Connect with us

celebrities

Manny Pacquiao, proud Dad sa muling pagkapanalo ni Jimuel by UD sa amateur Vegas debut

Published

on

Higit kanino man, mayroon pa bang mas magiging proud sa muling pagkapanalo ni Jimuel Pacquiao bukod sa kanyang ama?

Siyempre, ang maalamat na ama nitong si Manny ‘Pacman’ Pacquiao sa larangan ng boksing ang pinakamasaya dahil sa pagsunod ng kanilang panganay na anak ni Jinkee sa kanyang yapak bilang Pambansang kamao.

Kasunod ng pagkapanalo ni Jimuel ay ang pag-flex ng ama nito sa social media. “Congrats to our eldest son @pacquiao.emmanuel for winning his 7th amateur fight! 🥊 We are so proud of you.”

Sa kanyang Las Vegas debut, si Emmanuel ‘Jimuel’ Pacquiao Jr,  ang 21-anyos na panganay nina Manny at Jinkee ay nagawang talunin ang mas malaki niyang nakalaban na si Marco Rosales sa tatlong two-minute amateur rounds.

Pagbabahagi ng junior ni Pacman, “It was good. It was fun. It was fun. A lot of historic fights happen here.”

Nagwagi si Jimuel sa pamamagitan ng unanimous decision (UD) sa kaniyang unang laban sa Westgate sa Las Vegas nitong Linggo (Manila time). Naiuwi niya ang commemorative belt mula sa “Fights of Fury 8” charity event.

Hindi pa rito nagtatapos ang pagnanais ni Jimuel na maging mahusay na boksingero gaya ng kanyang ama na may record bilang eight-division boxing world champion.

Aniya, “I’ve been consistent, so I’m happy but I know I could’ve done way better in this one so I gotta get back in the gym.”

Gaya ng kanyang ama, si Jimuel na may bigat na 136-and-a-half pounds, ay napasabak na rin sa mas malaking kalaban gaya ni Rosales na may timbang  na 148 pounds. Nahirapan ba siya dito?

“It wasn’t really that much of a difference maker because I spar also big guys in the gym all the time, so it wasn’t that much of a difference,” pagbabahagi niya sa isang ulat ng ABS CBN.

Gumamit umano si Jimuel ng straight right laban sa kanyang southpaw opponent sa pagsisimula ng laban.

Pahayag naman ng kanyang nakatunggali, “the fight was close”.

Dagdag pa nito, “They gave him an edge on the decision. I personally thought I won but I’ll go back and watch it–see how it was I’ll go get that rematch.” 

Panoorin ang video na ibinahagi ng FIGHTSandHIGHLIGHTS via YouTube:

celebrities

#SosBolz House coming together! Solenn, Nico Bolzico ibinahagi ang kanilang dream home

Published

on

By

Sa kaniyang YouTube channel, masayang ibinahagi ni Solenn na ang kanilang dream home ay malapit nang matapos —  “#SosBolz House coming together!”

“We are building our forever house, Nico is in charge of saying Yes while I am in charge of everything else! Here is an initial update!” ayon sa kwelang caption ng kanilang video kamakailan.

Sa Instagram, nagpahayag din ng kanyan excitement ang 37-anyos na Filipina-French actress, VJ, model, TV host, singer, painter, fashion designer, at professional make-up artist.

“Finally building our dream home! 2 years in the making and a lot of learnings. Will share tips and suppliers and raw materials we discovered along the way . Cant wait to move in!” #CasaBolzico

May makwelang pahabol na ‘hinagpis’ naman dito ang kanyang asawa sa comments section. Anito, “No decision were taken by me in this house!” May 17 namang nakisimpatiya sa kanya sa pamamagitan ng laugh emojis.

Nagsimula ang video sa groundbreaking ceremony na 2021 pa ginanap at kasunod na ang land blessing. Ginamitan din nila ng tradisyon na pagbabaon ng old coins ang kanilang pagpapagawa ng bahay. Ipinakita rin nila ang kanilang regular na pagbisita sa bahay nila at siyempre, may pa-unfinished house tour na ring ginawa ang queen ng Bolzico household.

Ibinida nito ang mga espasyong nakalaan para sa garden, rooftop, mga silid, toilets, walk in closet, office ni Nico at ang hindi rin mawawala…ang kanyang studio bilang artist. Kitang-kita mo ang excitement sa kaniyang ‘house tour’ na ginawa.

Nabanggit din niya na malapit-lapit na silang lumipat kaya’t ibabahagi rin niya ang mga kaganapan sa mga susunod pang videos.

Bumuhos naman ang excitement at pagbati sa mga followers nila na nakaantabay sa kanilang journey bilang isang pamilya.

‘Wow congratualations to your growing family and another new house! <3″

“Wow!! casa Bolzico! Congrats guys ❤ lahat ng hirap sulit”

“Excited to see the finished house soon. I remember you saying a new house was coming, a bigger space and a really big yard so you won’t have to go out often esp since the family is growing. I don’t see the yard in this video though, hopefully, I’m wrong. but regardless, I’m so happy for you guys. Love!

“Congratsssss! Super ganda ng location niya kahit hindi pa tapos nung nakita ko. ❤”

So, “want to build a house? Think again!” hahaha

Continue Reading

celebrities

Panoorin: Mahusay na rendisyon ni Maegan Aguilar ng ‘Anak’ nag-trending, hinangaan

Published

on

By

Sino ba naman ang hindi nakakaalam sa iconic na awiting “Anak” ni Ka Freddie o Freddie Aguilar?

Maging sa labas ng bansa ay kinilala at sumikat ang awitin ng ngayo’y 70-anyos nang legendary singer ng Pilipinas.

Kamakailan ay muli nitong hinarana ang mga dumalo sa isang espesyal na pagtitipon. Sa video na ibinahagi niya mula kay FB user Agot Hinayan ay mapapanood ang kanyang pagtatanghal kasama ang kanyang anak na si Jeriko Aguilar. Inawit niya rito ang “Anak.”

Ang bantog na Pinoy folk musician na kilala rin sa kanyang awiting “Bayan Ko” ay pitong dekada na ang edad  ngunit patuloy pa rin itong tumitipa ng kanyang gitara at nagpapaunlak sa mga imbitasyon. Wala pa ring kupas!

Basahin: Pag-awit ni Freddie Aguilar ng ‘Anak’, humaplos sa netizens sa gitna ng ‘isyu’ nila ng anak na si Maegan

Namana ng mga anak ni Ka-Freddie ang kanyang galing at hilig sa musika at hindi nakapagtataka na may talento rin ang mga ito. Ngunit sinusubok ng buhay ang relasyon ng mag-amang Freddie at Maegan kaya’t naging kontrobersyal ang hidwaan sa pagitan ng dalawa.

At gaya ng dati, humahaplos talaga ang awit na “Anak” sa puso ng mga nakakapakinig at nakakapanood.

“Nagdaan pa ang mga araw, At ang landas mo’y naligaw. Ikaw ay nalulong sa masamang bisyo. At ang una mong nilapitan ang ‘yong inang lumuluha. At ang tanong anak ba’t ka nagkaganyan…”

Basahin: Maegan Aguilar nagpasalamat sa mga istrangherong tumulong, nagpasaring kay Raffy Tulfo

Bagama’t maraming batikos na natatanggap ang 43-anyos na si Maegan, mayroon pa rin namang mga naniniwala na makakaya pa nitong makabangon mula sa pagkakalugmok basta’t maging desidido ito. Mahusay naman kasi talaga itong magtanghal.

‘Anak’  – Maegan Aguilar style

Sa ibinahaging video ni netizen Mariz Mattila ay mapapanood ang napakagandang rendisyon ng iconic song ng kanyang ama.

Mensahe ni Mariz para sa 43-anyos na anak ng legendary singer, “Sayang ka Maegan napakagaling mong kumanta. Sana hindi ka mawalan ng pag asa.” #anak

Mayroon na itong mahigit 1.6 million views at hindi mo maitatangging taglay pa rin ng ‘prodigal daughter’ ang galing ng kanilang lahi. Ang sarap pakinggan nang paulit-ulit.

Si Ka Freddie mismo ang nagpahayag na may communication na sila ulit ng kanyang anak ngunit hindi pa rin daw ito maaaring  tumuntong sa kanyang pamamahay hangga’t hindi niya nakikita ang tunay na pagbabago nito. Nasa poder kasi ni Ka Freddie ang mga anak ni Maegan at pinangangalagaan niya ang mga bata.

Samantala, panoorin at pakinggan ang magandang rendisyon ni Maegan ng “Anak”:

Continue Reading

celebrities

Liza inaming may tampo nga kay Tito Ogie, ‘I feel like he’s trying to tarnish my name’

Published

on

By

Sa Part 2ng panayam ni TV host Boy Abunda kay Liza Soberano, aka Hope, sa  “Fast Talk with Boy Abunda” na inere nitong Marso 13, ay inamin ng ngayo’y 26-anyos na aktres na nagtatampo siya sa kanyang dating manager na si Ogie Diaz.

Naungkat din ni Tito Boy ang tungkol sa usaping komisyon at kung totoo ba na tumigil nang kumuha ng komisyon ang kanyang dating manager sa nakaraang dalawang taon. Naging emosyonal at nagsikap magpigil maiyak si Liza.

“It’s not right. That’s incorrect,” sagot nito makaraan ang ilang saglit. Dito naibigay ni Liza ang mga detalye sa usaping komisyon – kay Ogie, sa kanyang Tita Joni na nagsilbing PA niya at sa Star Magic.

Kabilang din sa mga nailahad ni Liza ang mga sumusunod kaugnay sa kanyang dating manager.:

“It actually hurts me that he’s making up those lies about me ’cause… I feel like he’s trying to make it seem like I wasn’t profitable in the past two years that we were working together. He knows the truth. He knows my pains. He knows the things that I felt were the things that were mishandled and stuff like that.

“So, it’s kinda unfair that he’s… I feel like he’s trying to tarnish my name. And he knows. Like, I don’t wanna bring this up but he still gets commissions from some of the endorsements of mine. Like, that I still fell under the time that I was under contract with him even though he has no more obligations. We told him he has no more obligations towards me in those endorsements.

“Literally last month, we gave him a paycheck for an endorsement that was renewed before our contract ended. And kahit na wala na po siyang ginagawa for them, we give him his commission because that’s what’s right. I would’ve breach my contract,” sabi pa ni Liza. Inamin din nitong makatatanggap pa nga ang huli ng panibanong komisyon sa linggong ito.

Direkta rin siyang tinanong kung may tampo ba ito sa kanyang Tito Ogie. “Meron po,” sagot ng aktres.

“Ipaliwanag mo sa akin,” sabi naman ni Tito Boy.

“Because  natapos naman po ‘yung kontrata namin nang tama, nang maayos, nang hindi po kami magkaaway. super nagkakaintindihan  po kami. Ang pagkakaintindi ko po suportado siya sa lahat ng gusto ko. Ako din naman po ganun towards him.

“Nag-usap po, nagpaliwanag po ako nang maayos. 5 months before my contract ended with him dahil nabi-bring up na po niya, like,  in passing na ‘kung magre-renew ka, nak, sa akin, ganito na lang ang komisyon na kukunin ko sa ‘yo’. I felt out of respect that I needed to let him know what my plans were. And I told him nang maayos, nilinaw ko sa kanya. “Tito Ogie, I’m grateful for you. I’m so thankful for everything that I have achieved and experienced because of you and your guidance and I will  forever hold in my heart the lessons that you’ve taught me. It will forever be a part of me.”

“By the time that our contract ends hindi na po ako magre-renew. Inexplain ko po kung bakit. We have been working together for eleven years now (after a 10-year contract) and not for anything, it’s not because I didn’t like yung pinagsamahan namin, hindi po ako naging masaya sa career ko. It’s because I want growth. I believe I can find that by working with other people, by learning things from other people as well, by taking on new experiences.”

Nilahad din niya na okay naman ang naging response ni Tito Ogie niya dito. “He was very supportive and very understanding.”

“Ngayon, nagtatampo po ako sa kaniya kasi even a few weeks ago before ko ni-release po yung vlog ko, actually noong blinackout ko ‘yung social media ko nag-message pa po siya sa akin parang sabi niya, Nak, may tumulong na ba sa’yo to get your social media accounts back? Kasi akala niya na-hack ako.”

Basahin: ‘Nahu-hurt din ako’: Hiling ni Ogie para kay Liza, sana hindi na ito magsalita para hindi siya naba-bash

“So we were okay. So I don’t understand why he is choosing to fight me. It feels like he is trying to fight me or trying to ruin me when I never said a single bad thing bad about him.”

“Because he is saying so many things that are untrue. Like, for the past two years hindi po siya kumukuha ng komisyon…that just makes me look..it makes me sound even more ungrateful to the people na hindi naman nakakaalam kung ano yung nangyayari sa loob. He is calling me ungrateful when he knows very well how grateful I was to ABS CBN na kahit wala akong kontrata sa kanila I was doing so much work for them, I was supporting them…  ”

“Why is he trying to say things to make people turn against me?”

“Regading this issue, he took things publicly without reaching out to me privately first. So I didn’t feel the need to message him privately.  And, anak pa mandin ang tawag niya sa akin…”

Tinaong din siya ni Tito Boy kung ano ang mensahe niya kay Tito Ogie, “Sana kinausap niya man lang ako. Before naman whenever we would have problems we would talk it out. Tito,  kung na-hurt siya sa mga sinabi ko, sana sinabi niya muna sa akin personally. Instead of treating me like everyone else in the industry that he talks about on his channels. Yeah, he should have talked to me kasi para namang wala kaming pinagsamahan…”

Panoorin ang buong Part 2 ng panayam ni Boy Abunda.:

Continue Reading

Trending