Connect with us

Humor

‘Pinakamalaking budol noon at ngayon’ post, kinaaliwan ng netizens

Published

on

Ang pinakaaabangan ng mga bata ay malapit na — ang Pasko. Ito kasi ang pinakamasayang panahon sa kanila para makatanggap ng aginaldo o pamasko mula sa mga magulang, ninong at ninang, o kahit sino pa. Ito ang pagkakataon nilang makatanggap ng regalo at pera at makabili ng pinapangarap nilang mabili tulad ng laruan, bisikleta, gamit atbp.

Isang post kaugnay sa pamasko ang naghatid naman ng nostalgia at kaaliwan sa mga netizens.

Ayon kay Luz Katigbak na nagbahagi ng isang larawan ng mag-ina sa Facebook page na Nostalgia Phjilippines,Relate dn ba kau sa ganito? Ganyan ginagawa ko sa mga anak ko nuon.”  🙂

Ang ekspresyon ng pagdududa sa mukha ng bata ay nakapagpapangiti at nagdala sa netizens sa nakaraan. “Scam”, ayon sa post ni Lorenz Raphael sa FB page niya na may shares nang mahigit 2,600.

Pagbabalik-tanaw ng mga ina:

“I remember those days!”

“Relate much.”  🙂  “Yes yan Ang mga linyahan Ng nanay sa anak pag Pasko hahaha”

Marami din kasing bata noon na sa kasabikan sa nahawakang pera ay nagwa-one day millionaire at manlilibre ng mga kalaro o kaya’y uubusin sa tindahan ang napamaskuhan. Kaya naman aawat si Nanay at kukuhanin ang napamaskuhan at baka mawaldas na naman agad agad. Pero paano kaya ngayon na sa pamamagitan ng e-wallet ay puwede nang magpadala sa mga inaanak kahit hindi na ito manugod sa bahay. hahaha

Hindi lang mga ina ang naka-relate sa post kundi pati yung mga nakaranas ng ganoon ding scenario sa kanilang kabataan; ‘yung mga  kinubrahan ng napamaskuhan at kung paano sila nabudol. hahaha  Mas masaya pa nga raw kung regalo na lang ang natanggap noong bata pa kasi sa iyo agad mapupunta at hindi ‘itatago’ ni Nanay.

“Pinakamalaking budol noon at ngayon. Boy, h’wag kang maniwala.”  🙂

“Dito nauso ang salitang scam.”   🙂

“Pag tinago ni nanay lalo nawawala.”   🙂

“Ang daya nila: Ibinili ng damit ko, Papasko raw nila sa akin yun.”

“Budol budol si nanay ha ha ha Tapos ibibili ng bigas.”

“Effective yan noong mga bata tayo. Pero ngayon panahon sasagutin ka na ng bata ng “Scam yan”

“Marunong na sila.  “Di bale na Nay! Ako na ang tatago nito.”   🙂

“Modus yan hehehe…. Pero nakakamiss. Lalo ituturo sayo mag ipon at magtago ng pera sa bangko.” 🙂 

Ngunit mayroon din namang nagbahagi ng kuwento ng pagtitiwala. Kapag subok na kasi ng bata ay lubos na itong nagtitiwala.

“Nak akin na muna yan, pambili natin ng bike mo para dagdagan ko na lang kung magkano kulang.”

“Anak ko siya pa nagkakandarapa iabot sa akin kasi alam naman nya ibibili ko Ng gamit nya at di ko gagamitin sa ibang bagay. Ang kanya ay kanya kahit bata pa sIya.”

“I keep her money in the bank for future needs niya.”

celebrities

‘Isang gin bilog please’ ni Heart Evangelista sa IG, kinaaliwan sa social media

Published

on

By

Sa unang araw ng Disyembre pa lamang ay naghatid na ng kaaliwan sa Instagram ang aktres-socialite-model na si Heart Evangelista o Love Marie Ongpauco sa tunay na buhay.

Aniya sa isang IG post, “Isang gin bilog please.” Kalakip ng kanyang ‘order’ ang dalawang larawan kung saan ay makikita siyang nakaupo sa isang bar na sosyalin. Sa quilted chairs pa lang ay alam mo nang hindi ito basta bastang bar. Hindi naman niya tinukoy kung saan ito.

Bumuhos naman ang heart reactions sa post niyang ito; sumasakay sa pakwela niyang pagbubukas sa Disyembre.

Maraming naaliw sa kanyang ‘amoy mayamang’ mga larawan.

Baka wala there order mo haha,” sabi ng isa niyang follower na nakatanggap naman ng tugon mula sa isa pang netizen. “World’s #1 selling gin ang GIN BILOG, I bet meron dyan!” 

May payo naman ang iba. “Red horse na lang Miss heart”

“Gin bilog with a side of pomelo juice, mars! No to whistle chaser!”

“Hahahaha kulang ung gin bilog ate, ung kwadrado, gin 4×4 hahahaha”

Ilan din naman ang nag-virtual tagay sa kanya. “Shot puno, sizt!”

“Hahaha love your humor my dear!”

“U will pass as a teenager. With that body and looks.”

Basahin: Heart Evangelista nakatanggap ng maagang Christmas gift mula sa kaniyang Daddy

Isang maagang pamasko ang natanggap ni Kapuso actress Heart Evangelista mula sa kaniyang amang si Reynaldo Ongpauco. Ibinahagi ni Heart ang naging pag-uusap nila ni Daddy Rey. Ayon sa huli, nais niyang mapasaya ang anak kaya binigyan niya ito ng regalo. Sana all may Daddy Rey. hahaha

Noong Agosto ay umugong ang usap-usapan na hiwalay na si Heart sa kaniyang mister na si dating Sorsogon Governor at ngayon ay Senador Francis ‘Chiz’ Escudero.

Ito ay matapos tanggalin ni Heart ang ‘Escudero’ sa kaniyang pangalan sa Instagram bio. Ito rin umano ang dahilan kung bakit bigla na lang siyang lumipad patungong Paris para mapawi ang sakit ng loob.

Continue Reading

Humor

Netizen may mensahe sa PSA, pumayat na raw siya kahihintay sa National ID; kinaaliwan sa socmed

Published

on

By

Ayon sa mga ulat kamakailan, as of October 28, ang PSA ay nakapag-isyu na ng 23,248,689 PhilIDs for delivery o 77.2 porsiyento ng target na 30.1 million ngayong taon.

Patuloy umano itong nakikipag-ugnayan sa BSP sa paghanap ng iba pang paraan upang mas mapabilis at madagdagan pa ang dami ng PhilID production at printing tulad ng mas pagpapabuti pa sa data flow.

Kaya lang marami pa rin tayong nababalitaan na delay na umaabot nang mahigit isang taon. Mas mapabibilis pa kaya ang delivery?

Habang nagdudulot ng kainipan at init ng ulo ang delay sa ilang mamamayan, idinadaan na lamang ng ibang netizens sa ‘humor’ ang mga ‘aberyang’ naranasan, tulad na lamang ni Joemar Santos Torres na nagbahagi ng mensahe sa PSA (Philippine Statistics Authority).

Ayon sa FB post ng 24-anyos na accountant mula sa Valenzuela City matapos niyang matanggap ang kanyang PSA ID o mas kilala bilang “National ID”, “DEAR PSA, PUMAYAT NA’KO KAHIHINTAY.”

Sa tagal umano ng lumipas na panahon bago niya natanggap ang inaasam-asam na ID ay pumayat na siya ngayon, at tila hindi na siya ang nasa larawan?

Bumuhos ang iba’t ibang reaksyon at 1.3K komento mula sa netizens at lampas 14,000 na ang nag-share ng kanyang post.

“Parang baliktad sa akin, payat pa ako nang nag pa ID ako ngayon tumaba na HAHAHAHAHA”

“Benta! Hahaha. Baka kami, uugod-ugod na kami bago namin makuha hahaha.”

“Yung iba nga e kinuha na ni papa God e..wala pa din.”

“Buti pa ikaw nakuha mo eh Ako 1year Ago na Ang Nakakalipas ay Hindi ko Parin Nakukuha Yung National I’D ko. “

“Kuya, hindi kapo nag iisa  🙂  June 2021 pako nagparegister, last week lang dumating HAHAHAHA bilis ng Pilipinas no?

 

Dalangin naman ng iba pang hindi nakatatanggap, sana mas mapabilis pa ang pagre-release ng national ID at sana’y tanggapin naman ito ng ibang ahensya kung saan sila nangangailangang magpakita ng pagkakakilanlan. Hindi pa raw kasi ito kinikilala ng ibang ahensya o opisina.

ANO NGA BA ANG NATIONAL ID SYSTEM?

Ang Philippine Identification System ay magsisilbing patunay ng mga Pilipino. Layunin ng Philsys na gawing simple, ligtas at maayos ang mga transaksyon sa gobyerno at pribadong sektor.

Inihayag ni PSA Assistant Secretary Rosalinda Bautista na mahalagang magkaroon ng national ID dahil kakailanganin ito sa pakikipagtransaksyon sa hinaharap.

“Sa batas po natin, lahat po ng Pilipino at resident aliens natin dito sa Pilipinas, pati po ang Pilipino na nasa abroad, ay puwedeng mag-apply para sa national ID pero voluntary. Voluntary po kasi ito,” saad niya. “Pero ini-encourage po namin ang pag-apply at pagkuha ng national ID…Dadating po tayo doon sa time na lahat ng transaksyon sa government ay hihingian na po ng national ID ang isang tao.”

Layunin ng national ID system na mapagsama-sama na sa iisang ID ang iba’t ibang ID na iniisyu ng iba’t ibang sangay ng gobyerno.

Continue Reading

Trending