Connect with us

Inspiring

Zoe Gabriel brand ambassador na ng Charles & Keith

Published

on

Bumuhos ang suporta para kay Zoe Gabriel, ang Pinay na na-bash noon nang ibahagi sa TikTok ang “luxury bag” na natanggap mula sa kaniyang ama. Ngayon kasi ay brand ambassador na siya ng Charles & Keith.

Kabilang si Zoe sa International Women’s Day campaign ng brand.

“Zoe Gabriel, Content Creator and CHARLES &KEITH’S Brand Community Ambassador, with the purple Alia bag. The launch of this special iteration of the Alia bag is in support of UN Women’s ‘Storytelling for Gender Equality’ programme,” sabi ng Charles & Keith sa kanilang Instagram post.

Samantala, ibinahagi rin ni Zoe sa kaniyang Instagram account ang kaniyang larawan, kabilang na ang kaniyang mensahe para sa International Women’s Day.

“Women are like flowers: our time and needs to grow may not always align, but that is okay. We are like fields of poppy and lakes of lotus – diverse and bold in our differences, beautiful in our own ways,” pahayag niya.

“This International Women’s Day, let us celebrate with compassion. Let us celebrate with equality through equity, the way flowers do.”

Matatandaang matapos mag-viral ang kaniyang video noon ay sinabi ni Zoe na bagama’t hindi “luxury” para sa iba ang bag na ibinigay ng kaniyang ama ay malaki ang pasasalamat niya dahil alam niyang galing ‘yon sa pagtatrabaho niya.

“To you, an $80 bag may not be a luxury, but for me and my family, it is a lot. And I’m so grateful that my dad was able to get me one. He worked so hard for that money. I can’t believe I got hate over a bag I was so excited to have,” sabi niya sa isang TikTok video.

Naimbitahan na rin si Zoe sa headquarters ng Charles & Keith at laking pasasalamat niya sa pagkakataong ibinigay sa kaniya.

“We had the chance to sit down with Keith and get to know their company a little better. Thank you to everybody who has shown their support!!! Without you, we would never be here,” pagpapasalamat niya.

Samantala, marami naman ang nagpaabot ng pagbati kay Zoe. “Woooww just wowww the first brand ambassador I’ve heard not because she was famous for looks or lifestyle. But a brand ambassador who got famous for spreading positivity and good manners. Turning negative critics to a life lesson for everyone,” sabi ng isang netizen.

Inspiring

Inang ibinalik ang unang suweldo ng anak, kinaantigan

Published

on

By

Napahanga ang netizens sa isang ina na tumangging tanggapin ang unang suweldo na buong ibinigay sa kaniya ng anak na nurse.

Ibinahagi ni Gabriel Angelo Dela Cruz sa TikTok ang video ng pag-abot niya ng suweldo sa kaniyang ina bilang pagpapasalamat sa mga sakripisyo nito para sa kaniya.

Masayang binilang ng ina ang suweldo ni nurse Gelo ngunit kalaunan ay ibinalik niya rin ito dahil alam niyang pinaghirapan ito ng anak.

“Unang sahod mo ‘to, tatanggapin ko ‘to pero ibabalik ko sa’yo kasi pinaghirapan mo’to. So ito, iingatan mo itong pera mo,” bilin niya sa anak.

Pinayuhan niya rin ang anak na mag-ipon at gamitin nang tama ang sinuweldo. “Dapat mag-iingat ka. Hihingi ako sayo pag kailangan ko. Gamitin mo pa ‘yan kasi 15 days ka eh,” aniya pa.

Nagpasalamat naman ang emosyonal na si nurse Gelo sa kaniyang ina. “‘Yan yung bayad ko sa’yo nung araw. Thank you, ma,” aniya.

Na-touch naman ang netizens sa heartwarming moment na iyon ng mag-ina. Ang ilan, naka-relate kay nurse Gelo dahil ganito rin ang ginawa ng kanilang mga magulang noong unang suweldo nila.

“Naalala ko mama ko, unang suweldo ko ganyan din sabi nya sakin muna sarili ko muna kasi deserve ko daw at pinaghirapan ko yun,” kuwento ng isang TikTok user.

“I remembered my nanay. Binalik din niya sakin ung inintrega kong suweldo. Sabi nya pag-aralan ko raw magbudget kaya talagang hindi niya tinanggap,” komento ng isa pa.

Ang ibang anak naman, bagama’t hindi ganito ang karanasan ay sinabing masaya silang nakatutulong sila sa kanilang magulang. “Kakainggit pero kaka blessed pa rin kahit opposite ang mga nanay natin kasi mas lalo tayong nag pupursige.”

Ang ilan naman, nangakong gagayahin nila ang mommy ni nurse Gelo kapag nagkaroon sila ng sariling anak.

“Tita, we will be like you. We never experienced that kind of treatment so pag turn na namin to be a parent, I will do what you did.”

Panoorin ang video ni nurse Gelo:

Continue Reading

Inspiring

Viral na estudyanteng naiyak sa accounting problem noon, unti-unti nang naaabot ang pangarap ngayon

Published

on

By

Naaalala mo pa ba ang estudyanteng nag-viral noon matapos umiyak dahil sa accounting problem na hindi niya masagutan?

Kamakailan lang ay nag-post siya upang ibahagi ang mahalagang milestone sa kaniyang buhay – nakapagpa-renovate na siya ng bahay at nakabili na rin ng sariling sasakyan.

Kuwento ng content creator na si Banessa Raya, nang mag-viral ang kaniyang video ay may matinding karamdaman ang kaniyang ina kaya naman ganoon na lamang ang paghahangad niyang bigyan ito ng magandang marka.

“Sobrang grade conscious ko para makakuha ng mataas na grade para mabigyan ko siya ng medal. Minsan hirap na hirap na ako kasi di naman ako matalino, masipag lang. Nakagraduate naman ako kaso nga lang hindi na naabutan ni mama since she passed away last 2019,” pagbabahagi niya.

Nang mawala ang kaniyang ina ay pinag-aral siya ng naging boss nito. Bukod dito ay ginamit din nila ang natatanggap na pension ng kaniyang ina at ang noo’y maliit pa lang na sweldo sa pagiging content creator.

“Nakagraduate ako ng college sa FEU pero at the same time nag freelance ako mag-TikTok. Nabuhay kaming tatlo ng lolo at lola ko na ginamit namin ung SSS ng mama ko plus income ko sa TikTok na maliit lang nuon. Nag-boom mga videos ko, hindi naman ako maganda. Makulit lang. siguro talagang binigay ni Lord ‘to sakin,” dagdag niya pa.

Nagkasakit din ang kaniyang lola at kalaunan ay pumanaw ito kaya naman bagama’t masaya sa mga nararating ay may kirot din siyang nararamdaman dahil wala na ang dalawa sa mga taong gusto niyang pag-alayan ng tagumpay.

“Ang medyo makirot lang ay wala na yung mga pinaglalaanan ko ng meron ako neto. Pero naisip ko they are watching from above. Yung hirap na dinanas ko bilang ulila lahat ng yun may balak pala si Lord sa akin. Basta magtiwala at maniwala ka sa Kanya,” sabi pa ni Banessa.

Ngayon ay kuntento na raw siya sa kung anong meron siya at wala na siyang ibang hiling kundi ang masayang buhay.

“Wala na akong hihilingin pa kundi maayos na buhay at masayang buhay, hindi ko na need ng sobrang laking bahay sobrang mamahaling gamit. Masaya na ako kung ano ang meron ako ngayon. Salamat Panginoon!”

Wow! Rainbow after the storm.  Truly grateful siya.

Continue Reading

business

‘Bento Cakes for everyone’: Engineering graduate nakamit ang tagumpay sa baking business

Published

on

By

Posible ba ang ‘career shift’? 

Bagama’t walang background sa pagbe-bake, alam n’yo bang may isang Engineering graduate na nagpatunay na maaari ka palang mag-shift ng focus kahit malayo ito sa iyong tinapos?

Matapos magpalit ng career, si Danica Lynne Casta, 25-anyos, ay isa na ngayong matagumpay na owner ng isang online cake business. Ang kanyang ‘Amberlyns Cake’ ay kumikita na ng six-digit income kada buwan!

“I graduated from MAPUA University, Bachelor of Science in Construction Engineering & Management and I’m now a full time baker. I’m earning six digits a month,” inilahad ni Danica sa isang feature video na ibinahagi ng ‘Philippine Star noong Steyembre 2022.

Nang makaranas ng pagsubok sa usaping pinansyal ang kanyang pamilya noong kasagsagan ng pandemya, napilitan siya isantabi ang kanyang propesyon bilang inhinyero. Naghanap siya ng online job upang makatulong sa pamilya.

“Lockdown tapos kaka-graduate ko. Hindi ko alam kung pa’no ako mag-i-start. ‘Yung naipon ko do’n sa last kong salary, pinangbili ko siya ng oven na maliit. Ginawan ko ng cake ‘yung pamangkin ko and then do’n na nag-start,” isinalaysay niya.

Bagama’t isa lamang siyang beginner, ang kanyang cake business ay mabilis na nakilala dahil sa kanyang bento cakes.

[Siyempre, rumampa rin ang kanilang Valentine’s cakes nitong nagdaang Araw ng mga Puso!]

Bento Cakes for Everyone, Anytime

Ipinagpatuloy niya ang kanyang dedikasyon sa pagkatuto at mas mapabuti pa ang kanyang kaalaman kaya naman hindi nakapagtatakang naabot niya ang mga goals niya. Mula sa mga basic designs, nakagagawa na rin siya ng iba ibang disenyo at uri ng cakes.

Mula sa isang order lamang, mahigit 1,000 orders na kada buwan ang kanyang natatanggap; lalo’t higit ngayon 2023. Marami na rin siyang empleyado na katuwang sa kanyang negosyo.

Nagpapasalamat siya sa mga media features at sa mga celebrity na nag-eendorso sa kanyang mga produkto at sa lahat ng kanyang mga customers.

Sa kabila ng kanyang tinatamasang tagumpay, hindi pa naman umano nawawaglit ang kanyang pangarap kaugnay sa kanyang pagiging engineer.

“For all na gustong mag-pursue ng dreams nila na malayo sa course nila, kung passion mo talaga ‘yung ginagawa mo, kung gusto mo talaga, push mo lang ‘yon. Mas prefer ko talaga passion, kung hindi mo love ‘yung ginagawa mo, ilulugmok mo lang ‘yung sarili mo do’n sa work mo na ‘di ka naman masaya,” mensahe niya sa iba.

Para mas lalo kang ma-inspire, panoorin ang feature mula sa Philippine Star at bisitahin ang Facebook page ng Amberlyns Cake  para sa mga nakatatakam nilang cakes.  Baka ikaw na ang susunod na oorder?

Continue Reading

Trending