Connect with us

Social News

KMJS video ng love story nina Boy Tapang at Fil-am GF naka-10M views na sa loob lamang ng isang araw

Published

on

Humamig ng mahigit sa 10 milyong views na ang video ng Kapuso Mo Jessica Soho (KMJS) tungkol sa kuwento ng pag-iibigan ng vlogger na si Boy Tapang at ng kaniyang Filipina-American na girlfriend sa loob lamang ng 24 oras.

Ang 10M views na ito ay sa Facebook video po lamang na ibinahagi ng KMJS sa kanilang page at hindi pa kasama rito ang views sa You Tube na halos isang milyon na rin.

Kinakiligan at naghatid ng katatawanan sa mga viewers ang kuwento nina Boy Tapang at ng kaniyang kasintahang si LJ Satterfield, isang magandang dilag na taga-Cebu.

Dito ay ikinuwento ng Pinoy vlogger na nakilala, napaibig at tuluyan niyang napasagot ang kaniyang magandang kasintahan na kilala na rin ngayon bilang Girl Tapang.

Kuwento ni Boy Tapang, dumaan sa kaniyang newsfeed sa FB ang larawan ni LJ at kaagad siyang naakit sa kagandahan ng dalaga kaya  nag-chat siya rito.

Bagama’t hindi kaagad nakatanggap ng reply, matiyaga umano siyang naghintay hanggang ma-notice ni LJ ang kaniyang mensahe.

Ayon naman kay LJ, pinanood niya ang mga content ni Boy Tapang at humanga siya sa ‘katapangan’ ng lalaki.

Bukod umano doon ay nagustuhan niya rin ang pagiging humble, kuwela, at kakulitan ng binata na laging nagpapasaya sa kaniya.

“Lalo akong na-amaze kasi he’s so humble, he’s so kind, he’s so God fearing. Ako po talaga nagustuhan ko sa kaniya, mahilig siyang tumulong sa pamilya niya. Hindi po talaga ako nakatingin sa panlabas na itsura,” wika ni LJ.

Si Boy Tapang, o Ronnie Suan sa tunay na buhay, ay nakilala at sumikat sa social media dahil sa kaniyang kakaibang content na karamihan ay pag-mukbang ng mga hindi pangkaraniwang pagkain o exotic food gaya ng mga hilaw na hayop at insekto.

Samantala ang kanilang feature story ni LJ ay ipinalabas sa KMJS nitong nakaraang Linggo, Enero 15.

Panoorin:

Social News

Japan Home Centre tatanggap ng sibuyas bilang bayad

Published

on

By

Umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa netizens ang pakulo ng Japanese store na Japan Home Centre kung saan inanunsyo nilang tatanggap sila ng sibuyas bilang bayad sa piling items.

“Sibuyas as payment! We are accepting cash, coins, and ONIONS as payment for our selected items! 1 onion = 1 JHC item,” sabi nila sa isang Facebook post.

Imahe mula sa Japan Home Centre

“Japan Home Centre – Panay Avenue will accept an onion in exchange for your chosen product. Every customer has a limit of 3 item purchases only. All collected onions will be used in our community pantry,” dagdag nila.

Mangyayari ang promo na ito sa Sabado, Pebrero 4.

Marami ang naaliw dito dahil tila naging “currency” na rin umano ang sibuyas. “Sibuyas has now become a currency!” sabi ni Yvonne J.

Imahe mula sa Japan Home Centre

May mga nagsabi rin na tila bumalik daw sa barter system ang bansa dahil sa naisip na ito ng Japan Home Centre.

Ang ilan, ikinatuwa naman ito dahil layunin nitong makalikom ng sibuyas para sa kanilang community pantry. “This is such a great initiative. God bless you more,” sabi ni T. Nubla.

“Sa community pantry pala ‘yan eh. Makakabuti para sa bayan yan,” sabi naman ng isa pa.

Imahe mula sa PNA

Matatandaang nag-usbungan ang mga community pantry sa bansa noong kasagsagan ng pandemya. Marami kasing nawalan ng kabuhayan noon at may ilang nais na magpaabot ng tulong sa simpleng paraan.

Sa mga community pantry, maaaring kumuha ang kahit na sino ng kanilang pangangailangan at iyong mga may kakayahan naman na ay hinihikayat na mag-donate dito.

Samantala, sa mga nakalipas na buwan naman ay marami ang umaray sa mataas na presyo ng sibuyas na umaabot sa P700 hanggang P800 kada kilo.

Nitong Enero ay dumating sa bansa ang imported na 16 containers ng puting sibuyas at 32 containers ng pulang sibuyas. Inaasahang patuloy nang bababa ang presyo ng sibuyas sa Pilipinas sa mga susunod na araw.

Continue Reading

celebrity

Otin G ido-donate sa charity ang kaniyang kinita sa TikTok Live

Published

on

By

Ibabahagi ni AC Soriano sa Home for the Golden Gays ang kaniyang buong kinita sa libreng online concert noong Enero 20 na kasabay ng 20th Anniversary concert ni Toni Gonzaga sa Smart Araneta Coliseum.

SI AC Soriano ay mas kilala rin bilang si Otin Gonzaga-Soriano at impersonator ni Toni.

Ayon sa kaniyang tweet noong isang araw, nito lang nang malaman niya na may stickers pala sa TikTok Live at ibig sabihin ay may kinita ang kaniyang online concert.

“Hello! medyo later ko na na-realize na may stickers nga pala sa tiktok live at may halaga pala yun!” wika ni Otin.

Dahil dito, dodoblehin niya umano ang naturang halaga at ibibigay sa Home for the Golden Gays; ang tahanang kumukupkop at nag-aaruga sa mga may edad nang miyembro ng LGBTQ community.

“Ang gagawin ko na lang, I will double the amount, and we’ll donate the whole amount sa home for the golden gays!” dagdag pa nito.

Magugunitang tinapatan ng ‘I Am Otin’ ni Otin G. ang Araneta concert ni Toni na ‘I Am Toni’.

Nag-trending ito sa Twitter at humamig rin ng mahigit 25,000 views at mahigit 5 million likes sa TikTok Live.

Magkakasabay na trending topic noon ang hashtags na #Araneta, #IAmOtin at #PaalamToniGonzaga.

Kabilang sa kaniyang mga special guests ay ang mga kaibigan at social media personalities na sina Sassa Gurl, Jun Salarzon, at Toniyuh habang ang buong pamagat naman ng kaniyang concert ay “I Am Otin,” the 20th Anniversary Dogshow.

Samantala, ang kabuuang kinita ni Otin ay umabot sa $207.60 o mahigit P11,000 kaya aabot sa P22,000 ang kaniyang maido-donate sa ‘Home for the Golden Gays’.

Continue Reading

Inspiring

‘De ruler?’ Estudyante na sunod sunod na uno ang mga marka, hinangaan ng mga netizens

Published

on

By

Isang kahanga-hangang estudyante na may kursong Information Technology ang nagbahagi ng kanyang mga grades tampok ang sunod-sunod nitong uno. Parang ni-ruler ano?

“For the third time-one and only ones. Your glory is eternal,” aniya sa kanyang caption.

“Matamis po pala talaga ang resulta ng >5 hours na tulog every night. Sleep Acads. College arc is indeed not an easy story to finish with a straightforward plot, especially now na face-to-face ang setup ng classes.”

“And so, I am truly grateful to the people who shared their worlds with me for this success. Salamat po. Really. These numbers are not mere digits, but souvenirs of our hardships and hidden battles.”

Kuwento ni Axl Louis Coronel sa ‘Pilipino Star Ngayon Digital,’ “Noong una, akala rin po namin pindot-pindot lang sa course na IT. Pero iba po pala talaga kapag nagbago perspective mo sa course mo, because you will learn to genuinely pursue it and be passionate about that pursuit.”

“While on that goal, I realized na this process made me surpass my limits while having fun. Once you have visualized the road’s finish line, it’s really, really important to enjoy and savor the detours and rests along the way,” dagdag pa niya

Payo naman ni Axl sa mga estudyante, “Grind hard sa acads. Play hard sa hobbies. Rest hard every night.”

Marami namang netizens ang napahanga ni Axl. Dahil dito ay isa siya sa mga inspirasyon ng maraming estudyante.

“May tulog man or wala kung genius ka lalabas at lalabas talaga ‘yan. Genes and guidance din ng family important factors din ito na dapat i-consider.”

“Next sem mas gagalingan ko pa! Nakaka-inspire, grabe.”

“Congratulations Never Stop Learning and Continue Upgrading your Knowledge and Skills.”

“Congrats Axl. Ang husay mo talaga. Ipagpatuloy mo lang kasama mo ang Diyos.”

Continue Reading

Trending