Connect with us

Social News

Netizen nagbahagi ng mga aral tungkol sa pagbabayad ng utang

Published

on

Ibinahagi ng isang netizen ang mensahe na ipinadala niya sa taong nangutang at hindi nagbayad sa kaniya sa takdang araw.

Kuwento ni Benjie Tech, sa halip na ikagalit niya ay nagdesisyon siyang pangaralan na lang ang nangutang tungkolsa kahalagahan ng pagbabalik ng hiniram na pera.

Sa isang Facebook post ay ibinahagi niya ang mahabang mensaheng ipinadala niya sa nangutang.

Base sa screenshot na ipinost ni Benjie, September 14 nangakong magbabayad ang kaniyang kakilala ngunit lumipas na ito nang walang paramdam sa kaniya.

“Not only did you not pay me back pero hindi ka rin nagparamdam at all. Hayaan mo na. Keep it na. No need to pay me back. But allow me to share with you a few things to think about para hindi mo na ulitin sa iba ‘tong nagawa mo sa akin.”

Paliwanag niya, mahalagang bayaran ang inutang sa ipinangakong araw ano pa man ang halaga nito dahil maaaring kailangan din ito ng inutangan.

Kung hindi naman makapagbabayad, dapat ay ipaalam ito sa inutangan. Mahalaga raw kasi na mapanatili ang tiwala ng nagpautang dahil posibleng maging ang mga susunod na manghihiram sa kaniya ay hindi niya na rin pagkatiwalaan.

Basahin ang buong mensahe niya:

1. Yung pera na pinahiram sayo ay baka inaasahan at kailangan ren nung tao na inutangan mo.

2. Prioritize mo ren yung utang mo sa tao. It is as important as the other things you need to pay

3. Hindi komo sa tingin mo ay may pera yung inutangan mo ay ok lng sa kanya na hindi mo bayaran kaagad.

4. Kung di ka makakapag bayad the least you can do is mag sabi dun sa tao as a courtesy. Lalo na kung nakapag online ka naman within the day. Kung sasabihin mo na kaya ka hindi nag message dahil nahihiya ka…mas nakakahiya yung walang paramdam dude.

5. The most important lesson to learn here is to value yung trust na binigay sayo. More than the money na nawala dun sa tao, possible ren na mawalan yung tao ng tiwala sa iba pang mangungutang after you. Sa bawat tao na hindi tumutupad sa pangako at lalo na kung walang paramdam, maapektuhan yung mga iba pang tao hihingi ng tulong sa susunod sa kanya.”

Inspiring

Pinay dumpster diver sa Finland, nakatutulong rin sa iba sa ginagawang ‘pamamasura’

Published

on

By

Kung may Inday Roning tayo sa Amerika, mayroon din palang ‘katropa’ niya sa Finland. Si Thai-Finnish Pero Pusong Pinay!

Ayon sa panayam ng GMA Public Affairs na makikita sa kanilang YouTube channel, sinasabing dalawang taon nang naninirahan sa Finland ang OFW na bisdak na si Julie Belleza.

Umaabot umano sa katumbas na halagang P100,000 kada buwan ang natitipid ni Julie sa gastusin sa bahay at nakatutulong pa siya sa iba dahil sa ginagawa niyang “pamamasura” o dumpster diving sa Finland.

Si Julie ay isang Thai-Finnish subalit siya ay lumaki sa Pilipinas kaya’t siya ay Pinay na Pinay umano sa puso, kilos at pananalita.

Aniya, hindi siya pinagbabawalan ng may-ari ng K-market sa Finland na mag-dumpster diving, o maghalungkat sa mga basurahan upang kunin ang puwede pang pakinabangan.

Ipinakita niya rin ang ginagawa niyang ‘pamamasura’ sa naturang tindahan, na kapag umalis na ang truck ay saka naman siya magsisimula sa kanyang pakay.

iba’t-ibang pagkain ang nakukuha ng Pinay sa basurahan. Halimbawa, may cauliflower, grillitassu, grapes, at maging litsong manok na mainit-init pa.

Inaabot siya ng dalawa hanggang apat na oras sa pagda-dumpster diving dahil marami-rami din ang kanyang nakukuha doon.

Kinukuha ni Julie ang mga well-sealed at packed na mga produkto, kaya naman parang namalengke na rin siya sa mga nakukuha niyang kilo-kilong karne ng baboy, baka, chicken, at groceries tulad ng toyo, patis, mga prutas at gulay.

Ligtas din ang mga nakukuha niya dahil maayos ang waste disposal sa naturang bansa at mga naka-seal pa ang mga pagkain dito.

“So ito na nakauwi na tayo after our panghaharbat of the day. So parang namalengke lang kami ni Mr. Bin,” saad niya sa isang video.

Dagdag pa niya, malaking bagay ito hindi lang sa kaniyang pamilya kundi maging sa iba pa na natutulungan nila, tulad ng mga taong nagsisimula pa lang doon. Binibigyan niya ang ilang kakilala ng mga bagay na nakukuha niya rin sa basurahan.

“Thankful ako kay Lord kasi I was given the opportunity na thru dumpster diving maraming tao, especially yung nagsisimula pa lang ng kanilang buhay rito sa Finland ang natutulungan natin,” pahayag niya.

‘Ika nga nila sa buhay, “basta’t may diskarte, walang imposible”.

Samantala, silipin natin ang ilang videos na ibinahagi niya sa YouTube channel niyang Thai-Finnish Pero Pusong Pinay.

Ayon sa kanyang back story, “I was born in Thailand to a Thai mother and Finnish father who happend to grow up in the Philippines. I am here to tell you about my own story on what it was like growing up with a stepmother in the Philippines and how I was treated. I am here using my own story to empower and inspire everyone. God bless.”

Dito ay ibinabahagi niya ang ilang videos kung paano niya ginagawa ang pamamasura sa bansang itinuturing na niyang homebase.

Continue Reading

Social News

Young Pinoy barber in Canada attracts rich clients, influencers because of his haircutting skills

Published

on

By

Because of his cutting skills, an 18-year-old Filipino barber in Canada has gaineed many clients.

Among his clientele are millionaires and big personalities, and sometimes his client picks him up by helicopter.

In the story of ‘Dapat Alam mo!’ by Oscar Oida, it was disclosed that Jamiel Bustos, who’s from Toronto, started to love cutting hair when he was only four years old.

He was also around that age when his family flew to Canada to give him a better opportunity.

According to Jamiel’s Mother Leslie, Jamiel was deliberately picky when it came to his haircut.

“Every now and then na magpapagupit, ‘Mom I wanna try another one, I didn’t like my haircut before.’ So hanap na naman ako. Sabi niya kasi ang hair ang nagbibigay ng ganda sa isang tao. Siguro nandoon ‘yung interes niya sa ganu’n,” Leslie said.

One day, Jamiel thought that he was the only one who could make his own hairstyle.

“I love getting my haircut. I would get my haircut once a week. So I was like ‘You know what, might as well try this one on my own.’ So I started cutting my own hair,” Jamiel said.

Then later on Jamiel discovered that he has a talent for cutting hair.

“It felt amazing finally having someone sit in the chair and actually trusting me. It’s all about trust and it’s all about, it’s your image right? You want to look as best as possible and the person doing your hair is pretty much in control of that,” he shared.

So after school or basketball practice, Jamiel would go to the barber shop and get a haircut, or watch barbers cut hair.

Jamiel posted his haircutting videos on Tiktok, and many netizens enjoyed it.

Because of his videos, he was noticed by big personalities in Canada, and had customers who were businessmen, lawyers, real estate developers and company CEOs.

One of his big clients, he said, even had him picked up by a helicopter. Oh wow!

Carrying his gold briefcase containing his cutting tools, Jamiel has been to different countries for important clients.

“When I first started cutting hair I’ve had some people not pay for their haircut, I’ve had some people that complained. I just use the haters as motivation. I just  kept doing it, I kept practicing,” Jamiel said.

Jamiel’s service is exclusive at the moment but he plans to build a barbershop in the near future.

Continue Reading

Social News

Event organizer may paalala sa mga hindi imbitado sa kasal at sa mga mahilig magbitbit ng kasama

Published

on

By

Naging agaw-pansin sa mga netizens ang post ng isang Facebook page na ‘Khlevin Yambao Hosting and Coordination Services’,  isang event organizer, noong Setyembre 21, 2022 kalakip ang isang imahe kaugnay sa mga taong hindi imbitado sa kasal o kung imbitado man ay mahilig magbitbit ng kasama.

Wedding invitation ito na ang nakasulat ay “You’re not invited to our wedding”. Ang date ay ‘none of your business’ at ang location ay ‘not telling you.’

Ipinaliwanag ng organizer na lahat umano ng event ay pinaghahandaan.

“While this may sound rude or selfish, pero ang kahit anong event po ay pinaghahandaan. Binibilang ang lamesa, upuan, souvenir at pagkain,” ayon sa post.

Dagdag pa nito na ang isang ulo sa catering ay katumbas ng dagdag-bayarin para sa nagdaos ng event.

“Kapag nagdala po kayo ng isa pang kasama, kukuha rin ‘yan ng Space/Upuan, food, at souvenir. Ang isang ulo po sa catering ay nagkakahalaga ng 700-1500 pesos.”

Kaya naman pakiusap ng organizer na kung sino lang ang invited ay ‘wag nang magbitbit ng kasama.

 

“Kung kayo lang ang invited, ‘wag na magsama. Ito po ay hindi natin pa-event. Irespeto po sana natin ‘yung event nung couple na for sure matagal nilang pinagplanuhan.”

“Kung hindi talaga maiiwasan, p’wede niyo naman po sabihan ‘yung couple ahead of time, para maisama sa bilang kung kaya pa.”

Ang post na ito ay paalala para sa mga taong imbitado na may ugaling magbitbit lagi ng kasama.

“Again, hindi po ninyo event ito. Igalang ho sana natin ‘yung desisyon nung nagplano, nag-abala at higit sa lahat magbabayad.”

Paalala pa ng organizer na may tinge of humor, “Unless, may dala siyang sarili niyang upuan at packed lunch, why not.”

Sumang-ayon naman ang maraming netizens sa nasabing post.

“True, this is the problem with us. You invited one and it becomes 3.”

“It is rude to bring someone uninvited just because you know the hosts. You embarrass/insult both the host and the gatecrasher. And don’t feel bad if you’re not invited. That is the prerogative of the host. Chill.”

“Sinasabi o nilalagay naman kase sa invitation kung p’wede ka mag sama at ilan dapat, hindi ‘yung basta na lang nagsasama.”

Imagine, kung may sampung imbitado na nagsama ng tig-iisa o dalawa, ilan ang bilang na wala sa budget, ‘di ba?

Well, bato bato sa langit, ang tamaan sana naman ay tandaan ito.

Continue Reading

Trending