Connect with us

Money

Antigo at gintong kuwintas na nalambat ng mangingisda sa Davao, naibenta sa halagang P400K

Published

on

Naging sagot sa problema ng mag-asawang mangingisda sa Davao Del Sur ang isang gintong kuwintas na sumabit sa kanilang lambat at naibenta nila sa malaking halaga.

Sa episode ng ‘Kapuso Mo Jessica Soho’, itinampok ang kuwento ng mag-asawa na umaasang makatagpo ng ginto sa dagat para may maipambili ng pagkain.

At mistulang nasagot nga ang kanilang hiling nang malambat nila ang isang kuwintas na halos 100 gramo ang bigat. Sa una umano ay inakala nilang hindi ito ginto ito at maaaring nahulog lamang ng mga nagbebenta ng mga pekeng alahas.

Subalit isa sa kapatid ng ginang ang nagsaliksik sa internet upang malaman kung tunay na ginto nga ito. Nanghiram pa sila ng pamasahe para lamang maipasuri sa pawnshop ang naturang kuwintas.

Dito na sila nagulat nang malamang hindi ito peke kung hindi gawa talaga sa purong ginto.

Para din malaman kung isa nga itong antigo, tinulungan ng KMJS ang mag-asawa para maipasuri ang larawan ng alahas kay Dr. Potenciano Malvar na isang antique collector.

Ayon naman kay Dr. Malvar, base sa kaniyang pagsusuri, maaaring ang kuwintas ay talagang purong ginto at posibleng nasa 500 taon na ang edad.

“These are pure gold beyond 500 years. Priceless ang item na ‘yan na puwedeng i-exhibit sa any museum,” wika ni Dr. Malvar.

Samantala, dahil nga nangangailangan ng pera, naibenta na ng mag-asawa ang kuwintas sa halagang P400,000.00 kay Sta Cruz, Davao del Sur Mayor Nelson Sala na isa ring private collector.

Nais kasi ng pamilya na matubos ang lupang isinanla ng kanilang ama sa halagang P10,000 mahigit isang dekada na ang nakararaan.

Para naman kay Mayor Sala, binili niyaang nasabing kuwintas sa nabanggit na halaga hindi dahil sa pagiging pure gold nito kung hindi sa historical value ng alahas.

Panoorin ang buong kuwento sa episode ng KMJS:

entertainment

Kilalanin: Wildlife photographer na kumuha ng larawan ng PH Eagle sa P1,000 bill

Published

on

By

Ipinakilala ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang Filipino wildlife photographer na kumuha ng larawan ng Philippine eagle na ginamit sa bagong P1,000 bill.

Sa isang Facebook post noong Mayo 1, sinabi ng BSP na ang photographer ay si Floyd Bermejo, na isa ring masugid na birdwatcher at bird conservationist sa bansa.

Umaasa si Bermejo na ang larawan ay magbibigay inspirasyon sa mga tao na protektahan ang Philippine eagle, ang pambansang ibon ng bansa, mula sa pagkalipol.

“Floyd Bermejo is the wildlife photographer who captured the image of the Philippine Eagle used in the new polymer banknote. He hopes that his photo will inspire people to protect and save the Philippine Eagle from extinction,” wika ng BSP.

Sa isang hiwalay na feature, ibinahagi ng BSP na si Bermejo ay miyembro ng Robert S. Kennedy Bird Conservancy, isang grupo na dalubhasa sa pagkuha ng mga larawan ng mga ibon sa bansa para sa kanilang proteksyon.

Naging conservationist siya nang siya ay nanuluyan sa mga komunidad na nagsisilbing tahanan o tirahan ng mga endangered birds na ito.

“At first, Mr. Bermejo took and collected photos to relieve stress. But through his immersion in communities that served as habitats of endangered birds, his collections transformed into a powerful platform for his conservation advocacies,” sabi pa ng BSP.

Sinabi ng Bangko Sentral na nakunan niya ng larawan ang Philippine eagle, isang makapangyarihang ibong mandaragit, sa isang sanktuwaryo sa Davao.

“His passion as a lensman and his work as a pilot [has] allowed him to visit many protected forests and wildlife sanctuaries, including the one in Davao where he took the iconic photo of the Philippine Eagle featured on the polymer banknote,” sabi nito.

Samantala, ang hilig ni Bermejo sa photography ay nagsimula noong bata pa siya, sa pangangaso ng mga ibon para kainin sa kabundukan ng Sipalay, Negros Occidental.

Bilang isang bird hunter-turned-conservationist, sinabi ni Bermejo na sa kanyang trabaho ay nararamdaman pa rin niya na siya ay tila “bird-hunter” pa rin.

“Nagustuhan ko iyong wildlife photography kasi parang naghu-hunt ka rin. Pero this time, you are using your camera,” aniya sa  ulat.

Umaasa si Bermejo na ang larawan ng agila sa bagong disenyo ng P1,000 banknote ay magbibigay ng kamalayan tungkol sa konserbasyon ng mga ibon.

Sa isang Facebook post ay ibinahagi naman niya ang kanyang nararamdaman kaugnay sa karangalan na ito.

Samantala, maaaring bisitahin ang kanyang Facebook page na ‘Nature Priority by Floyd P Bermejo‘ para sa iba pang kuwentong pang-kalikasan.

Basahin: BSP sinabing hindi ibinebenta ang P1,000 polymer banknotes

Pinayuhan ng BSP nitong Biyernes ang publiko na ang bagong P1,000 banknotes na gawa sa polymer ay hindi ibinebenta dahil unti-unting inilalabas nito ang mga bill sa sirkulasyon para magamit ng mga tao.

Continue Reading

Money

BSP sinabing hindi ibinebenta ang P1,000 polymer banknotes

Published

on

By

Pinayuhan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) nitong Biyernes ang publiko na ang bagong P1,000 banknotes na gawa sa polymer ay hindi ibinebenta dahil unti-unting inilalabas nito ang mga bill sa sirkulasyon.

Sa isang pahayag, sinabi ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) nitong Biyernes, Abril 22, na ang nasabing salapi ay katumbas lamang ng face value nito at hindi rin dapat ipagbili, ipagpalit o bilhin kapalit ng ano mang halaga.

“Is only worth its face value and should not be sold, traded, or bought for any other amount,” ayon sa BSP.

Sa unang bahagi ng buwang ito, pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtatanghal ng P1,000 polymer banknotes, kung saan itinatampok ang Philippine eagle sa harap at isang South Sea pearl sa likod.

Sinabi ng Bangko Sentral na ang mga bagong banknote ay ilalabas in phases, simula Abril.

“During the initial phase, ATMs and other cash processing machines will be calibrated to properly count and dispense the new 1000-piso polymer banknotes,” saad ni Ted Cordero sa Twitter.

“The 1000-Piso polymer banknote will be circulated alongside the current 1000-Piso paper banknote and both can be used for payments and transactions,” sabi pa nito.

Inaprubahan ng Office of the President at ng Monetary Board ang pagpapalabas ng bagong P1,000 polymer banknote, ayon sa Central Bank.

“The new 1000-Piso polymer banknote strengthens the BSP’s efforts to respond to pressing public health and safety concerns due to the COVID-19 pandemic, promote environmental sustainability, and deter counterfeiting,” sabi nito.

Makikita sa nasabing pera ang Philippine eagle na ipinalit sa larawan ng tatlong bayaning sina Jose Abad Santos, Vicente Lim, at Josefa Llanes Escoda.

Ipinagmalaki naman ng BSP ang materyales nito na katulad ng ginagamit sa pera ng Australia, Canada, Mexico, New Zealand, at United Kingdom.

Nauna nang sinabi ng BSP na plano nilang ilabas ang 500 milyong ₱1,000 polymer banknotes na aabot sa ₱500 bilyon sa pagitan ng 2022 at 2025.

Continue Reading

Money

Poe umalma sa advisory ng BSP hinggil sa pekeng pera mula sa mga ATM: ‘Di obligasyon ng depositors’

Published

on

By

Hindi sang-ayon si Senador Grace Poe sa paalala ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na dapat ay suriing maigi ng publiko ang mga perang lumalabas sa mga ATM.

Para kay Poe, hindi na obligasyon ng mga depositors na siyasatin muna ang perang nakukuha nila ATM upang malaman kung tunay ito o peke.

“The burden of distinguishing counterfeit bills emanating from banks from genuine ones should not be placed on depositors. ATMs dispensing fake bills is unacceptable and must have no place in the banking system,” anang senadora sa isang pahayag.

Ginawa ito ng mambabatas matapos maglabas ng advisory ang BSP na nagpapaalala sa mga depositors na maging mapanuri sa mga perang nawi-withdraw nila sa ATM upang ‘wag malusutan ng pekeng salapi.

“The BSP reminds the public to regularly inspect banknotes for authenticity through the ‘feel, look, tilt’ approach to protect oneself against counterfeiting. Should a banknote dispensed by an ATM be suspected as a counterfeit, the holder is advised to immediately report it to the bank that owns the machine,” ayon sa advisory ng BSP.

Subalit, giit ni Poe, responsibilidad ito ng mga bangko kaya kailangang tiyakin na mayroon silang state-of the art defenses upang maiwasan ang mga ganitong bagay at para na rin sa seguridad ng kanilang banking system.

“It is our financial institutions that carry the responsibility to steadfastly guard against vulnerabilities and keenly upgrade their systems amidst the changing times to keep our people’s unflinching trust in the banking industry,” dagdag ng mambabatas.

Sa ilalim ng Republic Act 10951, ang sinumang mahuhuli at mapatutunayang namemeke ng pera ay mapapatawan ng parusang pagkakakulong ng hanggang 12 taon at multang hindi lalampas sa P12-milyon.

Continue Reading

Trending