Connect with us

celebrity

Nanghingi ng pagkain, hinabol ng pulis: Herlene Budol ikinuwento ang bangungot na sinapit sa Uganda

Published

on

Itinuring ni Herlene Budol na ‘bangungot’ ang kaniyang naging karanasan sa Uganda kung saan lalahok dapat siya bilang kinatawan ng Pilipinas sa naunsyaming Miss Planet International 2022.

Sa kaniyang salaysay sa ‘Updated with Nelson Canlas’ podcast, mistulang ‘delubyo’ umano ang mga araw na iyon na hindi niya inakalang mararanasan dahil ang saya-saya pa niya nang dumating doon at kung saan-saang mall pa sila naglaboy.

Subalit ‘stress’, sakit ng ulo at takot umano ang idinulot sa kaniya ng mga sumunod na pangyayari dahil walang preparasyon ang organizer kaya nagdusa talaga sila nang husto dahil wala man lang silang pagkain o inumin sa rehearsal sa rooftop na tirik na tirik ang araw.

Dahil nga sila na ang nagbabayad sa kanilang pagkain, napilitan umano siyang manghingi ng pera sa isang OFW na nakita niya sa mall.

“‘Di ba dinala kami sa mall, sabi sa akin, ‘uy, Hipon pa-picture.’ Buti nakilala po ako nun. Nung nakilala ako, talagang kinapalan ko ang mukha ko. Para nga akong pulubi, sabi ko,” kuwento ni Herlene.

Nilapitan niya raw ang Pinoy at nagmakaawa: “Te, libre mo naman ako… pengeng kahit ano, barya. Pambili lang ng kayang bumili ng kahit tinapay. Pero nilibre niya po kami sa parang fast food chain,” dagdag pa ng dalaga.

Bukod dito, naranasan niya rin umano na mahabol ng pulis dahil nag-iimbestiga na nga ito matapos hindi mabayaran ang hotel na kanilang tinutuluyan at ang van na ginagamit ng mga kandidata.

Dahil ayaw silang palabasin ng hotel, nakiusap umano siya sa staff na mayroon naman siyang tinutuluyang apartment kaya pumayag ang mga ito.

Subalit pagkalabas raw ay may humabol pa sa kaniyang mga armadong pulis.

“Paglabas ko, siguro ‘yung ibang pulis, hindi nasabihan. Hinabol ako ng maraming may baril. Dalawa po ‘yung humabol sa ‘kin na may mahabang baril,” kuwento ng komedyante.

“Sabi ‘hold on, hold on.’ Sabi ko sa sarili ko, ‘Parang ito na ata katapusan ko.’ Akala ko sa pelikula ko lang mapapanood ‘to. May mga aso pa, sobrang ang lalaking aso. Nanlalamig ako, nag-flashback sa ‘kin ang lahat,” dagdag pa nito.

Mabuti na lamang daw at pinayagan sila ng manager ng hotel na makalabas pero habang nasa sasakyan ay hinimatay na daw siya, ayon pa sa beauty queen.

Matapos ang karanasang ito ay limang araw daw siyang hindi lumabas hanggang sa sunduin na siya ng kaniyang mga magulang.

I-Click ang imahe sa ibaba upang mapakinggan ang podcast:

celebrity

Sen. Lito Lapid inaming nakararanas pa rin ng ‘pang-aapi’ dahil hindi nakapag-aral

Published

on

By

Inamin ni Sen. Lito Lapid na sa kabila ng kaniyang edad at pagiging pulitiko ay binabalik-balikan at hindi niya pa rin maiwan ang pag-arte sa harap ng kamera.

Ayon sa beteranong actor-politician, kahit na abala siya sa pagiging mambabatas ay gustong-gusto pa rin niya ang lumabas sa mga pelikula at telebisyon.

“Kasi, ‘yun ang binuhay ko… hindi naman talaga ako pulitiko, e. Unang-una, hindi naman ako nag-aral. High school lang ako,” anang senador sa panayam ng PEP.

Dahil umano dito ay pinayuhan niya ang kaniyang panganay na anak na si Mark Lapid na mag-aral nang mag-aral.

“Sabi ko sa kanya, ‘Ipaghiganti mo ako, mag-aral ka,” bahagi pa ng action star na sumikat sa mga pelikulang ‘Ang Pagbabalik ni Leon Guerrro’, Julio Valiente, Zigomar, Tatlong Baraha’, Isaac, dugo ni Abraham, at marami pang iba noong dekada 80.

Inamin rin ni Lapid na kahit senador na siya ngayon ay nakararanas pa rin ng ‘pambu-bully’ dahil sa kawalan ng tinapos na kurso.

“Palagi akong inaapi dahil hindi ako nag-aral, ‘di ba? Kahit senator na ako, ‘yun pa rin ang sinasabi sa akin. Parang wala akong alam, ‘yun ang tingin nila sa akin,” pagbabahagi ni Lapid.

Gayunpaman, hindi  na lang daw niya ito pinapatulan dahil totoo naman talaga na kulang siya sa pinag-aralan.

“Totoo naman ang sinasabi nila na hindi ako nakapag-aral. Ano ang magagawa ko, anak ako ng labandera? Hindi ako kayang pag-aralin ng nanay ko,” saad ng mambabatas.

“Siguro ‘yung nagsasabi nun, naiinggit. Narating ko ang ganito kahit hindi naman ako nakapag-aral. Kasi, mahal ako ng Panginoon. Hindi ko na lang nga pinapansin,” wika pa nito.

Nilinaw naman ni Sen. Lapid na hindi siya nakararanas ng ‘pang-aapi’ mula sa kaniyang mga kapwa-senador kahit pa karamihan sa kanila ay nakatapos at may mataas na pinag-aralan.

Samantala, pinag-iisipan na rin umano niyang magretiro sa pagiging pulitiko at hindi na tumakbo pa sa mga darating na halalan.

Bago maging senador, si Lapid ay nagsilbi ring bise-gobernador at gobernador ng lalawigan ng Pampanga.

Samantala, muli siyang mapapanood sa telebisyon sa bagong teleserye ng Kapamilya network na ‘FPJ’s Batang Quiapo’ na muling pagbibidahan ni Coco Martin.

Continue Reading

celebrity

Otin G ido-donate sa charity ang kaniyang kinita sa TikTok Live

Published

on

By

Ibabahagi ni AC Soriano sa Home for the Golden Gays ang kaniyang buong kinita sa libreng online concert noong Enero 20 na kasabay ng 20th Anniversary concert ni Toni Gonzaga sa Smart Araneta Coliseum.

SI AC Soriano ay mas kilala rin bilang si Otin Gonzaga-Soriano at impersonator ni Toni.

Ayon sa kaniyang tweet noong isang araw, nito lang nang malaman niya na may stickers pala sa TikTok Live at ibig sabihin ay may kinita ang kaniyang online concert.

“Hello! medyo later ko na na-realize na may stickers nga pala sa tiktok live at may halaga pala yun!” wika ni Otin.

Dahil dito, dodoblehin niya umano ang naturang halaga at ibibigay sa Home for the Golden Gays; ang tahanang kumukupkop at nag-aaruga sa mga may edad nang miyembro ng LGBTQ community.

“Ang gagawin ko na lang, I will double the amount, and we’ll donate the whole amount sa home for the golden gays!” dagdag pa nito.

Magugunitang tinapatan ng ‘I Am Otin’ ni Otin G. ang Araneta concert ni Toni na ‘I Am Toni’.

Nag-trending ito sa Twitter at humamig rin ng mahigit 25,000 views at mahigit 5 million likes sa TikTok Live.

Magkakasabay na trending topic noon ang hashtags na #Araneta, #IAmOtin at #PaalamToniGonzaga.

Kabilang sa kaniyang mga special guests ay ang mga kaibigan at social media personalities na sina Sassa Gurl, Jun Salarzon, at Toniyuh habang ang buong pamagat naman ng kaniyang concert ay “I Am Otin,” the 20th Anniversary Dogshow.

Samantala, ang kabuuang kinita ni Otin ay umabot sa $207.60 o mahigit P11,000 kaya aabot sa P22,000 ang kaniyang maido-donate sa ‘Home for the Golden Gays’.

Continue Reading

celebrity

Maymay may madamdaming birthday message sa kaniyang mommy: ‘Ikaw po ang pinakamalaking inspirasyon ko’

Published

on

By

Kinilala ni Maymay Entrata ang kadakilaan at mga sakripisyo ng kaniyang inang si Lorna na nagdiriwang ng kaniyang kaarawan.

Sa isang Instagram post, binati ng Kapamilya aktres ang kaniyang mommy na ayon kay Maymay ay siyang pinakamalaki niyang inspirasyon.

“Happy Birthday mama @lorna.entrata , ikaw po ang pinakamalaking inspirasyon ko kung bakit nalalampasan ko bawat pagsubok bilang isang breadwinner,” ani Maymay sa kaniyang post.

“Inay kita pero ikaw pa yung nahihiyang humingi ng tulong mula sa akin. Kaya mas lalo akong nagaganahan ibigay po sayo lahat kasi na a-appreciate mo po lahat ng pinaghirapan ko,” dagdag pa niya.

Habambuhay niya umanong pasasalamatan ang kaniyang mommy at ang Panginoon dahil sa pagkakaroon ng inang katulad niya.

“Wala sa katiting ang pinaghirapan ko sa pinagdaanan mo ma, kaya habang buhay ako saludo at nagpapasalamat sa Panginoon na may ina/ama akong tulad mong mapagmahal, malakas ang loob at mapagpatawad,” patuloy ng Pinoy Big Brother grand winner.

“Mahal na mahal kita ma, Happy Birthday,” pagtatapos ni Maymay.

Nang mabigyan ng break sa showbiz matapos makilala dahil sa PBB, hindi nakalilimutan ni Maymay na ibahagi ang kaniyang mga blessings at tagumpay sa kaniyang pamilya lalo na sa kaniyang pinakamamahal na nanay.

Noong 2019, binilhan niya ng bahay ang kaniyang ina na isang OFW sa Japan.

“Ang mahal po kasi ng renta doon, so ngayon naiyak siya kasi may sariling bahay na siya, at hindi niya akalain na magkakabahay pa siya. Tapos, masaya rin ‘yung kapatid ko na bunso,” saad ni Maymay sa panayam noon.

Tila malayo na nga ang naabot ni Maymay sa larangan ng entertainment industry dahil bukod sa pag-arte sa telebisyon at pelikula, isa na rin siyang singer, TV host, model at noong Nobyembre lamang ay nominado ito bilang Best Asia Act sa MTV Europe Music Awards (EMA).

Continue Reading

Trending