Connect with us

celebrities

Ice Seguerra inalala ang ama: ‘2 taon mula noong nauna ka na para makipag-mahjong at bidyoke sa langit’

Published

on

ice ama

Dalawang taon simula nang mawala ang kanyang amang si Decoroso Seguerra, isang nakaaantig na mensahe ang ibinahagi ng Filipino singer-actor na si Ice Seguerra sa social media.

Sa Instagram, nag-post si Ice ng litrato ng kanyang ama at binalikan ang mga paborito nitong gawin. Aniya, labis pa rin siyang nangungulila sa pagkawala nito.

“Dalawang taon mula nung nauna ka na para makipag mahjong at bidyoke sa langit. Miss pa rin kita kaya nalulungkot pa rin ako kapag naiisip kita. Pero alam kong happy ka diyan atsaka alam ko rin na kahit hindi na kita nakakausap, parati kang nasa puso ko,” aniya.

“I love you, Pogi. Missing you always,” pagpapatuloy pa ni Ice.

Matatandaang marami rin ang naantig sa birthday message ng celebrity para sa kanyang ama nitong nakaraang Pebrero, “Pangalawang birthday mo na hindi ka namin kasama. Kumusta ka na diyan, Pogi? I’m sure okay ka. Happy and at peace. Miss ka namin dito, ‘lam mo ba yun? May isang taon mahigit na rin ang nakakalipas pero hinahanap ka pa rin namin.”

“Miss ko ‘yong boses mo pag kumakanta sa videoke, ‘yong mga patawa mo na minsan hindi nakakatawa pero sa sobrang corny matatawa na rin kami. I really hope you’re in a better place, ‘yong wala nang pain at kalungkutan. Sarap siguro diyan. Parati kang nasa puso namin. Happy birthday, my orig valentino. I miss and I love you so much!” pagpapatuloy niya.

[RELATED – ‘Kumusta ka na diyan, Pogi?’ Ice nagbahagi ng nakaaantig na birthday message para sa namayapang ama]

Nobyembre 2020 nang mamaalam ang ama ni Ice na nakapagbilin pa na gusto nitong mga pulang bulaklak ang gamitin sa kaniyang burol. Hanggang sa huling sandali raw ay gusto ng kanyang tatay, na itinuturing na komedyante ng pamilya, na maging masaya ang lahat hanggang sa tuluyang paglisan niya.

“Naihanda kami ni Daddy. Nahanda siya [Ice] ni Daddy na in the last two weeks, nagpatawag siya, talagang nag-spend kami ng time with him. Kinantahan siya ni Ice. Lahat ‘yong mga hindi nasabi,” kuwento ng better half ni Ice na si Liza Diño-Seguerra. “Talagang napakaganda ‘yong ano, naghiwalay man, ‘yong when he passed away, masaya. Masaya ‘yung spirit.”

celebrities

Glaiza itinanghal na Best Actress sa California: After 4 years, nakatatanggap pa rin ‘yung ‘Liway’ ng recognitions

Published

on

glaiza liway

Masayang-masaya ang Kapuso star na si Glaiza de Castro sa mga naaabot ng kanyang 2018 film na Liway, na hanggang ngayon ay nakatatanggap pa rin ng mga parangal.

glaiza liway

Sa Instagram, ibinahagi ng aktres kung gaano siya kasaya nang malaman niyang itinanghal siyang Best Actress sa 29th Filipino International Cine Festival sa San Francisco, California sa ginampanan niyang papel sa Liway.

“So I got these messages at around 2 AM here in Canada saying something about Liway getting awards. ‘Di ko naintindihan agad then @kipoebanda told me that I just won another award. Huwatttt. Maraming salamat, @facinefilmfestival. It’s an honor po knowing that the winners were selected by an esteemed panel of three jury members: film scholar, critic, author JB Capino; Indonesian film scholar, curator Gaston Soehadi; and film and theater actor, academic Sunita Mukhi,” saad niya.

glaiza liway

Nang makapanayam ni Lhar Santiago sa Chika Minute, ikinuwento ni Glaiza kung gaano niya ikinatutuwa na umabot na sa ibang bansa ang Liway, “After four years na nakatatanggap pa rin ‘yong Liway ng recognitions. Nakarating na kami ng States.”

Kasalukuyang nasa kasagsagan ng shooting sa Canada si Glaiza nang mabalitaan niya ang kaniyang pagkapanalo sa California. Ito ay collaboration ng isang Canadian group at ng Canadian government. Fulfilled na fulfilled si Glaiza sa nasabing proyekto.

“Masaya kasi may mga kababayan tayo. Meron ding ibang people from like Russia. So ibang work ethics, sobrang efficient,” wika ni Glaiza sa pelikula tungkol sa mag-asawang sumubok magbukas ng isang bagong kabanata sa Canada.

“Napilitan siyang magtrabaho sa warehouse, kaya nandito po kami sa warehouse ngayon,” aniya. “They were just trying to survive.”

[RELATED – ‘What I have is his, what he has is mine’: Glaiza ibinahagi kung bakit wala silang prenup agreement ng kanyang mister]

Bukod sa kanyang karera, happily married din ang award-winning actress sa mister na si David Rainey.

Pebrero 2022 nang aminin ni Glaiza na ikinasal na siya sa asawang businessman sa hometown nito sa Northern Ireland noong Oktubre 2021.

Continue Reading

celebrities

Bong Revilla, magpapa-raffle ng P1M, kotse, cash matapos matanggap ang YouTube Silver Play Button

Published

on

By

May Silver Play Button  na siya!

At dahil dito sinabi ng senador at aktor na si Bong Revilla na mamimigay siya ng mga premyong Pamasko sa kanyang mga subscribers.

Sa wakas ay nakatanggap na rin siya ng YouTube Silver Play Button matapos ang mahigit dalawang taon para maabot ang 100,000 subscribers mark sa video-sharing platform.

“Masayang balita po. Natanggap na natin ang ating YouTube SILVER PLAY BUTTON!

Taus-puso po akong nagpapasalamat sa inyong lahat na nag-subscribe sa aking YouTube Channel, na ngayon ay may 264K+ subscribers na!” ayon sa caption ng senador sa kanyang FB page.

Inilunsad noong 2019, ang channel ni Bong ay mayroon na ngayong mahigit 275,000 subscribers.

“I waited so long, but when I got hold of the box, and slowly unwrapping it, the euphoria hasn’t diminished, and then the Silver Play Button is in my hands,” wika ng senador.

“I’m truly grateful to all my subscribers who’ve always been supportive,” dagdag pa nito.

Bilang pagdiriwang sa kanyang social media milestone, idaraos ni Bong ang “Amazing Pamasko ni Pogi Christmas Giveaway” sa Disyembre 17 (Sabado) at 18 (Linggo), 4 p.m.

Ang mga sumusunod na premyo ay naghihintay sa mga mananalo kabilang ang:

  • P1 million cash
  • 2 Suzuki S-Presso cars
  • 5 motorbikes
  • P1,000 each for 1,000 participants

Hinihikayat ang mga kalahok na isumite ang kanilang entry sa link na ito hanggang Disyembre 11, 2022 sa 11:59 pm.

Ang mga sasali ay kinakailangan ding mag-follow at mag-subscribe sa mga social media accounts ni Bong upang mapabilang sa raffle.

“Who knows, this may be your chance to become a millionaire. So keep posted,” sabi ni Bong.

Kamakailan ay ipinagdiwang ni Bong ang kanyang ika-56 birthday at nagpa-raffle rin ito ng dalawang bagung-bagong sasakyan noong Setyembre 25.

Sa isang birthday lunch kasama ang mga miyembro ng entertainment press sa Quezon City ay sinabi ni Bong.

“Handog natin yan sa mga kaibigan natin, sa mga fans natin. Pagbibigay ito ng pag-asa dahil may pandemya pa rin hanggang ngayon. Mamimigay tayo ng dalawang kotse. Yung unang kotse, galing sa mga kabigan nating sponsors. Yung pangalawang kotse naman, galing sa mga kapatid ko.”

Sinabi ni Bong na ang birthday bash, na tinaguriang ‘Alyas Pogi Birthday Giveaway,’ ay  nagpa-raffle din ng 10 motorsiklo, laptop units, at cash prizes (P100,000, P50,000, P20,000, at P10,000). Limang daang avid watchers ang nanalo ng tig-P1,000.

Continue Reading

celebrities

Tom Rodriguez sinagot na ilang katanungan tungkol sa kanilang hiwalayan ni Carla

Published

on

By

Sa kauna-unahang pagkakataon, nagsalita na si Tom Rodriguez upang sagutin ang ilang katanungan tungkol sa kontrobersiyal na hiwalayan nila ng kaniyang dating misis na si Carla Abellana.

Kay Ogie Diaz nagpaunlak ng panayam ang Kapuso actor na kasalukuyang nasa Las Vegas, Nevada ngayon; ilang buwan simula nang pumutok ang balitang may matinding pinagdaraanan ang ex-couple.

Kabilang sa mga diretsang itinanong ni Ogie kay Tom ay tungkol sa kaniyang tunay na kasarian na ayon sa mga dating kumalat na balita ay siyang dahilan ng kanilang paghihiwalay ni Carla.

Ayon kay Ogie, sari-sari kasi ang lumabas na haka-haka noon kaya nais niyang malaman ang totoo; “May babae ba o may lalaki si Tom?”

“Bading ba si Tom?” diretsahang tanong ng talent manager.

“If that’s the worse that someone can call me. That’s not an insult to me. Most of the best people I know happen to be of that persuasion. Happen to be gay,” paliwanag ng aktor.

Iginiit din ni Tom na hindi siya nababahala kung marinig man ang mga balita tungkol sa isyung ito dahil wala naman umano itong katotohanan.

Muling humirit si Ogie na baka raw sabihin ng mga manonood na ‘paligoy-ligoy’ lamang ang aktor kaya sana ay ‘yes or no’ lang ang isagot.

“No,” ang maagap naman na turan ng dating mister ni Carla.

Tungkol naman sa tanong na kung mahal pa niya si Carla, ani Tom, “Of course. Hindi naman agad-agad mawawala yun. But like I said, it will transform into other things. Siguro the love may never disappear but it will change. It will develop, it will grow on its own way. Whether together, apart, it will grow on its own way.”

Inamin din ng aktor na nakagawa nga siya ng pagkakamali subalit kailan man umano ay hindi niya napagbuhatan ng kamay ang kaniyang dating misis.

“Tao lang ako. I have my mistakes, siguro hindi ‘yung mga binibintang sa’kin per se, but I have things that I have to be accountable for,” wika pa nito.

Panoorin ang buong panayam ni Ogie:

Continue Reading

Trending