa, matagal niyang hinintay ang moment nang ikasal sila sa Las Vegas noong 2021.

“It was a moment that I have long waited for. It was a moment na gusto ko nang mangyari nung oras din na yun. Nung na-meet ko si Ion, na-share ko ‘to sa Showtime, I realized that I was so blessed because I finally found that one person that I both want and need. I want him to be in my life and I need him to be in my life.”

Tatlong taon nang magkarelasyon sina Vice Ganda at Ion na kapwa mga host ng “It’s Showtime.”

Panoorin ang buong panayam ni Maricel kay Vice Ganda.

Continue Reading

Philippine Showbiz

Donita Rose ikinasal na kay Felson Palad

Published

on

By

Ikinasal na ang actress-turned-chef na si Donita Rose sa kaniyang boyfriend na si Felson Palad.

Ibinahagi ni Donita sa Facebook ang ilang mga larawan mula sa kanilang pag-iisang dibdib.

“Surely your goodness and unfailing love will follow me all the days of my life and I will dwell in the house of the LORD forever,” caption niya sa ibinahaging wedding photos.

Samantala, si Felson din ay nag-post ng pasilip mula sa kanilang kasal.

“Finally I’m no longer a virgin. It took 37 years,” makulit na caption nito sa kaniyang Instagram post.

Kamakailan lamang ay ibinahagi ng dalawa ang kanilang love story sa isang panayam sa PEP. Pag-amin ni Felson, sa unang pagkikita pa lamang nila ay interesado na siya kay Donita dahil humanga siya sa pagiging simple at wala nitong arte sa katawan.

“This girl is very cool kasi parang alam mo yon? Kahit artista siya, walang arte. Kung ano siya sa TV, ‘yun siya sa personal,” ani Felson.

[RELATED: Donita Rose, Felson Palad share their love story]

Kinuha niya ang number ng aktres at matapos ang isang araw ay sinubukan niya itong i-text ngunit wala siyang natatanggap na sagot.

“For those three days na di siya nagre-reply, nagsusumbong ako kay Lord. Sabi ko kay Lord, ‘Lord, I don’t know, pero gusto ko itong taong ito. Pero hindi naman siya nagre-reply. I was just pronouncing blessings to her life. ‘I-bless mo siya kung anong ginagawa niya. Kung nagluluto siya, sana huwag siya mapaso, hindi siya mahiwa,’” pagsasalaysay niya.

Kalaunan ay napag-alaman niyang sumasagot pala si Donita at may mali lamang sa settings ng kaniyang cellphone.

Aminado rin si Donita na masaya siya sa relasyon nila ni Felson. “I’m enjoying this person. I like everything about him. Sabihin ko nga sana ‘love,’ pero magpapakipot ako,” aniya.

Taong 2016 nang aminin ni Donita na hiwalay na sila ng dating asawang si Eric Villarama.

Continue Reading

Trending