Philippine Showbiz
Jennica Garcia inaming binalak mag-OFW matapos mahirapang makakuha ng project
Published
2 months agoon
By
Jam
Inamin ng aktres na si Jennica Garcia na sumagi sa isip niya na pasukin ang pagiging isang overseas Filipino worker (OFW) noong mga panahong wala siyang nakukuhang proyekto sa showbiz.
Kuwento niya, nang bumalik siya sa pag-arte ay nabigyan naman siya ng trabaho ngunit matapos ito ay kalahating taon siyang walang project.
“Bale seven years po akong nag-artista. Seven years din po akong tumigil. Pagbalik ko po, nakagawa ako ng isang proyekto tapos wala na pong sumunod, and it was almost six months of no work,” pagbabahagi ni Jennica, ayon sa Bandera.
Aminado siyang pag-aartista lang ang trabahong alam niyang gawin kaya naman naisip niyang magtrabaho sa ibang bansa upang masuportahan ang dalawang anak.
Ngunit bago ito gawin ay naisip niyang lakasan ang loob na lumapit kay Deo Endrinal, executive ng Dreamscape Entertainment at malapit na kaibigan ng kaniyang inang si Jean Garcia.
Masaya naman siya dahil nabigyan siya ng pagkakataon na mapabilang sa cast ng “Dirty Linen.” Ito raw ang dahilan kaya lalo niyang pinaghusayan ang pagganap sa ibinigay na role sa kaniya.
“Nu’ng time po na ‘yun naisip ko, sige ito na kakapalan ko na ‘yung mukha ko. Alam ko na they didn’t think of me when our writers were making Lala into the character that she is today.Pinag-igihan ko po talaga kasi para sa ‘kin ang dami kong kailangan patunayan at ayoko mapahiya si Sir Deo,” paliwanag niya.
“Ang goal ko ang maiisip ng mga boss ko, ‘tama, dapat siya nga si Lala.”
Samantala, bagama’t tumanggi nang magbigay ng ibang detalye tungkol sa estado ng relasyon nila ni Alwyn Uytingco ay sinabi niyang hindi nag-work ang relasyon nila.
“Sorry po no questions regarding Alwyn. Wala akong masasabi kundi we tried but it didn’t work out. Yun lang po talaga.”
May dalawang anak sina Jennica at Alwyn na sina Mori at Alessi.
celebrity
‘Most challenging yet fulfilling journey’: Iza Calzado shares photo of her and Baby Deia Amihan
Published
1 hour agoon
March 30, 2023By
Joyce
Just a few days ago, first time Mom Iza Calzado-Wintle gave us a glimpse of her baby girl as she shared a photo of their bundle of joy which shows her little mouth and chin as well as her tiny hands.
She announced to her friends and followers that their precious baby was born on the 26th of January.
“Words can’t describe the love we’re feeling as we introduce our precious baby girl, Deia Amihan Calzado Wintle,” the actress wrote. Wow! Inspired from her Encantadia character!
“Born on January 26th, 2023, she’s already stolen our hearts and brought so much joy into our lives. We’re so grateful to God for this gift and for the love and support from our family and friends. We can’t wait for all the adventures that lie ahead. Big love from our family to yours! ❤️❤️❤️ ” she added.
Congratulations and heartwarming messages from fellow celebrity friends and followers poured on Iza’s announcement post.
A few days after that announcement, she shared an unfiltered photo of her with Baby Deia Amihan in her arms which she said was taken a few days after she gave birth; adding it was taken “right after I cried so hard from a few “failures” I felt I had as a new mother mixed with the deep love I was feeling for my child, the kind I have never felt for anyone before.”
Apparently, the new Mom feels overwhelmed by everything that has transpired. Yes, motherhood opens up a box of different emotions which she described in the following lines she shared.
“It’s quite a punch, the first few days, weeks post birth. Hindi siya madali. I am still recovering from it all but every day gets better and better. I am on my ninth week post partum and we are a few weeks away from completing the fourth trimester. This is, by far, the most challenging yet fulfilling journey I have been on and I know it is only the beginning.
“At this point, I find myself navigating this transition in the best way I know how — with faith, compassion, gratitude and love knowing I am divinely guided and supported,” she added.
She goes on to say that she will be sharing “some of the challenges, the precious, joyfilled moments and the grace in all of it when the time is right.”
“Grabe, what a ride! I am becoming, I am evolving into — wait.. I am a Mother! An imperfectly perfect Mother to my precious child, Deia. Biruin mo yun? A gift indeed. Thank You, Lord!” 🙏🏽
She also promised to share more photos but for the moment she asked for understanding as she and her husband Ben Wintle are “savoring our baby a bit more and honoring our fourth trimester. Pagbigyan na. Salamat!”
Well, that means please don’t bash if they are not pouring baby photos on social media as yet. Let us be patient, fans! We wish them joy and peace in their new status as parents. Congratulations!
Philippine Showbiz
Direk Lauren sa bagong direksyon ni Liza: ‘It’s her life’
Published
2 weeks agoon
March 13, 2023By
Jam
Inusisa ng entertainment reporters si Star Magic Head Direk Lauren Dyogi kaugnay sa kontrobersyal na pahayag ni Liza Soberano sa kaniyang vlog.
Matatandaang sinabi ni Liza na hindi siya nabigyan ng pagkakataong magdesisyon para sa sarili.
“I had always been told what to do, what to wear, what to say and what not to say. I know this was for my own good. It was to protect me and my career, but it was a career that I had no say in. A career that in many ways wasn’t mine. I didn’t even choose the name Liza. It was chosen for me,” sabi niya.
Ani Direk Lauren, iniisip niya na lang kung ano talaga ang nais iparating ni Liza – ang kagustuhang hanapin ang sarili na karapatan naman niyang gawin.
“Iniisip ko na lang kung ano talaga yung gusto niyang sabihin. Minsan kasi it’s just a manner of how you say it. Maybe she meant something else… Kaya lang her being outspoken sometimes, to some people, hindi ‘yun dumadating nang tama,” sabi niya sa panayam na ibinahagi ng PEP sa kanilang YouTube channel.
“But take it as it is, she is just saying that she wants to find her own self and she wants to explore it on her own and we should allow her that because it’s her life.”
Naniniwala rin si Direk Lauren na maraming artista ang nakapag-isip-isip kung ano talaga ang nais nilang gawin dahil sa pandemya.
“I think the pandemic did a lot to our artists, hindi lang naman kay Liza. Ang dami na talagang napapaisip kung ano talaga yung gusto nilang gawin. ’Yung isolation, ‘yung pandemya, ‘yung shutdown ng network, it really forces us to think about the future in our own decision,” dagdag pa niya.
Naisip niya rin daw na maaaring nag-quarter life questioning si Liza na normal namang pinagdadaanan.
“Nangyayari naman sa atin yun e. So we allow her to explore and aspire for something better for herself… Let’s just wish her well because her achievements and accomplishments are also accomplishments for us, especially for those people who helped her in the beginning.”
Philippine Showbiz
Madam Inutz ipinasilip ang muling pagkikita ng kanyang Ex at anak nila
Published
3 weeks agoon
March 8, 2023By
Jam
Labis ang saya ng online personality na si Madam Inutz matapos muling magkita ang anak at ang kaniyang ex-partner matapos ang dalawang taon.
Paliwanag ni Madam Inutz, ngayon na lang ulit nagkaroon ng pagkakataon ang ex na bumisita sa Pilipinas kaya naman masaya siya para sa anak na si Jade.
“Nagbabalik yung ex ko, hindi para sa akin. Siyempre para makita ang nag-iisa naming anak,” pagbibiro ni Madam Inutz sa panimula ng ibinahaging vlog.
“Ngayon pwede na ulit mag-travel, open na ulit lumabas ng bansa. So ang daddy niya, nagka-chance na uli na makauwi dito sa Pilipinas.”
Paliwanag niya, wala siyang nararamdamang galit o bitterness sa kaniyang ex dahil pinili na niyang patawarin ito.
“No bitterness, no hate, just love for my daughter lang talaga. Mas maigi na piliin natin na maging open tayo sa mga ex natin. Yun bang wala tayong hinanakit, wala tayong bitterness, wala tayong hate para sa ating mga anak. At saka mas nakakaluwag sa mga damdamin natin yung wala tayong galit. ‘Ika nga, patawarin mo ang mga taong nagkasala sa’yo,” aniya.
Payo niya sa mga kagaya niyang hiwalay sa partner o asawa, huwag idamay ang bata sa hidwaan nila.
“Pag may hindi magandang nangyari sa inyong dalawa, ‘wag n’yo nang idamay sa hidwaan n’yo yung anak nyo. Mas maganda yung maging friends kayo para yung anak nyo, kahit hiwalay kayo, nagagabayan pa rin natin siya. Hindi napuputol yung communication nila kahit sa phone lang, video call.”
Nang makita ni Jade ang kaniyang daddy ay agad niya itong sinalubong ng yakap. Nakausap din ni Madam Inutz ang bagong karelasyon ng ex at sinabing may tiwala siya rito.
“Napakasaya ko kasi masaya yung anak ko. Yun naman yung importante. Kaligayahan ng ating mga anak. Katulad niyan, nakita ko masaya yung anak ko, ang sarap sa pakiramdam. Ganun dapat,” sabi pa niya.

‘Most challenging yet fulfilling journey’: Iza Calzado shares photo of her and Baby Deia Amihan

‘Yung excited ka umuwi para dito’: Luis ibinida ang saya sa kanyang pagiging ama ni Baby Peanut

#SosBolz House coming together! Solenn, Nico Bolzico ibinahagi ang kanilang dream home

Panoorin: Mahusay na rendisyon ni Maegan Aguilar ng ‘Anak’ nag-trending, hinangaan

Liza inaming may tampo nga kay Tito Ogie, ‘I feel like he’s trying to tarnish my name’

#SosBolz House coming together! Solenn, Nico Bolzico ibinahagi ang kanilang dream home

Direk Lauren sa bagong direksyon ni Liza: ‘It’s her life’

Liza inaming may tampo nga kay Tito Ogie, ‘I feel like he’s trying to tarnish my name’

Vicki Belo, Hayden Kho emosyonal sa 8th birthday post para kay Scarlet
