Connect with us

celebrity

She’s back! Liza Soberano nagbabalik sa Instagram; a ‘new beginning?’

Published

on

Nagulantang ang maraming followers at mga kaibigan ng 25-anyos na aktres na si Liza Soberano  nang ma-wipe out ang lahat ng kanyang posts sa photo-sharing app na Instagram kamakailan.

Hindi na mabibilang ang mga naibahagi niyang milestones doon kaya’t labis na nag-alala ang mga followers kung binura ba o nabiktima ito ng hacking incident. Gayunman, wala namang pahayag na inilalabas ang kampo ng aktres kung ano nga ba ang tunay na nangyari sa IG account nito.

Basahin: Liza Soberano, binura nga ba ang lahat ng larawang ibinahagi niya sa Instagram?

Nagbabalik

Gayunman, hindi naman naglaon at biglang may IG post na muli ang aktres. Na-recover na kasi? O sadyang ‘nilinis’ lang ng management team ni Liza ang account nito para sa pagsisimula ng bago niyang yugto sa tinatahak niyang direksyon?

Sa isang Instagram story ay ibinahagi niya ang kanyang IG post kalakip ang link sa kanyang official Youtube channel. “Life update soon,”  sabi nito sa kanyang text.

Mapapaisip ka sa bagong post ng aktres sa account niya na may 17.6M followers. Kalakip ng ilang larawan ay tila isang tula o kaya’y mga liriko ng isang awit. Clue kaya ito na may lalabas siyang music video? O sadyang may poetic feels ang aktres ngayon? Abangan!

Sa mga komento ay may nagbigay ng kanilang saloobin at mga sapantaha. “Inarchive lang siguro,” sabi ng ilan na ang tinutukoy ay ang mga larawang hindi na visible sa IG niya.

“Read between the lines, it’s a fresh start, an intro to her new endeavor…”

“The poem talks about her current feelings. What a coincidence that she posted after the alleged “hacking” situation? 🤔 na hacked nga ba talaga or it’s a move to start with a clean slate to show her new image?”

“May this chapter of your life story thrust you into an adventure that will reward you with unforgettable memories. Fly, Hopia. With wings made out of your courage and strength.”

Mas lalo siyang pinag-uusapan ngayon dahil sa nakapagtatakang pangyayari sa IG account niya. Ang aktres ay kasalukuyang nananatili muna sa America dahil sa bagong career path na tinatahak niya.

Nauna nang napaulat na sinabi ni Liza sa kanyang dating manager na si  Ogie Diaz na nais nitong sumubok magkaroon ng career sa Hollywood.

Basahin: James Reid to manage Liza Soberano, Ogie Diaz confirms

“Siyempre hindi naman ako ‘yung tipong alam ko rin ‘yung hanggang Hollywood. Kumbaga, hanggang dito lang ang kaalaman ko bilang manager,” pagbabahagi naman ni Ogie sa isang chika vlog.

“Ipinakilala na niya sa amin ang bagong team na hahawak ng kanyang career. May bago na siyang management. Pero ako naman, ‘yung transition ay unti-unti ipinapasa na namin si Liza sa kanya at ‘yun ay walang iba kung hindi ang team ni James Reid.”

celebrity

Liza Soberano nagsalita na, ‘I’ve earned the right to finally be me’

Published

on

By

“I’m finally living my life for me…”

Matapos magulantang ng maraming followers at mga kaibigan ng 25-anyos na aktres na si Liza Soberano  sa pagkawala ng lahat ng kanyang posts sa Instagram at YouTube kamakailan, agad naman siyang nagparamdam bagama’t walang paliwanag sa pamamagitan ng bagong post na tila isang tula; “A Flower’s Dream”.

Ang mga kaganapan ay tinawag ni TV host Boy Abunda na isang hakbang patungo sa ‘rebranding’ at inilarawan naman ng dating manager ni Liza na si Ogie Diaz bilang isang career choice kung saan nais ni Liza na makilala bilang isang global actress at artist. “Anak, ang importante masaya ka,” bitaw naman dito ni Ogie.

Nitong Linggo, ika-26 ng pebrero, ay nagbahagi na si Liza ng isang video sa kanyang YouTube channel kung saan inihayag niya ang kanyang saloobin kaugnay sa kanyang pagta-transition at personal growth sa ilalim ng bagong management agency.

Aniya sa caption ng video na pinamagatan niyang ‘This is me‘: “Hey… It’s been a while. I know I’ve been distant, but please know it wasn’t my intention to make you feel abandoned. I was going through some changes and everything was coming at me so fast. I didn’t have the time to fully process what was going on and slowly found myself getting lost in the motions. But I’m ready now. So to fill you in on what’s been happening. Let’s rewind a bit.”

Ang ilalahad niya ay hindi umano isang kuwento ng “regret o bitterness”; ‘in fact, it’s the opposite’.

Kaugnay sa pagbabalik-IG post niya, “Those photos actually came from a self-produced fun photoshoot with the one and only Shaira Luna. One of my favorite layouts out of eight that we did – as we were shooting, we kind of got inspired by one of my favorites, up and coming director slash author Sarah Bahbah.”

Nilaro lamang umano nila ang konseptong ‘ jealous of a flower’ kung saan ipinahihiwatig ni Liza ang kanyang hopes, dreams at mga frustrations.

“I am 25 years old now and I think people forget that I’ve been working for 13 years now, since I was 12 years old. I’ve been in six feature films, over 500 episodes of teleseryes and have only really dabbled into three main genres – romance, comedy and drama. Since I was 16, I had only really worked side by side with one main co-star, with the same production company, rotating around the same three directors,” kuwento niya.

Basahin:  She’s back! Liza Soberano nagbabalik sa Instagram; a ‘new beginning?’

“During all those years, I was never really asked for my input, my thoughts, my ideas. I felt like I was being told to be just a flower for so long and I finally started to explore a world of being able to create and tell my story and hopefully others,” pagpapatuloy niya.

Isinalaysay din niya ang kanyang journey bilang isang ambassador at kung paano ito nagbukas ng mga opportunidad sa kanya sa larangan ng pagsusulat at pagpo-produce.

Nagbigay din siya ng update sa nakuha niyang acting part sa proyektong “Lisa Frankenstein” kasama nina Cole Sprouse at  Kathryn Newton.

Binanggit din niya ang ilang updates tungkol sa kanyang mga endorsements, kabilang na ang isang bagong commercial na ginawa nila. Mababanaag ang kanyang excitement sa pagkukuwento tungkol sa kanyang “most amazing experience ever” dahil naging bahagi siya ng mga pre-production meetings at ng storyboarding. “I was part of the writing of the script.”

“This was my first ever jab at directing. I am just so excited to see everyone’s reaction to it. It’s nothing like I’ve ever done before, that’s for sure. I am sure a lot of you guys will be shocked and will be surprised but I had the best time working on it and working with this team so I hope you guys will show it some love,” pagpapatuloy niya.

Labis din siyang nagpapasalamat sa lahat. “I am so grateful for my supporters. I am so grateful for the brands that I get to work with. I am so thankful for the places that I’ve been able to go to, the things that I’ve been able to experience and being able to take care of my family and live a comfortable life.” 

Kaugnay sa mga kritiko at mga nakapagbitaw ng hindi magagandang salita sa kanyang ginawang ‘paghahabol’ sa mga pagbabago sa kanyang career, ito ang tugon ni Liza, “I obviously know that it would be much easier to just stick to what has been working for me, to stay forever the same, and I know and I understand that it’s unfair to all the Liza Soberano fans, all the LizQuen fans. But I hope you understand that by doing so, by giving into the pressure of doing what everybody else wants for me, I am being unfair to myself, Hope Soberano.”

Marami pa siyang ibinahagi ngunit ang kabuuan, naniniwala siya na sa wakas, natagpuan na niya ang mga kasagutan kaugnay sa kanyang pagiging ‘Hope Soberano.”

“I’ve embarked on a fresh new chapter and I am finally taking control of my life, pursuing dreams that I’ve always had to hold off on. It’s exciting, it’s terrifying, it’s anxiety-filled and confusing. But what I know for sure is that for the first time, I am finally living my life for me.”

Sa loob lamang ng apat na oras ay humakot na ng mahigit 1,300 comments ng paghanga ang kanyang video.

“Love to see artist who’s after about their growth as an artist, explore their creativeness, and taking risks to see their potential. Liza, you just proved again that you’re more than just a pretty face. You’re smart, bold, and fearless.”

“After watching this it’s clearer now that she’s already on her path of maturity. I understood the desire of doing things you actually like not just for profit but for your own self fulfillment and not just go with the flow with what management dictates or the fan dictates. I salute you and wish you goodluck and hope you succeed. If not atleast you live your life the way you want and that’s all that matters. You are on a journey of finding yourself as you said its scary, it’s terrifying but it’s fulfilling. I commend your bravery for going out of your comfort zone and being honest about it. Goodluck liza!”

Panoorin ang kanyang-14-minute video kung saan ay mas mauunawaan ang kanyang mga desisyon. Happy for you, Hope!

Continue Reading

celebrity

Ogie sa dati niyang alaga na si Liza: ‘Anak, basta masaya ka dyan. Ang importante masaya ka’

Published

on

By

Matatandaan na si Ogie Diaz ang dating manager ni Liza Soberano nang una nitong tahakin ang mundo ng showbiz. Kaya naman hindi maikakaila ni Ogie na laging naroon ang kanyang pag-aalala o concern sa kanyang dating alaga na ngayon ay si James reid na ang may hawak.

11 years na hinandle ni Ogie ang showbiz career ni Liza at iginalang naman niya ang naging desisyon ng 25-anyos na aktres na nagnais sumubok sa direksyon ng Hollywood. Hindi naman niya ito hinadlangan.

Aniya, “Ang sine-save ko kasi, ‘yung friendship kasi alam mo ‘yung ang haba ng panahon na pinagsamahan n’yo e. Hindi mo dapat sayangin ‘yun…”

Nag-usbungan ang mga usap-usapan matapos magulantang ng mga netizens sa ‘pagkawala’ ng kanyang mga posts at mga larawan sa kanyang social media accounts at muli niyang pagpo-post dito. No, hindi pala na-hack. Sabi naman ni host Boy Abunda, isa lamang itoing rebranding dahil nga sa tinatahak na bagong direksyon ni Liza.

Basahin: James Reid to manage Liza Soberano, Ogie Diaz confirms

Tinawag din itong new beginnings lalo pa’t ipinahiwatig ni Liza sa kanyang balik IG post na “Dare I dream a flower’s dream?”

Maraming naguguluhan sa career path na tinutungo umano ni Liza. Nagpunta na kasi ito sa Los Angeles, sa Estados Unidos at doon na muna mananatili nang walang linaw kung hanggang kailan.

Hindi  napigilan ni Ogie na maglabas ng kanyang saloobin para sa kanyang dating alaga matapos niyang mabasa ang mga sinasabi ng netizens kaugnay kay Liza.

Basahin: Boy Abunda sa ‘pagkawala’ at ‘pagbabalik’ ng socmed accounts ni Liza Soberano, ‘It is not hacking, it is rebranding

Sa kanyang vlog ay inilabas niya ang kanyang sariling paninimbang. “Nanghihinayang ako sa career ni Liza… Siyempre nahu-hurt ako bilang former manager na nakakabasa ako ng ‘Ano nang ginagawa ni Liza sa sarili niya? Bakit nag-iiba na siya ng direksyon? Bakit noong nandoon pa siya sa ABS-CBN o kay Ogie Diaz maganda naman o maayos naman ang palakad sa kanya? Bakit nagiging fan na lang ng Kpop si Liza?’ Yung mga ganoon,” ani Ogie.

Dagdag pa niya, “Siyempre hindi ko naman alam ang isasagot ko sa mga fans dahil unang-una, hindi na ako ang manager.  Nanghihinayang lang ako kasi pinaghirapan naming lahat ito. kung nasaan siya nandoon.”

Nag-aalala rin si Ogie kaugnay sa mga endorsement projects ni Liza na naka-base sa Pinas.

“Siyempre hindi natin alam kung yung mga suki ng endorsements ng mga brands ni Liza ay uulit pa lalo na’t hindi nila nakikita locally o sa mga palabas sa TV si Liza dahil pinili na nga niyang sa US sumubok at magbaka-sakaling makilala siya,” aniya.

Pagpapatuloy ng 53-anyos, “Siyempre alam ko naman ang kabuhayan nila Liza. Alam ko naman na lahat ng meron siya ngayon ay dahil rin sa kanya, sa pag-aartista niya. Hindi naman siya bago nag-artista ay mayaman na sila… Kaya ako nanghihinayang ako bilang former manager doon sa mga nakakawalang proyekto para kay Liza… kasi hindi rin naman nagkulang ang ABS-CBN ng pitching sa kanila ni Enrique Gil… pero wala silang inaaprubahan.”

Nagbigay din siya ng mensahe para kay Liza. “Anak, basta masaya ka dyan. Importante, masaya ka.”

On the bright side, nakakuha na ng acting project si Liza at kabilang na siya sa cast ng “Lisa Frankenstein” kasama nina Cole Sprouse at  Kathryn Newton.

Sa naging panayam ng CNN kay Liza noong Agosto 2022 ay nagbahagi ito ng kanyang mga karanasan sa filming ng nasabing pelikula. Blooming at mukha namang super happy ang aktres. Ibinahagi rin nito na nais kasi niyang makiklala bilang isang global actress at artist.

“Liza Soberano is living her Hollywood dream. The Filipina actress is currently filming in the United States for her first Hollywood movie ‘ Lisa Frankenstein’…” ayon sa caption ng CNN video.

Panoorin:

Continue Reading

celebrity

Boy Abunda sa ‘pagkawala’ at ‘pagbabalik’ ng socmed accounts ni Liza Soberano, ‘It is not hacking, it is rebranding

Published

on

By

“Nawala’, ‘nagbalik na’ – ganyan inilarawan ng netizens ang pangyayari sa mga social media accounts ng 25-anyos na aktres na si Liza Soberano  nang ma-‘wipe out’ ang lahat ng kanyang contents sa photo-sharing app na Instagram at maging sa kanyang YouTube channel.

Maraming nagalit sa pag-aakalang na-hack ang accounts ng magandang dalaga at mayroon din namang nag-alala na baka may mabigat itong pinagdadaanan o kaya’y may ‘falling out’ na nagaganap sa kanila ng long-time boyfriend niyang si Enrique Gil; ang other half ng LizQuen.

Gayunman, dahil wala namang pahayag na inilalabas ang kampo ng aktres kung ano nga ba ang tunay na nangyari sa mga account nito, naisantabi ang espekulasyon na nabiktima siya ng hackers.

Ito’y matapos sumulpot ang isang IG Story at IG post sa nabakanteng account ng aktres. Na-recover na kasi? O sadyang ‘nilinis’ lang ng management team ni Liza ang account nito para sa pagsisimula ng bagong yugto sa career nito? Suspense!

May pahayag naman kaugnay dito ang King of Talk na si Boy Abunda; kasabay ng kumpirmasyon na walang nangyaring hacking incidents.

Basahin: She’s back! Liza Soberano nagbabalik sa Instagram; a ‘new beginning?’

Sa isang episode ng Fast Talk with Boy Abunda, sinabi nito na ang pangyayari ay nagpapahiwatig ng ‘new beginnings’ sa karerang tinatahak ni Liza sa ibang bansa.

Aniya, “A couple days ago, nabigla, nabigla, nagulantang ang social media universe dahil with 17.6 million followers (IG) and 1.55 million followers on YouTube, natanggal lahat ang content sa social media platforms ni Liza Soberano.”

Pagpapatuloy niya, “So there were a lot of speculations, mga hula-hula, na na-hack, basta maraming mga opinyon. I will confirm, hindi po na-hack. Hindi po na-hack ang social media accounts ni Liza.”

“Let me speak as a manager, not as a host. I would guess because I still have to discuss with people in the know. I would guess that Liza is taking on ibang direksyon po. I don’t wanna say reinvention,” paglilinaw niya. “That has to be discussed.”

“Parang bagong direksyon sa kanyang karera and what is the best way to communicate your new direction, figure public than your social media platform. So tinanggal ito lahat at babaguhin ang mukha ng social media. So this is a rebrand if we have to call it.”

Naglabas din ng sariling saloobin ang TV host kaugnay sa ginawang pagbabago sa social media accounts ni Liza kung saan buong tapang nitong binura ang lahat ng content na bumiling din ng maraming taon. Isangmabigat na desisyon nga naman ito.

“This is a rebrand but nais kong purihin kung sino man ang may kagagawan nito because it is brave and it is exciting for Liza Soberano who happens to be one of the most beautiful girls in the world…. and I know her personally, she’s smart. Parang si Quen, parang si Enrique Gil. Both are good-looking and very smart people. So it is not hacking, it is rebranding.”

Panoorin:

Continue Reading

Trending