Connect with us

Philippine Showbiz

‘Mama ko ‘yan!’ Robi Domingo shares proud moment when doctor mom helped injured restaurant employee

Published

on

Kapamilya host Robi Domingo is a proud son to his physician mom Mary Ann Domingo who came to the rescue of an injured restaurant employee.

Robi took to Instagram to tell the world how proud he is of his mom who did not think twice about helping a restaurant staff who suffered some minor burns from an incident while they were enjoying an afternoon date.

“Story time. Had an afternoon date with my mama then an incident happened in a restaurant. People inside were alarmed because a small flame was seen emerging from the kitchen, Thankfully, it was contained and the staff was telling everyone that everything was under control, but one of the waiters/chefs got some minor burns,” he narrated.

Robi told them that his mom is a physician and can offer help. “I told them that just in case, my date is a physician and she can offer her expertise. The manager asked for my mama’s help and she immediately stopped eating her red velvet, rushing to see the injured employee.”

“That moment made me proud as I told the universe, ‘Mama ko ‘yan.’”

After the treatment, the injured employee approached them to express his gratitude to Robi’s mom.

“Minutes after the treatment and consultation, the waiter/chef went to us and thanked mama for helping him,” Robi added.

“This is one of the million reasons why I can truly say my parents are my heroes.”

In a video wherein Robi talked about his experience as a son of two doctors in the middle of the pandemic, he admitted that while he is proud of what his parents are doing, he couldn’t help but worry about their safety as well.

“I have to be honest. This pandemic became personal to me and my family more just because both my parents are doctors. So every single time they go out of the house to treat patients, to fulfill their promise as doctors — it gives me that sense of fear.”

Glad to know they’re OK, Robi!

Philippine Showbiz

McCoy de Leon kinumpirmang nagkabalikan na sila ni Elisse Joson

Published

on

By

Kinumpirma ng aktor na si McCoy de Leon na nagkabalikan na sila ng partner na si Elisse Joson matapos ang napabalitang hiwalayan nila.

Sa panayam ni MJ Marfori kay McCoy ay sinabi niyang bilang ama ay masaya siyang nagkaayos na sila ng aktres. Gayunpaman ay hindi na siya nagbigay ng iba pang detalye kaugnay rito.

“Siguro naman sa pagiging tatay, ‘yun naman ‘yung laging hangad – mapasaya ‘yung pamilya nila,” ani McCoy sa video na ibinahagi ni MJ sa TikTok.

“Siguro hindi ko ma-specific na. Basta ‘yun na ‘yung maibibigay ko. Kumbaga, masaya kami kung ano ‘yung estado ko ngayon sa buhay.”

Matatandaang sa kasagsagan ng usap-usapang hiwalay na sila ni Elisse ay nagbahagi ang aktor ng serye ng Instagram stories upang pasinungalingan ang kumakalat na isyu na babae ang dahilan kaya sila naghiwalay.

“Wala pong involved na ibang tao ang pinaka rason kaya kami naghiwalay. Sana po maniwala po kayo,” sabi niya pa. “Hindi ko po intensyon manakit ng tao o manloko. Sadyang dumating lang po sa point na sobrang bigat lang ng problema kaya po ako sumuko.”

Nagbigay rin siya noon ng mensahe para sa anak nilang si Felize.

“Sana pagtanda mo ‘wag magbago tingin kay daddy ha. Pasensya na kung hindi lang talaga nakaya ni daddy. Sana maikwento ko sa’yo pagtanda mo,” sabi ni McCoy.

[RELATED: McCoy De Leon humingi ng tawad sa anak sa isang Instagram post]

“Wag bibigyan ng sakit sa ulo si mommy ha i-love mo siya. Last na…anak wag mo silang pansinin ok? Mahal na mahal kita anak ko. Miss na miss na kita sobra…*hug na mahigpit*,” pagpapatuloy niya sa ngayo’y burado nang Instagram post.

[RELATED: Ama ni McCoy de Leon sa hiwalayang McLisse: ‘Hiyang hiya ako sa nangyari’]

Samantala, naglabas din ng saloobin ang ama ni McCoy na si Mark De Leon at sinabing nahihiya siya sa mga pangyayari.

Continue Reading

Philippine Showbiz

‘I chose to be quiet’: Sunshine Cruz sa dahilan ng hiwalayan nila ni Macky Mathay

Published

on

By

Binuksan  ni Sunshine Cruz ang usapin kaugnay sa breakup nila ni Macky Mathay.

Sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Huwebes, sinabi ng aktres na hindi niya ibinunyag ang tungkol sa kanilang paghihiwalay dahil may mga batang involved.

“I chose to be quiet because merong mga bata na involved—mga anak niya na napamahal sa akin at ‘yung mga anak ko na napamahal kay Macky,” wika ni Sunshine.

“Nag-decide ako na maging quiet na lang kasi hindi naman talaga alam ng publiko kung ano ‘yung mga pinagdadaanan namin or kung ano ‘yung pinagdaanan ko,” dagdag pa niya.

Hindi man binigay ang buong detalye ng kanilang hiwalayan, pero sinabi niyang nawala na ang tiwala sa relasyon nila ng dating kasintahan.

“Tatlo ang importanteng bagay sa relationship—hindi lang love. Dapat nando’n ang trust, nando’n ang respect. ‘Pag merong isang nawala do’n, it’s not going to work.”

Sa edad na 45, sinabi ng celebrity mom na na-realize niya na darating ang point na mararamdaman mong wala nang pag-asa o wala nang patutunguhan pa ang isang relasyon.

“Hindi na dapat pinapatagal. Of course, you give chances—hanggang 10 pa nga na beses magbibigay ka pero you wake up one day at mari-realize na wala nang patutunguhan ang relationship,” aniya.

“You just have to be thankful for the years you’ve been together. Naging maganda ‘yung pagsasama n’yo, nagmahalan kayo, naging inspiration kayo sa isa’t isa.”

Tinanong kung may third party na involved sa breakup nila ni Macky. Ayon sa aktres, “Wala ako sa posisyon magsalita tungkol diyan.”

Sa kasalukuyan, sinabi ni Sunshine na nakatutok lang siya sa mga magagandang bagay sa kanyang buhay kasama na ang kanyang pamilya at trabaho.

“I’m sure merong ibang plano si God para sa ‘kin and kung ano man ‘yon, hihintayin ko. Kung merong dumating, okay lang. Ang importante, nandiyan ang mga anak ko. Mahal ako ng mga anak ko,” sabi pa niya.

“I have work. ‘Di ako nawawalan ng proyekto and that’s all that matters. I’m blessed,” dagdag pa niya.

Noong nakaraang taon ay napansin ng mga netizens na hiwalay na umano ang dalawa dahil hindi na naka-follow sa isa’t isa sa kanilang Instagram account.

Huling nakitang magkasama in public sina Macky at Sunshine sa 18th birthday ng anak ng aktres na si Sam kung saan nakasama rin nila ang tatay ng dalaga na si Cesar Montano.

Continue Reading

Philippine Showbiz

Netizens natuwa sa priceless reaction nina Mela at Stela nang makita ang poster sa mall

Published

on

By

Ibinahagi ni Melai Cantiveros ang priceless na reaksyon ng mga anak na sina Mela at Stela nang makita ang mga sarili sa poster ng isang clothing brand sa mall.

Kuwento ng komedyante, tila hindi makapaniwala ang mga anak nang personal na makita ang mga ad.

“Di makapaniwala aking Ate at Baby na nasa Mall mukha nila. Cute naman mga mahal ko ui . Kaya Thank you tayu kay Lord na may nagtiwala sa inyu . Thank you sir Gino @ginocruzzzzz and xmpre to @hm_kids,” aniya.

Natuwa naman ang netizens sa reaksyon ng magkapatid.

“Their reaction is priceless. So proud of you kiddos and parents. God bless your family always,” pagbati ng isang Instagram user.

“Ka-cute ng smile ni Stela. Keep it up girls! Be good always and make your Mama & Papa proud,” sabi naman ng isang netizen.

Komento naman ng isa pa, deserve ng magkapatid ang mga dumarating na biyaya dahil pareho silang talented at may confidence.

“IT’S A BLESSINGS MGA KIDS. Deserve n’yo yan kasi ang TALENTED n’yong mgkapatid [at] may CONFIDENCE sa sarili..malayo pa yang mararating n’yo.. STUDY HARD,” dagdag ng isang nagkomento.

Marami ang naaaliw sa magkapatid na Mela at Stela dahil hindi maikakailang namana nila ang taglay na kakulitan ng kanilang mommy.

Nag-viral at nagawan pa nga ng kanta ang sikat na linya ni Mela na “Mama, thank you very much. You know that I love chicken nuggets” matapos silang hainan ni Melai ng pagkain sa isang vlog.

Samantala, marami rin ang natutuwa sa pagiging malapit ng magkapatid sa isa’t isa.

Ibinahagi ni Melai ang mga sweet na larawan nina Mela at Stela at sinabing natutunaw ang kaniyang puso sa pagiging malapit nila. “Best moment today is makita sila na nagmamahalan, nakakatunaw at the same time nakakataba ng puso,” sabi niya.

“Thank you Ate Mela, love na love mo sister mo. You’re the best Ate ever. #AteNugget #BabyNugget.”

Continue Reading

Trending