Connect with us

entertainment

‘Sana all’: Mister sinurpresa, pinakilig ang asawang bagong panganak

Published

on

Sino ba naman ang hindi kikiligin at sasaya kung kahit matagal na kayong nagsasama ay sinusurpresa ka pa rin ng taong mahal mo?

Masayang ibinahagi ni Michelle sa kanyang TikTok ang video kung saan ay makikitang sinurpresa siya ng kanyang asawa. Mabilis naman itong nag-viral online.

Ayon sa uploader pinapalabas siya ng kanyang asawa ngunit dahil busy sa pagbabantay ng anak ay hindi na niya ito sinalubong at hinintay na lamang niyang lumapit ito.

“Love, labas ka saglit may bigay ako. Misis: ‘Di ako makalabas, nakabantay ako sa anak mo,” ani Michelle sa text caption.

Matapos ang mahabang duty ng mister sa trabaho ay nagawa pa rin nitong pasayahin siya’ lalo na ang kanyang baby na may diaper at gatas pa. Ayos, ‘di ba?

“After a long duty nagawa mo pa rin kaming pasiyahin ng anak mo, We love you daddy!” masayang post ng uploader na may kalakip na awiting ‘Forevermore’.

Masuwerte talaga ang isang misis o mister kapag lagi kang naaalala at ang inyong anak sapagkat doon mo mararamdaman na sa simpleng bagay man ay mahalaga kayo at mahal kayo.

Sa mga ibang uploaded na video ay makikita na masipag rin pala si mister mag-alaga sa kanilang anak. Makikita mong hands-on ito sa kabila ng pagiging busy bilang isang alagad ng batas.

Bumuhos ang mga komento at napapasana-all ang mga ibang nanay; na sana ay ganoon din ang kanilang asawa.

“Hindi ko kilala si hubby mo. Pero 107% sure ako mahal na mahal ka niyan hehe. God bless your family!”

“Normal na ‘yung flower e hpero ‘yung gatas at diaper.”

“‘Yung sa GATAS @ DiAPER ako kinilig miieee”

“Sana all your so blessed”

“Kapag nanay ka na kahit gatas at diaper sobrang saya na talaga.”

“Napapangiti na naman tayo sa relasyon ng iba.”

“‘Di pa ko mommy pero mas natuwa ako sa dala n’yang diapers at gatas.”

“Sana all may asawang ganyan.. Kakainggit naman.”

“Kainggit sis sanaol provider ang asawang lalaki sanaol talaga. huhu”

entertainment

Carmina may sweet message sa kaarawan ni Zoren, ‘I love you tatay kahit maputi na ang buhok mo’

Published

on

By

Binati ng Kapuso aktres na si Carmina Villaroel ang kanyang asawang si Zoren Legaspi sa kaarawan nito sa pamamagitan ng isang IG post.

Sa ilang larawan na kanyang in-upload ay makikitang sweet na sweet pa rin sa isa’t isa ang mag-asawa.

“People call you Zoren, Zo, Z, Zman, Coach Astig, Hollywood actor, Pogi, Sir, Kuya, Bro, Tito, Ninong, Direk but to me you’ll always be my dinosaur, honey, our bunso and our tatay,” panimula niya sa kanyang mensahe.

Wala umano siyang ibang hiniling kundi ang matupad lahat ng mga pinapangarap ng puso nito. Sinabi pa niyang isang mabuting tao ito. Idinagdag pag mahal niya ito kahit maputi na buhok.  🙂

“I pray that GOD will grant all the desires of your heart. You’re a good man. May God bless your beautiful soul. I love you tatay kahit maputi na ang buhok mo,” aniya.

Talagang makikita sa buong post niya kung gaano niya kamahal, hinahangaan, at nirerespeto ang kanyang asawang Kapuso actor.

Nagkometo rin naman si Zoren sa post ni Carmina at sinabing, “arf arf.”

Bumuhos naman ang komento at nagpaabot ng pagbati ang ilan nilang kapwa celebrities at mga kaibigan at followers.

Noong Enero 6, ay sinalubong ng mag-asawa ang kaarawan ng kanilang kambal na sina Mavy at Cassy na ngayon ay 22 taong gulang na.

Ibinahagi ni Carmina sa Instagram ang mga snap ng kanilang selebrasyon kalaip ang nakababagbag-damdaming birthday message para sa kanilang mga anak.

“Birthday salubong of our wonderful twins @mavylegaspi and @cassy. Happy Birthday!” wika ng aktres sa kambal.

“We are so proud of you guys! We always thank the LORD for giving us such good and respectful kids. Always remember that we are here for you guys.

“We love you so so much! Enjoy your special day!” dagdag pa niya.

Continue Reading

entertainment

Personalized na, libre pa! Estudyante ginawang modelo ang sarili sa 2023 calendar

Published

on

By

May kalendaryo ka na ba para sa 2023? Kung wala pa ay bakit hindi ka na lamang mag-DIY o ‘do it yourself’ na kalendaryo.

Katatawanan ang hatid na ibinahaging video ng isang netizen na si JM sa kanyang TikTok account kung saan gumawa ito ng sarili niyang kalendaryo para sa 2023.

Makikita sa kalendaryo ang kanyang larawan na in-edit niya kung maong pants lamang ang suot nito.

“Your Calendar boy. Na-print ko na punta na lang kayo sa bahay nang mabigyan,” aniya sa kanyang caption.

Dahil sa kanyang kalendaryo ay tila nagmukha itong modelo. Ipinamigay niya ito sa kanyang kapwa mag-aaral at makikitang nagtatawanan ang mga ito.

Tila nagustuhan naman nila ang kanyang DIY kalendaryo.

Nagkomento naman ang mga netizens na sana ay mabigyan rin sila.

“Nakikita ko pa lang to sa fb haha ninong pahingi rin hahaha.”

 

“Penge isa ah isusumbong kita kay tita pag nawalan ako.”

“Ninong pa LBC mo yung akin plssss.”

“Wala pa po kaming kalendaryo dito sa bahay.”

Libre na ngang ipinamimigay, aayaw ka pa ba? hahaha

Kamakailan ay nag-viral din ang isang DIY calendar ng netizen na si Arrick Dylan Paras kung saan makikita rin ang kanyang litrato na walang damit pang-itaas at tanging suot lamang ay maong pants.

“Ang ating official calendar ng 2023! HAHAHAHA,” aniya sa kaniyang caption.

Ikinatuwa naman ng mga netizens ang DIY kalendaryo ni Arrick.

Basahin: Lalaki, gumawa ng ‘personalized calendar’ para sa 2023; bentang-benta sa netizens

Isang netizen din ang nagkomento na wallet size ang nais para umano mailagay nito sa kanyang wallet.

“Gusto ko ‘yung wallet size para mailagay sa wallet ko.”

“Gusto ko sana yung may pastil ka hawak or may pastil sa bulsa hahaha.”

“Ako rin pabili! Sakto bagong renovate ang office. Nag-iisip pa naman ako kung anong visually striking item puwede ilagay sa aking work area. Pagandahan kasi ng workspace mga creatives doon.”

Continue Reading

entertainment

As a friend no more! Paolo Contis kinumpirma ang relasyon nila ni Yen Santos

Published

on

By

Kinumpirma ni Paolo Contis na girlfriend niya na ang aktres na si Yen Santos, ang itinuturo noong third party sa hiwalayan nila ng dating partner na si LJ Reyes.

Sa ikalawang bahagi ng panayam ni Boy Abunda kay Paolo ay diretsahan niya itong tinanong kung may kinalaman nga si Yen sa paghihiwalay nila ni LJ ngunit itinanggi niya ito.

“Somehow, medyo matagal na kaming hindi okay ni LJ, pero we’re together, of course. Napapadalas ‘yung away and everything. I think it’s a combination ng stress sa pandemic and everything,” aniya.

Inamin niya na isa sa mga pagkakamali niya ay hindi niya isinaalang-alang ang mental health ni LJ.

“Isa yun sa naging simula ng downfall namin, na hindi ko inisip yun. Pag nahihirapan siya during pandemic, ang utak ko ‘Eh, four times a day tayo kumain. Chill ka diyan,’ which was one of my biggest mistakes.”

Dagdag pa rito ay ang pag-amin niyang may mga ginagawa siyang kalokohan kapag lumalabas siya upang magtrabaho, ngunit itinanggi niyang involved na noon si Yen.

Nilinaw niya rin na noong kumalat ang mga larawan nila ni Yen sa Baguio ay naroon lang talaga sila bilang magkaibigan. Gayunpaman ay alam niya namang hindi niya mapipilit ang mga taong maniwala sa kanila.

“Ang amin kasi what you see is what you get naman e. Hindi na namin pwedeng ipilit yung tao to be happy for us, hindi na namin ipilit yung mga tao na paniwalaan nila yung gusto nilang paniwalaan. Sana lang isipin nila na kung ano lang ang nakikita nilang naka-post, yun lang yung truth nila.”

[RELATED: Paolo Contis kinumpirmang ‘di nagsusustento, pero nag-iipon  para sa mga anak]

Kamakailan lang ay nag-viral ang unang bahagi ng panayam ni Boy kay Paolo kung saan kinumpirma niyang hindi siya nakapagbibigay ng sustento sa mga anak kay Lian Paz na sina Xonia at Xalene at sa anak kay LJ na si Summer, ngunit nag-iipon siya para sa kanila. Umaasa raw siyang balang araw ay direkta niyang maibibigay ang natabing pera sa kaniyang mga anak.

Continue Reading

Trending