Connect with us

celebrities

Raymund Marasigan sa muling pagkikita ng Eraserheads, ‘We’re not comfortable without equipment’

Published

on

Ibinahagi ng drummer ng Eraserheads ang kanyang saloobin tungkol sa muling pagkikita ng iba pang miyembro ng Filipino alternative rock band kamakailan.

Ang Eraserheads ay isang Filipino alternative rock band na nabuo noong 1989 na kinabilangan nina Ely Buendia, Buddy Zabala, Marcus Adoro, at Raymund Marasigan.

Ang banda ay isa sa mga naging pinaka-maimpluwensya at matagumpay sa kasaysayan ng musikang Pilipino.

Nauna nang ibinalita ng mga miyembro ng banda na magkakaroon sila ng reunion concert.

Kamakailan, inamin ni Raymund Marasigan, ang drummer ng banda, sa music website na Bandwagon na ang muling pagkikita ng iba pang miyembro ng Eraserheads ay awkward.

“Obviously, we are famously not close, especially in the last few years,” saad ng dating drummer ng Eheads. Ngunit may exception naman kay Buddy Zabala, na nakikita niya umano nang regular; “because I see him every week.”

“With the four of us, it’s really, really awkward. We haven’t talked. We’ve been distancing from each other,” dagdag pa ni Raymund.

“Wala naman silang any issues. Then when it was finally over after a few minutes, I said, ‘I gotta go. I have a gig to play’,” sabi pa niya.

Nang sumunod nilang meeting ay awkward pa rin umano.

Pag-amin ni Raymund, “Tahimik eh. Walang usap.” 

“The four of us are awkward together ever since — it’s nothing new. We’re not comfortable without equipment. We’re not comfortable with each other,” anito.

Sa madaling salita, musika lamang ang nagpapagaan sa pagkikita nila. Nang ilabas na umano ni Raymund ang portable speaker at sinimulan nila ang pagtugtog, saka pa lamang sila naging at ease o kampante sa presensya ng bawat isa at nagawa nang magtawanan.

“Tapos madali na. It was music [that helped us overcome awkwardness],” pagbabahagi ni Raymund sa Bandwagon. Sa pagitan ng tugtugan ay saka nila napag-usapan ang mga detalye kaugnay sa gaganaping concert.

Matapos ang photoshoot, bawat isa sa apat na miyembro ay nagtungo sa social media upang ipahayag ang kanilang nalalapit na reunion concert na ‘Huling l Bimbo’ sa ika-22 ng Disyembre sa SMDC Festival Grounds at nagpost din ng larawan na may letrang E–  ang logo ng Eraserheads.

Ito ang unang pagtatanghal ng Eraserheads mula noong 2008 reunion concert nila, na natigil dahil sa inatake sa puso ang frontman na si Ely.

Na-disband ang Eraserheads noong 2002. Ang grupo ang nasa likod ng mga hit na kanta na “Ang Huling El Bimbo“, “With a Smile”, “Pare ko”, “Ligaya” at marami pang iba.

celebrities

‘Yung excited ka umuwi para dito’: Luis ibinida ang saya sa kanyang pagiging ama ni Baby Peanut

Published

on

By

Gaano ba kasarap maging isang magulang? Maging isang ama gaya ng 41-anyos na si Luis Manzano, isang TV host, actor, comedian, VJ, at model/endorser?

Sa saliw ng rendisyon ni Christina Perri ng You are My Sunshine, mapapanood ang ibinahaging reel ni Luis kung saan ay buhat-buhat niya ang kanilang bundle of joy ng asawang si Jessy Mendiola na si Baby Peanut aka Baby Rosie.

Aniya sa caption ng kanyang post, “Yung excited ka umuwi para dito” ❤️

Pinusuan naman ito ng kanyang maybahay at ng ilang celebrity friends at IG followers. Kitang-kita naman kasi ang todo buhos na pagmamahal dito ni Luis habang yakap yakap ang anak at hinehele-hele ito. Paulit-ulit din niya itong hinahalikan sa noo at ninanamnam ang bango ng kanyang prinsesa na magtatatlong buwan na sa Marso 28.

“Always!!!!! You’ll never get tired of this feeling!!!!!,” pagsang-ayon naman agad dito ni Anne Curtis.

“Yesss, the always-excited-umuwi club!! 🙌❤️,” sabi naman ni Bianca Gonzalez-Intal..

“I remember when my daughter came to our life I had the same feeling na gustong gusto mo ng umuwi agad. Namimiss mo agad yung amoy nya tsaka kiss nya. And I stop riding my motorcycle which I really love doing. I will do everything for my daughter. “You will fight for your son but you will kill for your daughter, “ naka-relate naman ang isa pang ama.

Bukod sa heartwarming na tagpo ng mag-ama, humakot din ng atensyon ang pyjama ni Luis sa pangunguna ng kapwa celebrity niyang si Jolina Magdangal-Escueta! hahaha

“Yung pjs mo sayo talaga yan??” 😂😂😂😂 tanong nito at ng iba pa na iyon din ang napansin. hahaha

Sumagot naman si Luis ng “YES!! Sarap kaya!”

“Baby smell! ❤️ But Lu, what really got my attention are your pajamas 😂 parang ang sikip?” – annaabiol – na sinagot naman ni Luis ng “hahaha Sakto kaya!:

May mga napatanong pa kung kay Jessy ba ang suot niyang pyjama na light blue angkulay ay tila may mga disenyong pambata. Umapaw tuloy sa smiley emojis ang kanyang post. Kwela talaga itong si Luis.

Anyway, sa isa pang post ay nagbitaw ng pangako ang ama ni Baby Peanut, “Promise to always make you smile and laugh Peanut” ❤️

Marami namang ang nag-react ng puso sa tinuran niya at sa larawang ito.

“I love her smile while talking to her Dad ang cute [email protected]@talaga gorgeous baby.”

Continue Reading

celebrities

#SosBolz House coming together! Solenn, Nico Bolzico ibinahagi ang kanilang dream home

Published

on

By

Sa kaniyang YouTube channel, masayang ibinahagi ni Solenn na ang kanilang dream home ay malapit nang matapos —  “#SosBolz House coming together!”

“We are building our forever house, Nico is in charge of saying Yes while I am in charge of everything else! Here is an initial update!” ayon sa kwelang caption ng kanilang video kamakailan.

Sa Instagram, nagpahayag din ng kanyan excitement ang 37-anyos na Filipina-French actress, VJ, model, TV host, singer, painter, fashion designer, at professional make-up artist.

“Finally building our dream home! 2 years in the making and a lot of learnings. Will share tips and suppliers and raw materials we discovered along the way . Cant wait to move in!” #CasaBolzico

May makwelang pahabol na ‘hinagpis’ naman dito ang kanyang asawa sa comments section. Anito, “No decision were taken by me in this house!” May 17 namang nakisimpatiya sa kanya sa pamamagitan ng laugh emojis.

Nagsimula ang video sa groundbreaking ceremony na 2021 pa ginanap at kasunod na ang land blessing. Ginamitan din nila ng tradisyon na pagbabaon ng old coins ang kanilang pagpapagawa ng bahay. Ipinakita rin nila ang kanilang regular na pagbisita sa bahay nila at siyempre, may pa-unfinished house tour na ring ginawa ang queen ng Bolzico household.

Ibinida nito ang mga espasyong nakalaan para sa garden, rooftop, mga silid, toilets, walk in closet, office ni Nico at ang hindi rin mawawala…ang kanyang studio bilang artist. Kitang-kita mo ang excitement sa kaniyang ‘house tour’ na ginawa.

Nabanggit din niya na malapit-lapit na silang lumipat kaya’t ibabahagi rin niya ang mga kaganapan sa mga susunod pang videos.

Bumuhos naman ang excitement at pagbati sa mga followers nila na nakaantabay sa kanilang journey bilang isang pamilya.

‘Wow congratualations to your growing family and another new house! <3″

“Wow!! casa Bolzico! Congrats guys ❤ lahat ng hirap sulit”

“Excited to see the finished house soon. I remember you saying a new house was coming, a bigger space and a really big yard so you won’t have to go out often esp since the family is growing. I don’t see the yard in this video though, hopefully, I’m wrong. but regardless, I’m so happy for you guys. Love!

“Congratsssss! Super ganda ng location niya kahit hindi pa tapos nung nakita ko. ❤”

So, “want to build a house? Think again!” hahaha

Continue Reading

celebrities

Panoorin: Mahusay na rendisyon ni Maegan Aguilar ng ‘Anak’ nag-trending, hinangaan

Published

on

By

Sino ba naman ang hindi nakakaalam sa iconic na awiting “Anak” ni Ka Freddie o Freddie Aguilar?

Maging sa labas ng bansa ay kinilala at sumikat ang awitin ng ngayo’y 70-anyos nang legendary singer ng Pilipinas.

Kamakailan ay muli nitong hinarana ang mga dumalo sa isang espesyal na pagtitipon. Sa video na ibinahagi niya mula kay FB user Agot Hinayan ay mapapanood ang kanyang pagtatanghal kasama ang kanyang anak na si Jeriko Aguilar. Inawit niya rito ang “Anak.”

Ang bantog na Pinoy folk musician na kilala rin sa kanyang awiting “Bayan Ko” ay pitong dekada na ang edad  ngunit patuloy pa rin itong tumitipa ng kanyang gitara at nagpapaunlak sa mga imbitasyon. Wala pa ring kupas!

Basahin: Pag-awit ni Freddie Aguilar ng ‘Anak’, humaplos sa netizens sa gitna ng ‘isyu’ nila ng anak na si Maegan

Namana ng mga anak ni Ka-Freddie ang kanyang galing at hilig sa musika at hindi nakapagtataka na may talento rin ang mga ito. Ngunit sinusubok ng buhay ang relasyon ng mag-amang Freddie at Maegan kaya’t naging kontrobersyal ang hidwaan sa pagitan ng dalawa.

At gaya ng dati, humahaplos talaga ang awit na “Anak” sa puso ng mga nakakapakinig at nakakapanood.

“Nagdaan pa ang mga araw, At ang landas mo’y naligaw. Ikaw ay nalulong sa masamang bisyo. At ang una mong nilapitan ang ‘yong inang lumuluha. At ang tanong anak ba’t ka nagkaganyan…”

Basahin: Maegan Aguilar nagpasalamat sa mga istrangherong tumulong, nagpasaring kay Raffy Tulfo

Bagama’t maraming batikos na natatanggap ang 43-anyos na si Maegan, mayroon pa rin namang mga naniniwala na makakaya pa nitong makabangon mula sa pagkakalugmok basta’t maging desidido ito. Mahusay naman kasi talaga itong magtanghal.

‘Anak’  – Maegan Aguilar style

Sa ibinahaging video ni netizen Mariz Mattila ay mapapanood ang napakagandang rendisyon ng iconic song ng kanyang ama.

Mensahe ni Mariz para sa 43-anyos na anak ng legendary singer, “Sayang ka Maegan napakagaling mong kumanta. Sana hindi ka mawalan ng pag asa.” #anak

Mayroon na itong mahigit 1.6 million views at hindi mo maitatangging taglay pa rin ng ‘prodigal daughter’ ang galing ng kanilang lahi. Ang sarap pakinggan nang paulit-ulit.

Si Ka Freddie mismo ang nagpahayag na may communication na sila ulit ng kanyang anak ngunit hindi pa rin daw ito maaaring  tumuntong sa kanyang pamamahay hangga’t hindi niya nakikita ang tunay na pagbabago nito. Nasa poder kasi ni Ka Freddie ang mga anak ni Maegan at pinangangalagaan niya ang mga bata.

Samantala, panoorin at pakinggan ang magandang rendisyon ni Maegan ng “Anak”:

Continue Reading

Trending