Philippine Showbiz
Paolo Contis kinumpirmang ‘di siya nagsusustento, pero nag-iipon siya para sa mga anak
Published
2 months agoon
By
Jam
Kinumpirma ng aktor na si Paolo Contis na hindi siya nakapagbibigay ng sustento sa mga anak kay Lian Paz ngunit may itinatabi raw siyang ipon na balang araw ay gusto niyang direktang ibigay sa mga ito.
Sa isang panayam sa Fast Talk with Boy Abunda ay sinabi ni Paolo na may mga dahilan siya kung bakit hindi siya nagsusustento, ngunit ayaw niya na raw itong palakihin pa. Dagdag pa niya, maging para kay Summer, ang anak niya sa dating partner na si LJ Reyes, ay nagtatabi na rin siya.
“It’s a mistake na nasimulan ko, ever since before na hindi ako nakapagbigay but ever since na nagtrabaho ako nang maayos, unti-unti akong naglalagay ng account para kay Xonia, Xalene, pati kay Summer, which eventually I want to give it to them straight,” aniya.
Matagal na rin daw siyang walang komunikasyon kina Xonia, Xalene, at Summer.
Batid niya rin daw na masyado nang malaki ang pagkukulang niya sa mga anak niya kay Lian kaya kung may pagkakataon daw ay gusto niyang makabawi sa mga ito. Gayunpaman ay nagpapasalamat daw siya kina Lian at sa partner nito na si John dahil naging maganda ang pagpapalaki nila sa mga anak niya.
“‘Yung sa dalawa, ‘yun medyo malalim lalim na ‘yung pagkukulang ko so hindi ko sila masisisi and I would like to take this opportunity to tell Lian and John, thank you for doing a great job sa mga bata,” aniya.
Aminado rin siya na dalawang taon na niyang hindi nakakausap ang anak kay LJ na si Summer ngunit naiintindihan niya raw na may pinagdaraanan pang proseso si LJ.
“I try to reach out but as I always say, forgiveness takes time, healing takes time and I’m giving that to LJ,” aniya.
Hindi rin daw umaasa si Paolo na mamahalin siya ng mga anak niya, pero sapat na raw para sa kaniya na huwag siyang kamuhian ng mga ito.
“To be honest, nasa stage ako na, maging magkaibigan lang tayo eventually. Civil lang, wag lang galit. Hindi ko kailangang mahalin nila ako kasi hindi ko ‘yun maisisi. Hopefully, it will come. My biggest fear is for them to actually hate me.”
Panoorin:
You may like
-
As a friend no more! Paolo Contis kinumpirma ang relasyon nila ni Yen Santos
-
Paolo Contis binati ang anak na si Summer sa kaarawan nito: ‘I miss you everyday’
-
Lian Paz opens up on pending annulment of marriage with Paolo Contis
-
LJ Reyes, nagbahagi ng inspiring words sa mga taong may pinagdadaanan
-
LJ Reyes reflects on parenthood: ‘Paano nga ba magdesisyon para sa buhay ng iba?’
-
‘And then you’re gonna cry again’: Summer ibinuking na ‘iyakin’ ang inang si LJ Reyes
Philippine Showbiz
Direk Lauren sa bagong direksyon ni Liza: ‘It’s her life’
Published
7 days agoon
March 13, 2023By
Jam
Inusisa ng entertainment reporters si Star Magic Head Direk Lauren Dyogi kaugnay sa kontrobersyal na pahayag ni Liza Soberano sa kaniyang vlog.
Matatandaang sinabi ni Liza na hindi siya nabigyan ng pagkakataong magdesisyon para sa sarili.
“I had always been told what to do, what to wear, what to say and what not to say. I know this was for my own good. It was to protect me and my career, but it was a career that I had no say in. A career that in many ways wasn’t mine. I didn’t even choose the name Liza. It was chosen for me,” sabi niya.
Ani Direk Lauren, iniisip niya na lang kung ano talaga ang nais iparating ni Liza – ang kagustuhang hanapin ang sarili na karapatan naman niyang gawin.
“Iniisip ko na lang kung ano talaga yung gusto niyang sabihin. Minsan kasi it’s just a manner of how you say it. Maybe she meant something else… Kaya lang her being outspoken sometimes, to some people, hindi ‘yun dumadating nang tama,” sabi niya sa panayam na ibinahagi ng PEP sa kanilang YouTube channel.
“But take it as it is, she is just saying that she wants to find her own self and she wants to explore it on her own and we should allow her that because it’s her life.”
Naniniwala rin si Direk Lauren na maraming artista ang nakapag-isip-isip kung ano talaga ang nais nilang gawin dahil sa pandemya.
“I think the pandemic did a lot to our artists, hindi lang naman kay Liza. Ang dami na talagang napapaisip kung ano talaga yung gusto nilang gawin. ’Yung isolation, ‘yung pandemya, ‘yung shutdown ng network, it really forces us to think about the future in our own decision,” dagdag pa niya.
Naisip niya rin daw na maaaring nag-quarter life questioning si Liza na normal namang pinagdadaanan.
“Nangyayari naman sa atin yun e. So we allow her to explore and aspire for something better for herself… Let’s just wish her well because her achievements and accomplishments are also accomplishments for us, especially for those people who helped her in the beginning.”
Philippine Showbiz
Madam Inutz ipinasilip ang muling pagkikita ng kanyang Ex at anak nila
Published
2 weeks agoon
March 8, 2023By
Jam
Labis ang saya ng online personality na si Madam Inutz matapos muling magkita ang anak at ang kaniyang ex-partner matapos ang dalawang taon.
Paliwanag ni Madam Inutz, ngayon na lang ulit nagkaroon ng pagkakataon ang ex na bumisita sa Pilipinas kaya naman masaya siya para sa anak na si Jade.
“Nagbabalik yung ex ko, hindi para sa akin. Siyempre para makita ang nag-iisa naming anak,” pagbibiro ni Madam Inutz sa panimula ng ibinahaging vlog.
“Ngayon pwede na ulit mag-travel, open na ulit lumabas ng bansa. So ang daddy niya, nagka-chance na uli na makauwi dito sa Pilipinas.”
Paliwanag niya, wala siyang nararamdamang galit o bitterness sa kaniyang ex dahil pinili na niyang patawarin ito.
“No bitterness, no hate, just love for my daughter lang talaga. Mas maigi na piliin natin na maging open tayo sa mga ex natin. Yun bang wala tayong hinanakit, wala tayong bitterness, wala tayong hate para sa ating mga anak. At saka mas nakakaluwag sa mga damdamin natin yung wala tayong galit. ‘Ika nga, patawarin mo ang mga taong nagkasala sa’yo,” aniya.
Payo niya sa mga kagaya niyang hiwalay sa partner o asawa, huwag idamay ang bata sa hidwaan nila.
“Pag may hindi magandang nangyari sa inyong dalawa, ‘wag n’yo nang idamay sa hidwaan n’yo yung anak nyo. Mas maganda yung maging friends kayo para yung anak nyo, kahit hiwalay kayo, nagagabayan pa rin natin siya. Hindi napuputol yung communication nila kahit sa phone lang, video call.”
Nang makita ni Jade ang kaniyang daddy ay agad niya itong sinalubong ng yakap. Nakausap din ni Madam Inutz ang bagong karelasyon ng ex at sinabing may tiwala siya rito.
“Napakasaya ko kasi masaya yung anak ko. Yun naman yung importante. Kaligayahan ng ating mga anak. Katulad niyan, nakita ko masaya yung anak ko, ang sarap sa pakiramdam. Ganun dapat,” sabi pa niya.
Philippine Showbiz
Vicki Belo, Hayden Kho emosyonal sa 8th birthday post para kay Scarlet
Published
2 weeks agoon
March 3, 2023By
Jam
Emosyal sina Dra. Vicki Belo at Dr. Hayden Kho sa mensaheng ibinahagi sa pagdiriwang ng anak na si Scarlet Snow ng kaniyang kaarawan.
Sa kaniyang Instagram post ay sinabi ni Vicki na tila hindi niya namalayang walong taong gulang na si Scarlet.
“It feels like I blinked and suddenly you’re 8 years old! @scarletsnowbelo you are such a gift to our family and I love watching you grow kinder, sweeter, more responsible, and more godly everyday,” aniya pa.
Nagpasalamat din siya dahil laging pinagdarasal ni Scarlet ang magandang kalusugan para sa kaniya.
“Thank you for always praying for mommy to be healthy, you keep me healthy by making me so happy. I love you so much my Scarlet Snow!!”
Samantala, proud naman si Hayden sa nasaksihang paglaki ni Scarlet bilang responsable at independent na bata ngayon.
“Happy 8th Birthday to our sweet Scarlet Snow! Watching you grow up has been such a joy – it feels like just yesterday you were taking your first steps, and now you’re becoming more responsible and independent every day,” caption ni Hayden sa ibinahaging larawan.
“We’re so proud of the person you’re becoming and can’t wait to see all the amazing things you’ll accomplish. Love you to the moon and back!”
Samantala, ibinahagi naman ni Scarlet ang birthday wish niya sa isang post.
“Happy 8th Birthday to me! I’m feeling older, wiser, and taller (Mommy says I’m too tall for my age). As I celebrate another year of life, I’m excited to learn new things and make new friends,” ani Scarlet.
“My wish is to become more responsible, loving, and funny (somebody in the family has to be funny). But seriously, I’m looking forward to all the adventures and surprises that God has in store for me. And if all else fails, there’s always cake!” sabi niya pa.Sc

#SosBolz House coming together! Solenn, Nico Bolzico ibinahagi ang kanilang dream home

Panoorin: Mahusay na rendisyon ni Maegan Aguilar ng ‘Anak’ nag-trending, hinangaan

Liza inaming may tampo nga kay Tito Ogie, ‘I feel like he’s trying to tarnish my name’

Direk Lauren sa bagong direksyon ni Liza: ‘It’s her life’

Inang ibinalik ang unang suweldo ng anak, kinaantigan

Direk Lauren sa bagong direksyon ni Liza: ‘It’s her life’

Liza inaming may tampo nga kay Tito Ogie, ‘I feel like he’s trying to tarnish my name’

Liza Soberano nagsalita na, ‘I’ve earned the right to finally be me’

Vicki Belo, Hayden Kho emosyonal sa 8th birthday post para kay Scarlet
