Connect with us

celebrity

Toni Gonzaga bagong brand ambassador ng Shopee, nag-trending

Published

on

Trending ngayon sa social media ang host-aktres na si Toni Gonzaga matapos ianunsyo ang pagiging brand ambassador para sa e-commerce company na Shopee.

Bago ang rebelasyon, marami na ang naghihinala na si Toni na ang susunod na endorser ng brand kasunod ng isang teaser na ipinost noong Miyerkules, Setyembre 28. Nakumpirma rin ito sa isang media event noong Huwebes, Setyembre 29.

“FINALLY, makikilala niyo na siya  🙂

Drop your guesses and CATCH HER tomorrow at 3PM for the big reveal!” ayon sa tweet ng Shopee.

Sa isang media event kung saan siya opisyal na inanunsyo bilang Shopee Philippines ambassador, pinasalamatan ni Toni ang mga internet users para sa online engagement bago ang launching.

“Since yesterday we are trending, today we are grateful for our netizens for the mentions and engagements, they are the reasons why we are here today,” saad ng aktres.

Naging trending topic sa social media ang hashtags na #BoycottShopee at #ByeShopee kasunod ng mga promotional teaser videos na  nagpapahiwatig ng pagsali ni Gonzaga bilang bagong ambassador ng kumpanya.  Nag-number 2 trending naman sa Twitter.

Ilang social media users ang nagpahayag ng kanilang pagkadismaya sa Shopee at may mga nagbahagi na napilitan silang tanggalin ang application sa kanilang mga selepono.

Bumuhos ang samu’t saring reakyon mula sa netizens. Mayroong mga bumati sa aktres-host at mayroon ding mga hindi natuwa.

“OMG! Well. Just uninstalled shoppee app. Goodbye shoppee, hello Lazada!”

“Cancelled all my Shopee purchases.”

“Imbes na ipambayad n’yo dyan ‘yung pera, ibigay n’yo na lang sa mga empleyado n’yo.”

“Sana it’s not yet too late para matauhan si Shopee.. Hope they change their mind to get Toni G. as endorser. It will surely in any way affect their market.”

“Kawawang mga nilalang, napaghalataang mapapait pa rin….habang si Toni G. namamayagpag lalo.”

“Sa palagay ko naman hindi kawalan sa Shoppee ang mga iilang kontra kay Toni….bitter lang siguro sila.”

Naging kontrobersyal ang aktres matapos niyang ibigay ang kanyang suporta sa likod ng nanalong tandem ng 2022 national elections, sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Bise Presidente Sara Duterte.

Matatandaan na ang kanyang kapatid, ang vlogger-actress na si Alex, ay naging ambassador din ng Shopee.

celebrity

PGT winner at hit singer na si Jovit Baldivino namaalam na sa edad na 29

Published

on

jovit baldivino

Tuluyan nang namaalam ang 29-anyos na singer at unang Pilipinas Got Talent (PGT) winner na si Jovit Baldivino matapos ang ilang araw na pagkaka-confine sa intensive care unit ng Jesus of Nazareth Hospital sa Batangas City.

jovit baldivino

Sa ulat ng ABS-CBN, ang network kung saan unang nadiskubre ang talento ni Jovit, kinumpirma umano ng mismong ama ni Jovit sa isang panayam na namaalam na ang aktor na unang nagkaroon ng mild stroke noong Nobyembre 2022.

“He passed away around 4 a.m. after six days of confinement due to stroke complications,” ani Hilario Baldivino.

“Masakit sa loob namin pero kailangang ipasa-Diyos namin ito,” pagpapatuloy ng ama. “Mahal na mahal ko anak ko pero mayroon din tayong Panginoon kaya kailangan tanggapin natin.”

Naimbitahan umano si Jovit sa isang Christmas party sa Batangas City, kung saan ito muling nakaranas ng stroke.

[RELATED – Jovit Baldivino nag-collapse sa isang party, kasalukuyang nasa ICU]

“Three songs lang kanta niya. Pagkatapos nakita na siya nakaupo, nakangiwi ang nguso. Nadala agad siya sa ospital, nakalakad mula ambulansya,” kuwento ni Hilario. “Nasabi pa niya na lalaban siya dahil gusto niyang mabuhay. Pero na-comatose na siya pagkatapos ng operasyon.”

jovit baldivino

Nakilala si Jovit matapos ideklarang grand winner sa PGT noong 2010. Naging matagumpay din ang kaniyang singing career at nakapaglabas ng ilang album kabilang na ang Faithfully na nag-triple platinum, I’d Do Anything For Love (Platinum), OPM Greatest Hits Volume One (triple platinum), at Jukebox na lahat ay sa ilalim ng Star Records.

Sa isang Facebook post, ibinahagi ng maybahay ng singer na si Camille Ann Miguel ang larawan nilang mag-asawa kalakip ang caption na, “Asawa ko.” Dito ay bumuhos ang mga mensahe ng pagmamahal, pakikiramay, at mga panalangin para sa hit singer.

jovit baldivino

Kaka-29 lamang ni Jovit noong October 16.

“Marami siyang pinasaya, at alam din namin mahal siya at kami ng mga tao kaya masakit man, nagpapasalamat pa rin kami sa Diyos dahil ‘yan ang tinadhana niya sa aming pamilya,” wika ng ama ni Jovit.

Continue Reading

celebrity

‘Hinagpis ng pangalawang anak?’ Alex Gonzaga tinanong kay Mommy Pinty kung bakit mukha siyang yagit noon

Published

on

By

Muling pinatawa ni Alex Gonzaga ang mga netizens sa kanyang bagong post sa Instagram feed.

Ibinahagi niya ang throwback photo nila ng kapatid niyang si Toni Gonzaga. Ang larawan ay kuha noong mga batang paslit pa sila.

Binuksan ni Alex ang kanyang nakakatawang mga saloobin tungkol dito. Pabiro niyang ikinumpara ang hitsura at suot niya sa kapatid.

Hinikayat din ni Alex ang lahat na makinig sa kanyang bagong podcast kaugnay sa karapatan bilang pangalawang anak.

“In my new podcast pag uusapan natin ang mga hinagpis ng pangalawang anak!!! Kitang kita nyo naman sa litrato kung gaano ako kayagit kumpara sa ate ko,” isinulat niya.

“Ang ate ko may yaya pa ako ni salawal at medyas wala. Ano to! You can watch and listen on Spotify! Basta pangalawang anak ka makakarelate ka dito Hahaha,” dagdag pa ng aktres.

Sa kaniyang Tiktok ay nag-upload siya ng video kalakip ang mga lumang larawan habang pinagpapaliwanag niya si Mommy Pinty kung bakit mukhang yagit siya kumpara sa kanyang ate sa mga larawan.

“Babasagin na ang katahimikan Mga hinagpis ng Pangalawang anak,” saad sa caption ng aktres sa kanyang TikTok.

Aliw na aliw naman ang mga netizen sa kanyang ibinahaging larawan at mayroong mga naka-relate sa post niya.

“Good vibes ka talaga Alex hehehehe I l0ve you palagi”

“Alex normal talaga yan sa amin din magkakaptid may bukod tangi talaga.

“Yes sis relate much! Kung baga sa juice na tinimpla ni mudra sayo ‘yung buo buo pang juice na hindi na nahalo sa tubig.”

“Pati sa sapatos na suot alam na alam kung sinong paborito.”

Napansin rin ng kanyang mga follower ang usong sapatos noon, “The Signature Shoes” ng baby noon.”

“hahahhaha…kaya love kita eh, hahahha ipaglaban ang karapatan.”

“Ganyan kasi pag panganay alagang alaga pag second child na, wala.”

Ganoon nga ba ang nagiging normal na takbo o kadalasang nagaganap sa pamilya?  hahaha  Ikuwento mo kung pangalawang anak ka rin.

Continue Reading

celebrity

Jovit Baldivino nag-collapse sa isang party, kasalukuyang nasa ICU

Published

on

By

Nag-collapse diumano ang Kapamilya singer na si Jovit Baldivino habang dumadalo sa isang party sa Batangas City gabi nitong nakaraang Linggo, Disyembre 4.

Ayon sa Facebook page na TBST (Totoong Balitang sa Southern Tagalog), isinugod sa Jesus of Nazareth Hospital si Jovit matapos bigla na lamang itong bumagsak habang nasa party.

Kinumpirma rin umano ito ng source ni Abante correspondent Ronilo Dagos na nagsabing may pumutok na ugat sa ulo ng kauna-unahang Pilipinas Got Talent (PGT) champion at posibleng aneurysm ang sanhi nito.

Naoperahan na naman daw sa naturang ospital si Jovit at nailipat na ito sa ICU kung saan nananatiling nakaratay ang singer.

Tumanggi naman munang magsalita ang pamilya ni Jovit at humihiling sila ng privacy para sa kaanak na maysakit.

Sumikat si Jovit matapos ideklarang grand winner sa PGT noong 2010. Naging matagumpay din ang kaniyang singing career at nakapaglabas ng ilang album kabilang na ang ‘Faithfully’ na nag-triple platinum, ‘I’d Do Anything For Love’ (Platinum), ‘OPM Greatest Hits Volume One’ (triple platinum) at ‘Jukebox’ na lahat ay sa ilalim ng Star Records.

Bahagyang lumamlam ang kaniyang career matapos masangkot sa kontrobersiya sa kaniyang personal na buhay nong 2021.

May kinalaman ito sa akusasyon ng kaniyang dating kasintahan na inakusahan siya ng pambababae kaya nauwi sa hiwalayan ang dalawang taon nilang relasyon na nagbunga pa ng dalawang supling.

Continue Reading

Trending