Connect with us

celebrities

‘Missing my baby’s kicks in my womb’: Jessy nagbahagi ng post partum photo, netizens humanga

Published

on

Matapos ianunsiyo nina Jessy Mendiola at Luis Manzano kamakailan na sila ay proud parents na, nagbahagi ang new mom sa kanyang Instagram Stories ng isang larawan ng kanyang post partum body.

Aniya dito, “Missing my baby’s kicks in my womb.” Idinagdag pa niya na siya’y “almost two weeks post partum”.

Sa ibinahaging post ng Inquirer.net sa Facebook page nito kung saan ay makikita ang screenshot ng IG post ni Jessy ay bumuhos ang maraming komento ng paghanga. Hindi kasi naabutan ng ibang followers ang IG Story ni Jessy na nag-eexpire na matapos ang 24-oras.

Kinabiliban ang post partum na pangangatawan ng 30-anyos na mommy.

“Sana ol ganyan ang aura 2 weeks post partum! Congrats!”

“Grabe sana all talaga. dyusku dyosa pa din. Ako nung tym ng two weeks na ko po dugyot ako sa taba ko .”

“Sana all ganyan ang hitsura nang 2 weeks postpartum 😄 nung ako yong 2 weeks ko mukhang 5 months pa rin ang tiyan ko.”

“Bat ganun parang di kayo nanganak hahaha  Samantalang ako 2 years old na anak ko mukhang buntis pa din, unfair talaga hahaha”

Naalagaan nang mabuti ni Jessy ang kanyang pagbubuntis kaya’t hindi ito lumobo katulad ng iba? Sabi nga ng isang nagkomento, “Iba talaga pag nasa tamang tao ka.” 

Bumuhos din ang pagbati sa kanila ni Luis at mayroon pang mga nagbiro na sundan agad si Baby Peanut para hindi niya mamiss ang mga ‘baby kicks.’

Mahihinuha na bandang Pasko nang isilang ni Jessy si Baby Peanut (palayaw). Kaya naman hindi na sila nakadalo sa Christmas get-together na ibinahagi naman ni Vilma Santos-Recto sa kanyang social media accounts. Mayroon na pala silang Isabella Rose Tawile Manzano!

Basahin: ‘Never knew I could love like this’: Jessy, Luis Manzano proud parents kay Baby Isabella Rose

Inaabangan na rin ang reaksyon ni Momsy Vilma na inihayag din ang kanyang excitement sa kanyang panibagong status in life bilang lola.

“As a first time lola, super excited talaga ako sa paglabas ng aming baby Peanut soon! <3  Siyempre marami akong tanong sa parents ng aming baby, and they have questions for me also. 🙂   Gaano ko kaya kadalas mahihiram si baby Peanut?” aniya sa nakaraang vlog kasama sina Luis at Jessy.

Panoorin ang latest vlog nina Luis at Jessy kung saan tinour nila ang followers nila sa room ni Baby Peanut aka Baby Isabella Rose:

celebrities

Manny Pacquiao, proud Dad sa muling pagkapanalo ni Jimuel by UD sa amateur Vegas debut

Published

on

By

Higit kanino man, mayroon pa bang mas magiging proud sa muling pagkapanalo ni Jimuel Pacquiao bukod sa kanyang ama?

Siyempre, ang maalamat na ama nitong si Manny ‘Pacman’ Pacquiao sa larangan ng boksing ang pinakamasaya dahil sa pagsunod ng kanilang panganay na anak ni Jinkee sa kanyang yapak bilang Pambansang kamao.

Kasunod ng pagkapanalo ni Jimuel ay ang pag-flex ng ama nito sa social media. “Congrats to our eldest son @pacquiao.emmanuel for winning his 7th amateur fight! 🥊 We are so proud of you.”

Sa kanyang Las Vegas debut, si Emmanuel ‘Jimuel’ Pacquiao Jr,  ang 21-anyos na panganay nina Manny at Jinkee ay nagawang talunin ang mas malaki niyang nakalaban na si Marco Rosales sa tatlong two-minute amateur rounds.

Pagbabahagi ng junior ni Pacman, “It was good. It was fun. It was fun. A lot of historic fights happen here.”

Nagwagi si Jimuel sa pamamagitan ng unanimous decision (UD) sa kaniyang unang laban sa Westgate sa Las Vegas nitong Linggo (Manila time). Naiuwi niya ang commemorative belt mula sa “Fights of Fury 8” charity event.

Hindi pa rito nagtatapos ang pagnanais ni Jimuel na maging mahusay na boksingero gaya ng kanyang ama na may record bilang eight-division boxing world champion.

Aniya, “I’ve been consistent, so I’m happy but I know I could’ve done way better in this one so I gotta get back in the gym.”

Gaya ng kanyang ama, si Jimuel na may bigat na 136-and-a-half pounds, ay napasabak na rin sa mas malaking kalaban gaya ni Rosales na may timbang  na 148 pounds. Nahirapan ba siya dito?

“It wasn’t really that much of a difference maker because I spar also big guys in the gym all the time, so it wasn’t that much of a difference,” pagbabahagi niya sa isang ulat ng ABS CBN.

Gumamit umano si Jimuel ng straight right laban sa kanyang southpaw opponent sa pagsisimula ng laban.

Pahayag naman ng kanyang nakatunggali, “the fight was close”.

Dagdag pa nito, “They gave him an edge on the decision. I personally thought I won but I’ll go back and watch it–see how it was I’ll go get that rematch.” 

Panoorin ang video na ibinahagi ng FIGHTSandHIGHLIGHTS via YouTube:

Continue Reading

celebrities

Vice Ganda sa ‘isyu’ nila ni Karylle: ’Di daw siya naoffend… we are OK’

Published

on

By

May update si Vice Ganda sa ‘isyu’ nila ni Karylle matapos mag-trending sa social media ang diumano’y pambabastos niya sa kaniyang co-host sa ‘It’s Showtime’ noong isang araw.

Hindi nagustuhan ng mga netizens ang pambabara at pagtrato ni Vice kay Karylle dahil sa sarkastikong pagsagot niya sa tanong ng huli.

Nagsimula ito nang sabihin ni Karylle na ibinigay ni Vice sa iba ang kantang matagal nang pinagpraktisan ni Vhong Navarro.

“So, anong problema, Karylle?” pakli ni Vice. “Oh, eh sana kinanta mo.”

Sinundan pa niya ito ng “Ok na ‘yan, Karylle” na para bang wala siyang pakialam sa opinyon ng iba, na kaibigan pa niya naman.

Iba ang naging dating nito sa mga netizens kaya agad naging trending topic ito sa socmed.

Ayon sa ilang nagkomento, para namang ‘kinawawa’ ni Vice si Karylle at lumalabas na parang pinapaboran pa niya ang ibang baguhang cohost kesa sa anak ni Zsa Zsa Padilla na matagal na rin sa programa.

Dahil din dito, nag-tweet ang ‘Unkabogable Star’ at inaming sablay nga siya sa kaniyang nagawa.

Aniya, “Oh so I am being called out. Yes I acknowledge sablay ako dun. Potah sablay again. Bawi po ako. Bawi right away.”

Subalit, nababawan pa rin ang ibang netizens sa pag-amin ni Vice kaya hindi pa rin siya tinatantanan ng mga netizens. Mukha daw kasing hindi sincere ang ‘It’s Showtime’ host at hindi man lang ito humingi ng paumanhin.

Sa kaniyang pinakahuling update sa Twitter, ibinahagi ni Vice na nakausap niya si Karylle at hindi naman daw talaga ito na-offend.

“Story time! Magkakasama kami ni K at Tyang and Anne sa dressing room. Di daw sya naoffend when i asked her,” tweet ni Vice.

Sa kabila nito humingi pa rin daw siya ng paumanhin at okay na naman sila.

Aniya, “But i still apologized. So to simplify WE ARE OK.”

Para naman sa mga tagahanga ni Vice, masyado lang pinalaki ng ibang netizens ang isyu.

Matagal na umanong magkaibigan at magkasama sa ‘It’s Showtime’ sina Vice at Karylle at normal na sa kanila ang ganung biruan at barahan.

Gayunpaman, wika naman ng iba, sana raw ay maging maingat pa rin sila sa pagbibitaw ng salita sa TV lalo pa’t napapanood ito ng maraming tao na hindi naman lahat nakauunawa sa kanilang istilo ng pagbibiro.

Panoorin ang naging ugat ng ‘isyu’:

Continue Reading

celebrities

Nade-develop na ba? Francine nilinaw ang totoong ugnayan nila ng FranSeth other half na si Seth

Published

on

francine seth

Ngayong opisyal nang ni-launch sa pamamagitan ng series na Dirty Linen ang tambalan nina Francine Diaz at Seth Fedelin o FranSeth, marami ang kinikilig at marami rin ang nagtatanong kung nade-develop na ba sa isa’t isa ang dalawa.

francine seth

 

Sa ulat ng PEP, nilinaw ni Francine na kasalukuyan pa nilang kinikilala ni Seth ang isa’t isa at wala pang anumang ugnayan.

“Okay naman, parang we’re still at that stage na getting to know each other. I think yun yung special sa aming dalawa. We’re getting to know each other,” aniya.

“Manligaw? As of now talagang work and we’re professionals. Work is work and that’s it.” wika pa ng aktres.

Nauna nang sinabi ni Francine sa isang interview sa Magandang Buhay na hindi siya nagmamadaling magkaroon ng kasintahan, lalo na at prayoridad niya ang kanyang pamilya.

“Saka na po siguro [ang pag-ibig] kapag naibigay ko na po ang lahat kina mama,” aniya.

[RELATED – Francine: Saka na ang pag-ibig kapag naibigay ko na lahat kina Mama]

Nilinaw niya rin sa beteranang broadcast journalist na si Karen Davila na sa kabila ng pagkaka-link niya sa Kadenang Ginto love team na si Kyle Echarri at kay Seth, hindi pa siya nagkakaroon kailanman ng boyfriend.

“Wala, NBSB po. No boyfriend since birth,” saad niya.

francine seth

Hinahangaan din ang dedikasyon niya sa pagpapaunlad ng sarili at hindi pagsasantabi ng kanyang pag-aaral sa kabila ng pagiging abala bilang isang artista.

“Palagi rin sinasabi ni Mama na sa showbiz, ’yong fame mo, hindi siya pang-forever. Parang anytime, p’wede kang mawala,” aniya. “So, maganda ’yung may fall back ka. ’Yon din ang sabi sa akin ni Miss Charo [Santos-Concio], kasi, nag-one-on-one kami before. Parang, ‘Nag-aaral ka pa ba? Kasi, mahalaga ’yan. Ang pag-aartista, hindi ’yan tumatagal. Suwertehan lang. Kung magtatagal ka, e, ’di good. Kung hindi, dapat meron kang fall back.”

francine seth

Panoorin sina Francine at Seth bilang Chiara at Nico sa Dirty Linen video na ito:

Continue Reading

Trending