Connect with us

Social News

Pagbili ng thermos bakit pinapakinggan bago bilhin, tanong ng netizens

Published

on

Nauuso hanggang sa ngayon ang thermos at nagsusulputan na rin ang mga mamahalin at mga brand nito.

Noon pa man ay palagi na nating ginagamit ito lalo na sa mga probinsyang walang kuryente. Ay! Talagang gamit na gamit ito dahil tumatagal ang init nito nang buong araw.

Naranasan mo na bang bumili ng thermos at pinapakinggan ang loob nito? Kapag napakinggan mo ang ugong nito ibig sabihin maganda ang quality, tatagal at hindi agad lalamig ang mainit na tubig na ilalagay.

Viral sa social media ang ibinahagi ni Joecelyn Suyom Dioso Mateo sa Home buddies na larawan ng isang babae na bumibili ng thermos.

“Bakit po kaya? Ano po ba naririnig kapag pinakinggan mo yung thermos bago bilhin?
Pampagoodvibes lang po,” aniya sa kanyang FB post.

Bumenta naman sa mga netizen ang kanyang ipinost online at karamihan ay naka-relate sa ginawa ng babaeng nasa larawan.

“Legit ‘yan ginagawa rin namin ito, pamana na kaugaklian hehehe kapag malakas ang parang huni sa loob, it means na maganda ito at walang damage or butas.”

“Pag malakas daw ugong hindi lalamig ‘yun tubig na mainit. Parang love kahit iwanan hindi manlalamig.”

“Mas okay na raw ‘yung ganyan kesa sa Hydroflask na mahal na nga magkaka UTI ka pa rin dahil tamad ka uminom ng tubig hehehe”

“According to my boomer source, kapag may tunog dagat raw ‘yung loob original raw. Sabi ko ano pong tunog ‘yun? Ang sabi parang empty shell na may tunog dagat.”

“Ganyan din po ang nanay ko kaya ngayon pati kami ng asawa ko pag bumibili ng thermos eh pinakikinggan muna ang ugong. haha”

Dahil sa dami nga ng lumalabas na brand ng thermos ay marami nang gumagamit nito at kung ano-ano ang inilalagay na laman; hindi lamang tubig kundi mga kape, juice at kung ano-ano pa. Isa na rito ay madali at magaan nang dalhin kung saan-saan.

Ngunit para sa mga matatanda at mga nanay o tatay ay iba pa rin ang thermos noon; mura na, malaki pa at kahit ilang tao pa ay puwedeng magkape at puwedeng makahingi ang mga kapitbahay. Ganern!

Social News

Japan Home Centre tatanggap ng sibuyas bilang bayad

Published

on

By

Umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa netizens ang pakulo ng Japanese store na Japan Home Centre kung saan inanunsyo nilang tatanggap sila ng sibuyas bilang bayad sa piling items.

“Sibuyas as payment! We are accepting cash, coins, and ONIONS as payment for our selected items! 1 onion = 1 JHC item,” sabi nila sa isang Facebook post.

Imahe mula sa Japan Home Centre

“Japan Home Centre – Panay Avenue will accept an onion in exchange for your chosen product. Every customer has a limit of 3 item purchases only. All collected onions will be used in our community pantry,” dagdag nila.

Mangyayari ang promo na ito sa Sabado, Pebrero 4.

Marami ang naaliw dito dahil tila naging “currency” na rin umano ang sibuyas. “Sibuyas has now become a currency!” sabi ni Yvonne J.

Imahe mula sa Japan Home Centre

May mga nagsabi rin na tila bumalik daw sa barter system ang bansa dahil sa naisip na ito ng Japan Home Centre.

Ang ilan, ikinatuwa naman ito dahil layunin nitong makalikom ng sibuyas para sa kanilang community pantry. “This is such a great initiative. God bless you more,” sabi ni T. Nubla.

“Sa community pantry pala ‘yan eh. Makakabuti para sa bayan yan,” sabi naman ng isa pa.

Imahe mula sa PNA

Matatandaang nag-usbungan ang mga community pantry sa bansa noong kasagsagan ng pandemya. Marami kasing nawalan ng kabuhayan noon at may ilang nais na magpaabot ng tulong sa simpleng paraan.

Sa mga community pantry, maaaring kumuha ang kahit na sino ng kanilang pangangailangan at iyong mga may kakayahan naman na ay hinihikayat na mag-donate dito.

Samantala, sa mga nakalipas na buwan naman ay marami ang umaray sa mataas na presyo ng sibuyas na umaabot sa P700 hanggang P800 kada kilo.

Nitong Enero ay dumating sa bansa ang imported na 16 containers ng puting sibuyas at 32 containers ng pulang sibuyas. Inaasahang patuloy nang bababa ang presyo ng sibuyas sa Pilipinas sa mga susunod na araw.

Continue Reading

celebrity

Otin G ido-donate sa charity ang kaniyang kinita sa TikTok Live

Published

on

By

Ibabahagi ni AC Soriano sa Home for the Golden Gays ang kaniyang buong kinita sa libreng online concert noong Enero 20 na kasabay ng 20th Anniversary concert ni Toni Gonzaga sa Smart Araneta Coliseum.

SI AC Soriano ay mas kilala rin bilang si Otin Gonzaga-Soriano at impersonator ni Toni.

Ayon sa kaniyang tweet noong isang araw, nito lang nang malaman niya na may stickers pala sa TikTok Live at ibig sabihin ay may kinita ang kaniyang online concert.

“Hello! medyo later ko na na-realize na may stickers nga pala sa tiktok live at may halaga pala yun!” wika ni Otin.

Dahil dito, dodoblehin niya umano ang naturang halaga at ibibigay sa Home for the Golden Gays; ang tahanang kumukupkop at nag-aaruga sa mga may edad nang miyembro ng LGBTQ community.

“Ang gagawin ko na lang, I will double the amount, and we’ll donate the whole amount sa home for the golden gays!” dagdag pa nito.

Magugunitang tinapatan ng ‘I Am Otin’ ni Otin G. ang Araneta concert ni Toni na ‘I Am Toni’.

Nag-trending ito sa Twitter at humamig rin ng mahigit 25,000 views at mahigit 5 million likes sa TikTok Live.

Magkakasabay na trending topic noon ang hashtags na #Araneta, #IAmOtin at #PaalamToniGonzaga.

Kabilang sa kaniyang mga special guests ay ang mga kaibigan at social media personalities na sina Sassa Gurl, Jun Salarzon, at Toniyuh habang ang buong pamagat naman ng kaniyang concert ay “I Am Otin,” the 20th Anniversary Dogshow.

Samantala, ang kabuuang kinita ni Otin ay umabot sa $207.60 o mahigit P11,000 kaya aabot sa P22,000 ang kaniyang maido-donate sa ‘Home for the Golden Gays’.

Continue Reading

Inspiring

‘De ruler?’ Estudyante na sunod sunod na uno ang mga marka, hinangaan ng mga netizens

Published

on

By

Isang kahanga-hangang estudyante na may kursong Information Technology ang nagbahagi ng kanyang mga grades tampok ang sunod-sunod nitong uno. Parang ni-ruler ano?

“For the third time-one and only ones. Your glory is eternal,” aniya sa kanyang caption.

“Matamis po pala talaga ang resulta ng >5 hours na tulog every night. Sleep Acads. College arc is indeed not an easy story to finish with a straightforward plot, especially now na face-to-face ang setup ng classes.”

“And so, I am truly grateful to the people who shared their worlds with me for this success. Salamat po. Really. These numbers are not mere digits, but souvenirs of our hardships and hidden battles.”

Kuwento ni Axl Louis Coronel sa ‘Pilipino Star Ngayon Digital,’ “Noong una, akala rin po namin pindot-pindot lang sa course na IT. Pero iba po pala talaga kapag nagbago perspective mo sa course mo, because you will learn to genuinely pursue it and be passionate about that pursuit.”

“While on that goal, I realized na this process made me surpass my limits while having fun. Once you have visualized the road’s finish line, it’s really, really important to enjoy and savor the detours and rests along the way,” dagdag pa niya

Payo naman ni Axl sa mga estudyante, “Grind hard sa acads. Play hard sa hobbies. Rest hard every night.”

Marami namang netizens ang napahanga ni Axl. Dahil dito ay isa siya sa mga inspirasyon ng maraming estudyante.

“May tulog man or wala kung genius ka lalabas at lalabas talaga ‘yan. Genes and guidance din ng family important factors din ito na dapat i-consider.”

“Next sem mas gagalingan ko pa! Nakaka-inspire, grabe.”

“Congratulations Never Stop Learning and Continue Upgrading your Knowledge and Skills.”

“Congrats Axl. Ang husay mo talaga. Ipagpatuloy mo lang kasama mo ang Diyos.”

Continue Reading

Trending