Connect with us

Inspiring

Ama emosyonal habang nanlilimos para sa anak na may sakit, netizen naantig at tinulungan

Published

on

Isang netizen ang naantig sa amang umiiyak na makikita sa tabing kalsada habang nanlilimos para sa anak na may sakit.

Nag-viral sa social media ang in-upload na video ni Wonderboy Mj na naawa sa kalagayan ng lalaki.

Aniya sa kaniyang FB post, “Kanina habang nagwwidraw ako may biglang lumapit sa akin na lalaki, hindi ko maiwasan na hindi ko tulungan dahil buhay ng anak n’ya nakataya dito. Tatay din ako gaya n’ya kaya masakit para sakin makakita ng ganito. Hindi ko ginawa itong video para sumikat or magkaroon ng followers.”

Nakilala ang ama na si Jepoy at ang dahilan umano ng pagiging emosyonal nito ay walang perang pambili ng nebulizer na kailangan ng kanyang anim na taong gulang na anak na may sakit.

Kuwento ni Jepoy sa lalaki, contruction lamang ang kanyang trabaho, at nangangailangan siya ng 2,700 para sa gamot ng anak.

Nang ma-ospital ang anak at kinailangan pa ng tuloy-tuloy na gamutan, mas lalong tumindi ang hirap at pangangailangan nila sa pera lalo na sa hirap ng buhay at sa taas ng bilihin, pati ng gamot.

Kaya naman hindi siya nagdalawang-isip na mamalimos sa pagbabaka-sakaling mayroong makatutulong sa kanya.

Sa kabutihang-palad ay tinulungan siya ni Kuya. Imbes na P500 ay dinagdagan ito ng 2000 para maipagamot na ang anak. Marami pa rin talaga ang mababait.

Sobra-sobra ang pasasalamat ng ama at tatanawin daw niya itong utang na loob.

May mga netizens naman na hindi naniniwala sa ama at baka ito raw ay scammer o pangsugal lamang daw ito kaya naman pinuntahan ni wonderboy mj ang bahay kung nasaan si Jepoy.

“Sa totoo lang hindi rin ako mapakali dahil madami mga bad comments na nasabi sa taong tinulungan ko, “scammer, nagsusugal” at madami rin nagpadala tru Gcash..

Sana magbigay aral ito sa aten, kapag tutulong ka sa mga taong nangangailangan kung meron ka naman maibibigay wala naman po masamang tumulong,” dagdag ng uploader.

Ang amang si Jepoy ay mapapanood ngayong Linggo sa programang Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS). Nasabi ni Jepoy na lahat ay handa niyang gawin para sa anak; huwag lamang itong makita na nahihirapan.

“Para sa anak ko po, kahit ano gagawin ko para sa kanya. Mahal na mahal ko po kasi siya,” wika ni Jepoy.

Tayong magulang, lahat ay handang gawin para sa ating mga anak at lalo na kapag may sakit itong nararamdaman. Kung puwede nga ay ipasa na lamang sa atin huwag lamang silang mahirapan.

May update si Wonderboy Mj sa kalagayan ng mag-anak. Hindi po scammer si Jepoy. Isang ama siya na lulunukin ang pride para sa ikagagaling ng kanyang anak.

Inspiring

Top 1 din sa board exam: Nursing graduate sa Dumaguete, sumunod sa yapak ng kaniyang kapatid

Published

on

By

Limang taon man ang pagitan nang kumuha sila ng kani-kanilang board exam, pinatunayan ng magkapatid na taga-Dumaguete na ang pagiging matalino ay likas nga sa kanilang pamilya.

Ito ay matapos makuha ni Abigail Ramirez, na nagtapos bilang magna cum laude sa St. Paul University Dumaguete (SPUD), ang First Place sa katatapos lamang na Nurse Licensure Examination nitong Nobyembre 2022 nang makakuha ng rating na 90 percent.

Taong 2017 naman nang maging first placer din ang kaniyang nakatatandang kapatid na si Alec Ramirez ng Negros Oriental State University – Dumaguete sa Geologist Licensure Examination na nakakuha ng rating na 83.20 percent.

Ayon sa Facebook page na DuScian Gateway, si Abigail ay alumna ng Batch 2017-2018 Researchers at ang magkapatid ay kapwa produkto ng Regional Science High School Curriculum ng Ramon Teves Pastor Memorial – Dumaguete Science High School.

Si Alec ay kasalukuyang faculty ng University of the Philippines Diliman- National Institute of Geological Sciences.

Sa panayam ng ABS-CBN News, sinabi ni Abigail na inspirasyon at role model niya ang kaniyang kuya.

“I made him as my role model. I wanted to be like him, so talagang sumikap ako in my own way. Inspirasyon ko rin naman iyong ibang mga kapatid ko, pero dahil kami yung mas magkakalapit ng edad, siya ang mas nakita kong motivation,” wika ni Abigail.

Ibinahagi rin nito ang sikreto niya sa kaniyang naging tagumpay sa pagsusulit.

“It’s really a balance of prayers and also efforts during the exam and preparations. I was lucky enough to enroll in a review program of our university, it was truly like we were blessed to have our clinical instructor,” ani Abigail sa isa pang panayam.

Sa kasalukuyan, plano umano niyang mag-apply bilang clinical instructor sa unibersidad kung saan siya nagtapos.

Continue Reading

Inspiring

‘Nurse na ako’: Batang nangarap lamang noon sa kinder yearbook, natupad na

Published

on

By

Pag nasa puso mo ang iyong pangarap at handa mong gawin ang lahat matupad lamang ito, kahit anong hirap ay malalagpasan mo.

Iyan ang pinatunayan ng isang nurse na si Yssa Falguera sa ibinahagi niya sa kanyang Facebook post.

Hindi umano siya makapaniwala na isa na siya ngayong Licensed nurse.

“No words can express how grateful I am. Thank you, Lord, for guiding us and for all your blessings all throughout this journey. We lift everything up to You. We couldn’t have gone this far without You. Ikaw po lahat ito,” pasasalamat niya sa Diyos na nakayanan niya ito.

Ayon sa panayam ng Pilipino Star Ngayon Digital ay parang nasa puso na niya ang maging matulungin lalo na sa kapwa at nangangailangan.

“Growing up, mas nakita ko yung essence of choosing that profession, parang I have a mission to serve. I find happiness in serving other people, even in the simplest things that I can do. Years have passed I was given the opportunity to study my dream course in my dream university,” saad ni Yssa.

Marami ang naantig sa kaniyang kuwento kung saan ang dating quote lamang niya sa yearbook noong bata pa siya ay natupad na ngayon.

“To my 6-year old self, you once dreamed of becoming a nurse someday. It was a looong and challenging journey, but all those laughter, tears, anxiety, self-doubt, sleepless nights, triumphs and failures paid off. I hope I made you proud, Registered Nurse na tayo! We made it!” masayang sinabi niya.

Bumuhos naman ang pagbati mula sa netizens sa kanyang kuwento;

“Pagbati sa matagumpay na pangarap at Pagpalain ka ng Diyos Ama”

May isang commentor na pakwelang nagsabi na, “Bakit ba kasi ASTRONAUT yung nasa year book ko nung grade school?” hahaha

“Dream come true. Basta may goal.”

“Wow ka birthday ko pa Feb. 5.. Well, lahat tayo may pangarap at ito ay ma achieve basta may perseverance at hardwork. congrats!”

“Congratulations! God bless you more”

Continue Reading

Inspiring

Pagtuturo ng guro habang inaalagaan ang anak, hinangaan ng mga netizens

Published

on

By

Bilang magulang, kahit mahirap ang kakaharapin na pagsubok sa buhay, ipagpapatuloy pa rin ang pagsulong alang-alang sa kapakanan ng mga anak.

Hinangaan ng netizens ang dedikasyon ng isang guro mula sa Porac, Pampanga matapos nitong pagsabayin ang pagtuturo at pag-aalaga sa kanyang anak.

Sa naturang video ay makikita si teacher Krystel Castro na nagtuturo sa kanyang mga estudyante habang katabi nito ang kanyang baby na nakasakay sa stroller.

Nagtatawanan naman ang mga estudyante niya kapag gumagawa ng ingay ang kanyang baby.

Ayon sa ‘Philippine Star’, nagkaroon umano ng emergency ang nagbabantay sa kanyang anak.

Imbis na lumiban sa kanyang klase ay dinala na lamang niya ang anak sa eskwelahan at unang beses raw niya itong nadala.

“Ito po ‘yung first time ko po na gawin po non dahil nagkaroon po ng emergency ‘yung nagbabantay sa kanya po kaya naisip ko po na dalhin na lang ‘yung baby ko po sa school, sa halip na um-absent,” aniya.

Pumayag naman umano ang principal ng kanilang school dahil katulad niya ay isang magulang din ito kaya naman naiintindihan nito ang kalagayan ni Teacher Krystel.

“‘Yun pong school principal po namin, napaka-considerate po niya pagdating sa mga ganitong bagay dahil isa rin po siyang ama. Kaya naiintindihan po niya ‘yung sitwasyon ko.”

Patuloy naman siya sa pagtuturo habang karga nito ang kanyang anak.

Para sa kanya, hindi ito dahilan upang itigil niya ang pagtuturo sa klase.

“Umiyak po siya. Kinarga ko po siya pero hindi po ‘yun ‘yung dahilan para tumigil po ako doon sa pagdi-discuss ko.”

“Normal lang naman po ‘di ba na maramdaman po natin na mapagod tayo habang kinakarga or ginagawa ‘yung dalawang bagay nang magkasabay.”

“Pero kapag mahal mo at gusto mo ‘yung ginagawa mo kahit na mahirap, gagawin mo at ipapatuloy mo.”

Panoorin.

Continue Reading

Trending