Connect with us

Social News

Estudyanteng bote ng toyo ang ginagamit na tumbler, nakatanggap ng maraming tulong

Published

on

Nag-viral noong isang araw ang Tiktok video ng isang teacher kung saan ipinakita niya ang isang estudyante na bote ng toyo ang ginagamit na tumbler o baunan ng tubig.

Ayon sa post ni Teacher Malone Belmonte ng Panitian Elementary School sa Quezon, Palawan lumapit sa kaniya ang kaniyang mag-aaral at nagpatulong para buksan ang boteng dala.

“Nagulat and at the same time nalungkot ako. My learner asked me to open her water bottle. At first sight akala ko may baon siya na toyo, yun pala yun na ang water bottle niya,” caption ni Teacher Malone.

May mensahe rin si Teacher para sa mga batang hindi katulad ng kaniyang estudyante na nagpupursiging mag-aral kahit pa kapos sa buhay.

Aniya, “Don’t be so demanding in life when in fact there are these kids who are willing to go through the hardships in life for their dreams. We are lucky enough na hindi natin naranasan ang ganitong shortage sa buhay.”

Umani naman ng simpatiya at habag ang bata sa naturang Tiktok video. Dahil dito marami rin ang nag-alok na tulungan ang nasabing estudyante.

Ayon kay Teacher Malone, maraming netizens na umano ang nag-message sa kaniya para magpadala ng tulong sa kaniyang learner.

I didn’t expect po na maraming willing na tumulong sa aking learner.

“At first ang purpose ko lang po ay i-encourage ang aking fellow teachers na ma-motivate sila sa pagtuturo kahit hirap na hirap na sila,” bahagi ni Teacher.

“I just want to share at help kayo na ma-relize na i-appreciate natin yung mga bagay na meron tayo,” dagdag pa ng guro.

Nagpasalamat din si Teacher sa mga netizens na nais tumulong kabilang na ang ilang nag-alok na palitan ang tumbler ng bata.

Subalit hiling naman sana niya ay hindi lang ang naturang bata ang tulungan at kung maaari ay ang buong klase.

Hindi lang pala ang learner sa video ang gumagamit ng ‘improvised tumbler’ kung hindi ang iba pa niyang estudyante na gumagamit naman ng bote ng softdrinks at sukang puti, base sa bagong video na kaniyang ibinahagi.

“I’m so thankful na may iba po na nag-donate na isinama po yung ibang kasama niya,” pasasalamat ni Teacher Malone.

Samantala, isinama nila ang bata pauwi para maihatid na rin ang mga tulong na natanggap para sa bata. Bless you all, good samaritans!

Philippine Showbiz

KZ Tandingan pens emotional message to mom who became a Registered Nurse at 56

Published

on

By

Singer KZ Tandingan is one proud daughter to her 56-year-old mom who recently took and passed the nurse licensure examination (NLE).

In a lengthy post on Facebook, KZ looked back on the sacrifices her mom Marites Tandingan, had to make along the way because she prioritized her children over her career.

Her mom got her license as a midwife at 18 years old and became a clinical instructor soon after. She then met KZ’s dad and they got married and had children.

“She attempted to balance being a mom and working, but in the end she made the decision to abandon the career she had fought so hard to achieve in order to concentrate on caring for her children,” KZ said.

When she and her sister were already in high school, her mom decided to pursue nursing. She later found out she was pregnant with her third child and after trying to make it work, she decided to put it on hold to focus on her pregnancy.

“When I finally went to college, my brother had already turned three yrs old, Mum continued her education attending classes on weekends till she received her diploma,” KZ narrated.

“At 43 or 44 yrs old, she tried taking the NLE without a proper review because there was just too much on her plate, and sadly she didn’t pass. She was so heartbroken that she thought maybe she’s too old or that she didn’t have what it took anymore.”

But about 10 years later, Marites decided to try again. For months, she focused on reviewing discreetly.

“Only the family knew abt it because she didn’t want people to be disappointed just in case she didn’t pass it again. She would study so hard that she’d fall asleep while reading her books and sometimes forget to take a break to eat,” she said.

“Today, 18 days after, the results came out, and I’m so proud to share that my mom, 56 yrs old, MARITES LOBRIGAS TANDINGAN is now a REGISTERED NURSE.”

KZ thanked her mom for sacrificing her career to prioritize her children’s well-being.

“Today is a reminder that God sees everything and that He rewards His children in His perfect time. Congratulations Mommy Tess! I’m so proud of you. I love you.”

Continue Reading

Inspiring

‘Nurse na ako’: Batang nangarap lamang noon sa kinder yearbook, natupad na

Published

on

By

Pag nasa puso mo ang iyong pangarap at handa mong gawin ang lahat matupad lamang ito, kahit anong hirap ay malalagpasan mo.

Iyan ang pinatunayan ng isang nurse na si Yssa Falguera sa ibinahagi niya sa kanyang Facebook post.

Hindi umano siya makapaniwala na isa na siya ngayong Licensed nurse.

“No words can express how grateful I am. Thank you, Lord, for guiding us and for all your blessings all throughout this journey. We lift everything up to You. We couldn’t have gone this far without You. Ikaw po lahat ito,” pasasalamat niya sa Diyos na nakayanan niya ito.

Ayon sa panayam ng Pilipino Star Ngayon Digital ay parang nasa puso na niya ang maging matulungin lalo na sa kapwa at nangangailangan.

“Growing up, mas nakita ko yung essence of choosing that profession, parang I have a mission to serve. I find happiness in serving other people, even in the simplest things that I can do. Years have passed I was given the opportunity to study my dream course in my dream university,” saad ni Yssa.

Marami ang naantig sa kaniyang kuwento kung saan ang dating quote lamang niya sa yearbook noong bata pa siya ay natupad na ngayon.

“To my 6-year old self, you once dreamed of becoming a nurse someday. It was a looong and challenging journey, but all those laughter, tears, anxiety, self-doubt, sleepless nights, triumphs and failures paid off. I hope I made you proud, Registered Nurse na tayo! We made it!” masayang sinabi niya.

Bumuhos naman ang pagbati mula sa netizens sa kanyang kuwento;

“Pagbati sa matagumpay na pangarap at Pagpalain ka ng Diyos Ama”

May isang commentor na pakwelang nagsabi na, “Bakit ba kasi ASTRONAUT yung nasa year book ko nung grade school?” hahaha

“Dream come true. Basta may goal.”

“Wow ka birthday ko pa Feb. 5.. Well, lahat tayo may pangarap at ito ay ma achieve basta may perseverance at hardwork. congrats!”

“Congratulations! God bless you more”

Continue Reading

events

‘Gin bilog’ ibinigay bilang souvenir sa binyag, 1st birthday ng isang bata; kinaaliwan ng netizens

Published

on

By

Naranasan mo na bang mabigyan ng ‘Gin Bilog’ bilang souvenir sa isang binyagan?

Karaniwang binibinyagan ang sanggol kapag ito ay 2 weeks old, o ‘di kaya ay ilang buwan matapos itong ipanganak.

Mayroon namang magulang na isinasabay na lamang ang binyag ng anak sa pagdiriwang nito ng unang kaarawan upang maging espesyal ang event at isang gastusan na lamang..

Kamakailan ay nag-viral ang larawan ng isang ina na si Analyn Barnedo, mula Rizal, tampok ang kaarawan ng kanyang anak na si Aly kung saan isinabay na rin ang binyag nito.

Sa Facebook post ni Analyn, makikita ang mga larawan mula sa event.

Nagpapasalamat siya dahil nairaos niya ang kaarawan at binyag ng anak kung saan siya mismo ang nag-asikaso nito.

“Thank God at nairaos na po ang binyag and birthday ni Aly, thank you sa lahat ng blessing,” ani Analyn sa kanyang post kalakip ang mga larawan mula sa event.

Nagpasalamat din si Analyn sa mga dumalo.

“Worth it ang almost one month na preparation ni Mommy, halos lahat DIY. Sana po naging masaya din kayo. Thank you din po sa lahat ng gifts and Cash (Will keep soon to Aly’s bank account). SALAMAT PO NG MARAMI.”

Sa kanyang cover photo naman ay makikita na buhat-buhat nito ang kanyang anak habang hawak naman ang isang bote ng gin bilang souvenir sa kanyang mga guest.

“Yeah, shot puno,” saad niya sa caption.

Ilang meme pages ang naaliw sa kanyang post at ibinahagi ang mga larawang nagpapakita ng mga bote ng ‘gin bilog.’

Sino ba naman kasi ang mag-aakala na pwede palang maging souvenir ang gin bilog? Nilagyan ito ng ina ng espesyal na packaging na may ribbon.

Ayon sa PhilStarL!fe, 90% ng kanilang mga bisita ay umiinom ng alak kaya naman naisip niyang gin bilog ang piliing souvenir.

“Alam naming matutuwa sila. Nagulat din sila, kasi first time nilang maka-encounter ng ganoong uri ng souvenir.”

Bukod sa mga bote ng gin bilog, binigyan din niya ang ibang bisita ng ‘alcohol’ ngunit hand sanitizer version naman..

Dagdag pa nito, nagtatrabaho bilang machine operator sa Taiwan ang kanyang partner mula noong nakaraang taon.

Kahit nagtatrabaho sa gabi ang kanyang partner ay hindi umano naging hadlang sa kanila ang komunikasyon.

Payo naman niya sa mga couples, ang susi sa isang pangmatagalang relasyon ay ang pagiging kontento.

“Lalo na sa mga nasa LDR (long-distance relationship) tulad namin, tiis-tiis lang para sa pangarap.”

Continue Reading

Trending