Food & Travel
Vloggers inireklamo ng isang resort sa Davao Oriental dahil sa iniwang ‘kalat’ sa nirentahang family villa
Published
5 months agoon
By
Ron
Inireklamo ng isang resort ang dalawang vloggers na nag-check in sa kanilang villa at diumano’y nag-iwan ng mga kalat na basura noong isang araw.
Ayon sa Facebook post ng JAKKA Beach Resort, nalulungkot daw sila sa iniwang ‘hindi magandang karanasan’ ng mga naturang influencers dahil napakagulo ng mga kuwarto at punong-puno ng basura ang bawat sulok na makikita batay sa mga ibinahagi nilang larawan.
“Our resort is not just an ordinary resort, for we serve and make sure that our services fits your needs. We are very saddened that we need to experience this kind of chaos to our Family Villa (pictures posted),” wika ng kanilang post.
Pinangalanan din sa naturang Facebook post ang dalawang vloggers na naka-tag pa mismo.
“We considered your plead and attend all your concerns yet this is what you did to our Villa so what else can we say but THANK YOU . We are hoping that you will not do the same to your future destinations,” saad ng JAKKA.
“We know that our soon to be guest will never do this kind of dirt to our resort because they will choose to stay in calm and unwind than to do stuff like this,” dagdag pa nito.
Hati naman ang opinion ng mga netizens tungkol sa reklamong ito ng resort.
Habang may sumang-ayon na parang ‘nabalahura’ nga ang mga iniwang kuwarto ng vloggers, mayroon namang nagsabing dapat ay tanggapin ng mga resorts ang ganitong pangyayari.
Hindi naman daw talaga obligasyon ng mga guests ang maglinis ng kuwarto dahil kasama ito sa trabaho ng staff.
Nasa guest na rin daw kung gusto nilang linisin ang ginamit na kuwarto bilang respeto at repleksyon ng kanilang ginagawa sa kanilang bahay subalit kasama umano talaga ang mga iniwang kalat at basura sa lilinisin ng resort.
Payo naman ng iba, sana raw ay nag-usap na lamang nANg pribado ang resort at ang vloggers at hindi na idinaan pa sa social media ang isyu.
Bukod dito, dahil nga pinangalanan ng resort ang dalawang vloggers sa kanilang post, maaaring paglabag daw ito sa privacy ng kanilang guests.
Kaugnay nito, naglabas na ng pahayag ang management ng JAKKA at humingi na ito ng paumanhin sa publiko:
“It is not our intention to publicly shame or embarrass the guests of our resort by tagging them in our post. The only reason that we posted the unsightly pictures of the resort is for public awareness,” ayon sa pahayag ng JAKKA.
You may like
celebrities
‘Cheers!’ Chito finlex ang pagdagsa ng tao sa soft opening ng ‘Mang Jose’ resto Skyranch branch nila
Published
4 months agoon
November 30, 2022By
Joyce
Namamanghang ibinahagi ni Chito Miranda sa Instagram ang soft opening ng kanilang bagong restaurant business na matatagpuan sa Skyranch, Tagaytay City.
Ang ‘Mang Jose Lechon at Inasal’ na ipinangalan nila ay hango sa kantang ‘Mang Jose’ na pinasikat ng kaniyang bandang Parokya ni Edgar (PNE).
Labis na na-amaze ang frontman ng PNE sa naging tagumpay ng kanilang soft opening sa Skyranch. Noong una kasi ay parang nalalakihan siya sa space na kinuha nila para sa branch na iyun.
Aniya sa kanyang post, “Cheers! Nung construction palang ng Mang Jose dito sa Skyranch Tagaytay, honestly, nung una medyo intimidated ako sa laki…but my partners were confident na sakto lang yung laki ng lugar na kinuha namin.”
Nagtiwala na lang umano siya. Ngunit higit pa sa inaasahan niya ang dumagsa sa kanilang pagbubukas. Labis siyang na-excite sa pagtangkilik ng mga tao sa kanilang ‘Mang Jose’ branch.
“Today, during our soft-opening, pagpasok ko pa lang, ang bungad sa akin ng mga taga-SM na nag-approve sa amin na maglagay ng branch dito, kulang na kulang daw yung tables and chairs namin sa dami ng tao. (emojis)
Madamdaming niyang ibinahagi ang kanyang kasiyahan dito. “Sobrang nakaka-excite at nakakataba ng puso yung pagtangkilik nyo sa Mang Jose!”
Kaya naman nagbitaw na siya ng paanyaya sa mga hindi pa nakararating sa kanilang resto sa Skyranch.
“Tara na dito sa Skyranch Tagaytay! Kain kayo madami Mang Jose tapos sakay adag ng rides para nakakatawa!!! (emojis) Dali!!! Roadtrip tapos foodtrip!!!
Sa kabisihan yata ni Chito ay hindi pa ito nakauuwi. hahaha Napa-comment tuloy ang kanyang maybahay na si Neri sa kanyang IG post. Anito, “Uwi ka na. Miss na kita.”
Basahin: Resto business ni Chito Miranda sa Tagaytay, nag-grand opening na: ‘We will build an empire’
Noong Oktubre 28 naman naganap ang grand opening ng kaniyang ‘Mang Jose Lechon at Inasal’ branch na located sa kahabaan ng Mahogany Avenue kaya inimbitahan ni Chito ang mga nadadaan sa bahaging ito ng Tagaytay para sa ‘konting tugtugan at inuman’.
May target pa silang La Union branch bilang bahagi ng kanilang ‘business empire’ goals.
Sa kanilang FB page ay mababasa ang “Ang Restaurant Ng Super Hero Na Pwedeng Arkilahin.”
Food
Mangga sa ‘Merika? Former Agri Sec Manny Piñol lauds PH ‘mangga’ after tasting mango abroad
Published
10 months agoon
May 29, 2022By
Joyce
Mangoes anyone? Former secretary of Agriculture Manny Piñol will surely tell you that if you want to savor the best mangoes, you should go for the mangoes of Guimaras, Zambales, Cebu or Cotabato!
In a recent post, Emmanuel “Manny” Fantin Piñol, or simply Manny Piñol, shared his unsatisfactory mango experience in California where he is right now.
The agriculture advocate and agribusinessman who recently served in President Rodrigo Duterte’s cabinet as chairman of the Mindanao Development Authority and Secretary of Agriculture a few years back shared his “Mangga sa ‘Merika!‘ experience.
Apparently, together with his buddy, journalist Winchell Campos, they went to a supermarket in Salinas, California to purchase some ‘ulam’ and vegetables. It was there he saw some mangoes (as shown in his post).
He bought two pieces out of curiosity, he said, and tasted it as soon as he got back to the home of his friend, Rose Singco-Maniwang, a nurse from Pikit, Cotabato.
Upon taking some bite of the mango, he blurted out in dismay, “Sus, purya gaba! Parang Indian mango na may amoy at grabe ang fibers.”
He further narrated in his post that it fails in comparison to the mangoes of Guimaras, Zambales, Cebu or Cotabato.
He too shared that they also have Mango Manila from Mexico which he also tasted and it was a far cry from the quality of our Philippine Mango.
The problem with us Filipinos, he said, is that we’re not good in finding a market for our agricultural products.
His suggestion is that we should strengthen our National Food Authority (NFA) and make it a trading and export agency of the Philipines to promote and sell our agricultural and marine products abroad.
It’s our weak points, he said, which affects our vaue chain. “Dyan tayo mahina, promotions and marketing, kaya hindi kumpleto ang ating value chain.” He added the hashtag #BuhayinPalakasinAngNFA!
Fellow Filipinos commented their own views and xperiences on his post; with many agreeing that PH mangoes are much superior that mangoes they’ve tasted elsewhere in the world.
“Very very true Manny Piñol. Nakatikim din AKO SA New York noon Ng mangga nila pero walang sinabi SA mangga Ng PILIPINAS. Philippines is so blessed with good mangoes.”
“My employer her in HK was a fruit lover and he almost taste different variety of mangoes and he told me that Of all mangoes he tried.. Philippine mangie is the best..He said it was so sweet and juicy.”
“My husband doesn’t like mango . But noong natikman niya for the first time ang Philippine mango, he said that of all the mangoes he tasted in the US, Philippine mango is the best . Now , he added Philippine mango as one of his top 3 favorite fruits.”
Meanwhile, watch this Mango Festival n Guimaras!
Food & Travel
‘Sundot-kulangot’: Tinatangkilik ng maraming Pinoy noon hanggang ngayon
Published
1 year agoon
February 27, 2022By
Cha Echaluce
Kung pasalubong ang pag-uusapan, hindi maikakaila na isa ang ‘sundot-kulangot’ sa mga madalas iniuuwi ng mga galing sa Baguio. Ang iba nga, namamakyaw pa at ito lamang ang pasalubong na inuuwi.
Simula pa noon hanggang ngayon, kabilang ang matamis na pagkaing ito sa mga tinatangkilik ng maraming Pilipino; mula sa mga nagbabakasyon sa Summer Capital of the Philippines hanggang sa mga parukyano nito sa mga tindahan sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Sa post ng Facebook page na Batang Pinoy-Ngayon at Noon, marami ang natakam matapos ibahagi ng admin ang sundot-kulangot. Bukod sa masarap nitong lasa, ang matamis na pagkaing ito raw ay nagbabalik din sa kanila ng napakaraming alaala.
“Sundot-kulangot, iyan ang tawag diyan. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung ano-ano ang ingredients niyan. Basta masarap siya. Promise! Lagi ako bumibili niyan. Nakatutuwa kasi pagsundot mo, ang kunat niya talaga. Para masimot mo ay kailangan mo munang hatiin ang kawayan,” saad ng social media user na si S. B. Valles.
“Kinokolekta ko ang lalagyan n’yan noong maliit pa ako kapag nag-uuwi ang tatay ko,” kuwento ni C. Ave.
“Sundot-kulangot. Noong panahon na ako ay nasa elementarya pa, madalas akong bumibili niyan sundot-kulangot tapos ipinalalaman ko sa nutriban,” wika ni M. Caparas.
Pagbabahagi naman ni B. B. Del Barrio, “May tinda kami nito noon. Malapit sa school. Mabili kaya ito, si Jhong Hilario nga bumibili nito sa amin, e.”
“Sundot-kulangot, ‘yan ang tawag namin diyan. Hanggang ngayon, ‘di ko alam kung ano ingredients n’yan. Basta masarap siyempre promise. Lagi ako bumibili n’yan. Nakatutuwa kasi pagsundot mo, ang kunat n’ya talaga. Para masimot mo kailangan mo hatiin ang kawayan,”
Ikaw, kumakain ka rin ba ng ‘sundot-kulangot’? Ano-ano ang mga ipinaaalala sa iyo ng pagkain na ito? Ibahagi ang iyong kuwento sa comments section ng article!

‘Most challenging yet fulfilling journey’: Iza Calzado shares photo of her and Baby Deia Amihan

‘Yung excited ka umuwi para dito’: Luis ibinida ang saya sa kanyang pagiging ama ni Baby Peanut

#SosBolz House coming together! Solenn, Nico Bolzico ibinahagi ang kanilang dream home

Panoorin: Mahusay na rendisyon ni Maegan Aguilar ng ‘Anak’ nag-trending, hinangaan

Liza inaming may tampo nga kay Tito Ogie, ‘I feel like he’s trying to tarnish my name’

#SosBolz House coming together! Solenn, Nico Bolzico ibinahagi ang kanilang dream home

Direk Lauren sa bagong direksyon ni Liza: ‘It’s her life’

Liza inaming may tampo nga kay Tito Ogie, ‘I feel like he’s trying to tarnish my name’

Vicki Belo, Hayden Kho emosyonal sa 8th birthday post para kay Scarlet
