lifestyle
Kulang sa GMRC? Netizens may mensahe sa mga ‘pasosyal’ nga, bilasa naman ang asal dahil hindi gumagamit ng basurahan
Published
2 weeks agoon
By
Joyce
Muling napag-usapan ang tungkol sa self-discipline, good manners at right conduct matapos magbahagi ng dalawang netizen sa Facebook kaugnay sa kanilang pagkadismaya sa mga naispatang basura.
Ang tinutukoy sa ilang larawang ibinahagi ng isang nagngangalang ‘Angelo”a ay ang kawalan ng mabuting asal ng isang mamamayan na afford umano na bumili ng may kamahalang produkto.
Naispatan niya kasi ang isang basyo ng pinag-inumang kape mula sa isang kilalang coffee shop, na aniya, matapos maubos ang laman ay basta-basta na lamang inilapag sa nadaanan imbes na naghanap ng basurahan na siyang tamang tapunan ng basura.
Hinaing ng nag-upload ng mga larawan, afford ngang bumili ng mamahaling kape ang may-ari nito, subalit “bilasa” naman umano pagdating sa tamang akto ng pagtatapon ng basura.
Umani naman ito ng iba’t ibang reaksiyon at komento mula sa netizens na nakiayon sa nagbahagi nito. Kung wala umanong makitang basurahan sa paligid, maaari naman itong iuwi at saka itapon sa kanilang basurahan. Walang excuse. Usapang self-discipline kasi iyan.
“That’s why don’t go to Starbucks if you don’t know how to throw away the one you bought. Nakakahiyang ugali.”
“Itinuturo sa paaralan na kung wala kang makitang basurahan, i-uwi mo muna at doon mo itapon sa inyo, tutal naman, kalat mo naman ‘yan. Wala na talaga ng basic good manners and right conduct ng karamihan ngayon.”
Kahit nasaan ka pa, maaari mo namang isipin na ikaw ay bahagi ng komunidad na dapat nakikiisa sa kalinisan ng kapaligiran, ‘di ba? Hindi daspat ikatwiran na ‘ganoon din naman ‘yung iba.’ Sarili mo, sagot mo. Kalat mo, responsibilidad mo.
Samantala, ganito rin ang mensahe ng isa pang netizen na naaawa sa tagalinis ng tila isang condominium building sa Cavite.
Ayon sa post ni netizen Shai Ra, “Sana naman, sa nagkalat ng basura nila, itapon nyo naman sana direkta sa basurahan. Ang daming kalat nyan kanina, mga 2 garbage bag yata yun, lahat si Ate yung naglinis na dapat obligasyon nating itapon ng TAMA.
“AANHIN MO NGA NAMAN ANG KNOWLEDGE KUNG HINDI NAMAN MARUNONG NG TAMANG ASAL.” 😓🤷 #beresponsible #kindnessmatters
Bagama’t may tagalinis, hindi ito nangangahulugang okay lang ang maging salaula o balahura. Mukhang nagtatapon rin mula sa kanilang mga bintana ang ilang unit owners?
Sabi nga ng mga nagkomento, “True! Avail nila mag condo pero yung sense of cleanliness hindi.”
“Daig pa ng walang pinag aralan ang gumawa nyan parang walang isip pwede nman itapon sa tamang tapunan.”
“Meron kasi mga tao na nag-level up financially pero pang-squatter pa din ang mentality.”
Sabi nga, walang ibang magmamalasakit sa ating kapaligiran kundi tayo!
You may like
Inspiring
Pinay dumpster diver sa Finland, nakatutulong rin sa iba sa ginagawang ‘pamamasura’
Published
6 months agoon
September 23, 2022By
Nami
Kung may Inday Roning tayo sa Amerika, mayroon din palang ‘katropa’ niya sa Finland. Si Thai-Finnish Pero Pusong Pinay!
Ayon sa panayam ng GMA Public Affairs na makikita sa kanilang YouTube channel, sinasabing dalawang taon nang naninirahan sa Finland ang OFW na bisdak na si Julie Belleza.
Umaabot umano sa katumbas na halagang P100,000 kada buwan ang natitipid ni Julie sa gastusin sa bahay at nakatutulong pa siya sa iba dahil sa ginagawa niyang “pamamasura” o dumpster diving sa Finland.
Si Julie ay isang Thai-Finnish subalit siya ay lumaki sa Pilipinas kaya’t siya ay Pinay na Pinay umano sa puso, kilos at pananalita.
Aniya, hindi siya pinagbabawalan ng may-ari ng K-market sa Finland na mag-dumpster diving, o maghalungkat sa mga basurahan upang kunin ang puwede pang pakinabangan.
Ipinakita niya rin ang ginagawa niyang ‘pamamasura’ sa naturang tindahan, na kapag umalis na ang truck ay saka naman siya magsisimula sa kanyang pakay.
iba’t-ibang pagkain ang nakukuha ng Pinay sa basurahan. Halimbawa, may cauliflower, grillitassu, grapes, at maging litsong manok na mainit-init pa.
Inaabot siya ng dalawa hanggang apat na oras sa pagda-dumpster diving dahil marami-rami din ang kanyang nakukuha doon.
Kinukuha ni Julie ang mga well-sealed at packed na mga produkto, kaya naman parang namalengke na rin siya sa mga nakukuha niyang kilo-kilong karne ng baboy, baka, chicken, at groceries tulad ng toyo, patis, mga prutas at gulay.
Ligtas din ang mga nakukuha niya dahil maayos ang waste disposal sa naturang bansa at mga naka-seal pa ang mga pagkain dito.
“So ito na nakauwi na tayo after our panghaharbat of the day. So parang namalengke lang kami ni Mr. Bin,” saad niya sa isang video.
Dagdag pa niya, malaking bagay ito hindi lang sa kaniyang pamilya kundi maging sa iba pa na natutulungan nila, tulad ng mga taong nagsisimula pa lang doon. Binibigyan niya ang ilang kakilala ng mga bagay na nakukuha niya rin sa basurahan.
“Thankful ako kay Lord kasi I was given the opportunity na thru dumpster diving maraming tao, especially yung nagsisimula pa lang ng kanilang buhay rito sa Finland ang natutulungan natin,” pahayag niya.
‘Ika nga nila sa buhay, “basta’t may diskarte, walang imposible”.
Samantala, silipin natin ang ilang videos na ibinahagi niya sa YouTube channel niyang Thai-Finnish Pero Pusong Pinay.
Ayon sa kanyang back story, “I was born in Thailand to a Thai mother and Finnish father who happend to grow up in the Philippines. I am here to tell you about my own story on what it was like growing up with a stepmother in the Philippines and how I was treated. I am here using my own story to empower and inspire everyone. God bless.”
Dito ay ibinabahagi niya ang ilang videos kung paano niya ginagawa ang pamamasura sa bansang itinuturing na niyang homebase.
celebrity
#SingGaling Ronnie Liang, may pakwelang ‘behind the scenes’ nang magtapos ng Master’s Degree
Published
7 months agoon
August 31, 2022By
Nami
Ang mang-aawit at aktor na si Ronnie de Guzman Liang ay graduate na ng Master Degree sa kursong Management, Major in National Security and Administration (MMNSA) mula sa Philippine Christian University o PCU.
Bukod sa pagiging artist, si Ronnie ay model, licensed pilot, at army reservist. Siya ay nakatira sa Angeles City, Pampanga. Siya rin ay tinatawag o binabansagan ng ibang tao na ‘multi-hyphenate person, a Pop Balladeer, and an OPM Heartthrob’.
Ginanap ang commencement exercises noong Sabado, Agosto 27 sa Philippine International Convention Center (PICC).
“After more than a year of burning the midnight candle, I graduated with a Master’s Degree in Management, Major in National Security and Administration (MMNSA) from the Philippine Christian University (PCU),” ayon sa Instagram post ni Ronnie.
Ang aktor ay naniniwala na ang pagtaatamo ng edukasyon sa ating buhay ay isang “empowering tool” na magbubukas ng mga oportunidad sa isang tao.
Pinalalakas umano nito ang ating pagpapahalaga sa sarili at dignidad. “It amplifies our self-worth and dignity because it gives us a sense of pride. It also bestows us with sophisticated language that saves us from being underestimated.”
Ito rin ay parang tanglaw patungo sa ibang career path o isang foothold para maabot ang mas matataas dahil iginagalang ng mga tao ang kaalaman at ang may kaalaman.
“Being a singer is my first love, and becoming a commercial pilot has been a childhood dream. However, my master’s degree is like a stronger safety net in this life of constantly not knowing what will happen next,” sabi rin niya sa kaniyang Instagram post.
Nitong Agosto 30 ay ibinahagi niya ang isang short clip na tinawag niyang ‘Behind the Scenes”. Ang Sing Galing Jukeboss ay nagbigay ng sampol ng pag-awit habang siya ay inaayusan para sa photoshoot.
“After three years of joining the Philippine Army and experiencing the life, training, and discipline of soldiers, I was more cultivated and imbued with a sense of social purpose. I became more aware of our society’s issues because something there will make you more patriotic and compassionate to others. It was not easy because it is more of serving others rather than yourself and your self-interest, and it requires critical self-introspection,” nakasaad naman sa Instagram post ni Ronnie noong Agosoto 10.
Bumuhos naman ang pagbati sa kanya.
Ibinahagi rin niya ang isang video ng milestone na ito sa kanyang buhay.
entertainment
Beatrice Luigi Gomez nakapagtapos na sa kolehiyo, may mensahe bilang ‘Most Outstanding Graduate’
Published
8 months agoon
July 22, 2022By
Yuna
Si Miss Universe 2021 Beatrice Luigi Gomez ay nagtapos na sa Unibersidad ng San Jose-Recoletos!
Nagbigay ng talumpati ang beauty queen, na nakakuha ng mass communication degree, bilang Most Outstanding Graduate.
Sinabi niya na hinamon siya ng panahon at napahinto sa kanyang pag-aaral hindi lamang isang beses, ngunit dalawang beses.
“I took the regular program hoping that I would finish my studies along with my batchmates but God had me take a different path,” saad ni Beatrice.
“There were life lessons I had to learn first in order for me to value and earn where I am today. I was already in my last year of college when I had to leave school because of an opportunity that I had to take,” pagpapatuloy pa niya.
Ayon pa sa 27-anyos na pumasok siya sa public service at hindi nagpatuloy ng kanyang pag-aaral. Gayunpaman, nanatiling mahalaga sa kanya ang pagtatapos ng kanyang degree.
“Had I ever been discouraged? Many times. It was a constant struggle because I only had onee more year left to finish college,” aniya. “It was like my degree was so close yet so far at hand.”
Sinabi ni Beatrice na ang pandemya ay nagbigay sa kanyang ng daan upang muling mag-focus sa pag-aaral, ngunit napalaban naman siya sa Miss Universe Philippines.
“Even as I was in that competition, I had that urge of wanting my degree done. So the moment I got back from that competition, I focused on what needs to be prioritized and now I am finally here with all of you.”
Sa Instagram, ibinahagi rin ni Beatrice ang larawan niya sa campus at nagpasalamat sa USJ-R at ngayon ay matagumpay na nakapagtapos ng kolehiyo.
“This is where I learned to break barriers and empower lives. I owe most of my successes to the people who taught me the values that I needed in order to not just withstand but outstand life,” aniya.
Congratulations, Beatrice!

#SosBolz House coming together! Solenn, Nico Bolzico ibinahagi ang kanilang dream home

Panoorin: Mahusay na rendisyon ni Maegan Aguilar ng ‘Anak’ nag-trending, hinangaan

Liza inaming may tampo nga kay Tito Ogie, ‘I feel like he’s trying to tarnish my name’

Direk Lauren sa bagong direksyon ni Liza: ‘It’s her life’

Inang ibinalik ang unang suweldo ng anak, kinaantigan

Direk Lauren sa bagong direksyon ni Liza: ‘It’s her life’

Liza inaming may tampo nga kay Tito Ogie, ‘I feel like he’s trying to tarnish my name’

Liza Soberano nagsalita na, ‘I’ve earned the right to finally be me’

Vicki Belo, Hayden Kho emosyonal sa 8th birthday post para kay Scarlet
