Connect with us

Inspiring

Pinay dumpster diver sa Finland, nakatutulong rin sa iba sa ginagawang ‘pamamasura’

Published

on

Kung may Inday Roning tayo sa Amerika, mayroon din palang ‘katropa’ niya sa Finland. Si Thai-Finnish Pero Pusong Pinay!

Ayon sa panayam ng GMA Public Affairs na makikita sa kanilang YouTube channel, sinasabing dalawang taon nang naninirahan sa Finland ang OFW na bisdak na si Julie Belleza.

Umaabot umano sa katumbas na halagang P100,000 kada buwan ang natitipid ni Julie sa gastusin sa bahay at nakatutulong pa siya sa iba dahil sa ginagawa niyang “pamamasura” o dumpster diving sa Finland.

Si Julie ay isang Thai-Finnish subalit siya ay lumaki sa Pilipinas kaya’t siya ay Pinay na Pinay umano sa puso, kilos at pananalita.

Aniya, hindi siya pinagbabawalan ng may-ari ng K-market sa Finland na mag-dumpster diving, o maghalungkat sa mga basurahan upang kunin ang puwede pang pakinabangan.

Ipinakita niya rin ang ginagawa niyang ‘pamamasura’ sa naturang tindahan, na kapag umalis na ang truck ay saka naman siya magsisimula sa kanyang pakay.

iba’t-ibang pagkain ang nakukuha ng Pinay sa basurahan. Halimbawa, may cauliflower, grillitassu, grapes, at maging litsong manok na mainit-init pa.

Inaabot siya ng dalawa hanggang apat na oras sa pagda-dumpster diving dahil marami-rami din ang kanyang nakukuha doon.

Kinukuha ni Julie ang mga well-sealed at packed na mga produkto, kaya naman parang namalengke na rin siya sa mga nakukuha niyang kilo-kilong karne ng baboy, baka, chicken, at groceries tulad ng toyo, patis, mga prutas at gulay.

Ligtas din ang mga nakukuha niya dahil maayos ang waste disposal sa naturang bansa at mga naka-seal pa ang mga pagkain dito.

“So ito na nakauwi na tayo after our panghaharbat of the day. So parang namalengke lang kami ni Mr. Bin,” saad niya sa isang video.

Dagdag pa niya, malaking bagay ito hindi lang sa kaniyang pamilya kundi maging sa iba pa na natutulungan nila, tulad ng mga taong nagsisimula pa lang doon. Binibigyan niya ang ilang kakilala ng mga bagay na nakukuha niya rin sa basurahan.

“Thankful ako kay Lord kasi I was given the opportunity na thru dumpster diving maraming tao, especially yung nagsisimula pa lang ng kanilang buhay rito sa Finland ang natutulungan natin,” pahayag niya.

‘Ika nga nila sa buhay, “basta’t may diskarte, walang imposible”.

Samantala, silipin natin ang ilang videos na ibinahagi niya sa YouTube channel niyang Thai-Finnish Pero Pusong Pinay.

Ayon sa kanyang back story, “I was born in Thailand to a Thai mother and Finnish father who happend to grow up in the Philippines. I am here to tell you about my own story on what it was like growing up with a stepmother in the Philippines and how I was treated. I am here using my own story to empower and inspire everyone. God bless.”

Dito ay ibinabahagi niya ang ilang videos kung paano niya ginagawa ang pamamasura sa bansang itinuturing na niyang homebase.

Inspiring

Inang ibinalik ang unang suweldo ng anak, kinaantigan

Published

on

By

Napahanga ang netizens sa isang ina na tumangging tanggapin ang unang suweldo na buong ibinigay sa kaniya ng anak na nurse.

Ibinahagi ni Gabriel Angelo Dela Cruz sa TikTok ang video ng pag-abot niya ng suweldo sa kaniyang ina bilang pagpapasalamat sa mga sakripisyo nito para sa kaniya.

Masayang binilang ng ina ang suweldo ni nurse Gelo ngunit kalaunan ay ibinalik niya rin ito dahil alam niyang pinaghirapan ito ng anak.

“Unang sahod mo ‘to, tatanggapin ko ‘to pero ibabalik ko sa’yo kasi pinaghirapan mo’to. So ito, iingatan mo itong pera mo,” bilin niya sa anak.

Pinayuhan niya rin ang anak na mag-ipon at gamitin nang tama ang sinuweldo. “Dapat mag-iingat ka. Hihingi ako sayo pag kailangan ko. Gamitin mo pa ‘yan kasi 15 days ka eh,” aniya pa.

Nagpasalamat naman ang emosyonal na si nurse Gelo sa kaniyang ina. “‘Yan yung bayad ko sa’yo nung araw. Thank you, ma,” aniya.

Na-touch naman ang netizens sa heartwarming moment na iyon ng mag-ina. Ang ilan, naka-relate kay nurse Gelo dahil ganito rin ang ginawa ng kanilang mga magulang noong unang suweldo nila.

“Naalala ko mama ko, unang suweldo ko ganyan din sabi nya sakin muna sarili ko muna kasi deserve ko daw at pinaghirapan ko yun,” kuwento ng isang TikTok user.

“I remembered my nanay. Binalik din niya sakin ung inintrega kong suweldo. Sabi nya pag-aralan ko raw magbudget kaya talagang hindi niya tinanggap,” komento ng isa pa.

Ang ibang anak naman, bagama’t hindi ganito ang karanasan ay sinabing masaya silang nakatutulong sila sa kanilang magulang. “Kakainggit pero kaka blessed pa rin kahit opposite ang mga nanay natin kasi mas lalo tayong nag pupursige.”

Ang ilan naman, nangakong gagayahin nila ang mommy ni nurse Gelo kapag nagkaroon sila ng sariling anak.

“Tita, we will be like you. We never experienced that kind of treatment so pag turn na namin to be a parent, I will do what you did.”

Panoorin ang video ni nurse Gelo:

Continue Reading

Inspiring

Zoe Gabriel brand ambassador na ng Charles & Keith

Published

on

By

Bumuhos ang suporta para kay Zoe Gabriel, ang Pinay na na-bash noon nang ibahagi sa TikTok ang “luxury bag” na natanggap mula sa kaniyang ama. Ngayon kasi ay brand ambassador na siya ng Charles & Keith.

Kabilang si Zoe sa International Women’s Day campaign ng brand.

“Zoe Gabriel, Content Creator and CHARLES &KEITH’S Brand Community Ambassador, with the purple Alia bag. The launch of this special iteration of the Alia bag is in support of UN Women’s ‘Storytelling for Gender Equality’ programme,” sabi ng Charles & Keith sa kanilang Instagram post.

Samantala, ibinahagi rin ni Zoe sa kaniyang Instagram account ang kaniyang larawan, kabilang na ang kaniyang mensahe para sa International Women’s Day.

“Women are like flowers: our time and needs to grow may not always align, but that is okay. We are like fields of poppy and lakes of lotus – diverse and bold in our differences, beautiful in our own ways,” pahayag niya.

“This International Women’s Day, let us celebrate with compassion. Let us celebrate with equality through equity, the way flowers do.”

Matatandaang matapos mag-viral ang kaniyang video noon ay sinabi ni Zoe na bagama’t hindi “luxury” para sa iba ang bag na ibinigay ng kaniyang ama ay malaki ang pasasalamat niya dahil alam niyang galing ‘yon sa pagtatrabaho niya.

“To you, an $80 bag may not be a luxury, but for me and my family, it is a lot. And I’m so grateful that my dad was able to get me one. He worked so hard for that money. I can’t believe I got hate over a bag I was so excited to have,” sabi niya sa isang TikTok video.

Naimbitahan na rin si Zoe sa headquarters ng Charles & Keith at laking pasasalamat niya sa pagkakataong ibinigay sa kaniya.

“We had the chance to sit down with Keith and get to know their company a little better. Thank you to everybody who has shown their support!!! Without you, we would never be here,” pagpapasalamat niya.

Samantala, marami naman ang nagpaabot ng pagbati kay Zoe. “Woooww just wowww the first brand ambassador I’ve heard not because she was famous for looks or lifestyle. But a brand ambassador who got famous for spreading positivity and good manners. Turning negative critics to a life lesson for everyone,” sabi ng isang netizen.

Continue Reading

Inspiring

Viral na estudyanteng naiyak sa accounting problem noon, unti-unti nang naaabot ang pangarap ngayon

Published

on

By

Naaalala mo pa ba ang estudyanteng nag-viral noon matapos umiyak dahil sa accounting problem na hindi niya masagutan?

Kamakailan lang ay nag-post siya upang ibahagi ang mahalagang milestone sa kaniyang buhay – nakapagpa-renovate na siya ng bahay at nakabili na rin ng sariling sasakyan.

Kuwento ng content creator na si Banessa Raya, nang mag-viral ang kaniyang video ay may matinding karamdaman ang kaniyang ina kaya naman ganoon na lamang ang paghahangad niyang bigyan ito ng magandang marka.

“Sobrang grade conscious ko para makakuha ng mataas na grade para mabigyan ko siya ng medal. Minsan hirap na hirap na ako kasi di naman ako matalino, masipag lang. Nakagraduate naman ako kaso nga lang hindi na naabutan ni mama since she passed away last 2019,” pagbabahagi niya.

Nang mawala ang kaniyang ina ay pinag-aral siya ng naging boss nito. Bukod dito ay ginamit din nila ang natatanggap na pension ng kaniyang ina at ang noo’y maliit pa lang na sweldo sa pagiging content creator.

“Nakagraduate ako ng college sa FEU pero at the same time nag freelance ako mag-TikTok. Nabuhay kaming tatlo ng lolo at lola ko na ginamit namin ung SSS ng mama ko plus income ko sa TikTok na maliit lang nuon. Nag-boom mga videos ko, hindi naman ako maganda. Makulit lang. siguro talagang binigay ni Lord ‘to sakin,” dagdag niya pa.

Nagkasakit din ang kaniyang lola at kalaunan ay pumanaw ito kaya naman bagama’t masaya sa mga nararating ay may kirot din siyang nararamdaman dahil wala na ang dalawa sa mga taong gusto niyang pag-alayan ng tagumpay.

“Ang medyo makirot lang ay wala na yung mga pinaglalaanan ko ng meron ako neto. Pero naisip ko they are watching from above. Yung hirap na dinanas ko bilang ulila lahat ng yun may balak pala si Lord sa akin. Basta magtiwala at maniwala ka sa Kanya,” sabi pa ni Banessa.

Ngayon ay kuntento na raw siya sa kung anong meron siya at wala na siyang ibang hiling kundi ang masayang buhay.

“Wala na akong hihilingin pa kundi maayos na buhay at masayang buhay, hindi ko na need ng sobrang laking bahay sobrang mamahaling gamit. Masaya na ako kung ano ang meron ako ngayon. Salamat Panginoon!”

Wow! Rainbow after the storm.  Truly grateful siya.

Continue Reading

Trending