Connect with us

Philippine Showbiz

Dra Vicki Belo, Alex Gonzaga nilinaw ang isyung inisnab sila ni Heart Evangelista

Published

on

Nilinaw nina Dra. Vicki Belo at Alex Gonzaga na biruan lamang ang sinabi nilang hindi sila pinansin ni Heart sa nakalipas na Milan Fashion Week dahil ang totoo ay hindi naman sila nagkita roon.

Lumabas kasi ang bahagi ng vlog ni Dra. Vicki kung saan sinabi niyang hindi man lang sila binati ni Heart at sinegundahan pa ito ni Alex.

“Hindi tayo pinansin ni Heart. Hoy, Heart,” ani Dra. Vicki sa isang bahagi ng video. “Heart, ano ‘to, mars? Sa Manila magkakaibigan tayo,” dugtong naman ni Alex.

Inisa-isa pa niya ang mga soap ni Heart na sinuportahan niya raw noon. “Nanood kami ng Hiram, soap opera niya with Anne Curtis. Luna Mystika, Panday. Ano ‘to Heart?… Yung mga soap opera niya, sinuportahan natin siya sana man lang suportahan niya tayo rito.”

Ngunit sa kaniyang Instagram stories ay sinabi ni Dra. Vicki na hindi naman sila nagkita ni Heart sa Milan.

“So guys, I just want to set the record straight, it is not true that Heart snubbed Cathy… Alex and me. How could she snub us when she didn’t even know we were there? And we never ever saw each other,” paliwanag niya.

Kung pinanood lang daw ang kabuuan kaniyang vlog ay malalaman nilang biruan lang ito.

“Kasi naman if you watch the Vicki Belo vlog, you will see that Alex and I are just kidding and joking around. And I was thrilled because Alex mentioned Heart and me in one sentence and we all know what a fashion powerhouse Heart is. Kaya naman you should watch my vlog para alam n’yo ang truth,” aniya pa.

Ganito rin ang naging pahayag ni Alex sa kaniyang Facebook page.

“Ay.. Hindi po kami nagkita sa Milan biruan lang po namin yan ni Dra if you watch the whole vlog. Heart is nice since Pangarap na bituin circa 2007 pa po sakin at magkaibigan kami. Hindi na dapat ginawang news mga ganito,” sabi niya.

Sa ngayon ay wala pang reaksyon si Heart kaugnay nito.

Philippine Showbiz

‘Please pray for me’: Sunshine Dizon humingi ng panalangin habang nagpapagaling

Published

on

By

Humihingi ng panalangin ang aktres na si Sunshine Dizon na kasalukuyang naka-confine sa ospital.

Sa isang Instagram post ay nagbahagi si Sunshine ng selfie dahil gusto niya raw pagaanin ang kaniyang loob sa kabila ng kaniyang pinagdaraanan.

“So this is my best effort to look cute and feel my rays of sunshine to uplift my spirits. So far thank God it’s not covid. Again I tested NEGATIVE FOR COVID. So far what my Pulmo is saying is Bronchitis,” ani Sunshine.

“I know prayers work wonders so please pray for me and everyone you know battling something.”

Bukod sa bronchitis ay inamin ng aktres na nakikipaglaban din siya sa ilang mental health issues gaya ng PTSD, depression, at iba pang issues.

“You may ask why now? Only because I want to free myself from the stigma. There’s nothing wrong with asking for help. I know it’s very hard to get stuck in your head. But we can do it, baby steps. One day at a time.”

Bago ito ay naglabas siya ng saloobin tungkol sa mga napagtanto niya habang mag-isa sa ospital. Aniya, may mga taong gagawin ang lahat para lang makasama siya habang mayroon din namang ibang bibigyan lang siya ng mga palusot.

“Realizations, some people will love you enough to move mountains just to be with you, and some will have lame excuses because you are not and will never be their priority,” pahayag pa niya.

“I’m turning 40 next year. I have so many regrets but I don’t know how to go back to where I used to be. This not about work, this is about life altering decisions. Laying in a hospital bed alone at 3am, I ask myself was it all really worth it? I may never know the answers but I pray to God that I can let go of all my baggage, hurt and guilt. Finally find someone who will sleep beside me in this small hospital bed till I fall asleep.”

Continue Reading

Philippine Showbiz

Luis Manzano, may sweet na mensahe sa 30th birthday ng asawang si Jessy Mendiola

Published

on

By

Nagbahagi ng sweet na birthday message ang aktor na si Luis Manzano para sa kaniyang asawang si Jessy Mendiola na malapit nang magsilang ng kanilang unang anak.

“Happy happy birthday to my howhow @jessymendiola I know what you go thru every day isn’t easy but Peanut and I appreciate everything you do for us. We love you Mama! Happy birthday, wake up na,” sabi ni Luis sa isang Instagram post.

Sa isang vlog kung saan sinagot nila ang mga katanungan tungkol sa pagiging bagong mga magulang ay inamin ni Jessy na noong una ay nahirapan siyang tanggapin ang mga pagbabago sa kaniyang katawan.

“Ako kasi I don’t feel like myself anymore. Kumbaga dati, may abs ako. Tas naka swimsuit pa ako lagi… Sa mga expectant mommies tulad ko, and sa mga nagbabalak magbuntis, hindi madali tanggapin sa simula na magbabago katawan mo mas lalo kung you were very active before the pregnancy or talagang ang tigas ng abs mo, liit ng waist mo,” sabi ng aktres.

“But as months go by, ‘pag nakikita mo na lumalaki yung tiyan mo, dun mo maiisip na it’s all worth it kasi you’re carrying a human inside of you and mas lalo na’ pag lumabas na ‘yun.”

Siniguro naman ni Luis kay Jessy na kahit magkaroon ng pagbabago sa kaniyang katawan kapag nanganak na siya ay mananatili siyang “hot” sa paningin nito.

Payo niya rin sa mga magiging ama na: “Congratulations na magiging tatay ka na but never forget that you are a husband first and foremost, you’re a partner first and foremost.”

Kapag dumating daw na lumaki at magkaroon na ng sariling buhay ang kanilang anak ay babalik at babalik sila sa pagiging partner sa kanilang asawa.

“Kung saka-sakali man ang anak mo ang lumaki na, kailangang mag-ibang bansa or anything. Ang maiiwan diyan, kayong dalawa pa rin. Never forget at the end of the day na you will always fall back to being a husband and being a partner so never lose that relationship.”

Panoorin dito ang buong vlog.

Continue Reading

Philippine Showbiz

KZ Tandingan pens emotional message to mom who became a Registered Nurse at 56

Published

on

By

Singer KZ Tandingan is one proud daughter to her 56-year-old mom who recently took and passed the nurse licensure examination (NLE).

In a lengthy post on Facebook, KZ looked back on the sacrifices her mom Marites Tandingan, had to make along the way because she prioritized her children over her career.

Her mom got her license as a midwife at 18 years old and became a clinical instructor soon after. She then met KZ’s dad and they got married and had children.

“She attempted to balance being a mom and working, but in the end she made the decision to abandon the career she had fought so hard to achieve in order to concentrate on caring for her children,” KZ said.

When she and her sister were already in high school, her mom decided to pursue nursing. She later found out she was pregnant with her third child and after trying to make it work, she decided to put it on hold to focus on her pregnancy.

“When I finally went to college, my brother had already turned three yrs old, Mum continued her education attending classes on weekends till she received her diploma,” KZ narrated.

“At 43 or 44 yrs old, she tried taking the NLE without a proper review because there was just too much on her plate, and sadly she didn’t pass. She was so heartbroken that she thought maybe she’s too old or that she didn’t have what it took anymore.”

But about 10 years later, Marites decided to try again. For months, she focused on reviewing discreetly.

“Only the family knew abt it because she didn’t want people to be disappointed just in case she didn’t pass it again. She would study so hard that she’d fall asleep while reading her books and sometimes forget to take a break to eat,” she said.

“Today, 18 days after, the results came out, and I’m so proud to share that my mom, 56 yrs old, MARITES LOBRIGAS TANDINGAN is now a REGISTERED NURSE.”

KZ thanked her mom for sacrificing her career to prioritize her children’s well-being.

“Today is a reminder that God sees everything and that He rewards His children in His perfect time. Congratulations Mommy Tess! I’m so proud of you. I love you.”

Continue Reading

Trending