Connect with us

celebrity

Herlene Budol, idinulog kay Raffy Tulfo ang panloloko daw ng dating talent ‘manager’ at pagbulsa nito ng TF niya; manager nagsalita na

Published

on

Ang Binibining Pilipinas 2022 first runner-up na si Herlene Budol, na mas kilala bilang Hipon Girl, ay dumulog sa programa ni Raffy Tulfo na “Wanted sa Radyo” para ireklamo ang kanyang dating manager na si Elizabeth Estrada.

Sinabi ng comedienne na nakilala niya ang kanyang former manager sa pamamagitan ng variety show ni Willie Revillame na “Wowowin.”

Ayon pa sa kanya ay naging kaibigan niya umano si Elizabeth at isa ito sa mga nilapitan niya upang humingi ng tulong dahil wala na siyang trabaho.

Tinulungan naman siya nito sa pamamagitan ng iba ibang endorsement ng iba’t ibang produkto ng mga kilalang kompanya.

“Wala kaming kontrata po. Kaibigan ko po siya, nagpatulong ako sa kanya na rumaket during pandemic kasi walang-wala na po akong trabaho. Sa kanya po ako lumapit. Naging kaibigan ko po siya sa ‘Wowowin.’ Nagtiwala po ako sa kanya. Mama nga po ang turing ko sa kanya,” aniya.

Kuwento pa ni Herlene marami umano siyang in-endorse na produkto ngunit hindi man lang siya nakatanggap ng bayad sa mga pinaghirapan niya.

Mayroon din umano na kinontact si Herlene na kakilala niya para magtrabaho dito.

Sinabi naman sa kanya ng former manager niya na may 30% commission ito sa lahat ng TV appearances ni Herlene.

“Ako po ang may kakilala du’n. Gusto niya pong bawiin sa akin ang pera. Kailangan daw po may 30% siya sa lahat ng pinagtrabahuan ko raw po. Gusto lang din niya na dumaan sa kanya, tapos ang ending po, hindi ko po akalain na pati sa TV guestings ko, meron siya na kukuning komisyon.”

Sinisingil din umano nito ang comedienne sa pagpapatira ni Elizabeth sa kanya kasama na ang paghatid-sundo, at driving lesson nung araw na nagtatrabaho pa ito sa kanya.

Nagbigay naman ng advice si Atty. Garreth Tungol kay Herlene na mag-file ng qualified theft o estafa laban sa kanyang former manager.

Kinabukasan ay nag-post ito ng pasasalamat kay Tulfo at naglahad ng paalala sa kanyang dating manager.

“Marami maraming Salamat po Senator Idol Raffy Tulfo sa pag tulong at pag action sa aking pinag dadaanan for almost 2 years at nag suffer po ako sa panahon ng pandemia na indi ko man lang ma pa enjoy ang Nanay Bireng ko. hanggang sa pag panaw nya. walang paramdam ang dati kong Manager. puro pangako at napako lang po nangyayari!” aniya.

“Binigyan kta ng mahabang panahon para ayusin etong aberiang iniwan mo sa akin at wala kang proper endorsement mga documents at never ako naka kita ng kontrata. kung indi pa ako nag pursige at nag move forward at lumapit kay Ate Madam inutz at kay Sir Wilbert Tolentino hanggang ngayon isa po akong walang ka muwang muwang na tao,” dagdag pa ni Herlene.

Samantala, ayon naman sa ulat ng Pep Ph sinabi ni Elizabeth na maglalabas siya ng pahayag kaugnay sa akusasyon ni Herlene laban sa kanya.

“Meron po ako linawin sa mga sinabi niya. Sobra po kasing damaging ang ginawa niya sa akin, pero kung puwede din ma-interview din ako sa TV para malaman nila kung ano talaga ang totoo. Credibility ko po at private life ko ang sinisira niya para lang mapag-usapan siya.”

Panoorin ang video na ibinahagi ng RTIA via YouTuber:

celebrity

PGT winner at hit singer na si Jovit Baldivino namaalam na sa edad na 29

Published

on

jovit baldivino

Tuluyan nang namaalam ang 29-anyos na singer at unang Pilipinas Got Talent (PGT) winner na si Jovit Baldivino matapos ang ilang araw na pagkaka-confine sa intensive care unit ng Jesus of Nazareth Hospital sa Batangas City.

jovit baldivino

Sa ulat ng ABS-CBN, ang network kung saan unang nadiskubre ang talento ni Jovit, kinumpirma umano ng mismong ama ni Jovit sa isang panayam na namaalam na ang aktor na unang nagkaroon ng mild stroke noong Nobyembre 2022.

“He passed away around 4 a.m. after six days of confinement due to stroke complications,” ani Hilario Baldivino.

“Masakit sa loob namin pero kailangang ipasa-Diyos namin ito,” pagpapatuloy ng ama. “Mahal na mahal ko anak ko pero mayroon din tayong Panginoon kaya kailangan tanggapin natin.”

Naimbitahan umano si Jovit sa isang Christmas party sa Batangas City, kung saan ito muling nakaranas ng stroke.

[RELATED – Jovit Baldivino nag-collapse sa isang party, kasalukuyang nasa ICU]

“Three songs lang kanta niya. Pagkatapos nakita na siya nakaupo, nakangiwi ang nguso. Nadala agad siya sa ospital, nakalakad mula ambulansya,” kuwento ni Hilario. “Nasabi pa niya na lalaban siya dahil gusto niyang mabuhay. Pero na-comatose na siya pagkatapos ng operasyon.”

jovit baldivino

Nakilala si Jovit matapos ideklarang grand winner sa PGT noong 2010. Naging matagumpay din ang kaniyang singing career at nakapaglabas ng ilang album kabilang na ang Faithfully na nag-triple platinum, I’d Do Anything For Love (Platinum), OPM Greatest Hits Volume One (triple platinum), at Jukebox na lahat ay sa ilalim ng Star Records.

Sa isang Facebook post, ibinahagi ng maybahay ng singer na si Camille Ann Miguel ang larawan nilang mag-asawa kalakip ang caption na, “Asawa ko.” Dito ay bumuhos ang mga mensahe ng pagmamahal, pakikiramay, at mga panalangin para sa hit singer.

jovit baldivino

Kaka-29 lamang ni Jovit noong October 16.

“Marami siyang pinasaya, at alam din namin mahal siya at kami ng mga tao kaya masakit man, nagpapasalamat pa rin kami sa Diyos dahil ‘yan ang tinadhana niya sa aming pamilya,” wika ng ama ni Jovit.

Continue Reading

celebrity

‘Hinagpis ng pangalawang anak?’ Alex Gonzaga tinanong kay Mommy Pinty kung bakit mukha siyang yagit noon

Published

on

By

Muling pinatawa ni Alex Gonzaga ang mga netizens sa kanyang bagong post sa Instagram feed.

Ibinahagi niya ang throwback photo nila ng kapatid niyang si Toni Gonzaga. Ang larawan ay kuha noong mga batang paslit pa sila.

Binuksan ni Alex ang kanyang nakakatawang mga saloobin tungkol dito. Pabiro niyang ikinumpara ang hitsura at suot niya sa kapatid.

Hinikayat din ni Alex ang lahat na makinig sa kanyang bagong podcast kaugnay sa karapatan bilang pangalawang anak.

“In my new podcast pag uusapan natin ang mga hinagpis ng pangalawang anak!!! Kitang kita nyo naman sa litrato kung gaano ako kayagit kumpara sa ate ko,” isinulat niya.

“Ang ate ko may yaya pa ako ni salawal at medyas wala. Ano to! You can watch and listen on Spotify! Basta pangalawang anak ka makakarelate ka dito Hahaha,” dagdag pa ng aktres.

Sa kaniyang Tiktok ay nag-upload siya ng video kalakip ang mga lumang larawan habang pinagpapaliwanag niya si Mommy Pinty kung bakit mukhang yagit siya kumpara sa kanyang ate sa mga larawan.

“Babasagin na ang katahimikan Mga hinagpis ng Pangalawang anak,” saad sa caption ng aktres sa kanyang TikTok.

Aliw na aliw naman ang mga netizen sa kanyang ibinahaging larawan at mayroong mga naka-relate sa post niya.

“Good vibes ka talaga Alex hehehehe I l0ve you palagi”

“Alex normal talaga yan sa amin din magkakaptid may bukod tangi talaga.

“Yes sis relate much! Kung baga sa juice na tinimpla ni mudra sayo ‘yung buo buo pang juice na hindi na nahalo sa tubig.”

“Pati sa sapatos na suot alam na alam kung sinong paborito.”

Napansin rin ng kanyang mga follower ang usong sapatos noon, “The Signature Shoes” ng baby noon.”

“hahahhaha…kaya love kita eh, hahahha ipaglaban ang karapatan.”

“Ganyan kasi pag panganay alagang alaga pag second child na, wala.”

Ganoon nga ba ang nagiging normal na takbo o kadalasang nagaganap sa pamilya?  hahaha  Ikuwento mo kung pangalawang anak ka rin.

Continue Reading

celebrity

Jovit Baldivino nag-collapse sa isang party, kasalukuyang nasa ICU

Published

on

By

Nag-collapse diumano ang Kapamilya singer na si Jovit Baldivino habang dumadalo sa isang party sa Batangas City gabi nitong nakaraang Linggo, Disyembre 4.

Ayon sa Facebook page na TBST (Totoong Balitang sa Southern Tagalog), isinugod sa Jesus of Nazareth Hospital si Jovit matapos bigla na lamang itong bumagsak habang nasa party.

Kinumpirma rin umano ito ng source ni Abante correspondent Ronilo Dagos na nagsabing may pumutok na ugat sa ulo ng kauna-unahang Pilipinas Got Talent (PGT) champion at posibleng aneurysm ang sanhi nito.

Naoperahan na naman daw sa naturang ospital si Jovit at nailipat na ito sa ICU kung saan nananatiling nakaratay ang singer.

Tumanggi naman munang magsalita ang pamilya ni Jovit at humihiling sila ng privacy para sa kaanak na maysakit.

Sumikat si Jovit matapos ideklarang grand winner sa PGT noong 2010. Naging matagumpay din ang kaniyang singing career at nakapaglabas ng ilang album kabilang na ang ‘Faithfully’ na nag-triple platinum, ‘I’d Do Anything For Love’ (Platinum), ‘OPM Greatest Hits Volume One’ (triple platinum) at ‘Jukebox’ na lahat ay sa ilalim ng Star Records.

Bahagyang lumamlam ang kaniyang career matapos masangkot sa kontrobersiya sa kaniyang personal na buhay nong 2021.

May kinalaman ito sa akusasyon ng kaniyang dating kasintahan na inakusahan siya ng pambababae kaya nauwi sa hiwalayan ang dalawang taon nilang relasyon na nagbunga pa ng dalawang supling.

Continue Reading

Trending