Connect with us

entertainment

Shoot na shoot sa budget! Viva Prime inilunsad na

Published

on

“Shoot na shoot talaga sa budget ng tropa! Sagot ng Vivaprime ang pinaka-magaganda at pinakasikat na movies at series na ma-eenjoy ng buong barkada! #KaViva!”

Iyan ang paanyaya ng Viva Prime sa kanilang Facebook page. Viva Prime ang pangalan ng bagong streaming platform na inilunsad ng Viva Entertainment nitong January 29, 2023.

 

“Tawagin na ang buong barkada dahil nandito na ang pinakabagong streaming app na ma-eenjoy ng buong tropa! #VivaPrime,”  masayang pagpapakilala nila sa bagong entertainment package na ito.

Agaw pansin ang mga poster nila kung saan ay makikita na sa halagang P49 lamang ay makakapag- “Watch all you can” ka na. At kung gusto mong ads free ang panonood, P99 lamang ang katumbas.

Anila, “No need to wait para makauwi. Makapapanood ka rito anytime, anywhere. Catch the biggest stars and the biggest hits na swak na swak sa bulsa. Available all day, all night, worldwide.”

Kinumpirma ito sa Cabinet Files ng award-winning concert director at newly appointed Viva Chief Marketing and Creative Officer na si Paul Alexei Basinillo.

Pampamilya at “wholesome” na mga pelikula ang handog ng Viva Prime. Nakabukod ito sa Vivamax na mayroon adult content movies at series kaya’t swak sa swak sa pamilya.

Ayon kay Basinillo na siyang punong-abala sa paglulunsad at pagpapakilala sa mga pelikula at seryeng mapapanood sa Viva Prime, “We’re putting premium in the quality of the production po with different sets of directors, writers and, of course, the biggest stars of Viva.”

Matatandaan na siya rin direktor ng mga matagumpay na concert ni Asia’s Popstar Royalty Sarah Geronimo.

Vivamax

Taong 2021, ika-29 ng Enero nang ilunsad ang Vivamax. Dahil dito kaya umano umusbong ang showbiz career nina AJ Raval, Angeli Khang, Ayanna Misola, Janelle Tee, Vince Rillon, Benz Sangalang, Ali Asistio, Azi Acosta, at ng iba pang mga newbie artists na masasabing palaban sa pagpapakita ng kanilang katawan ‘sa ngalan ng sining’, ayon sa PEP.

Ang naging maiden offering ng Vivamax ay ang Paglaki Ko Gusto Kong Maging Pornstar sa ilalim ng direksyon ng kontrobersiyal na si Darryl Yap at ipinakilala dito si AJ Raval.

Mabilis na nakilala ang unang streaming site ng kompanya ni Boss Vic del Rosario. At dahil dito. 29 muli ang pinili nilang l;aunching date para naman ipakilala ang Viva Prime.

Panoorin ang pasilip ng Viva Prime sa video na ibinahagi sa kanilang Facebook page:

entertainment

Pia Wurtzbach ipinagpaliban ang pagsali sa London Marathon, pinaplano ang nalalapit na kasal

Published

on

By

Nagpapahinga si Pia Wurtzbach para unahin ang kanyang pisikal at emosyonal na kalusugan.

Sa isang Instagram post kamakailan, ibinahagi ng dating Miss Universe na mananatili siya nang ilang linggo sa London para alagaan ang sarili at maglaan ng quality time kasama ang kanyang pamilya.

“I’m grateful to have this time OFF…alam ko mahirap cos lahat tayo we can’t get off work just like that. Madaming responsibilities and all. Work mode is real diba lalo na after the holidays. Kayo ba? But PAUSE lang muna tayo and say this with me: ‘Kamusta na ba ako? Okay pa ba ako?’” aniya.

Higit pa rito, inihayag niya na hindi siya makadadalo sa London Marathon ngayong taon dahil pinaplano niya ang kanyang nalalapit na kasal.

“Unfortunately, I’m not going to be able to join the London Marathon this year. I contemplated for a looong time and I really wanted to do it this year because I was doing it for such a good cause, @smiletrainph, and I didn’t want to let anyone down,” wika ni Pia.

“I have a tendency to be hard on myself especially when it comes to hitting goals and I know marathon training + wedding planning will be a stressful combo. Runners know this but just a little background, prepping for a marathon means 4 to 6 hours training a day and medyo malapit na yung marathon. So tough as it may be, I know that deferring my entry this year is the right decision,” dagdag pa ng beauty queen.

Ayon kay Pia, marami pang marathon sa hinaharap ang darating at ang pagpapakasal ay isang bagay na gusto niyang pagtuunan ng pansin at paghandaan.

Sa pagtatapos ng kanyang post, sinabi rin niya na inaasahan niyang makabalik sa Pilipinas nang “healthier, stronger, and ready to be back in action.”

Basahin: ‘Best run of my life’: Pia Wurtzbach natupad ang pangarap na maging NYC Marathon finisher

Noong nakaraang taon, napagtagumpayan ni Pia ang mahigit 42-km New York City marathon; ang kanyang kauna-unahang paglahok sa marathon na inilarawan niya bilang “best run of her life.”

“I did it! We did it!” aniya. “The NYC Marathon wasn’t a race, it was an experience. A life lesson. Probably the best run of my life.”

Basahin: Pia Wurtzbach, Jeremy Jauncey ‘found the perfect place to celebrate’ their engagement

Continue Reading

entertainment

James nagpahayag ng suporta, pasasalamat kay Liza, ‘Thank you for trusting us with your hopes and dreams’

Published

on

By

Sa muling pagpaparamdam ng aktres na si Liza Soberano sa kanyang social media accounts matapos itong ‘linisin’ na nagpagulantang sa kanyang mga tagahanga kamakailan, hindi maiwasang may samu’t saring reaksyon siyang natanggap mula sa netizens na nakapanood ng kanyang latest update vlog sa YouTube.

Bagama’t maraming humanga at tumanggap sa mga rebelasyon niyang ginawa, mayroon din namang tila nasaktan o hindi nagustuhan ang ilang ‘choice of words’ niya sa kanyang “This is Me” vlog. May mga tumawag pa sa kanyang ingrata sa kanyang pinagsimulang network.

May mga taong tila hindi nagustuhan ang umano’y ‘pagtalikod’ niya sa dating network at pagyakap sa Hollywood dreams. Nahimay ang kanyang mga isinawalat at hindi lahat ay natuwa sa pagtahak niya sa ibang direksyon. Wala daw itong utang na loob sa mga taong nagdala sa kanya sa kasikatan at iba pang isyu.

Sa gitna ng mga puna at reaksyon sa update na ginawa ni Liza, naglabas ng isang IG  post si James Reid na siyang tumatayong management arm ng career ni Liza sa Estados Unidos.

Aniya, “Proud and happy for you @lizasoberano I know it takes a lot of courage to go against the grind, to choose the harder path because that’s what you believe in.”

Pinasalamatan din niya ang 25-anyos sa ibinigay nitong pagtitiwala sa kanilang team. “Thank you for trusting us with your hopes and dreams 🙏”

Samantala, hinangaan naman ang series ng tweets ni Mark Duane Angos, ang manunulat ng mga teleseryeng nagawa ni Liza sa ABS CBN.

Ani @markangos, “A friend asked me if I was hurt by Liza’s insinuation that we boxed her so hard that it drove her away from our industry. That’s a horrible take. What I got from the vlog was a person trying to figure herself out. To be fair, she’s only “starting to dip her toes into writing.

“By the same token, she’s still trying to learn how to express herself better. So if she comes off hurtful to some of my colleagues, let’s be patient. She will be able to find the right words next time.

“So I wasn’t hurt. I’m actually more excited about what she will become. And I’m rooting for her with all my heart. -love, from the writer who wrote all those teleserye.”


Maraming nagustuhan ang kanyang saloobin kaugnay kay Liza.

“Kudos to you for being open minded, for seeing the glass half full and for having a loving heart. I just can’t understand why nowadays people are full of negativity.” –

“Naisip ko talaga maba-bash si Liza sa sinabi n’ya kaya napakagaang mabasa nito. I hope she’d be okay. People who matters love her. Palimos naman po ng kaunting positivity. Gusto ko sana ganito rin ako mag isip eh.”

“Hope evwryone has this mindset, that’s why I like you Sir Mark. “

Continue Reading

celebrity

Ogie sa dati niyang alaga na si Liza: ‘Anak, basta masaya ka dyan. Ang importante masaya ka’

Published

on

By

Matatandaan na si Ogie Diaz ang dating manager ni Liza Soberano nang una nitong tahakin ang mundo ng showbiz. Kaya naman hindi maikakaila ni Ogie na laging naroon ang kanyang pag-aalala o concern sa kanyang dating alaga na ngayon ay si James reid na ang may hawak.

11 years na hinandle ni Ogie ang showbiz career ni Liza at iginalang naman niya ang naging desisyon ng 25-anyos na aktres na nagnais sumubok sa direksyon ng Hollywood. Hindi naman niya ito hinadlangan.

Aniya, “Ang sine-save ko kasi, ‘yung friendship kasi alam mo ‘yung ang haba ng panahon na pinagsamahan n’yo e. Hindi mo dapat sayangin ‘yun…”

Nag-usbungan ang mga usap-usapan matapos magulantang ng mga netizens sa ‘pagkawala’ ng kanyang mga posts at mga larawan sa kanyang social media accounts at muli niyang pagpo-post dito. No, hindi pala na-hack. Sabi naman ni host Boy Abunda, isa lamang itoing rebranding dahil nga sa tinatahak na bagong direksyon ni Liza.

Basahin: James Reid to manage Liza Soberano, Ogie Diaz confirms

Tinawag din itong new beginnings lalo pa’t ipinahiwatig ni Liza sa kanyang balik IG post na “Dare I dream a flower’s dream?”

Maraming naguguluhan sa career path na tinutungo umano ni Liza. Nagpunta na kasi ito sa Los Angeles, sa Estados Unidos at doon na muna mananatili nang walang linaw kung hanggang kailan.

Hindi  napigilan ni Ogie na maglabas ng kanyang saloobin para sa kanyang dating alaga matapos niyang mabasa ang mga sinasabi ng netizens kaugnay kay Liza.

Basahin: Boy Abunda sa ‘pagkawala’ at ‘pagbabalik’ ng socmed accounts ni Liza Soberano, ‘It is not hacking, it is rebranding

Sa kanyang vlog ay inilabas niya ang kanyang sariling paninimbang. “Nanghihinayang ako sa career ni Liza… Siyempre nahu-hurt ako bilang former manager na nakakabasa ako ng ‘Ano nang ginagawa ni Liza sa sarili niya? Bakit nag-iiba na siya ng direksyon? Bakit noong nandoon pa siya sa ABS-CBN o kay Ogie Diaz maganda naman o maayos naman ang palakad sa kanya? Bakit nagiging fan na lang ng Kpop si Liza?’ Yung mga ganoon,” ani Ogie.

Dagdag pa niya, “Siyempre hindi ko naman alam ang isasagot ko sa mga fans dahil unang-una, hindi na ako ang manager.  Nanghihinayang lang ako kasi pinaghirapan naming lahat ito. kung nasaan siya nandoon.”

Nag-aalala rin si Ogie kaugnay sa mga endorsement projects ni Liza na naka-base sa Pinas.

“Siyempre hindi natin alam kung yung mga suki ng endorsements ng mga brands ni Liza ay uulit pa lalo na’t hindi nila nakikita locally o sa mga palabas sa TV si Liza dahil pinili na nga niyang sa US sumubok at magbaka-sakaling makilala siya,” aniya.

Pagpapatuloy ng 53-anyos, “Siyempre alam ko naman ang kabuhayan nila Liza. Alam ko naman na lahat ng meron siya ngayon ay dahil rin sa kanya, sa pag-aartista niya. Hindi naman siya bago nag-artista ay mayaman na sila… Kaya ako nanghihinayang ako bilang former manager doon sa mga nakakawalang proyekto para kay Liza… kasi hindi rin naman nagkulang ang ABS-CBN ng pitching sa kanila ni Enrique Gil… pero wala silang inaaprubahan.”

Nagbigay din siya ng mensahe para kay Liza. “Anak, basta masaya ka dyan. Importante, masaya ka.”

On the bright side, nakakuha na ng acting project si Liza at kabilang na siya sa cast ng “Lisa Frankenstein” kasama nina Cole Sprouse at  Kathryn Newton.

Sa naging panayam ng CNN kay Liza noong Agosto 2022 ay nagbahagi ito ng kanyang mga karanasan sa filming ng nasabing pelikula. Blooming at mukha namang super happy ang aktres. Ibinahagi rin nito na nais kasi niyang makiklala bilang isang global actress at artist.

“Liza Soberano is living her Hollywood dream. The Filipina actress is currently filming in the United States for her first Hollywood movie ‘ Lisa Frankenstein’…” ayon sa caption ng CNN video.

Panoorin:

Continue Reading

Trending