Connect with us

celebrity

Mommy ni Mika dela Cruz pumalag, hindi raw buntis ang anak; nadagdagan lang ang timbang

Published

on

Usap-usapan ngayon sa social media ang larawan ng magkasintahang Nash Aguas at Mika dela Cruz nang dumalo sila sa isang kasalan; kung saan ay napagkamalang buntis ang aktres.

Ayon sa mga netizens, parang nagdadalantao ang bunsong kapatid ng Barangay Chairwoman ng Longos, Malabon City na si Angelika dela Cruz.

Sa larawan na may suot  itong magandang long gown ay pinuna ng mga marites ang pagbabago sa pangangatawan ng aktres lalo pa’t  makikita rin na tumaba na ito.

In-upload din ito sa Facebook page na “Kapuso Alliance Fanpage” na may caption na, “Parang buntis yata si Mika Dela Cruz dito ah, parang ang taba niya lalo. Congrats Nash & Mika.”

Pumalag naman ang ina ni Mika na si mommy Angelika Egger at sinabing, “Yes, November 17, wedding of my son Erick. She gained a little but she is not really mataba.”

Matatandaang naging bulung-bulungan rin noon na buntis si Mika dahil may kuha sila ni Nash na parehong nakasuot ng puti at medyo chubby din ang dalaga na pinabulaanan kaagad ng konsehal.

Kaya naman muling sinagot ito ng ina, “Mika is not pregnant. That was the issue before too, she should have a baby by now (laughing face emoji),” ayon sa Bandera.

Narito naman ang komento ng mga fans at netizen at bumati sa aktres.

“She looks pregnant to my eyes…”

“Congrats bagay kayo sana kayo na talaga hanggang sa dulo.”

“Mindset ng Pinoy pag mataba buntis agad jusmisyo Marimar mag 2023 na magsitigil kayo”

May mga dumepensa kay Mika at sinabing nasa tamang tao kasi ang aktres, “Hindi po siya buntis tumaba lang kasi nasa tamang tao.”

Kamakailan ay ipinagdiwang ng magkasintahan ang kanilang ika-apat na taong anibersaryo.

“Almost 4 years together & this is the first time that I got to experience traveling by plane with you Can’t wait for the next adventure where we are faced with countless opportunities for growth and creating core memories,” bati ni Mika kay Nash.

Hindi naman nagpahuli at nag-post rin ang batang konsehal sa kanilang anniversary, “Happy 4th My Love! I’m proud of us. I’m proud of you. I love you.”

celebrity

Jovit Baldivino nag-collapse sa isang party, kasalukuyang nasa ICU

Published

on

By

Nag-collapse diumano ang Kapamilya singer na si Jovit Baldivino habang dumadalo sa isang party sa Batangas City gabi nitong nakaraang Linggo, Disyembre 4.

Ayon sa Facebook page na TBST (Totoong Balitang sa Southern Tagalog), isinugod sa Jesus of Nazareth Hospital si Jovit matapos bigla na lamang itong bumagsak habang nasa party.

Kinumpirma rin umano ito ng source ni Abante correspondent Ronilo Dagos na nagsabing may pumutok na ugat sa ulo ng kauna-unahang Pilipinas Got Talent (PGT) champion at posibleng aneurysm ang sanhi nito.

Naoperahan na naman daw sa naturang ospital si Jovit at nailipat na ito sa ICU kung saan nananatiling nakaratay ang singer.

Tumanggi naman munang magsalita ang pamilya ni Jovit at humihiling sila ng privacy para sa kaanak na maysakit.

Sumikat si Jovit matapos ideklarang grand winner sa PGT noong 2010. Naging matagumpay din ang kaniyang singing career at nakapaglabas ng ilang album kabilang na ang ‘Faithfully’ na nag-triple platinum, ‘I’d Do Anything For Love’ (Platinum), ‘OPM Greatest Hits Volume One’ (triple platinum) at ‘Jukebox’ na lahat ay sa ilalim ng Star Records.

Bahagyang lumamlam ang kaniyang career matapos masangkot sa kontrobersiya sa kaniyang personal na buhay nong 2021.

May kinalaman ito sa akusasyon ng kaniyang dating kasintahan na inakusahan siya ng pambababae kaya nauwi sa hiwalayan ang dalawang taon nilang relasyon na nagbunga pa ng dalawang supling.

Continue Reading

celebrity

Vhong Navarro pinayagan ng korte na makapagpiyansa ng P1-M

Published

on

By

Makaraan ang halos tatlong buwang pagkakapiit, posible na pansamantalang makalaya si Vhong Navarro matapos siyang payagan ng korte na makapagpiyansa ng halagang P1-M.

Batay sa court order na may petsang Disyembre 5, 2022 at nilagdaan ni Presiding Judge Loralie Cruz Dataman ng Taguig Regional Trial Court Branch 69, itinakda ang piyansa sa halagang isang milyong piso para sa pansamantalang kalayaan ng aktor.

“Viewed in light of all the foregoing, and taking the evidence presented in the bail hearings as a whole, this court is not convinced at this point, that there exists a presumption great leading to the inference of the accused’s guilt,” ayon sa nasabing court order.

“It must be emphasized, however, that a grant of bail does not prevent the Court, as trier of facts, from making a final assessment of the evidence after full trial on the merits,” dagdag pa nito.

Noong Agosto, pinaunlakan ng Court of Appeals (CA) ang kahilingan ni Deniece Cornejo na dinggin ang kaniyang salaysay hinggil sa reklamong isinampa niya laban sa ‘It’s Showtime’ host.

Sumuko naman sa National Bureau of investigation (NBI) si Navarro noong Setyembre matapos muling magsampa ng kaso ang Office of the City Prosecutor ng Taguig laban sa kaniya.

Nanatili ang komedyante sa kustodiya ng NBI hanggang noong Nobyembre 21 kung kailan inilipat siya sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Taguig City.

Nito lamang Lunes inilabas ng korte ang desisyon nito sa matagal nang kahilingan ni Navarro na makapaglagak ng piyansa.

“Wherefore, premises considered, the petition for bail is hereby GRANTED. The bail of the accused for his provisional liberty is hereby fixed at One Million Pesos (Php 1,000,000.00),” ayon pa sa court order.

Samantala, hindi pa naglalabas ng pahayag ang magkabilang kampo nina Cornejo at Navarro tungkol sa naturang utos na inilabas ng korte.

Continue Reading

celebrity

Tuesday Vargas may hugot matapos ‘isnabin’ ng dalawang baguhang artista

Published

on

By

Idinaan sa isang Facebook post ni Tuesday Vargas ang kaniyang pagkadismaya sa dalawang baguhang artista na diumano’y nang-isnab sa kaniya sa isang event kamakailan.

Bagama’t tinanggal na ni Tuesday ang kaniyang rant makaraan ang ilang oras, nakunan naman ito ng screenshot ng showbiz news portal na PEP Ph.

Ayon sa komedyante, binati niya ang dalawang baguhan subalit hindi man lang daw siya pinansin.

“Mga batang artista, kahit gaano kayo kasikat at pinagkakaguluhan ng mga tao, mag hello kayo sa kapwa nyo artista pagdating sa work. Lalo na sa nakatatanda,” panimula ng post ni Tuesday.

Isiningit na nga lang daw sa program ang dalawang newbies dahil nagmamadali ang mga ito ay dinedma pa siya kahit siya na ang unang bumati sa kanila.

“Sumingit na nga kayo sa program kasi nagagalit na handler niyo at bawal ata kayong pinaghihintay. Tapos ako pa ang nagbigay galang sa inyo dinedma nyo pa ako,” patuloy ng Bubble Gang star.

Dahil sa nangyari, may payo si Tuesday sa mga baguhang artista na may ‘attitude’ na agad kahit nagsisimula pa lang sa industriya.

Aniya, “Tandaan, madaling maabot ang fame. Longevity is harder. Pakabait ok? Huwag ganun.”

Nag-iwan naman ng komento sa naturang post ni Tueday ang Kapuso TV at movie director na si Louie Ignacio.

“Jusko madaling malalaos yang mga batang yan sa ugali nila. Feeling sikat agad ha nakakaloka!!!!” wika ni Direk Louie.

Sinagot naman ito ng comedienne-singer: “Hayyy direk. Sabi ko, ‘Hi_____! Tuesday.’ Tapos abot ng kamay ko. Hindi ako pinansin tapos si handler hinarangan ako kala magpapa-picture ako. Kaloka.”

Sa sumunod na post ng komedyante ay sinabi nitong nalaman niya na kaya pala nagmamadali ang dalawang baguhan dahil may dadaluhan pa itong event ng sponsor nila.

“Paid gig ito mga anak. Sana di nyo kinuha kung mag-a-attitude lang at magmamadali. Mahalin ang trabaho. Para mas madami pa kayong proyekto,” saad pa ni Tuesday.

Kinalaunan naman ay tinanggal na niya ang kaniyang post at sinabing “Decided to delete my posts and will just leave this here instead because I am beautiful. Ganoin.”

Magsilbi na lang sanang paalala ito sa mga baguhan at nakababatang bahagi na rin ng industriya.

Continue Reading

Trending